You are on page 1of 3

Pangalan: Grade and Section:

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Score:

1. Ano ang malaking nagagawa ng mass media sa lipunan?


A. Kaya nitong impluwensyahan ang isipan ng mga mamamayan.
B. Naaalis nito ang agam-agam sa isipan ng mga mamamayan.
C. Serbisyong totoo ang ibinibigay nito sa mga mamamayan.
D. Nasisira nito ang pagtitiwala ng tao sa kapuwa.
2. Kadalasang saan nakabatay ang opinyon ng mamamayan ukol sa mga isyung mainit na pinag-uusapan ng bayan?
A. mass media B. pag-aaral C. sulatin D. pananaliksik
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang MALI?
A. Ang mga pangkaraniwang tao ang madalas na naaabot ng mass media.
B. Ibinabatay din ang wika at konsepto ng mga patalastas batay sa kung sino ang target audience.
C. Layunin ng mass media na gamitin ang wikang Filipino upang ito ay payabungin.
D. Kapuwa ginagamit ang pormal at impormal na wika sa mass media.
4. Alin sa sumusunod ang hindi nagsasaad ng gamit ng wika sa Internet at social media?
A. Nakapag-aabot ng utos C. Nagtuturo ng mga bagong bagay
B. Naipakikilala ang sarili D. Nakapagdodokumento ng mga alaala
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo tungkol sa rehistro ng wika?
A. Ang rehistro ng wika ay barayti ng wika
B. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa isang larangan
C. Nakatutulong ito upang magkaugnayan ang dalawang indibidwal mula sa magkaibang lugar o pangkat ng lipunan ngunit magkasama
sa isang larangan
D. Pangunahing dahilan ito ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkaibang larangan
6. Ano ang linguistic convergence?
A. Ang pag-aaral ng bagong wika
B. Ang pagtuklas sa unang wika ng lugar na nilipatan
C. Ang sadyang pagbabago ng wika para maging katulad ng marami
D. Ang sadyang pagbabago ng wika para maging iba sa marami
7. Ano ang linguistic divergence?
A. Ang pag-aaral ng bagong wika
B. Ang pagtuklas sa unang wika ng lugar na nilipatan
C. Ang sadyang pagbabago ng wika para maging iba sa marami
D. Ang sadyang pagbabago ng wika para maging katulad ng marami
8. Wikang Filipino ang lingua franca ng mass media. Gayunpaman, rehiyunal na wika ang ginagamit ng mass media sa mg istasyon ng radyo
at telebisyon sa mga lalawigan at iba pang rehiyon. Ano ang dahilan nito?
A. Ang dayalekto ng rehiyon ay wika rin ng mass media. C. Binubuo ng maraming dayalekto ang buong Pilipinas
B. Ang alitan sa wika ay nagpapatuloy pa rin sa bansa. D. Habang tumatagal ay lumalala ang isyung regionalism.
9. Suriin ang sitwasyon. Tukuyin ang pananaw tungkol sa rehistro ng wika na maiuugnay o ipinaliliwanag nito.
Hindi naintindihan ng pasyente ang paliwanag ng doktor tungkol sa kaniyang sakit dahil hindi niya alam ang marami sa mga
salitang sinabi nito.
A. Ang rehistro ng wika ay bunga ng linguistic convergence
B. Ang rehistro ng wika ay bunga ng linguistic divergence
C. Ang rehistro ng wika ay mga salita o pahayag sa tanging larangan
D. Ang rehistro ng wika ay nagbubuklod sa larangan bilang isang pangkat ng lipunan
10. Ano ang dalawang salitang pinaghanguan ng sosyolingguwistiks?
A. Sikolohiya at lingguwistiks C. Sosyolohiya at lingguwistiks
B. Siyensiya at lingguwistiks D. Sikoanalohiya at lingguwistiks
11. Sino ang lumikha ng ethnography of speaking?
A. Henry Gleason B. Giles Howard C. Noam Chomsky D. Dell Hymes
12. Anong sitwasyon ang maaari mong pagkuhanan ng mapapakinabangang impormasyon tungkol sa naganap na kalamidad sa inyong
lugar?
A. Huntahan ng mga lalaki sa tindahan.
B. Opinyon ng isang empleyado ng pribadong opisina tungkol kalamidad.
