You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 3


Ikalawang Markahan
Ikatlong Linggo Unang Araw

Petsa:Nobyembre 21,2022
Araw: Lunes
Oras: 9:10 – 9:45

I. Layunin:
A.Pamantayang Pangnilalaman
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
B.Pamantayang Pagganap:
Nababasa ang usapan, tula, talata, kuwento nang may tamang bilis, diin, tono,
antala at ekspresyon
C.Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita, pagbubuo ng mga bagong
salita mula sa salitang-ugat , at paghanap ng maiikling salita sa loob ng isang
mahabang salita. F3PT-Ij-2.3, F3PT-IIh-2.3
F3PT-IIId-h-2.1, F3PT-IIId-h-2.1 , F3PT-IVaf-2.2
D.Layuning Pangkasanayan
1. Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga bagong salita
mula sa salitang ugat.
2.Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga bagong salita mula sa salitang ugat.
3. Nakapagpapakita ng kawilihan sa klase sa pamamagitan ng pakikiisa sa
talakayan.
II.Paksa:Pagbuo ng mga Salita Mula sa Salitang - Ugat

Sanggunian: MELC p.206


PIVOT 4A Learners Module pahina 20 - 24
CG: Filipino 3 pahina 49
Filipino Learners Material pahina 33 - 34
Kagamitan: PPT,TV,chart

Integrasyon:Pagiging malikhain

III.Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1.Balik – aral

Tukuyin kung ang pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat.


1.malinis – marumi
2.maamo – mabait
3.masaya – maligaya
4.mabaho – mabango
5.maganda – kaakit akit

2. Pangganyak

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
A.Pagbasa ng kuwento at Pagtalakay sa Kuwento
Ang Plano ni Bitoy
Marami nang nakasabit na parol at makukulay na ilaw sa bintana. Naririnig na rin ang
mga awiting pamasko. May plano si Bitoy at ang kaniyang mga kaibigan. Kumuha si Lino ng
basyong lata ng gatas. Binutasan niya ito sa magkabilang dulo. Tinakpan ang butas gamit
ang plastic na inunat at ipinirmi ng goma. Si Mario naman ay kumuha ng maraming tansan.
Gamit ang malaking bato, pinipi niya ito. Binutasan niya sa gitna ang mga napiping tansan.
Isinuot niya ang binilog na alambre sa mga tansan.
2. Pagtalakay
A.Pagtalakay sa Binasa
Ano ang pamagat ng kuwento?
Paano inilarawan sa kuwento ang paligid?
Ano ang plano ni Bitoy?
Paano siya naghanda para sa kaniyang plano?
B.Pagtalakay sa Aralin
Binutasan
Kumuha
Iniunat
Ang mga salita ay binubuo ng salitang ugat at panlapi.
C.Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Bilugan ang salitang ugat sa mga sumusunod na salita.
1.uminom
2.gupitin
3.kumuha
4.napagod
5.nagbasa
2. Paglalahat
Makabubuo ng bagong salita sa pamamagitan ng pagdaragdag ng panlapi sa
salitang ugat.
IV. Pagtataya
Bumuo ng bagong salita gamit ang mga sumusunod na salitang ugat.
1. Iyak
2. Sulat
3. Basa
4. Talon
5. Likha
V.Takda:
Bumuo ng mga bagong salita gamit ang mga sumusunod a salitang ugat.Gamitin sa
pangungusap.

1.linis
2.tanim
3.walis
4.dilig
5.bunot

Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.______
C. Karagdagang gawain

You might also like