You are on page 1of 27

3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Impluwensiya ng Klima at Lokasyon
sa Pagbuo at Paghubog ng
Pamumuhay sa Isang Lugar
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at
Paghubog ng Pamumuhay sa Isang Lugar
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lorevie N. Argallon
Editor: Adelma D. Cudera, Kimberly E. Dueñas, Pamela L. Edisane
Tagasuri: Rheex G. Castor, Arcel W. Gacasan, Alemer O. Veloso
Tagaguhit: Jules Bernard G. Guinita
Tagalapat: Alicia I. Ayuste -Division ADM Coordinator
Leonora Liza D. Dacillo – Araling Panlipunan Supervisor
Christopher P. Felipe – Learning Resource Supervisor
Patrick John P. Peresores- Project D. DacilloDevelopment Officer II
(Learning Resource Section)
Alpha Amor G. Manglicmot – Librarian II
Tagapamahala: Evelyn R. Fetalvero Nelson C. Lopez
Janette G. Veloso Cheerylyn A. Cometa
Analiza C. Almazan Christopher P. Felipe
Danilo R. Dohinog Liza Leonora
Ma. Cielo D. Estrada Alicia I. Alistre

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI
Office Address: F. Torres St., Davao City
Telefax: (082) 291-1665; (082) 221-6147
E-mail Address: region11@deped.gov.ph * lrms.regionxi@deped.gov.ph
3

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Impluwensiya ng Klima at Lokasyon
sa Pagbuo at Paghubog ng
Pamumuhay sa Isang Lugar
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
(Impluwensiya ng Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng
Pamumuhay sa Isang Lugar)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang


kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na
ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang

ii
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa (Impluwensiya ng
Klima at Lokasyon sa Pagbuo at Paghubog ng Pamumuhay sa Isang
Lugar)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman


mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito
ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay
o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay
ang kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang
bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga
gawaing para sa
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso
kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng
gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na
naglalayong matasa o
masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may
Gawain
ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga
tamang sagot sa lahat ng
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng


modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang

v
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa
iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga


gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang
hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na
mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Masayang pagdating sa Kwarter 3 ng Modyul 2 sa Araling


Panlipunan!
Sa araling ito, tatalakayin ang kaugnayan ng pisikal na
kapaligiran ng lugar sa uri ng pamumuhay ng mga tao rito. Saan
matatagpuan ang iyong lalawigan? Ano-ano ang mga produkto
dito?
Kung natatandaan mo ang pisikal na katangian ng iyong
lalawigan, maiisip mong may kaugnayan ito sa iyong kaugalian.

Sa araling ito, inaasahang:


1. naipapaliwanag ang kaugnayan ng heograpiya sa pagbuo at
paghubog ng uri ng pamumuhay ng mga lalawigan at rehiyon;
2. natutukoy ang mga halimbawa ng epekto ng lokasyon at
klima sa uri ng pamumuhay ng kinabibilangang
lalawigan at rehiyon; at
3. nailalarawan kung paano umangat ang rehiyon dahil sa
lokasyon at klima sa sariling lalawigan at rehiyon.

1
Subukin

Basahin ang pangungusap at isulat ang titik ng wastong


sagot sa sagutang papel.

1. Ang lupain ng ___________ ay mainam taniman ng niyog at ang


mga baybaying-dagat nito ay sagana sa isda.
A. Davao del Sur C. Davao del Norte
B. Davao Oriental D. Davao Occidental

2. Alin sa mga produkto ang sagana sa Davao Oriental na


iniluluwas sa ibang rehiyon at karatig-bansa ng Pilipinas?
A. mga isda C. mga niyog
B. mga hayop D. mga abaka

3. Saan kadalasang nagtatrabaho ang mga taong nakatira sa


mga lungsod?
A. sa sakahan C. sa palaisdaan
B. sa minahan D. sa opisina o pabrika

4. Alin dito ang di-metal na yamang mineral na namimina


sa Davao de Oro at ginagamit sa paggawa ng bahay
at gusali?
A. ginto C. hikaw at pulseras
B. marmol at ginto D. marmol, semento, at apog

