You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO 11
S.Y. 2020-2021
(WEEK 5)
MID TERM
TIME ALLOTED: 2 HRS

I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika sa
lipunang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong kultural
o lingguwistiko ng napiling komunidad.
C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto
A. Nailalahad ang kasalukuyang sitwaasyon ng wikang Filipino at maging ang mga wika
sa Pilipinas.
B. Natatalakay ang iba’t ibang salik na nakaaapekto sa kalagayan at pag-unlad ng
wikang pambansa.
C. Natutukoy at naipaliliwanag ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon

II. Paksang Aralin


Aralin 5 : Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas

III. Kagamitang Panturo


1. Sanggunian
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, Pahina 74-83
2. Iba pang Kagamitang Panturo
Laptop, Powerpoint Presentation at Textbook

IV. Proseso ng Pagkatuto

A. Pagbati sa klase
Maging handa na sa talakayan
Upang malaman
Ang dapat tandaan
Tungo sa bagong kaalaman!

B. Pagdarasal

Bago tayo magsimula, gabay sa panginoon ay kailangan. Tatawag ang guro ng isang
mag-aaral na siyang mangunguna sa panalangin

C. Pagsasaayos ng klase

Sa pagkakataong ito, ibibigay ko muna ang dapat tandaan.Magkakaroon muna ng tsek


at tatawagin itong “SITWASYON Tsek”.

D. Pagtatala ng liban

Ating alamin kung sino ang nawawala. (Ang guro ay tatawag ng ilang mag-aaral upang
sabihin kung sino ang liban ngayong araw)

E. Pagganyak
Isulat sa loob ng nakatalagang bahagi ng pizza ang mga salitang kadalasang gingamit
sa iba’t ibang domain o sitwasyon.
(Radyo, Pahayagan, Telebisyon, Telekomunikasyon, Internet)

F. Aktibiti

Sagutin ang sumusunod na tanong kaugnay ng gawain:


1. Ilarawan sa loob ng dalawa hanggang tatlong pangungusap ang paggamit ng wika sa
ibat ibang domain o sitwasyon:
a. Telekomunikasyon
b. Internet
c. Pahayagan
d. Telebisyon
e. Radyo
2. Sa iyong palagay, ano ang dahilan ng ganitong paggamit ng wika sa mga nabanggit
na domain o sitwasyon?
3. Ano/Ano-ano kaya ang epekto nito sa pag-unlad n gating wikang pambansa?

G. Talakayan

Bago tayo tuluyang magtungo ang mga mag-aaral sa paksang aaralin,


kinakailangang unawain ang mga malalalim na salitang nakahain.Ihanay sa Hanay B
ang tamang pagpapakahulugan sa bawat salita sa Hanay A.

HANAY A HANAY B
1. Wika A. Ugnayan sa iba’t ibang bansa
2. Tabloid B. Pahayagan na nasa wikang tagalog
3. Broadsheet C. Pahayagan na nasa wikang Ingles
4. Globalisasyon D. Pagbabagong pagbubukod
5. Internalisasyon E. Lenggwahe
Matapos ang talasalitaan, ang guro ay may inihandang presentasyon na
kinakailangang makinig at unawain ng mga mag aaral ang pagtatalakay ng guro.

D. Abstraksiyon

Punan ang patlang upang mabuo ang pahayag. Gawing batayan ng kasagutan
ang pagkaunawa at sariling opinion sa nabasang aralin sa Gaod-Kaisipan. Pahina 86-87

IV. Ebalwasiyon
PAG-UNAWA AT REPLEKSIYON SA PAHAYAG. Basahin at unawain ang sumusunod na sipi
mula sa iba’t ibang nailathang pahayag/patakaran kaugnay ang sitwasyon ng wikang Fiipino sa
kasalukuyan. Pumili ng isa at alamin ang usaping tinutugunan nito. Sumulat ng repleksiyong papel
tungkol sa napili. Ang gagawing sanaysay ay dapat hindi bababa sa 500 salita.

V. Takdang Aralin
Kumapanayam ng isang scriptwriter ng pelikula o nagsusulat ng dula. Alamin kung paano niya
ginagamit ang wikang Filipino sa kanyang pagsusulat at ang dahilan niya sa paggamit nito. Tanungin
din kung ano ang mga nakikita niyang oportunidad at hamon sa pagsusulat gamit ang wikang Filipino.

Inihanda ni
_________________________________
Bb. Maybelyn de los Reyes
Guro
Iniwasto ni:
_______________________________
G. Lucio B. Guzman Jr,
Punong guro

You might also like