You are on page 1of 6

SEMESTRAL NA PAGSUSULIT (SEMESTRAL EXAMINATION)

KOMUNIKASYON AT PAPANALIKSIK SA WIKA T KULTURANG PILIPINO


GRADE 11
I. Multiple choice
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin
at isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng may tamang sagot.
1. Alin sa mga ito ang tinatawag na pinakamakahulugang yunit ng isang
salita.
A. Ponema C. Pangungusap
B. Morpema D. Diskurso
2. Ano ang tinatawag sa makahulugang tunog ng isang wika?
A. Ponolohiya C. Sintaksis
B. Morpolohiya D. Balarila
3. Alin sa mga pangungusap na ito ang nagpapakita ng kahulugan ng
isang wika ayon kay Gleason.
A. Pinipili C. Pinipili o isinasaayos
B. Isinasaayos D. Pinipili at isinasaayos
4. Alin sa mga ito ang nagbibigay kahulugan na may katangian at
kakayahan sa paggamit ng wika.
A. Masistema C. Arbitraryo
B. Balangkas D. Nagbabago
5. Alin sa mga ito ang nagpapahiwatig na ang wika ay kailangan natin
gamitin sa ating pang araw-araw na buhay, upang magamit ito ikaw ay
kinakailangan na?
A. Manaliksik C. Gamitin o gumamit
B. Sumulat D. Ituro
6. Ano ang tawag sa katangian ng wika kung ginagamit ito sa lipunan?
A. Panitikan C. Lahi
B. Kultura D. Edukasyon
7. Ano ang tawag sa pag-aaral ng isang ponema?
A. Ponema C. Ponolohiya
B. Morpolohiya D. Morpema
8. Ano ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng isang morpema?
A. Morpema C. Ponolohiya
B. Ponema D. Morpolohiya
9. Ano ang tawag sa wika kapag ang mga salita ay nagbabago o di kaya
naman nadaragdagan?
A. Nakabaty sa kultura C. Masistemang balangkas
B. Sinsalitang tunog D. Nagbabago o dinamiko
10. Alin sa mga pangungusap na ito ang kahulugan ng isang wika kapag
ito ay ginagamitan ng bukabularyo.
A. Ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong salita
B. Ang mga lumang salita ay napapalitan ng bagong kahulugan
C. Ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong kahulugan
D. Ang mga lumang salita ay nagkakaroon ng bagong paraan ng
pagbigkas.
11. Sino ang ama ng wikang pambansa at siya rin ang nagtagubilin sa
Asamblea Nasyunal ng paglikha ng isang SWP.
A. Fidel V. Ramos C. Lope K. Santos
B. Corazon C. Aquino D. Manuel L. Quezon
12. Ano ang kahulugan ng SWP?
A. Sambayanan ng Wikang Pambansa
B. Sanggunian ng Wikang Pambansa
C. Samahan ng Wikang Pambansa
D. Surian ng Wikang Pambansa
13. Ano ang mga opisyal na wika ng Pilipinas noong 1940?
A. Ingles, Kastila at Wikang Pambansa
B. Ingles, Kastila at Nihonggo
C. Ingles, Kastila at Tagalog
D. Ingles, Tagalog at Iloco
14. Ano ang kasalukuyang wikang opisyal ng Pilipinas?
A. Ingles at Pilipino C. Filipino at Tagalog
B. Ingles at Filipino D. Ingles, Kastila at Filipino
15. Anong uri ng wika ang may hangarin nito na maging pantay ang
katatasan at kahusayan sa paggamit ng dalawang wika?
A. Wikang Opisyal C. Wikang Banyaga
B. Wikang Pambansa D. Bilinggwalismo
16. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng kahulugan ng Linggwistikong
Komunidad.
A. Tumutukoy sa Klasipikasyon ng isang Komunidad
B. Gumagamit ito ng isa o higit pang wika
C. Ito ay bukas sap ag-aaral ng higit pang wika
D. Wala sa nabanggit
17. Anong bansa ang itinuturing na pinaka Homogeneous na Komunidad?
A. Japan C. Japan at North Korea
B. North Korea D. Africa
18. Anong bansa ang itinuturing na pinaka Heterogenoeus na Komunidad?
A. Africa C. Japan
B. Vinezuela D. Canada
19. Sino ang nagsulat ng Explorations and the functions of Language?
A. Henry Gleason C. M.A.K Halliday
B. Virgilio S. Almario D. John F. Kenedy
20. Ano ang tawag sa wikang ginagamit upang maisakatuparan ang nais
na mangyari ng isang tao?
A. Regulatori C. Interaksiyunal
B. Representasyon D. Instrumental
21. Ano ang tawag sa tungkulin ng wika kung ginagamit ito upang kontrolin
o magbigay-gabay sa kilos o asal ng isang tao?
A. Instrumental C. Regulatori
B. Representasyon D. Personal
22. Ano ang tawag sa Tungkulin ng wika kung ito’y ginagamit ng isang tao
sa pagbabahagi ng impormasyon?
A. Representasyon C. Heuristiko
B. Personal D. Imahinatibo
23. Ano ang tungkulin ng isang Wika Kung ginagamit ito ng tao sa
pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa?
A. Interaksiyunal C. Heuristiko
B. Personal D. Imahinatibo
24. Ano ang tungkulin ng Wika Kung ginagamit ito ng tao sa
pagpapahayag ng sariling personalidad?
A. Imahinatibo C. Personal
B. Heuristiko D. Interaksiyunal
25. Ano ang tungkulin ng Wika Kung ito ay ginagamit sa paghahanap o
paghingi ng impormasyon?
A. Imahinatibo C. Personal
B. Heuristiko D. Interaksyunal
26. Ipinapahayag ni Albert ang kanyang saloobin kay Telma gamit ang
kanyang teleponong selular at pag send ng SMS. Sa anong
sitwasyong pangwika nabibilang ang pamamaraan ni Albert sa
pagpapahayag ng kanyang saloobin?
A. Text C. Social Media at Internet
B. Edukasyon D. Pamahalaan

