You are on page 1of 5

University Laboratory School

Pinal na Pagsusulit
Unang Semestre
Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
S.Y. 2019-2020

Pangalan:____________________________ Petsa:___________
Taon/Seksyon:_______________ Iskor:___________

Pangkalahatang panuto: Sa loob ng itinakdang oras ay inaasahang nasagutan na ang mga katanungan,
palaisipan, kahingian at katanungan sa sagutang papel na ito. Inaasahan ang tapat na pagsagot at katahimikan
habang nag-uumpisa na ang pagsusulit. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat bahagi. Gabayan
ka nawa ng Panginoong Diyos at ni Allah.

I. Pagpipilian (tatlumpung aytem)


Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag,kaisipan at katanungan sa bawat bilang. Piliin ang letra ng
tamang sagot at isulat ito sa patlang pagkatapos ng bilang. Isang puntos
bawat bilang.
________1. Ito ang abilidad sa angkop na paggamit ng mga pangungusap batay sa hinihingi ng isang interaksiyong sosyal.
a. lingguwistikong b. kakayahang c. kakayahang gramatikal d. variability concept
pagtatanghal komunikatibo
________2. Isa si Justine Oranza sa tinuturing na “Haligi ng Palakasan” ng kanilang paaralan ngunit pagdating sa kaniyang
minamahal, isang taong malambot ang puso ang iyong mababanaag. Sa mga pagkakataong sila ay nag-
aaway, minamabuti niya na dalhin lamang ito sa isang tahimik na lugar na may tila nag-aawitang ibon upang
magbago lamang ang tono ng kanilang usapan. Anong di-berbal na komunikasyon ang mabisang ginagamit
niya?
a. paralanguage b. kapaligiran c. diskorsal d. proxemics
________3. Ito ay tumutukoy sa mga indibiduwal na tunog ng wikang Filipino na nairerepresenta ng mga simbolong
ponemiko na halos katulad din ng mga titik.
a. ponemang segmental b. ponemang c. ponolohiya d. leksikal
suprasegmental
________4. Sa pananaw ng lingguwistikang si Noam Chomsky (1965), mahalagang isaalang-alang ang ideya na sistema ng
di-malay o likas na kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika. Upang maisakatuparan ito, kailangang tangkain ang aplikasyon ng sistema ng kaalaman
sa pagsasalita o pagsusulat. Ano ang tunguhin ng sinasaad?
a. variability concept b. pasasakatuparang c. lingguwistikong d. intelektuwalisasyon
diskorsal pagtatanghal ng wika
________5. Sa bahaging ito masusing pinag-aaralan ang palatuldikan ng ortograpiyang Filipino kasabay ang pagbibigay-
empasis upang lubos na maintindihan ang kahulugan na maaaring maiugnay sa salita.
a. ponemang segmental b. ponemang c. ponolohiya d. leksikal
suprasegmental
________6. Anong gamit o “function” ng wika ang tumutulong na magpanatili ng pakikipag-kapwa tao?
a. representasyonal b. instrumental c. interaksyonal d. personal
________7. Tumutukoy ito sa pagkakataong ang dalawang katinig na magkasunod ay hindi na naririnig ang indibiduwal na
tunog nito kapag ito ay binibigkas.
a. klaster b. diptonggo c. digrapo d. kambal-katinig
________8. Sa anong konsepto ayon sa pananaw ng sosyo-sikolohistang si William Labov ang nagtutulak na dapat
kilalanin ang pagkakapantay-pantay ng mga varayti ng wika?
a. panlipunang b. etnograpiya ng c. mental grammar d. variability concept
phenomenon komunikasyon
________9. Ito ay tumutukoy sap ag-aaral sa paggamit ng wika sa isang particular na konteksto upang magpahayag sa
paraang diretsahan o may paggalang.
a. pragmatik b. istratedyik c. lingguwistik d. diskorsal
________10. Kinasanayan ni Dr. Czar na sa tuwing siya ay nakikipag-usap sa mga propesyonal na kliyente niya, mahigpit
siyang sumusunod sa paggamit ng pamantayang panggramatika. Anong salik ng lingguwistikong interaksiyon
ang pinapairal ni Dr. Czar?
a. lunan ng usapan b. midyum ng c. panuntunan ng usapan d. takbo ng
usapan usapan
Page 1 of 5
________11. Ito ang palatandaan sa pagbasa na nagbibigay ng kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap.
a. morpema b. semantiko c. sintaktika d. diskurso
________12. Ito ay isang uri ng diskorsal na napapatungkol sa kahusayan ng isang indibiduwal na makibahagi sa mga
uspaan o kumbesasyon?