C. Pinakabagong balita sa telebisyon, radyo, at diyaryo ukol sa kaganapan.
D. Panawagan ng punong lungsod na tumulong sa relief operations.
13. Ano ang maaaring maging kahulugan ng salitang state batay sa larangang nakatala. Larangan: Politika
A. bansa B. palengke C. pamahalaan D. politico
14. Tukuyin kung ano ang angkop na salita para sa salitang nakadiin sa pangungusap. Drug pusher, niyari ng pulis!
A. binuo B. inayos C. hinuli D. pinatay
15. Tukuyin kung ano ang angkop na salita para sa salitang nakadiin sa pangungusap. Mister dinale ni misis!
A. nabunggo B. napatay C. nasuntok D. natamaan
16. Suriin ang sitwasyon. Tukuyin ang pananaw tungkol sa rehistro ng wika na maiuugnay o ipinaliliwanag nito.
Hindi naging problema para sa mga scientists na mula sa iba’t ibang bansa ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa dahil pare-pareho
sila ng wikang ginagamit.
A. Ang rehistro ng wika ay bunga ng linguistic convergence
B. Ang rehistro ng wika ay bunga ng linguistic divergence
C. Ang rehistro ng wika ay nagbubuklod sa larangan bilang isang larangan
D. Ang rehistro ng wika ay ang mga salita o pahayag na tangi sa larangan
17. Suriin ang sitwasyon. Tukuyin ang pananaw tungkol sa rehistro ng wika na maiuugnay o ipinaliliwanag nito.
Binuo ang mga radio code upang hindi maintindihan ng ibang tao ang usapan ng mga guwardiya. Sa ganitong paraan, mas
masisiguro nila ang kaligtasan ng lugar o taong kanilang binabantayan.
A. Ang rehistro ng wika ay bunga ng linguistic convergence
B. Ang rehistro ng wika ay bunga ng linguistic divergence
C. Ang rehistro ng wika ay ang mga salita o pahayag na tangi sa kanilang larangan
D. Ang rehistro ng wika ay nagbubuklod sa larangan bilang isang pangkat ng lipunan
18. Suriin ang sumusunod na diskurso at piliin ang HINDI angkop na pagpapakahulugan dito.
Nakapaskil sa bintana ng isang tindahan ang mga katagang: “Walang utang ngayon, bukas puwede.”
A. Hindi maaaring umutang sa anumang araw ang ibig ipabatid ng paskil.
B. Mayaman ang may-ari ng establisyementong ito.
C. Nagsasawa na ang may-ari ng establisyemento sa pangungulit ng mga nangungutang.
D. Tagalog ang wika ng komunidad kung nasaan ang establisyemento.
19. Paano nakatutulong ang pagsasakonteksto ng usapan ng dalawang tao o grupo?
A. Mas lalawak ang pang-unawa ng tao sa sitwasyon ng ibang tao.
B. Mas mapahahaba nito ang pagpapakahulugan sa ibig sabihin ng tao.
C. Mas magiging magkaibigan ang dalawang tao.
D. Mas tatagal ang diskusyong magiging daan upang magkaroon ng iba’t ibang opinyon.
20. Ito ay ang simbolong kumakatawan sa kahulugan.
A. Linguistic competence B. Communicative competence C. Signifier D. Signified
21. Ito ay ang pagpapakahulugang itinutumbas sa simbolong natanggap
A. Teksto B. Konteksto C. Signifier D. Signified
22. Ito ay tumutukoy sa pagpapalit ng pantig o salita upang makabuo ng bagong salita.
A. Assimilation syllables C. Pagkakaltas ng ponema
B. Pagkakaltas ng pantig D. Transposition syllables
23. Sa pag-aaral ni Baudrillard, ang salita ay maaaring magkaroon ng bagong kahulugan batay sa paggamit ng tao sa salita at kultural na
aspekto. Dalawa sa mga sumusunod ang halimbawa nito.
I. seen zoned - hindi pagpansin ng kaibigan sa mga mensaheng ipinapadala sa social networking
II. hi-tech - paggamit ng makabagong teknolohiya
III. miskol- mula sa salitang missed call
IV. zombie mode - sobrang puyat
A. I at II B. I at IV C. II at III D. III at IV
24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI totoo tungkol sa diskurso?
