You are on page 1of 25

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang mga Simbolo sa Mapa
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang mga Simbolo sa Mapa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-
akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marisa G. Martillo


Editor: Arlene S. De Paz, Ronald B. Llaneta, Ramil P. Bingco, at Rosemarie M. Guino
Tagasuri: Maryann F. Guimoc at Rosemarie M. Guino
Tagaguhit: Jayson R. Gaduena
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag
Ryan R. Tiu Nova P. Jorge
Manuel P. Albaño Henrietta T. Managbanag
Sherlita B. Palma Felicidad T. Espinosa
Ismael T. Posion Mauricio M. Catan
Juan B. Mitra

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Regional Office No. VIII
Office Address: Government Center, Candahug, Palo Leyte
Telefax: 053 - 323 - 3156
E-mail Address: region8@deped.gov.ph
3
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang mga Simbolo sa Mapa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Aralin 1 – Ang mga Simbolo sa
Mapa.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan - 3 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Aralin 1 – Ang mga Simbolo sa Mapa.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
Pagyamanin
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga

iii
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
Isaisip
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin
Gawain ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto
lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

iv
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Isang masayang pagdating sa Ikatlong Baitang!

Noong ika’y nasa ikalawang baitang, napag-aralan mo ang tungkol sa


iyong kapaligiran. Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa
iyong lalawigan at maging mga karatig na lalawigan na kabilang sa inyong
rehiyon.
Napansin mo marahil ang ilang matatanda gaya ng iyong magulang na
nagtatanong sa mga tao kapag hindi nila kabisado ang isang lugar. Minsan
nama’y nakikita mo silang tumitingin sa mapa upang tuntunin ang isang lugar.
Maraming sagisag ang makikita sa mapa gaya ng mga napag-aralan mo noong
nasa ikalawang baitang ka pa. Mahalaga mong malaman ang mga sagisag na
ginamit sa mapa upang mapadali ang paghanap sa mga lugar na nais
mapuntahan o malaman.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Sa modyul na ito ay inaasahang maiisa-isa at mabibigyang kahulugan mo
ang mga simbolong ginagamit sa mapa at kung ano ang kahalagahan ng bawat
simbolong ito.

1
Subukin

Gawain A. Kilalanin ang mga sumusunod na simbolo ng mapa. Hanapin ang


sagot sa loob ng kahon.

simbahan kapatagan bulubundukin

karagatan ilog kagubatan

bundok ospital lambak

paaralan

1. 4.

2. 5.

3. 6.

2
Gawain B. Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Nakakita ka ng isang turistang Amerikano sa inyong bayan.


Napansin mo na mukha siyang nalilito at naliligaw. Nilapitan mo
siya at tinanong. Iyong nalaman na hindi niya maintindihan ang
mapa ng inyong bayan. Iyong naalala sa inyong leksyon sa
Araling Panlipunan na maaaring gumamit ng mga simbolo o
sagisag upang mas madaling maintindihan at mahanap ang lugar
sa mapa.
Lagyan ng sagisag ang mga sitwasyon para madali itong
maintindihan at mahanap ang mga lugar sa inyong bayan.
Tulungan mo ang turista na lagyan ng sagisag ang mga
sitwasyon ng madali niya itong maintindihan at mahanap.

1. Kung ang turista ay nais magsimba, anong sagisag ang magtuturo sa


kanya?

2. Nais naman niyang mamalengke, anong sagisag ang dapat niyang makita
sa mapa?

3. Kung sakaling sumama ang kanyang pakiramdam o siya ay masugatan,


aling sagisag ang magtuturo sa kanya ng ospital?

4. Anong sagisag ang magtuturo sa kanya ng bahay-pamahalaan ng inyong


bayan?

5. Siya ay aalis na, anong sagisag ang magpapakita ng terminal ng bus?

3
Gawain C. Ilagay sa kahon ang angkop na sagisag ng mga istruktura, katubigan at
kalupaan na makikita sa mapa.

1 2 3

4
Aralin
Ang mga Simbolo sa Mapa
1

Balikan

Panuto: Sa tulong ng compass, tukuyin kung ano ang mga lugar na makikita sa
hilaga, silangan, timog at kanluran. Isulat ito sa sagutang papel.