5. Anong probinsiya ng Davao Region ang nangunguna sa


plantasyon ng saging at pinatatakbo ng malalaking
kompanya?
A. Davao del Sur C. Davao del Norte
B. Davao Oriental D. Davao Occidental

2
Aralin
Impluwensiya ng Klima at
Lokasyon sa Pagbuo at
1 Paghubog ng Pamumuhay sa
Isang Lugar
Saan matatagpuan ang inyong lalawigan? Ano ang mga
produktong tanyag sa inyong lalawigan?
Paano nakaiimpluwensiya ang lokasyon at klima sa uri ng
pamumuhay ng sariling lalawigan o rehiyon?

Balikan

Sa nakaraang aralin ay napag-aralan natin na ang kultura


ay kabuoan ng lahat ng paraan o sistema ng pamumuhay. Ito ay
may dalawang aspekto: ang materyal at di-materyal na kultura.
Kilalanin at tukuyin kung saang aspekto ng kultura sila
nabibilang. Sabihin kung ito ay materyal o di-materyal na kultura.
1. kaugalian
2. paniniwala at pananampalataya
3. pamahalaan
4. kasuotan
5. pagkain

3
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay may sumusunod na gawain na
iyong masusubukan upang malalaman kung ano ang higit
pang pangangailangan, at mapagyaman ang
kakayahan ng mag-aaral. Isa rin itong inspirasyon upang
maisakatuparan ang hangarin na mabigyan nang sapat
at wastong kaalaman ang mga mag-aaral.

Tuklasin

Basahin at pag-aralan mo.


Anong uri ng panahon mayroon sa iyong lalawigan?

Davao Region
HK HS

TK TS

Legend:
K-Kanluran/West
S-Silangan/East

T-Timog/South
H-Hilaga/Timog

4
Makikita sa mapa ang lokasyon ng Rehiyong XI o Davao
Region. Tulad ng ibang rehiyon, ito ay binubuo ng malalawak na
kapatagan, mga burol, at kabundukan. Sagana din ito sa mga
yamang tubig, mga ilog, talon, at mga baybaying dagat. Nasa
silangan ng rehiyon ang karagatang Pasipiko. Sa kanluran,
naroroon ang Bundok Apo, ang pinakamataas na bundok sa
Pilipinas. Ang mga lalawigan ng Davao Region ay may bahaging
mabundok, kapatagan, lambak at bulkan. May mahabang
baybaying dagatat dumadaloy din dito ang Ilog Agusan. Ang
katangiang heyograpikal na ito ay nakakaimpluwensiya sa uri ng
pamumuhay ng mga mamamayan.
May pagkakaiba ang mga trabaho sa mga lugar na urban
gaya ng Davao City at iba pang mga lungsod sa rehiyon.
Maraming naglalakihang negosyo na nakapagbibigay ng
trabaho tulad ng pagiging sales person, call center agent, utility
worker, o office staff sa mga opisina, kumpanya, at pabrika.
Dahil sa biyaya ng kalikasan at yaman ng lupain sa rehiyon
maganda ang paglago ng negosyo sa Davao Region na
nakapagbibigay ng maraming kabuhayan para sa mga tao kaya
bansag sa rehiyon ay “Land of Promise”.

Nakaiimpluwensiya ang klima sa mga produktong ginagawa


sa lugar, uri ng pananim, pagkaing iniluluto, pananamit, estruktura
ng bahay, at pagpili ng trabaho.

5
Ang trabaho ng karamihan sa kanayunan ay may
kinalaman sa agrikultura at pangingisda. Makikita din sa rehiyon
ang mga punong-tanggapang pampamahalaan at pribado pati
na ang mga pamantasan.
Maraming mga pabrika ang gumagawa ng mga
produktong pagkain gamit ang sariling agrikultural na produkto
katulad ng mga niyog, durian, saging at iba pa.