A. Nakabatay ito sa literal na kahulugan ng teksto.
B. Hindi ito maaaring bigyan ng kahulugan na labas sa konteksto nito.
C. Nagbubunsod ito ng iba’t ibang lebel ng pagpapakahulugan.
D. Nangangailangan ito ng pagtingin maging sa pinakamaliliit na detalye ng teksto.
25. Alin ang HINDI tamang paraan ng pagsusuri sa diskurso?
A. Malapitang pagtingin sa teksto
B. Pagbibigay ng kahulugan na higit pa sa literal na sinasabi ng teksto
C. Pagbibigay ng kahulugang labas sa konteksto
D. Pagsasaalang-alang sa konteksto upang mabigyan ng kahulugan ang teksto
26. Alin sa mga sumusunod ang may transposition syllables?
A. anyare B. memes C. longkatus D. selfie
27. Tukuyin kung aling hakbang ng pananaliksik ang ipinapakita ng sitwasyon.
Sinusubukang ilista ng mananaliksik ang mga tiyak na gawaing kailangan niyang isagawa matapos niyang mailahad ang mga
pangkalahatang layunin ng pananaliksik.
A. Pag-i-edit at pagrerebisa ng papel C. Pagsulat ng konseptuwal o teoretikal na balangkas
B. Pangangalap ng datos D. Pagtakda ng layunin, gamit, at metodo ng pananaliksik
28. Ang _____ ay naglalaman ng pagsusuri ng impormasyon ng maaaring sa paraang patalata, patabular o pagrapikal?
A. pag-i-edit at pagrerebisa ng pananaliksik C. pangangalap ng datos.
B. pagsulat ng konseptuwal o teoritikal na balangkas D. presentasyon ng datos
29. Alin sa mga sumusunod na ahensya ang hindi kabilang sa mga nagtataguyod ng salita ng taon?
A. Blas F. Ople Foundation C. Komisyon sa Wikang Filipino
B. Filipinas Institute of Translation D. National Commission for Culture and Arts
30. Bakit Filipino ang ginamit na lingua franca ng mass media?
A. Filipino ang komong wika lalo sa buong Metro Manila.
B. Hindi bagay ang wikang Ingles para sa mga Pilipino.
C. Wikang Filipino ang wikang panturo.
D. Ayaw ng ibang Pilipino sa dayalektong Tagalog kung kaya Filipino ang ginamit.
31. Ikaw ay nasa ika-11 baytang ng sekondarya. Nais mong tukuyin ang medisnal na gamit ng malunggay at ang epekto nito sa cancer. Hindi
ka pinahintulutan ng iyong guro na piliin ang paksang ito. Ano ang maaaring dahilan ng paghindi ng iyong guro ukol sa nasabing paksa?
A. Masyadong mahirap ang paksa at walang halaga sa mambabasa.
B. Masyadong mahirap ang paksa at walang kagamitan upang maisagawa ang pag-aaral.
C. Masyadong mahirap ang paksa at wala itong magiging pakinabang.
D. Masyadong palasak ang paksa.
32. Ano ang tawag sa kaisipan na nililinang sa isang talata?
A. ideya B. pahayag C. punto D. retorika
33. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng buong ideya?
A. Kultura ang humuhubog sa isang lipunan kaya’t dapat na pahalagahan ito.
B. Ito ang gagawan ng pag-aaral sapagkat marami ng pag-aaral ang tungkol dito.
C. Sa pag-aaral na isinagawa at matatapos ito.
D. Ginamit ang pamaraang palarawan ssa pananaliksik na sisikaping maging komprehensibo ito.
34. Tukuyin kung aling uri ng pananaliksik ang ipinamamalas ng mga sumusunod na layunin:
Matukoy ang epekto ng penomenong climate change sa mga sakahan sa Hilagang Pilipinas
A. Pagkilos na pananaliksik C. Pagtugong pananaliksik
B. Pananaliksik na nagtataya D. Panimulang pananaliksik
35. May apat na uri ng pananaliksik. Ang panimulang pananaliksik, pagtugong pananaliksik, pananaliksik na nagtataya, at pagkilos na
pananaliksik. Ang mga ito ay nakauri ayon sa __________.
A. datos B. gamit C. kahalagahan D. layunin
36. Tukuyin kung aling uri ng pananaliksik ang ipinamamalas ng mga sumusunod na layunin:
Mabigyang-solusyon ang isyu ng pangangailangan para sa mabisang sex education para sa bawat antas ng mataas na paaralan