1. hilaga _______________
2. silangan ______________
3. timog ________________
4. kanluran ______________

5
Tuklasin

Madali lamang kilalanin o intindihin ang mga sagisag sa mapa.


Karaniwang ginagamit na sagisag ay ang mismong hugis ng nais tukuyin. Isang
halimbawa ay ang hugis ng bundok na tulad nito kung ang lugar ay
bulubundukin, nakikita ang ganitong sagisag sa mapa. Ito ay iilan sa mga sagisag
na ginagamit sa katangiang pisikal na karaniwang matatagpuan sa mapa katulad
ng sumusunod:

bulkan ilog

bulubundukin kapatagan

lambak karagatan

talon kagubatan

ospital paaralan

6
Magbugtungan tayo.
Hulaan kung anong simbolo o sagisag sa mapa ang tinutukoy ng bawat bugtong.
Isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay pinupuntahan ng mga taong may sasakyan na nais makabili ng


gasolina para makapagpatuloy ito sa pagtakbo.

a. b. G c. d.

2. Ang anak ni Aling Julia ay masama ang pakiramdam dalawang araw na


ngayon. Pinainom na niya ito ng gamot ngunit wala pa ring pagbabago.
Saan niya dapat dalhin ang kanyang anak?

a. b. c. d.

3. Nais ni Ginoong Marcos na makabili ng baboy ramo dahil ito raw ay


makagagamot sa sakit ng kanyang asawa. Makikita lamang ito sa
kagubatan. Taga saang kaibigan ang makakatulong sa kanya na mahanap
ito?

a. sa b. sa c. sa d. sa

4. Saan dapat pumasok ang mga batang gustong matutong sumulat, bumasa,
magbilang at magkaroon ng magandang kinabukasan?

a. b. c. G d.

5. Maraming mga bata ang nasisiyahang maglaro sa maluwag at patag na


anyong lupa dahil hindi dito mapanganib at dito nila maaring gawin ang
anumang larong nais nila.

a. b. c. d.

7
Suriin

Ang mapa ay isang larawan o representasyon sa papel ng isang lugar na


maaaring kabuuan o bahagi lamang nito na nagpapakita ng pisikal na
katangian, mga lungsod, mga kabisera, mga daan, at iba pa.
Ang mapa ay gumagamit ng iba’t ibang sagisag o simbolo upang
kumatawan sa mga bagay para ipahiwatig ang katangian at iba pang
impormasyon ukol sa mga lugar. Tinuturo nito ang tamang kinalalagyan ng
isang lugar o pook.
Noong araw gumawa na ang mga tao ng mga sagisaga o simbolo upang
matunton ang mga bagay o isang lugar. Sa kasalukuyan, pwede rin tayong
gumawa ng ating simbolo, bagama’t hindi ito ang aktwal na ginagamit sa
mapa na nabibili. Ang naimbentong simbolo ay pananda lamang ng mga
taong gumagamit nito.
Ang bawat simbolo o pananda ay may kahulugan. Mahalagang malaman
at maintindihan ito upang mas madaling makilala o mapuntahan ang isang
lugar.

8
Pagyamanin

Gawain A. Pag-aralan ang halimbawa ng mapa ng Rehiyon VIII at sagutin ang


mga tanong tungkol dito.

Isulat ang tamang sagot.


__________1. Ilan ang sagisag na makikita sa Hilagang Samar?
__________2. Ano-anong sagisag ang makikita sa Leyte?
__________3. Anong sagisag ang pinakamaraming makikita sa
probinsiya ng Samar?
__________4. Ano namang sagisag ang iisa lang na makikita sa
Hilagang Samar?
__________5. Sa kabuuan, ilan lahat ang sagisag na makikita at
ginamit bilang pananda sa mapa ng Rehiyon VIII?

