You are on page 1of 37

2

FILIPINO
Unang Kwarter-Modyul 2
Nagagamit ang Magalang na Pananalita sa
Angkop na Sitwasyon

`
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 2 Nagagamit ang Magalang na
Pananalita sa Angkop na Sitwasyon
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul
na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa pagsusulat ng modyul
Manunulat : Jeselyn T. Mandihanon, Lorena Lucresia B. Obradas,
Rodora A. Sajol
Editor : Divina M. Taganas and Michelle C. Nalugon
Tagasuri : Arman O. Nale
Tagaguhit : Nick M. Popera
Tagalapat : Gelia S. Generol
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III, Regional Director
Mala Epra B. Magnaog, CLMD Chief
Dr. Neil Iprogo, Regional EPS-LRMS
Elesio M. Maribao, Regional ADM Coordinator
Dr. Emelia G. Aclan, CID Chief
Dr. Linda D. Saab, Division EPS-LRMS
Delia D. Acle, EPS - Filipino
Lucita B. King, PSDS Designate
Roy S. Estrobo, ADM Coordinator
Inilimbag sa Pilipinas ng _Sangay ng Camiguin
Department of Education – Region X
Office Address: B, Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camigiun
Website: www.depedcamiguin.com
E-mail Address: depedcamiguin@gmail.com. camiguin@deped.gov.ph
2
FILIPINO
Unang Kwarter – Modyul 2:
Nagagamit ang magalang na pananalita
sa angkop na sitwasyon ( Pagbati,
Paghingi ng pahintulot, Pagtatanong ng
lokasyon ng lugar, Pakikipag-usap sa
matanda, Pagtanggap ng paumanhin,
Pagtanggap ng tawag sa telepono,
Pagbibigay ng reaksyon o komento )
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang
Filipino – Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul para sa araling Nagagamit ang
Naunang Kaalaman sa Pag-unawa ng Napakinggang
Teksto
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo,
nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko
at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit
ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum
ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang
makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing
teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit
pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino -Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Nagagamit ang Naunang Kaalaman sa Pag-
unawa ng Napakinggang Teksto.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa
iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na
dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong


aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain
o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing


para sa mapatnubay at
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga


katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong


matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay


Gawain
sa iyong panibagong gawain
upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga
Pagwawasto
tamang sagot sa lahat ng mga
gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng


lahat ng
pinagkuhanan sa
paglikha o
paglinang ng
modyul na ito.

v
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa
paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Sa modyul na ito, matututunan mong


gumamit ng mga salitang paggalang sa lahat
ng sitwasyon( Pagbati, Paghingi ng pahintulot,
Pagtatanong ng lokasyon ng lugar, Pakikipag-
usap sa matanda, Pagtanggap ng paumanhin,
Pagtanggap ng tawag sa telepono, Pagbibigay
ng reaksyon o komento )

Subukin

1. Kung ikaw ay dadaan sa gitna ng dalawang


nakatatandang nag-uusap ano ang sasabihin
mo?
A. Padaan nga!
B. Alis kayo diyan dadaan ako.
C. Magandang umaga po, maari po bang
makiraan
D. Pwede bang huwag kayong haharang
diyan sa dadaanan ko?

1
2. Nais mong pumunta sa bahay ng kaibigan
mo ano ang dapat mong itanong upang
malaman kung saan ang bahay nila?
A. Hoy! saan ang bahay ninyo?
B. Malapit ba dito ang bahay ninyo?
C. Simentado baa ng daan papunta sa inyo?
D. Saang kalye po matatagpuan ang bahay
ninyo?

3. Kapag may nagsabi sa iyo na “sori hindi ko


sinasadya” ano ang sasabihin mo?
A. Okey lang po, hindi bale iyon.
B. Sa susunod mag ingat ka.
C. Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo.
D. Ah, sori-sori ka pa kasalanan mo naman.

4. Nasalubong mo ang isang lola at tinanong


mo kung saan ang bahay ng guro mo, ano
ang dapat mong sabihin?
A. Tanda! saan ba ang bahay ng guro ko?
B. Dito ba makikita ang bahay ng guro ko?
C. Magandang araw po lola, saan po ba ang
bahay ng guro ko?
D. Lola, alam mo ba kong saan ang bahay ng
guro ko?

