You are on page 1of 23

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Relatibong Lokasyon ng mga
Lalawigan sa Rehiyon VIII
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan sa Rehiyon VIII
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Arlene S. De Paz
Editor: Marisa G. Martillo, Ramil P. Bingco, at Rosemarie M. Guino
Tagasuri: Jennie A. Fevidal, at Rosemarie M. Guino
Tagaguhit: Jason R. Gaduena
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu Nova P. Jorge
Manuel P. Albaño Henrietta T. Managbanag
Sherlita A. Palma Felicidad T. Espinosa
Ismael T. Posion Juan B. Mitra

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region VIII
Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: 053 – 323-3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:

Relatibong Lokasyon ng mga


Lalawigan sa Rehiyon VIII
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Ikatlong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan sa
Rehiyon VIII!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay
sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na
higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 3 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Relatibong Lokasyon ng mga Lalawigan
sa Rehiyon VIII!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ano-ano ang maaaring


Paano mo natutukoy gamitin upang
ang lokasyon ng matukoy ang lokasyon
isang lugar? ng isang lugar?

Nasubukan mo na bang magtanong sa isang tao ukol sa isang gusali pero


ang naging sagot sa iyo ay ang katabi nito na mas tanyag na gusali?

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para masuri mo nang maigi ang
kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid na
karatig-pook gamit ang pangunahing direksiyon(primary direction).

Sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay:

1. Makatutukoy sa kinalalagyan ng bawat lalawigan sa rehiyon batay sa


mga kalapit na lugar;

2. Makasusuri sa kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon batay sa


mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksyon; at

3. Makapagbibigay halaga sa kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling


rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksyon.

1
Subukin

Pag-aralan ang mapa ng Rehiyon VIII. Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong
at isulat sa iyong test notebook.

1. Anong lalawigan ang nasa bahaging Timog ng mapa?


A. Biliran
B. Hilagang Samar
C. Silangang Samar
D. Timog Leyte

2. Sa anong direksyon matatagpuan ang lalawigan ng Biliran?


A. Hilaga
B. Kanluran
C. Silangan
D. Timog

2
3. Aling lalawigan ang nasa silangang bahagi ng Leyte?
A. Samar
B. Biliran
C. Hilagang Samar
D. Silangang Samar
4. Anong lalawigan ang nasa kanlurang bahagi ng Silangang
Samar?
A. Leyte
B. Samar
C. Hilagang Samar
D. Timog Leyte
5. Alin sa mga pangungusap ang TAMA?
A. Ang Leyte ay nasa bahaging hilaga ng Timog Leyte.
B. Ang Hilagang Samar ay nasa silangang direksyon ng Samar.
C. Nasa kanlurang bahagi ng Rehiyon VIII ang lalawigan ng Timog
Leyte.
D. Lahat ay tama.

Magaling at nakuha mong sagutin ang mga katanungan! Sa


nakaraang modyul, natutunan mo ang pagtukoy ng kinalalagyang ng
isang lalawigan gamit ang pangunahin at pangalawang direksiyon at
lokasyon.
Balikan mo naman ngayon ang iyong kaalaman sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba. Pag-aralan ang mapa ng Rehiyon
VIII.

3
Aralin Relatibong Lokasyon ng mga
1 Lalawigan sa Rehiyon VIII
Sa araling ito ay masusuri mo ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng
sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang mga pangunahing
direksyon.

Balikan
Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga sagisag na nasa Hanay A. Isulat sa
kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. a. ilog

2. b. ospital

3. c. bulubundukin

4. d. kagubatan

5. e. bulkan

6. f. paaralan

7. g. lawa

8. h. lambak

9. i. kabahayan

10. j. karagatan

k. bundok

4
Ang Relatibong Lokasyon
Zandra C. Cinco

Pangunahin at pangalawang direksiyon


Iyong napag-aralan sa unang mga leksiyon
Maging kahalagahan nitoý batid mong lubos
Pati kinaroroonan ng mga lugar ay malalaman ng tama’t maayos

Kapag lokasyon ng isang lugar ay gusto mong ituro


At suriing maigi katabi nitong edipisyo
Kung ito ba ay malapit sa pamilihan o paaralan
Oh di kaya sa plasa at simbahan