A. Pagkilos na pananaliksik C. Pagtugong pananaliksik
B. Pananaliksik na nagtataya D. Panimulang pananaliksik
37. Tukuyin kung aling uri ng pananaliksik ang ipinamamalas ng mga sumusunod na layunin:
Matasa ang seguridad buhat sa pagpapalagay ng CCTV cameras sa bawat lagusan ng paraalan
A. Pagkilos na pananaliksik C. Pagtugong pananaliksik
B. Pananaliksik na nagtataya D. Panimulang pananaliksik
38. Nais mong gumawa ng pagkilos na pananaliksik na siyang makapaghahain agad ng solusyon sa palagiang mabagal na Internet
connection sa inyong paaralan. Ano ang maaaring pamagat nig pag-aaral na ito?
A. Paghambing sa Internet connection ng sariling paaralan sa ibang karatig paaralan
B. Pagsuri sa ugat ng suliraning mabagal na Internet connection sa paaralan
C. Pagtanaw sa kasaysayan ng mabagal na Internet connection paaralan
D. Pagtukoy sa ugat ng suliraning mabagal na Internet connection sa paaralan at paghain ng mga posibleng kagyat na solusyon
39. Anong bahagi ng pananalita ang karaniwang ginagamit upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya na inilalahad sa isang pahayag?
A. panggalan B. pandiwa C. pang-uri D. pang-ugnay
40. Bilang isang mananaliksik kailangan bigyan ng tamang pagkilala ang pinaghanguan ng ideya o impormasyon ________ maaari kang
makulong kung ikaw ay makagawa ng pladyarismo. Anong ang angkop na salita ang maaaring gamitin sa pangungusap upang mabuo ang
ideya nito?
A. kung gayon B. ngunit C. Samakatuwid D. sapagkat
41. Ano ang maaaring maging kahulugan ng salitang state batay sa larangang nakatala. Larangan: Psychology
A. ayos ng pangangatawan C. paglalahad ng panig
B. kondisyon ng pag-iisip D. pormal na seremonya
42. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama?
A. Ang pagpili at pagbuo ng paksa ay panimulang hakbang sa paggawa ng pananaliksik.
B. Anumang uri ng paksa ay maaaring sulatin ng isang mananaliksik.
C. Ang Internet ang pinakamabisa at pinakaangkop na mapaghahanguan ng datos tungkol sa anumang paksa.
D. Sapat na ang may isang mapaghahanguan ng datos sa napiling paksa.
43. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang TAMA tungkol sa ugnayan ng teksto at konteksto sa pagdidiskurso?
A. Inuunang unawain ang teksto pagkatapos ay ang konteksto.
B. Ang konteksto ang nagsasabi kung paano maaaring basahin nang malapitan ang teksto.
C. Sa konteksto mahihinuha ang intensiyon ng diskurso, hindi sa teksto.
D. Nanggagaling sa teksto ang pahiwatig tungkol sa konteksto ng diskurso.
44. Wikang Filipino ang lingua franca ng mass media. Gayunpaman, rehiyunal na wika ang ginagamit ng mass media sa mga istasyon ng
radyo at telebisyon sa mga lalawigan at iba pang rehiyon. Ano ang dahilan nito?
A. Ang dayalekto ng rehiyon ay wika rin ng mass media.
B. Ang alitan sa wika ay nagpapatuloy pa rin sa bansa.
C. Binubuo ng maraming dayalekto ang buong Pilipinas.
D. Habang tumatagal ay lumalala ang isyung regionalism.
45. Alin sa sumusunod ang hindi angkop na paraan upang matukoy ang angkop na salita at pangungusap para sa konteksto ng paksa ng
balita maliban lamang sa isa?
A. gumamit ng kontekstong pagpapakahulugan
B. sumangguni sa diksyonaryo
C. matutong magsuri ng nilalaman ng balita
D. palawakin ang bokabularyong pang-media

46-50. Magbigay ng limang layunin ng pananaliksik

46. _______________________________________________
47. _______________________________________________
48. _______________________________________________
49. _______________________________________________
50. _______________________________________________

You might also like