2
5. Isang hapon, may tumawag sa iyo sa
cellphone mo. Paano mo siya sasagutin?
A. Sino ba ito?
B. Magandang hapon, sino po sila?
C. Tawag ka uli may ginagawa pa ako!
D. Ano ang kailangan mo bakit tumawag ka?

Aralin Ang Batang Uliran,


3
4 Laging Kinalulugdan

Sa araling ito kailangang malaman ng mga


mag-aaral kong paano sabihin ang magalang
na pananalita sa angkop na sitwasyon.

Balikan

Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang


tsek() ang pinaniniwalaang pahayag kung
tama o mali ba ang isinasaad nito.

Mga Pahayag Tama Mali


1. Pumunta ka sa bahay ng
kaibigan na may pahintulot.
2. Binati ko ng “magandang
umaga po” ang lalaking
nasalubong ko isang umaga.
3. Hindi ko pinapansin ang
batang umaway sa akin.
4. Magalang kong sinagot
ang isang babae na
tumawag sa aking cellphone.
5. Agad kong tinanong ang
isang lalaki kung saan ang
bahay ng lola ko.

4
Tala ng Guro sa mga Mag-aaral
Basahin at unawain ang bawat sitwasyon
upang masagutan ang mga pagsasanay
tungkol sa magalang na pananalita.

Tuklasin
Basahin at unawain ng mabuti ang kuwento
at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

5
Ang Masayang Pagbabakasyon
Isang umaga tumawag ang Lola ni
Sara.”Hello, magandang umaga po, sino po
sila”Ang tanong ni Sara,”Apo, ako ‘to si lola
Karya mo. Apo, inaanyayahan ko kayo na
magbabakasyon dito sa amin.” sabi ni lola.
“Saan po ba lola?” Tanong ni Sara.”Dito sa
Mahinog, Camiguin,”
Agad-agad sinabihan ni Sara ang kanyang
mga magulang. “Papa,mama sabi ni lola
magbabakasyon daw tayo sa Camiguin.” sabi ni
Sara.”Sige paghandaan natin ‘yan,” sagot ng
kanyang papa. Masayang-masaya si Sara sa
kanyang narinig. Tiyak magkakaroon ako ng
maraming kaibigan doon.”Ayon ni Sara.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
A. Ang Aking Lola Karya
B. Maraming Kaibigan si Sara
C. Ang Masayang Pagbabakasyon
D. Ang Paghahanda sa Bakasyon

2. Paano sinagot ni Sara ang tawag ni lola sa


cellphone?
A. sinigawan
B. binabaan ng cellphone
C. binaliwala niya ang tawag
D. magalang na pagsagot binaliwala niya
ang tawag

6
3. Saang lugar nagbakasyon sina Sara?
A. sa Cebu City
B. sa Cagayan de oro City
C. sa probinsya ng Camiguin
D. sa probinsiya ng Zamboanga

4. Sa iyong palagay,bakit kaya gusto ni lola


Karya na magbakasyon si Sara at ang
kanyang mga magulang?
A. aawayin ni lola sina Sara
B. hihingiin ni lola Karya ang kanilang pera
C. sabik na niyang makita ang kanyang mga
anak at apo.
D. kailangan ni lola Karya ang tulong ng
kanilang pamilya.

5. Alin dito ang may magalang na sagot ni Sara?


A. Bakit ka tumawag?
B. Mamaya na kita kausapin.
C. Magandang umaga po, sino po sila?
D. Ano ang kailangan mo, bakit ka tumawag
sa amin?

7
Suriin

Mahalaga ang paggamit ng magagalang


na pantawag sa ating mga kapamilya para
maipakita ang ating paggalang, pagrespeto, at
pagmamahal sa kanila.
Basahin ang pangungusap sa bilang 1-5. Lagyan
ng tsek ( √ ) ang patlang kung ang
pangungusap ay nagpapakita ng paggalang
at ekis ( X ) kung hindi nagpapakita ng
paggalang.
___________ 1. “Sino ba tong tumatawag sa
akin?”
___________ 2. “Magandang umaga po, Lola
Karya!”