27. Ang kompanyang Kodek ay nakikipag-negosasyon sa kompanya ng Liro tungkol sa mga


produkto nito na pwedeng bilhin ng kanilang kompanya. Anong Sitwasyong Pangwika
ang kanilang ginagamit?

A. Pakikipag-negosasyon C. Pamahalaan
B. Kalakalan D. Edukasyon
28. Paano maipapahayag ang sitwasyong pangwika na Pamahalaan?

A. Pakikipag-dayalogo sa mga opisyal ng barangay.


B. Paggawa ng isang panayam sa facebook
C. Pagsusuri ng mga grado sa paaralan
D. kausapin ang Pangulo ng Pilipinas gamit ang facebook
29. Ano ang isang mahalagang gamit ng Social Media sa panahon ngayon ng Pandemic?

A. Nagahahatid ito ng mga balitang pang local at internasyonal


B. Nagagamit ito sa pagkalap ng mga impormasyong nais ipabatid ng ating Gobyerno
C. Nagbibigay libangan para sa mga kabataang hindi makalabas ng kanilang tahanan
D. Lahat ng nabanggit
30. Nabansagan ang Pilipinas bilang texting capital ng mundo. Nangangahulugan ito na
marami tayong pinapadalang text messages na tinatayang nasa isang bilyong text kada
araw. Ano kaya ang pinapahiwatig ng pahayag na ito?