9
Gawain B. Iguhit sa tapat na kahon ang sagisag ng mga sumusunod na salita.

kapatagan mapa simbolong


bundok paaralan ospital

1. paaralan

2. ospital

3. kapatagan

4. simbahan

5. karagatan

Isaisip

Gawain A. Punan ang patlang ng talata para mabuo ang kaisipan. Piliin ang sagot
sa kahon.

Ang ___________ ay isang larawan o representasyon sa papel ng isang


lugar. Ito ay binubuo ng mga __________ katulad ng ________,
_______, _______,at ______. Mahalagang mabigyang kahulugan
ang mga simbolong ginagamit sa mapa at kung ano ang kahalagahan ng bawat
simbolong ito para makatulong ito sa tao at ang kanyang paghanap ng lugar na
gusto niyang malaman o mapuntahan.

10
Gawain B. Punan ng sagot sa pamamagitan ng pagguhit ng mga sagisag ng
mapa sa patlang.

__________1. Dito kalimitang nagtatampisaw ang mga


bata tuwing bakasyon.

__________2. Dito nagpupunta ang mag-anak upang


manalangin.

__________3. Lugar kung saan nag-uumpisang matuto ang


mga bata.

__________4. Dito dinadala ang mga taong may sakit.

__________5. Dito matatagpuan ang mga ibon.

11
Isagawa

Mapa at Simbolo

1. Gamit ang mapa, lagyan ng kaukulang sagisag at pangalan ang


mahahalagang anyong lupa, anyong tubig, at estruktura na matatagpuan
sa lugar.

2. Maaari mong dagdagan ang mga anyong lupa o tubig at estruktura na


ipinakita sa naunang mapa. (Gumawa ng sariling-likhang sagisag kung may
nais kang ilagay na estruktura at walang magamit na sagisag para rito.
Ilagay mo rin ito sa ibaba ng mapa bilang pananda.)

12
Tayahin

I. Ipaliwanag sa pamamagitan ng pag-uugnay.


Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga sagisag na nasa Hanay A.
Isulat sa kuwaderno ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B

1. a. ilog

2. b. ospital

3. c. bulubundukin

4. d. kagubatan

5. e. bulkan

6. f. paaralan

7. g. lawa

8. h. lambak

9. i. kabahayan

10. j. karagatan

k. bundok

13
Karagdagang Gawain

Gawain A. Lagyan ng kaukulang sagisag ang mga kahon sa mapa.

Ospital ng Silangan
Visayas

14
Gawain B.
Gumuhit ng sariling simbolo o sagisag na makikita sa inyong sariling
pamayanan.

1. 4.

2. 5.

3.

15
16
Subukin Isaisip
Gawain A Karagdagang
A.
1. mapa Gawain
1. kapatagan 2. simbolo
1.
3. ospital
2. kagubatan 4. kapatagan
5. paaralan 2.
3. paaralan
6. bundok
4. karagatan 3.
Gawain B.
5. bulkan 1.
4.
6. ilog 2.
B.
3.
5.
4.
1.
5. Pagyamanin
A. 1. 4
2. 2. bulkan, ilog,
Balikan bundok, lawa,
3.
kapatagan
1. paaralan 3. kapatagan
4. 2. palengke 4. talon
3. palayan 5. 7
4. bahay
B.
5. Tuklasin
1.
1. b
C. 2.
2. c
3.
3. a
4. a 4.
5. c 5.
1.
2.
3. Tayahin
4.
1. g 6. a
5. 2. d 7. f
6. 3. c 8. i
4. k 9. h
7. 5. b 10. j
8.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. n.d. "The Multigrade Teach-Learn Package Daily


Lesson Plan Exemplars." Learning Resource Management and
Development Systems. Accessed June 2020. http://lrmds-
deped.gov.ph/dtail/26/6277.
Feria, Josephine E, Armiliza C. Magno, and Emmanuel F. Silaw. n.d. Dangal ng
Lahi: Batayang Aklat sa Sibika at Kultura 3. Philippines: Trinitas Publishing,
Inc.
Manalo, Thea Joy G. n.d. Araling Panlipunan: Kagamitan ng Mag-aaral (Waray).
Philippines: Book Media Press, Inc.

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like