8
___________ 3. “Nay pwede po ba akong
sasama sa kanila” ?
___________ 4. Pumunta si Rachel sa parke na
hindi nagpaalam sa kaniyang mga magulang.
___________ 5. Kusang-loob na sinamahan ni Neil
ang matandang lalaki papunta sa bahay ni
Kapitana.

Pagyamanin

Unang Ginabayang Gawain


Basahin ng mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin
ang magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon . Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Binigyan ka ng regalo sa iyong
kaarawan ng nanay mo.
A. Pinatawad na kita.
B. Magandang hapon po.
C. Maraming salamat po.
D. Ang ganda ng regalo mo.

2. Nakasalubong mo ang ate ng iyong


kaklase isang gabi.
A. Magandang gabi po ate!
B. Magandang umaga po ate!
C. Magandang tanghali po ate!
D. Bakit nandito ka ate, ano ang kailangan
mo?

9
3. Tinamaan mo ng bato ang isang bata na
hindi mo sinadya.
A. Walang anuman.
B. Pwede bang mag-ingat ka!
C. Patawad po, hindi ko sinasadya.
D. Sa susunod huwag ka ng dadaan dito!

4. Gusto mong maligo sa dagat kasama ang


iyong mga pinsan.
A. Aalis na ako!
B. Uuwi ako agad.
C. Tay, pwede po bang sumamang maligo sa
dagat kasama ang mga pinsan ko?
D. Tay aalis na kami maliligo kami sa dagat
kasama ng mga pinsan ko at uuwi
mamayang gabi.

5. Pinasalamatan ka ng isang batang pulubi


dahil binigyan mo siya ng tinapay.
A. Okey lang po.
B. Maaari po ba.
C. Walang anuman po.
D. Maraming salamat mabuti kang bata.

10
Unang Tayahin
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang
magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon . Isulat ang titik sa tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Inutusan ka ng tiya mo na bumili ng tinapay
sa tindahan isang umaga. Ano ang sasabihin
mo sa tindero?
A. “May tinapay ba kayo?”
B. “Mang Kanor bibili ako ng tinapay.”
C. “Magandang umaga po, bibili po ako ng
tinapay.”
D. Sana hindi nauubos ang tinapay ninyo at
may mabibili pa ako.

2. Naglalaro ka ng habulan kasama ang iyong


mga kaibigan sa parke, nakabangga ka ng
isang bata na hindi mo sinasadya. Ano ang
sasabihin mo?
A. “Buti nga sa iyo!”
B. “Nakaharang ka kasi!”
C. “Patawad po hindi ko po sinasadya.”
D. Bakit ka nandito hindi ka naman kasali sa
laro?

11
3. Nakasalubong mo ang batang nakabangga
sa iyo at humingi siya ng sori sa nagawa niya.
Ano ang isasagot mo sa kaniya?
A. Bahala ka na!
B. Sige na po, pinatawad na kita.
C. Wala akong pakialam sa iyo!
D. Sana tumingin ka sa iyong dinadaanan.

4. May isang matandang babae lumapit sa iyo


at nagtatanong kung saan ang daan
patungo sa palengke subalit hindi mo alam
kung saan. Ano ang sasabihin mo?
A. Naku! Hindi ko alam.
B. Magtanong ka na lang sa iba.
C. Sori po, hindi ko po alam ang daan.
D. Bakit ka pa pupunta sa palengke na hindi
mo alam ang daan.

5. May tumawag sa cellphone mo isang gabi.


Ano ang sasabihin mo?
A. Hello! sino ito?
B. Hello, bakit ka tumawag?
C. Hello, magandang gabi po.
D. Hello, disturbo ka, gabi na!

12
Ikalawang Ginabayang Gawain
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin
ang magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon. Isulat ang titik sa tamang sagot sa
sagutang papel.
1. May paligsahan sa inyong barangay sa
darating na pista, gusto mong sumali sa
larong balibol, paano mo ito sasabihin sa
iyong mga magulang?
A. Maari po ba akong sasali sa larong balibol?
B. Gusto kong sasali sa larong balibol ngayong
pista.
C. Sasali ako upang masanay sa paglalaro ng
balibol.
D. Sasali ako, hindi ko na kailangan ang
pahintulot ninyo.

