You are on page 1of 13

Pinagmulan ng mga

Lalawigan sa
Kinabibilangang
Rehiyon
1. Balik – aral
Pagtapatin ang mga lalawigan sa Hanay A sa mga salitang
pinagmulan nito.
Hanay A Hanay B
1.Batangas a. Jose Rizal
2.Cavite b.Lago
3.Laguna c. kawit
4. Rizal d.Batangan
Lalawigan kung saan matatagpuan ang Bundok
Banahaw?
Lalawigan ng Quezon
Ang Quezon ay nasa Rehiyon ng
CALABARZON sa Luzon. Ang "Quezon" ay
hango sa pangalan ng Pangulong Manuel L.
Quezon, ang ikalawang pangulo ng Republika
ng Filipinas. Lungsod Lucena ang kabisera nito.
Ang Lungsod Quezon ay hindi matatagpuan sa
Quezon at hindi dapat maipagkamali
sa lalawigan ng Quezon. Ang Lungsod ng
Quezon ay matatagpuan sa Kalakhang
Maynila, na nasa gawing kanluran ng Rehiyon
ng CALABARZON, habang ang Quezon ay nasa silangang
bahagi ng CALABARZON. Ang Bundok Banahaw ang
pangunahing atraksiyon ng Quezon. Sinasabing ang
kabundukang ito ay napapalibutan ng espiritu at hiwaga.
Maraming mga kulto at deboto ang pumupunta at nananatili
sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na Araw.
Ang Bundok Banahaw ang pangunahing atraksiyon
ng Quezon. Sinasabing ang kabundukang ito ay
napapalibutan ng espiritu at hiwaga. Maraming mga
kulto at deboto ang pumupunta at nananatili
sa banal na lugar na ito tuwing sasapit ang Mahal na
Araw.
Ang Quezon ay nasa gawing timog silangan ng
Kalakhang Maynila at
napaliligiran ng Aurora sa hilaga, Bulakan,
Rizal, at Laguna; Batangas
sa kanluran; at Camarines sa silangan. Ang
Quezon ay nakahimlay sa
tangway na naghihiwalay sa Bikol Peninsula na
pangunahing bahagi
ng Luzon
Ang Quezon ay nahahati sa 39 munisipalidad at
dalawang lungsod.
Kabilang sa mga munisipalidad ng Quezon ang
Agdangan, Alabat,
Atimonan, Buenavista, Burdeos, Calauag,
Candelaria, Catanauan,
Dolores, General Luna, General Nakar,
Guinayangan, Gumaca,
Infanta
Pagtalakay:
Ano ang lalawigan na nabanggit sa babasahin?
Ano ang mga lalawigang nakapaligid dito?
Batay sa babasahin, saan nagmula ang pangalan
ng lalawigan?
Isulat ang Tama kung ang isinasaad ng pangungusap ay wasto
Mali kung hindi.
1.Ang "Quezon" ay hango sa pangalan ng Pangulong Manuel L.
Quezon, ang ikalawang pangulo ng Republika ng Filipinas.
2. Ang Bundok Banahaw ang pangunahing atraksiyon ng Quezon
3. Ang Quezon ay nasa gawing timog silangan ng Batangas.
4. Ang Quezon ay nahahati sa 39 munisipalidad at dalawang
lungsod.
5. Ang Quezon ay nasa Rehiyon III sa Luzon.
Tandaan:
Ang Quezon ay nasa Rehiyon ng
CALABARZON sa Luzon. Ang
"Quezon" ay hango sa pangalan ng Pangulong
Manuel L. Quezon,
ang ikalawang pangulo ng Republika ng
Filipinas. Lungsod Lucena
ang kabisera nito.
Kung ikaw ay mamayan ng Quezon,paano mo
sasabihin sa iyong kaibigan ang pinagmulan ng
iyong lalawigan?Isulat ito sa anyong talata na
binubuo ng 5 pangungusap
Takda
Alamin ang mgapagbabago at
nagpapatuloy sa sariling lalawigan at
kinabibilangang rehiyon.

You might also like