Davao del Sur


Ang Davao del Sur ay matatagpuan sa Davao Region. Ang
kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Digos City. Ang
lalawigan ay hangganan ng Davao City sa hilaga, Davao
Occidental sa timog at Cotabato, Sultan Kudarat, South
Cotabato at Sarangani sa kanluran. Sa silangan ay matatagpuan
ang Golpo ng Davao.
Ang lugar ay
nagsimulang umunlad
sa paglago ng ekonomiya
hatid ng mga negosyo
sa agrikultura sa
rehiyon. Ang mga
lalawigan nito ay binubuo
ng mga baybayin at mga
isla, kapatagan at lambak,
mga burol at bundok,
kabilang ang pinakamataas
na bundok ng Pilipinas Photo Credits: Lorevie N. Argallon
ang Bundok Apo.

6
Ang panahon ay karaniwang mainit-init. Ang pag-ulan ay pantay
na ipinamamahagi sa buong taon. Ang ang niyog ay ang
pangunahing komersiyal na ani sa lalawigan ng Davao del Sur.
Ang bigas at mais nito ay higit pa sa sapat para sa populasyon
nito. Ang iba pang mga pananim na pinagkikitaan ay ang mga
saging, cacao, ramie, kape, prutas, abaka, tubo, mga sari-saring
gulay, at palay dahil mahaba ang panahon ng tag-araw rito.
Ang Davao City ay isa sa mga pangunahing lungsod ng
lalawigan na sentro ng komersiyal ng Timog Mindanao.
Ang pangingisda ang karamihang hanapbuhay ng mga
taong nakatira malapit sa dagat. May mga fishcages ng isdang
bangus na pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga tao.
Gumagamit ang mga mangingisda ng bangkang de-motor
upang mabilis na makarating sa laot kung saan maraming
isdang nahuhuli.
Makikita sa lalawigan ang malaking bahagi ng kapatagan
na tinaniman ng mga saging, tubo at mangga bukod pa sa mga
sariwang gulay na galing sa bulubunduking bahagi ng Digos City.
Ang mga magagandang tanawin ng kapatagan sa Digos
City ay madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa kanyang
malamig na klima at masaganang ani ng mga gulay.

Photo Credits: Lorevie N. Argallon

7
Davao del Norte
Suriin natin ang lokasyon at klima ng probinsiya Davao del
Norte. Tagum City ang kabisera nito. Ang mga pangungahing
produktong agrikultural ay saging, niyog, abaka, ramie, kape at
palay.
Pangingisda ang
isa sa mga ikinabubuhay
ng mga nakatira rito.
Kapag tag-ulan humihina
ang pangingisda.
Ngunit, napaghahandaan
ng mga mangingisda ang
ganitong panahon. Kung
hindi sila mangingisda,
sila’y nagtatanim o
naghahanap ng iba pang
Photo Credits: Lorevie N. Argallon
mapagkakakitaan.

Tanyag sa mga
magagandang tanawin ang
Island Garden City of Samal
kaya dinarayo ito ng mga
turista. Maraming mga resort,
malilinis na tubig dagat at
mapuputing buhangin na
nakaaakit sa mga dayuhan
na nagbibigay hanapbuhay
sa mga tao dito.
Photo Credits: Lorevie N. Argallon

Davao Oriental
Sagana sa isda ang mga baybaying-dagat ng Davao
Oriental. Ang labis namang isda ay iniluluwas, hindi lamang sa
ibang rehiyon kundi maging sa mga karatig-bansa ng Pilipinas.

8
Kung panahon ng tag-ulan at bagyo ay humihina ang kita
ng mga mangingisda sa Davao Oriental. Mapanganib ang dagat
dahil sa malalaking alon at malakas na hangin.
Ang lalawigang ito ay binansagan na Coconut Capital of
the Philippines.
Naaangkop naman ang lupain ng Davao Oriental sa
pagtatanim ng niyog. Ang kabisera ng Davao Oriental ay ang
Mati City. Dinarayo din ito ng mga turista at mga wind surfer dahil
sa malalaking alon at malalakas na hangin.
Ang talon ng Aliwagwag Eco Park at Mt. Haguimitan ay ang
santuaryo ng mga hayop.