2. Napulot ang pitaka ni Marie ng kanyang


kaklase at isinauli ito sa kanya, ano ang dapat
sasabihin ni Marie?
A. Walang anuman.
B. Maraming salamat po.
C. Magandang umaga po.
D. Napakabait mo talagang bata.

13
3. Pupunta si Elly sa silid-aralan at nakita niyang
nag-uusap sa daanan ang kanilang
punongguro at ang kanyang bisita, ano ang
dapat niyang sabihin?
A. Padaan nga!
B. Huwag kayong haharang-harang dito,
daanan ito!
C. Magandang araw po, pwede po ba akong
makikiraan?
D. Bakit dito kayo nag-uusap, pwede bang
lumipat kayo ng lugar?

4. Inaaanyayahan ka ng iyong kaibigan na


dumalo sa kanyang kaarawan. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Pumunta kaagad.
B. Humingi ng pahintulot.
C. Magsinungaling sa mga magulang para
makadalo.
D. Tatakas para makadalo sa salo-salo ng
kanyang kaibigan.

14
5. Nagbakasyon ang mag-anak ni Mang Robin
sa probinsiya, gusto ni Ana na sumama sa
kaniyang mga bagong kaibigan na maligo sa
ilog, hindi siya pinayagan ng kaniyang itay
dahil hindi pa niya kabisado ang lugar. Ano
ang sasabihin ni Ana sa kaniyang itay?
A. Ang sama ng ugali mo itay!
B. Okey lang po itay, sa susunod na lang po.
C. Sasama ako sa inyo kahit hindi ako
pinayagan.
D. Bahala na kayo itay sasama akong maligo
sa ilog.

Ikalawang Tayahin
Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang
wastong sagot sa loob ng kahon at isulat ang
titik sa sagutang papel.

A. Magandang umaga, Angelie. Kumusta ka na?


B. Mabuti at napadalaw kayo sa amin. Kumusta
po kayo tiyo Allan?
C. Kumusta po kayo Isabela, mayroon po akong
pagkain para sa inyo.
D. Magandang umaga po, sir. Ano po ang
maipaglilingkod ko sa pagdalaw ninyo sir?
E. Kumusta ang iyong pag-aaral? Sana masaya
ka kasama ang inyong mga kaibigan.

15
_______ 1. Dinalaw mo ang iyong kaibigan na si
Isabela na may sakit.
_______ 2. Dumalaw sa bahay ninyo ang dati
mong guro na si Ginoong Reyes.
_______ 3. Sumulat ka sa kaibigan mo. Nais mong
malaman ang nangyari sa kanya.
_______ 4. Nagkita kayo ng dati mong kamag-
aral na si Angelie sa simbahan.
_______5. Dumating buhat sa ibang bansa ang
tiyo Allan mo. Matagal na hindi mo siya nakita.

Unang Malayang Gawain


Basahing mabuti ang bawat sitwasyon .Piliin
ang magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon . Isulat ang titik sa tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Naapakan mo ang paa ng kaibigan mo. Ano
ang sasabihin mo?
A. Buti nga sa iyo!
B. Gaga ka talaga!
C. Sori po, hindi ko po sinasadya.
D. Sa susunod tumingin ka sa dadaanan mo.

16
2. Nawawala ang bag ng kaklase mo at ikaw
ang pinagbintangan na kumuha nito. Ano
ang sasabihin mo?
A. Hindi ka kasi maingat sa gamit mo!
B. Bakit ako ang pinagbintangan ninyo?
C. Mawalang galang po, hindi po ako ang
kumuha.
D. May ebindensya ba kayo na ako ang
kumuha?

3. Inutusan ka ng iyong Nanay at may ginagawa


ka pa na dapat mong tapusin. Ano ang
dapat mong sabihin?
A. Huwag mo akong utusan, may ginagawa
pa ako!
B. Ikaw na lang ang gagawa inay, kaya mo
naman yan.
C. Pwede po ba mamaya na inay pagkatapos
ko po nito?
D. Inay pwede bang mag-utos ka na lang sa
iba dahil hindi pa ako tapos.