a. kontekstuwal b. tekstuwal c.pampanitikan d. retorikal
________13. Siya ang nagpasimula ng speech act theory na may iba’t ibang speech acts.
a. Justin Austin (1962) b. Grice (1975) c. Searle (1969) d. John Austin (1962)
________14. Ito ang tinatawag na pinakamaliit na yunit ng salita ng nagtataglay ng makabuluhang kahulugan.
a. sintaks b. patinig c. ponema d. morpema
________15. Ito ang nagsisilbing dahilan upang hindi maihalintulad ang kakayahang lingguwistiko ng isang indibiduwal sa
lingguwistikong pagtatanghal.
a. interference b. variability concept c. interperensya d. etnograpiya ng
phenomenon wika
________16. Sa di-berbal na komunikasyong ito naipapakita ang nasasaloob dahil sa litaw na nailalahad ng mukha.
a. vocalics b. pictics c. olfactorics d. objectics
________17. Sa pagkakataong paulit-ulit na nauutusan si Thea ng kaniyang mga magulang, nagdadabog na lang siya at
hindi na nagsasalita. Anong kagawiang komunikasyon ng mga Pilipino ang ipinapakita?
a. paramdam b. parinig c. pahaging d. padaplis
________18. Ito ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng isang salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-
usap sa kapwa.
a. tono b. awit c. diin d. lapat
________19. Ito ay uri ng panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawa.
a. paari b. paturol c. pamatlig d. panawag
________20. Ano ang tawag sa dalawa, tatlo, o higit pang mga wikang natutuhan ng mga mag-aaral na may una o
katutubong wika?
a. bernakular b. banyagang wika c. sinusong wika d. pangalang wika
________21. Ang magkatukayo at magkaibigang Kurt Collado at Kurt Ladio ay mahilig maghuntahan sa isa’t isa lalo na sa
mga bakanteng oras nilang dalawa. Sa tuwing naririnig ng mga kababaihang nag-uumpukan ang kanilang
usapan, tila nagugulumihan sila sa mga nagiging paksa ng dalawa. Ang mga paksa kasing iyon ay sa iba
walang kabuluhan at hindi masalok ng isipan ngunit para sa dalawa ay may katuturan. Anong barayti ng wika
ang pinaiiral?
a. pormalidad at impormalidad ng sitwasyon
b. ugnayan ng mga tagapagsalita
c. pagkakalanlang etniko at pagkakapaloob sa isang pangkat
d. awtoridad at ugnayang pangkapangyarihan
________22. Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita.
a. morpolohiya b. ponolohiya c. sintaksis d. diskurso
________23. Ito ay nabubuo kapag ang ponema ay pinagsama at maaaring makabuo ng maliit na yunit ng salita.
a. alomorp b. leksikal c. morpema d. kayarian
________24. Ito ay pinakamabilis na paraan ng pagpapayaman ng salita.
a. pagsasalin b. pagsasaling-wika c. dayalektal d. paghihiram
________25. Anong kagawiang komunikasyon ng mga Pilipino ang tumutukoy sa berbal at di-berbal na pagpaparating ng
puna, paratang at iba pang mensaheng nakasasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
a. pasaring b. parinig c. padaplis d. pahaging
________26. Ito ay kataga, salita o grupo ng mga salitang nagpapakita ng pagkakaugnay ng isang salita at isa pang salita at
ng isang kaisipan sa isa pang kaisipan.
a. pang-ukol b. pang-angkop c. panghalip d. pangatnig
________27. Sa usaping diskorsal, ito ang sangkap ng paglikha ng pahayag na tumutukoy sa kung paanong napagdidikit
ang kahulugan ng pangungusap o pahayag sa paraang pasalita.
a. kantidad b. kaugnayan c. kaisahan d. kalidad
________28. Ito ay tungkol sa pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita sa isang wika.
a. ponolohiya b. segmental c. suprasegmental d. ponema
________29. Ito ay pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema sa
makatulad na posisyon.
a. pares ng salita b. pares minimal c. klaster d. minimal
________30. Ito ay bahagi ng pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak o

Page 2 of 5
layon.
a. pang-abay b. pang-ukol c. pandiwa d. pangatnig

II. Pagkilala (sampung aytem)


Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag at kilalanin ang kakayahang komunikatibo na umiiral. Isulat sa
patlang ang tamang sagot.