Davao de Oro

Ang munisipyo ng Nabunturan ang kabisera ng Davao de


Oro.Nanggaling dito ang karamihan sa mga produktong
namimina na ginagamit ang ginto sa paggawa ng alahas tulad
ng hikaw, singsing, pulseras at kuwentas. May mga deposito ring
mineral na di-metal tulad ng marmol, semento, at apog na
ginagamit ang mga ito sa paggawa ng bahay, gusali, at iba
pang gawaing komersiyal at industriyal.
Marami ring pumupunta sa
Maragusan, Davao de Oro dahil
sa tanyag ang lugar na ito bilang
isang Summer Capital sa Davao
Region. Dito makikita ang
kamangha-manghang mga
tanawin at mga pasyalan tulad
ng talon ng Tagbibinta at iba
pang mga cold and hot springs. Photo Credits: Lorevie N. Argallon

Davao Occidental
Ang pangunahing industriya sa Davao Occidental ay ang
aquaculture at agrikultura. Kabilang sa mga gawaing pang-

9
ekonomiya sa lalawigan ang mga pangingisda, pagtatanim ng
saging at mga niyog na kung saan ay nakapagluluwas sila sa
ilang mga pangunahing lungsod sa loob ng Timog Mindanao,
kabilang ang Davao City.
Ang kabisera nito ay ang munisipalidad ng Malita. Dito
makikita ang isang malaking kompanya ng enerhiya gamit ang
mineral na coal. Dinadala ang mininang coal sa Coal-Fired Power
Plants na gumagamit ng karbon bilang panggatong. Isang uri ng
power plant na gumagamit ng pagkasunog ng karbon upang
makabuo ng kuryente. Ang paggamit ng karbon ay nagbibigay
kuryente sa mga dating wala nito, na tumutulong upang
madagdagan ang kalidad ng buhay at mabawasan ang
kahirapan sa mga rehiyon.
Ang Davao Occidental ay maburol, halos buong lalawigan
ay binubuo ng mga bundok. Ang silangang baybayin ay binubuo
ng mga bangin na may mga burol sa bandang likuran.
Ang isla ng Sarangani Balut Island sa katimugang bahagi ng
Davao Occidental ay dinarayo rin ng mga turista dahil sa
magandang tanawin nito. Malaki ang naitulong ng turismo sa
pamumuhay ng mga tao rito.

Suriin

Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng pagpili ng


tamang sagot sa kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

niyog Maragusan Davao de Oro

Beach ng Davao Oriental


Lupang Pangako opisina at kumpanya

1. Ano ang karaniwang pananim na pinagkakikitaan sa


Davao del Sur?

10
2. Ang mga tao dito ay nagsusuot ng makapal na damit
dahil malamig at tanyag ang lugar na ito bilang isang
Summer Capital sa Davao Region.
3. Ang lugar na ito ay dinarayo din ng mga turista at mga
wind surfer dahil sa malalaking alon at malalakas
na hangin.
4. Dahil sa maganda ang paglago ng negosyo sa Davao
Region, tinatawag itong ________________.
5. Saan malimit nagtatrabaho ang mga tao ng urban na
lugar gaya ng Davao City?

Pagyamanin

Gawain A
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit ang
kung tama at kung mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

______1. Isa sa mga halimbawa ng impluwensiya ng klima sa mga


tao ay ang mga produktong nagmumula sa iba’t ibang
lalawigan.

______2. Ang karaniwang pinagkakikitaan sa Davao del Sur ay


ang pagmimina ng ginto.

______3. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng


mga tao sa isang lugar.

______4. Ang tirahan, kasuotan, at gawain ng tao ay


nakaiimpluwensiya sa pamumuhay.

______5. Ang karamihang trabaho sa mga rural na lugar ay may


kinalaman sa agrikultura at palaisdaan.

11
Gawain B
Pag-ugnayin ang dalawang kaisipan sa aspektong kultural
at pisikal. Isulat ang sagot sa papel.

Kultura Klima ng Komunidad


1. Ang mga tao sa a. dahil mainit ang lugar na
Davao de Oro ay kadalasan kinaroroonan nito.
nagsusuot ng mga makakapal
na damit.