17
4. Nagkapalit kayo ng pitaka ng kaibigan mo,
kinuha mo ang biyente pesos na akala mo sa
iyo yon, pero huli na ng malaman mo na sa
kaibigan mo pala iyon. Ano ang sasabihin
mo?
A. Kasalanan mo! Hindi ka kasi nagtatanong.
B. Huwag ng isauli ang pitaka at kunin ang
mga pera.
C. Ikaw ang unang kumuha sa pitaka kaya
nalilito ako.
D. Isauli ang pitaka at sasabihin sa kaniya na
“Sori, hindi ko sinasadya, akala ko akin yon”

5. Nasira ang computer ng iyong ate sa


kagagamit mo. Ano ang sasabihin mo?
A. Hindi ko ginalaw iyan!
B. Sori po ate, kasalanan ko.
C. Huwag mo akong pagbintangan!
D. Hindi ako ang gumagamit niyan.

18
Unang Tayahin (Assessment 1)
Piliin sa loob ng kahon ang wastong sagot sa
patlang. Isulat ang titik sa saagutang papel.

A. hello! d. pakisabi
b. maaari e. maraming salamat
c. anuman

Marie : _________! Sino po sila?


Mark : Hello! Si Mark ito. _________ko bang
makausap si Angelo?
Marie : Si Marie po ito. Wala po si kuya Angelo.
May ipagbibilin po ba kayo?
Mark :________dalhin niya ang kanyang bola
bukas, maglalaro kami ng basketbol
pagkatapos ng aming klase.
Marie : Iyon lamang po ba ang bilin ninyo?
Mark : Oo, Iyon lamang. __________,Marie.
Marie : Wala pong____________.

19
Ikalawang Malayang Gawain
Basahin ang bawat pahayag, lagyan ng
masayang mukha ( ) kung ang sitwasyon ay
nagpapakita ng magalang na pananalita,
malungkot na mukha ( ) kung hindi sa
sagutang papel.
_____ 1. Alis ka diyan!
_____ 2. Magandang araw po.
_____ 3. Hello, sino po ba sila?
_____ 4. Ang sama ng ugali mo?
_____ 5. Magandang tanghali po sir.

Ikalawang Tayahin
Basahing mabuti ang bawat sitwasyon .Piliin
ang magalang na pananalita sa angkop na
sitwasyon . Isulat ang titik sa tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Namamasyal sa plasa sina Rod at Romil
nasalubong nila ang kanilang prinsipal na
may maraming dala. Ano ang sasabihin nila?
A. Huwag pansinin.
B. Maam, saan ba kayo nanggaling bakit
marami kayong dala.
C. Maam ano ba ang dinadala mo parang ang
bigat na naman iyan.

20
D. Sabihin nilang magandang umaga po
maam, pwede po bang tulungan ka namin?

2. Kumakain ng halo-halo sina Marie at Melga,


dumating ang kanilang kaibigan na si Mira.
Ano ang sasabihin nila?
A. Pagtawanan si Mira.
B. Huwag pansinin si Mira.
C. Halika ka po Mira, kakain tayo ng halo-halo.
D. Bakit nandito ka hindi ka namin
inimbitahan?

3. Taimtim na nagdarasal si Ben sa simbahan,


nahinto siya dahil sa ingay ng tatlong bata na
naglalaro. Ano ang sasabihin niya?
A. Huwag na lang pansinin ang mga bata.
B. Hoy! huwag kayong maingay simbahan ito.
C. Mga bata pwede bang huwag kayong
maingay at magdaasal na lang tayo.
D. Naku! mga bata umalis na kayo disturbo
kayo sa mga nagdarasal dito sa simbahan.
4. Binigyan si Biboy ni Maymay ng bagong lapis.
Ano ang sasabihin niya?
A. Walang anuman.
B. Maraming salamat po.
C. Huwag na, may bagong lapis na ako.
D. Mabuti at binigyan mo ako ng bagong
lapis!

21
5. Naglalaro sina Meg at Mitoy, habang
nagtakbuhan sila nabundol ni Meg ang isang
bata. Ano ang sasabihin niya?
A. Bakit hindi ka tumabi?
B. Naku po, patawad hindi ko po sinasadya.
C. Huwag pansinin ang bata at patuloy sa
pagtatakbo.
D. Nakaharang ka kasi kaya ka nabundol, sa
susunod tumabi ka.