________________________31. Nauunawaan at nasasalita ko ang mga tunog at mga salitang Filipino.


________________________32. Tinitiyak kong lahat ng mga pahayag sa aking diskurso ay nakaangkla sa isang
tiyak na paksa at hindi ito lumalayo dito.
________________________33. Tuwing kasangkot ako sa isang pag-uusap, sinisikap kong maibigay ang lahat ng
impormasyong kinakailangan sa isang malinaw at mabilis na paraan.
________________________34. Naaanalisa ko nng mabuti ang kabuoang konteksto ng kinasasangkutan kong
talastasan. Nauunawaan ko kung hanggang saan ang mga limitasyon pinapayagan
at gayon din, nauunawaan ko ang pag-iral ng mga kasama ko sa naturang
sitwasyon.
________________________35. Tinitiyak kong magkakaugnay ang bawat indibiduwal kong pahayag
upang maging konektado ang mga ito sa isa’t isa.
________________________36. May kakayahan akong iangat ang kompleksidad ng mga ginagamit kong
pangungusap sa Filipino tulad halimbawa ng pagbubuo ng mga hugnayang
pangungusap upang maipakita ang relasyon ng mga ideya.
________________________37. Umaayon ang mg nabubuo kong pangungusap sa gramar o balarila ng Filipino.

________________________38. Pinag-iisipan kong Mabuti kung ano ang aking dapat sabihin at kung papaano ko
iyon sasabihin tuwing ako ay nasasangkot sa isang komunikatibong sitwasyon.
________________________39. Tinitiyak kong ang aking mga palagay ukol sa aking mga kausap ay nabibigyan nila
ng kompirmasyon kung totoo ito o hindi.
________________________40. Mahigpit kong ikinokonsidera ang katayuan ng aking kausap sa kabuoan ng
talastasang aking kinasasangkutan.

III. Modifayd na Tama o Mali (labinlimang aytem)


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at suriin ang kawastuhan ng inilalahad nito. Isulat ang salitang
TAMA kung wasto ang buong pahayag at kung hindi naman umaayon sa kawastuhan ang nakasalungguhit, isulat
ang tamang sagot sa inilaang patlang bago ang bawat bilang.

________________________41. Multilingguwal at multicultural na bansa ang Pilipinas.


________________________42. Ang katangiang heograpikal ng ating bansa ang nagdudulot ng pagkakaiba-iba ng
ating wika at kultura.
________________________43. Limitado ang paggamit ng Filipino bilang lingua franca ng bansa.
________________________44. Itinuturing ang wikang Ingles bilang pangunahing unang wika ng Pilipinas.
________________________45. Nananatiling makapangyarihang wika ang Ingles sa ating lipunan.
________________________46. Kasama sa opisyal na wika ang Kastila bagamat Filipino ang ating pambansang
wika.
________________________47. Ang lehitimong wika ay tumtukoy sa wikang ginagamit sa pag-unlad ng sistema
ng edukasyon at pagpapagana ng sistema ng paggawa.
________________________48. Pinaghihiwalay at pinatatag ng lehitimong wika ang ekonomiya at politika ng
isang bansa.
________________________49. Pangatlo ang Filipino sa mga wikang may pinakamaraming tagapagsalita sa
Estados Unidos, bukod sa Ingles.
________________________50. Binago ng social media ang pamamaraan ng pamumuhay ng milyong-milyong
Pilipino.
________________________51. Tinaguriang Social Media Capital of the World ang Pilipinas.

________________________52. Hindi na rin maiiwasan ang pagpapalaganap at paggamit ng Filipino sa internet.


________________________53. May kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng isang bansa.

________________________54. Ang mga bansang may iisang komposisyong lingguwistik ay nahaharap sa


natatanging sagabal sa kaunlaran.
________________________55. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang linguistically diverse sa daigdig.

IV. Pagtatapat-tapatin (walong aytem)

Page 3 of 5
Panuto: Hanapin at tukuyin sa hanay B ang nagpapahiwatig sa mga konsiderasyon sa komunikasyon na nasa
hanay A. Titik lamang ng isulat ang inilaang patlang.

Hanay A Hanay B
______56. Setting a. mas makabubuting umiwas ang mga lalaki sa mga usaping ekslusibo
lamang sa mga babae
______57. Genre b. isinasaalang-alang ang layunin sa pakikipag-usap
______58. Norms c. ang pakikipag-usap sa kaibigan sa lansangan ay hindi maaari sa
simbahan
______59. Keys d. Sa pamamagitan ba ng telepono ay maipapaamoy ko sa’king
minamahal ang halimuyak ng bulaklak na dala ko?
______60. Act sequence e. isinasaalang-alang ang kausap o kinakausap
______61. Instrumentalities f. Mahalagang malaman kung nagsasalaysay ba? Nangangatuwiran?
Naglalarawan?
______62. Ends g. pagpili ng mga salita ayon sa lalahukan, kung pormal ba o impormal
ang sitwasyon?
______63. Participants h. nagsimula sa kindatan, napunta sa pagpapakilala, humantong sa
kuwetuhan, at nauwi sa hatiran