Kung ang mapa naman ang iyong gagamitin


Lugar at karatig-pook dito ay tutukuyin
Subalit kapag relatibong lokasyon ang pagbabasehan
Ang isang lugar na gustong makitaý malalaman

Bigyang pansin ang mapa ng rehiyon otso


Ito ay binubuo ng iba’t-ibang mga pulo
Kaya’t kung ang lokasyon nito ang pagbabatayan
Karatig na pook ay siguradong magbabago ang kinalalagyan

Ating suriin ang lokasyon ng Leyte sa isang banda


Sa hilagang kanluran, itoý ating makikita
Ngunit kung Samar naman ang ating titingnan
Sa hilagang direksiyon ito ay matatagpuan

Relatibong lokasyon ay marapat na pag-aralan


Para ito ay lalong pang maunawaan
Nang pagkalito ay siguradong maiwasan
At mga magagandang lugar ay tiyak na mapupuntahan.

Ano ang iyong natutunan sa tula? Isulat sa test notebook ang mga kaalamang
ito.

5
Suriin

Maliban sa paggamit ng mga pangunahin at pangalawang direksiyon ng


distansiya sa iba’t ibang bagay, sagisag, at pananda, ang pagtukoy ng isang
lugar ay ibinabatay rin sa kinaroroonan ng mga nasa paligid at katabing-pook
ng lokasyon ng isang lugar. Relatibong lokasyon ang tawag dito. Halimbawa,
kung gusto mong ituro ang kinaroroonan ng inyong bahay, sasabihin mo ang
mga katabi o nakapaligid dito. Katabi ba ito ng paaralan? Malapit ba ito sa
pamilihan? Malapit ba ito sa dagat?
Kung ang isa namang lugar sa mapa ang iyong ituturo, sasabihin mo ang
lugar na malapit dito. Hindi eksakto ang ibinibigay na direksiyon ng relatibong
lokasyon subalit nagagamit ito upang mahanap ang lugar na nais mong makita.
Gamitin nating halimbawa ang mapang ito.

Pagbatayan natin ang plasa na nasa gitna ng lahat ng mga gusali batay sa
larawang ito. Saan makikita ang plasa? Anong gusali ang nasa tapat nito?
Kung ikaw ang nasa gitna ng parke at nakaharap sa Brgy. Hall, anong gusali ang

6
nasa likuran mo? Paano kung ang gusaling pamahalaan ang pagbabatayan,
paano mo tutukuyin ang lokasyon ng plasa? Mula sa gusaling pamahalaan at
kung ikaw ay nakaharap sa plasa, anong gusali ang nasa gawing kanan?
Pansinin ang mapa ng Rehiyon VIII sa ibaba. Kung iba’t ibang pulo ang
pagbabatayan, mapapansin na nagbabago ang pagtukoy ng lokasyon ng mga
ito. Halimbawa, kung ang pagbabatayan ay ang Lalawigan ng Leyte, ang
lokasyon nito ay nasa hilagang-kanlurang direksiyon sa mapa. Pero kung
pagbabatayan naman ay ang Lalawigan ng Samar, ang lokasyon nito ay sa may
hilagang direksiyon ng Leyte.

Suriin at pag-aralan ang pagtukoy ng mga kinalalagyan ng mga lalawigan


sa Rehiyon VIII. Suriin ito sa tulong ng mapa.
1. Ang Leyte ay nasa Timog ng Samar.
2. Ang Biliran ay nasa Kanluran ng Samar.
3. Ang Silangang Samar ay nasa Hilagang-Silangan ng Leyte.
4. Ang Samar ay nasa Timog ng Hilagang Samar.
5. Ang Leyte ay nasa Hilaga ng Timog Leyte.

7
Pagyamanin

Gawain A
Batay sa iyong nabasang aralin, suriing mabuti ang ideya ng bawat
pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag at Mali kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang lalawigan ng Hilagang Samar ang nasa pinakahilagang bahagi ng


rehiyon.