Isaisip

22
Isagawa

Piliin ang magalang na salita na angkop sa


sitwasyon, isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.
1. Nakabasag ka ng pinggan.
A. Bahala na kayo!
B. Wala akong pakialam.
C. Patawad po hindi ko po sinasadya.
D. Madulas kasi kaya nabitawan ko ang
pinggan.

2. Gusto mong sumali sa patimpalak ng pag-awit


sa paaralan.
A. Bahala na, basta sasali ako.
B. Sasali na ako kahit hindi alam ng nanay at
tatay.
C. Nay pwede po ba akong sasali sa
patimpalak ng pag-aawit sa paaralan?
D. Bakit kailangan pa ipaalam ng nanay at
tatay na pwede namang hindi?

3. Patawarin mo ako hindi ko sinasadyang sirain


ang bola mo.
A. Walang hiya ka!
B. Okey na, pinatawad na kita.
C. Palitan mo ng bago ang bola ko.
D. Naku! mapagalitan ako ng nanay ko nito.

23
4. Hindi mo alam ang kinaroroonan ng bahay ng
iyong guro. Nasalubong mo ang matandang
babae na pwede mong tanungin.
A. Saan ba dito ang bahay ng guro ko?
B. Ale, saan ba ang bahay ng guro ko?
C. Tulungan ninyo ako makapunta sa bahay
ng guro ko.
D. Magandang araw po, alam ninyo po ba
kung saan ang bahay ng guro ko?

5. Isang tanghali, narinig mong tumunog ang


inyong cellphone, may tumawag pala sa
nanay mo.
A. Hello! Sino ka ba?
B. Bakit ka ba tumawag?
C. Hello po, magandang tanghali po.
D. Wala si nanay dito may pinuntahan sa
palengke.

24
Tayahin (Assessment)

Iguhit ang puso ♥ kung ang isinasaad na ugali


ay dapat gawin at tatsulok ▲ kung hindi. Isulat
ang tamang sagot sa sagutang papel.
________ 1.Nakasimangot kahit nag sorry na sa
kaniya.
________ 2. Tinutulungan ko ang kaklase kong
may kapansanan.
________ 3. Sinisigawan ko ang aming
kasambahay o katulong.
________ 4. Nakipagtutulakan ako sa pagpila
kung oras ng reses.
________ 5. Naging magalang ako sa
pagtatanong kung saang banda ang paaralan.

25
Karagdagang Gawain

Basahin ang mga pahayag at iguhit ang bituin


( ) sa loob ng kahon kung ito ay nagsasaad ng
magalang na pananalita at iguhit ang buwan
( ) kung ito ay hindi nagsasaad ng magalang
na pananalita.

1. Buti nga sa iyo!

2. Pinatawad na po kita.

3. Maraming salamat po.

4. Magandang umaga po.

5. Walanghiya ka sinisigawan mo ako sa


cellphone!

26
27
Karagdagang Pagtataya Isagawa
Gawain
1. 1. C
1.
2. 2. C
2. 3. 3. B
3. 4. 4. D
4. 5. 5. C
5.
Ikalawang Ikalawang Unang Unang
Malayang Malayang
Tayahin Gawain Tayahin Gawain
1. C 1. C 1. C
1.
2. D 2. 2. C 2. A
3. E 3. 3. B 3. C
4. A 4. 4. C 4. D
5. B 5. 5. C 5. B
Ikalawang Ikalawang Unang Unang
Gabayang Ginabayang
Tayahin Gawain Tayahin gawain
1. D 1. A 1. A 1. C
2. C 2. B 2. B 2. A
3. C 3. C 3. D 3. C
4. B 4. B 4. E 4. C
5. B 5. B 5. C 5. C
Suriin Tuklasin Balikan Subukin
1. x 1. C 1. Tama 1. C
2. / 2. D 2. Tama 2. C
3. / 3. C 3. Mali 3. A
4. x 4. C 4. Tama 4. C
5. / 5. C 5. Mali 5. B
Susi sa Wastong Sagot
Sanggunian
Garcia, N.S.D., et. Al., Ang Bagong Batang Pinoy
p. 5, Rex Book Store, Inc. Unang Edisyon 2013.

28
Alang sa inyong mga pangutana o komento, sulat o tawag sa:

Department of Education – Division of Camiguin

B. Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin Province

Email Address: depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph

Cellphone no: 09057284681

You might also like