2. Iilan sa mga bahay sa Davao b. dahil mas mahaba ang


Oriental at Davao de Oro tag- init kaysa sa tag-ulan.
ay mabababa

3. Maninipis at maluluwag na c. dahil higit na mainam ang


mga kasuotan ang gamit ng klima nito para sa mga
mga taga-Davao del Sur pananim.

4. Niyog at palayan ang mga d. dahil malamig ang lugar


pangunahing pananim sa at nasa itaas ng bundok
Davao del Sur ito.

5. Pagsasaka ang ikinabubuhay e. dahil dinadaraanan ang


ng ilang mga taga- lugar ng iba’t ibang
Davao de Oro bagyo.

12
Isaisip

Ang lokasyon at klima ng isang lugar ay nakaiimpluwensiya


sa paghubog sa uri ng pamumuhay. Ang mga kasuotan,
produkto at pananim, hanapbuhay at mga gawain ay may
kaugnayan sa lokasyon at klima sa kanilang lalawigan.
Ang Rehiyong Davao ay binubuo ng malalawak na
kapatagan, mga burol, at kabundukan. Ito ay may katubigan sa
gilid ng mga kalupaan. Nasa bandang timog-silangan ng Pilipinas
ang Karagatang Pasipiko. Sa gawing kanluran, naroroon ang
Bundok Apo, ang pinakamataas na kabundokan sa Pilipinas. Ang
mga lalawigan ng Davao Region ay may bahaging mabundok,
kapatagan, lambak at bulkan.

13
Isagawa

Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.
A B
1. Ito ay isang kumpanya na
makikita sa munisipalidad ng
Malita upang makabuo ng a. agrikultura
kuryente para sa rehiyon.
2. Ito ay kabisera ng Davao
Occidental. b. Island Garden City of
Samal

3. Ang pangunahing industriya


sa Davao Occidental ay ang c. Maragusan, Davao de Oro
aquaculture at ________.

4. Ito ay isang isla na tanyag


sa mga magagandang
tawawin ng Davao del
d. Coal Power Plant
Norte kaya dinarayo ito ng
mga turista dahil sa
maraming mga resort,
malilinis na tubig dagat
at mapuputing buhangin.

5. Maraming pumupunta dito


dahil sa tanyag ang lugar na
ito bilang isang Summer e. Malita
Capital sa Davo Region.

14
Tayahin
Basahin ang mga pangungusap at isulat ang titik ng
wastong sagot sa sagutang papel.
1. Sa pamayanang urban, alin dito ang karaniwang
hanapbuhay ng mga tao?
A. pabrika
B. pagsasaka
C. pangingisda
D. paglililok ng kahoy

2. Alin dito ang karaniwang hanapbuhay ng mga tao sa


tabing-dagat?
A. pagsasaka
B. pagmimina
C. pagbibenta
D. pangingisda

3. Alin dito ang nakaiimpluwensiya sa paghubog ng uri ng


pamumuhay sa isang lugar?
A. lokasyon at klima
B. piyesta ng lalawigan
C. mga tao sa lalawigan
D. pamumuhay sa lugar

4. Ano ang karamihang produkto na makikita sa


Davao de Oro?
A. pabrika
B. pagsasaka
C. paglililok ng kahoy
D. pagmimina ng ginto

5. Alin dito ang hindi trabaho ng mga taong nakatira sa lungsod?


A. pabrika
B. opisina
C. opisina, kumpanya
D. pagsasaka, pagpapastol

15
Karagdagang Gawain

Gumupit ng limang larawan sa rehiyon na nais mong


puntahan.

16
17
Isagawa Pagyamanin Subukin
1. D Gawain A 1.B
2. E 2.A
3. A 1. 3.D
4. B 4.D
5. C 5.C
2.
Tayahin Suriin
1.A 1. niyog
2.D 3. 2.Maragusan
3.A Davao de Oro
4.D
4. 3. Baybayin ng
5.D
davao Oriental
5. 4. Lupang
Pangako
Gawain B
1. D
5. opisina at
2. E
kumpanya
3. A
4. B
5. C
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Revised Araling Panlipunan 3 2019 (Unpublished)

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like