2. Ang lalawigan ng Leyte ay nasa gawing pinakatimog ng mapa.

3. Ang probinsiya ng Samar ay nasa bandang silangang bahagi ng rehiyon.

4. Ang lalawigan ng Biliran naman ay nasa hilagang bahagi ng Leyte.

5. Ang lalawigan ng Silangang Samar ay nasa silangang bahagi ng rehiyon.

8
Gawain B
Sagutin ang word puzzle. Punan ito ng tamang salita ayon sa pahayag na
nakalarawan sa ibaba.
Pababa
2. Lalawigang nasa hilagang bahagi ng Timog Leyte
3. Lalawigang nasa kanlurang bahagi ng Silangang Samar
4. Direksyong palaging nakaturo ang North Arrow
Pahalang
1. Direksyong kinalalagyan ng Timog Leyte
5. Lalawigan na nasa kanlurang bahagi ng mapa

9
Isaisip

Ano ang tawag sa mga direksiyon o lokasyon ng isang lugar na ibinabatay


sa kinaroroonan ng mga nakapaligid at karatig-pook nito?
Punan ng tamang salita ang bawat patlang para mabuo ang ideya ng bawat
pangungusap. Gawin ito sa kuwaderno.

1. Ang ________________ ay nasa direksyong hilaga ng Rehiyon VIII.

2. Ang lalawigan ng Timog Leyte ay nasa _____________na bahagi ng


rehiyon.

3. Ang _________ ay nasa silangang direksyon ng rehiyon .

4. Ang lalawigan ng Biliran naman ay nasa __________ direksyon ng


rehiyon.

5. Ang lalawigan ng Leyte ay nasa hilaga ng ___________.

10
Isagawa

Pag-aralan ang mapa. Ibigay ang mga detalye ayon sa relatibong lokasyon ng
mga lugar. Isulat ang mga pangungusap sa sagutang papel.

Halimbawa:
Ang palaruan ay nasa kanluran sa kinalalagyan ng bata.

1. __________________________________________________.
2. __________________________________________________.
3. __________________________________________________.
4. __________________________________________________.
5. __________________________________________________.

11
Tayahin
Pag-aralan ang mapa, Sagutin ang sumusunod na tanong. Tukuyin ang mga
lalawigan batay sa nga direksyon.

1. Kung ikaw ay nasa Leyte, anong lalawigan ang nasa gawing Timog.
A. Biliran
B. Hilagang Samar
C. Silangang Samar
D. Timog Leyte

2. Si Gng. Luna ay nasa Samar. Gusto niyang magbakasyon sa Hilagang


Samar. Saang direksyon siya pupunta?
A. timog
B. hilaga
C. silangan
D. kanluran
3. Anong lalawigan ang makikita mo sa Silangan ng Rehiyon VIII?
A. Biliran
B. Hilagang Samar
C. Silangang Samar
D. Leyte

12
4. Anong lalawigan ang katabi ng Timog Leyte patungo sa hilagang direksyon?
A. Biliran
B. Hilagang Samar
C. Leyte
D. Silangang Samar

5. Si Mang Juan ay nakatira sa Palo. Papunta siya sa Lungsod ng Maasin. Saang


direksyon siya tutungo?
A. hilaga
B. kanluran
C. silangan
D. timog

Karagdagang Gawain

Gumuhit ng isang parke. Ilagay ang sumusunod ayon sa tinutukoy na


direksiyon.

1. monumento – gitna ng parke


2. mga halamang namumulaklak – gawing silangan ng monumento
3. malalaking puno – sa kanluran ng mga halaman
4. palaruan – gawing hilaga ng parke
5. lawa – gawing timog ng parke

13
14
Tayahin
1. D
2. B
3. C
4. C
5. D
Isagawa Isaisip Pagyamanin
Malayang sagot ng mga bata 1. Hilagang Samar
Gawain A
Hal. Ang palaruan ay nasa 2. Timog
kanluran ng bata. 1. Tama
3.Silangang Samar 2. Mali
3. Mali
4. Kanluran
4. Tama
5. Timog Leyte 5. Tama
Pagyamanin Subukin Balikan
Gawain B 1. D 1. G
2.B 2. D
1. Timog
3. C
2. Leyte 3.D 4. K
3. Samar
4.B
5. B
4. Hilaga
6. A
5. Biliran 5.A 7. F
8. I
9. H
10. J
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Araling Panlipunan 3 Kagamitan ng Mag-aaral

Araling Panlipunan 3 Patnubay ng Guro

Cinco, Zandra C. “Ang Relatibong Lokasyon”

Larawan ng mapa ng lalawigan ng Samar


http://www.samarisland.com/wp-content/gallery/samar-island-
maps/samar02.gif

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like