A. Nakasanayan na ng mga Pilipino na magpadala ng kanilang mensahe sa SMS o


simple messaging services at text gamit ang cellphone sapagkat kasama na ito sa
kanilang kultura.
B. Marami paring mga Pilipino ang hindi marunong gumamit ng social media sa
pagpapadala ng kanilang mensahe o kawalan ng internet service sa kanilang
selyulang telepono.
C. Dahil marami parin ang mga taong nasa malalayong panig ng Pilipinas na hindi
gaanong makagamit ng magandang signal sa paghatid ng mensahe.
D. wala sa nabanggit
31. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagiging responsible sa paggamit ng wika?
A. Maging mapanuri sa gagamiting salita sa social media
B. Magbabasa ng mga Disksyunaryong Filipino upang mapaunlad pa ang paggamit ng
bokabularyong Pilipino.
C. Paggamit ng wika nang may tamang pagbabaybay
D. Huwag nang gayahin ang mga tao kahit ang teknolohiyang may kakayahang
gumamit ng mga balbal na wika.
32. Ano ang tumpak na magandang resulta ng pagkakaroon ng mga bagong wika?
A. Nakadaragdag ito ng kaalaman at kaisipang pang wika sa bawat tao.
B. Napapadali ang paggamit ng wika.
C. Napapabilis nito ang pag pasa ng mensahe sa kausap .
D. Wala sa nabanggit.
33. VIRUS, sa anong register ng barayti ng wika o larangan nakabilang ang salita?
A. Pang-Medikal
B. Pang-Information Technology
C. A at B
D. Pang Kapaligiran
34. KAPITAL, sa anong register ng barayti ng wika o larangan nakabilang ang salita?
A. Pang-negosyo C. Pang-home Economics
B. Pang-information Technology D. Wala sa nabanggit
35. BITUIN, sa anong register ng barayti ng wika o larangan nakabilang ang salita?
A. Siyensiya C. Pang-teknikal
B. Showbis o pelikula D. A at B
36. bahagi ng sanaysay na tumutukoy sa introduksyon ng iyong gagawing teksto
A. Kakintalan C. Gitna
B. Simula D. Wakas
37. Bahagi ng sanaysay na tumatalakay sa pinaka nilalaman ng iyong sanaysay.
A. Gitna C. Kakintalan
B. Wakas D. Simula
38. Bahagi ng sanaysay kung saan narito na ang pinaka resulta ng iyong ginawang
sanaysay o maging sa pag-aaral nito.
A. Simula C. Gitna
B. Wakas D. Kakintalan
39. Naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang pag-gamit ng wika sa TEXT sa pamamagitan
ng pagpapaikli at pagkakaltas ng titik sa bawat salita. Ano ang maaring dahilan sa
paglaganap nito?
A. Dahil sa hangad ng mga Pilipino na mapaganda pa ang pagkakabigkas at
pagkakasulat nito sa wika.
B. Dahil sa kadahilanang nais ng mga Pilipino na mapadali ang pagpasa ng mensahe
sa bawat text nito sa kanilang kausap.
C. Dahil Nakita nilang maganda naman ang resulta nito.
D. Dahil mas nagiging makahulugan ang salita kapag nagkakaltas ng titik sa bawat
salita.
40. Sino ang may akda ng “The Metamorphosis of the Filipino as a National Language”
A. Rublica 1998 C. Dew 1997
B. Rubin 1998 D. Lope K. Santos

II. Piliin ang titik ng tamang sagot:

Panuto: Alamin kung anong Kohesyong Gramatikal ang ginamit sa bawat pangungusap.
Piliin lamang ang tamang sagot sa kahon.

_________41. Mabalahibo ang mga pusa, kaya ayaw kong mag-alaga nito. Kaya mas
mabuti pang mag-alaga ng aso dahil hindi naman kumakalat ang balahibo nito.

_________42. Si Unggoy at si Matsing.

_________43. Umiyak si Karding nang makita niya ang kanyang ina na papaalis. Tumahan
lamang ang bata ng yakapin siya ng kanyan tiya Susing.

_________44. Ang Heneral Luna ay isang palabas na sumikat lamang noong 2015. Ito ay
tumatalakay sa paglaban sa mga mananakop bunga ng pagmamahal sa lupang sinilangan.

_________45. (1) Nagpasiya si Isabel na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas
mahalaga umano ang responsibilidad nila sa digmaan kaysa sa sarili nilang kaligayahan
para sa isa’t-isa.
(2) Nagpasiya si Isabel na wakasan na ang ugnayan nilang dalawa dahil mas
mahalaga umano ang responsibilidad nila sa digmaan.
III. Talasalitaan

Panuto: Piliin ang tamang kahulugan ng nakasalungguhit na salita sa pangungusap.

Magaling bihasa Pulido ipinagdiriwang inaalala

pagsabi ng may malakas na tinig paligoy-ligoy pagyamanin paunlarin

_________46. Hangad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na mas pag-aralan natin ang
ating wikang Pambansa upang maging matatas sa paggamit ng wikang ito ang
mamamayang Pilipino.

_________47. Ginugunita ang Buwan ng Wika tuwing Agosto.

_________48. Ang pagbasa ng mga Akdang Pampanitikan ay pagbulalas sa puso na


minamahal natin ang ating kultura.

_________49. Hangad din ng Komisyon na payabungin ang Wikang Pambansa na Filipino


sa pamamagitan ng panghihiram ng mga salita sa katutubong wika.

_________50. Isa sa layon ng Kohesyong Gramatikal ay maiwasan ang mga mapalabok at


pag-uulit ng mga salita maging ng Pangngalan.

You might also like