V. Tukuyin ang anyo ng komunikasyong di-berbal na ginamit sa mga sumusunod na sitwasyon. Piliin mula sa
kahon ang sagot at isulat sa patlang. (labinlimang aytem)

a. chronemics d. ophthalmics/ oculesics g. colorics


b. proxemics e. haptics h. paralanguage
c. kinesics f. iconics i. olfactorics

________________64. Pagsusuot ng damit na itim bilang pagluluksa


________________65. Haplos ng ina sa anak niyang mahal
________________66 Pagdating nang huli sa isang mahalagang appointment
.
________________67. Pagkindat ng isang binata sa babaeng kanyang natitipuhan
________________68. Paggamit ng simbolong bungo sa botelya ng inuming alcohol
________________69 Pagtindig nang tuwid ng mga sundalo
.
________________70. Paglakas ng tinig upang ipahiwatig ang galit
________________71. Pagsindi ng ilaw na pula upang patigilin ang mga sasakyan sa kalye
________________72. Pagtapik sa balikat ng isang kaibigan
________________73 Pagturo ng daliri sa isang direksyon
________________74. Pabilog na ayos ng mga silya sa loob ng silid upang maisagawa ang isang impormal na talakayan
________________75. Pagdating nang maaga sa isang salusalo o party.
________________76. Pag-upo sa magkabilang dulo ng mesa sa hapag-kainan
________________77. Paghina ng tinig upang ibulong ang isang sekreto.
________________78. Ginaganahan si mister na umuwi galing opisina dahil sa parating pagbabago ni misis.

VI. Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng isang sanaysay. Matapos nito, kilalanin kung anong bahagi ng
pananalita napapabilang ang mga salitang nakasalungguhit at nakalimbag. Isulat sa ibaba ng salita ang iyong
sagot. Gamiting gabay ang palatandaan na nasa ibaba. (sampung aytem)
Palatandaan:
png- Pangngalan pnu- pang-ukol
php- panghalip png- pangatnig
pnd- pandiwa pak- pang-angkop
pnu- pang-uri ptk- pantukoy
pna- pang-abay pwg- pangawing

Page 4 of 5
Binubuo ng 29 talata ang (79) buong sanaysaging ni Matute, at kabilang na rito ang paisa-isang salita o pangungusap na
paningit sa mga bloke ng salita. Simple lamang ang tesis ng sanaysay: Kailangan (80) ang saging para umunlad ang
bansa, kaya dapat (81) itong palaganapin at (82) ilangkap sa patakarang ekonomiko ng Filipinas. Pabalintuna at
maparikala ang presentasyon ng gayong tesis, (83) dahil kahit sinasabi na kailangan ng Filipinas ang (84) malawakang
produksiyon ng saging ay lalo nitong ibinabaon sa tuligsa ang gayong kalakaran. Ang naturang tesis ay hindi matatagpuan
sa unang talata bagkus sa ikatlong talata bago ang pangwakas na talata, at lumalagom sa tinagurian niyang
“sagingisasyon”—ang ganap na (85) matinding pananaig ng saging bilang produkto at sagisag ng bansa.

Ang siste ng sanaysay ay nakatuon sa personang naglalahad ng kaniyang karanasan hinggil sa saging. Sa unang talata,
ipababatid (86) agad niya ang angking katangahan sa sining at siyensiya ng pagtatanim hanggang pagpapahinog ng
saging. Iuugnay niya ito sa ikalawa at ikatlong talatang pumapaksa sa kakulangan ng suplay ng bigas sanhi ng digmaan,
at ang pag-ugat sa esensiya ng sisid rice, kamote, at kangkong. Ang pihit ng paglalahad ay sasapit sa (87) ikaapat na
talata, nang makapulot ang persona ng inakala niyang punong saging, at pagsunod sa (88) yapak ng pagong sa
kuwentong bayang itinala ni Jose Rizal.
sipi mula sa sanaysay ni Epifanio Matute, “Sanaysaging”

VII. Basahin ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang mga salitang lumalabag sa tuntunin ng pagbaybay o
gramatika sa bawat isa. (sampung aytem)

89. Ang Unibersidad ng Pilipinas ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na Pamantasan sa rehiyong Asean.
90. Nangangalap ang Red Cross ng mga delatang pagkain para sa nasalanta ng bagyo.
91. Mataas raw ang sahod ng mga empleyado sa kompanyang iyan.
92. Hindi ang pagsasalita ng Ingles kundi ang kaisipang makaIngles ang tunay na suliranin ng ating bansa.
93. Di mahulugang karayom ang Plaza Miranda sa Maynila tuwing Pista ng Mahal na Nazareno.
94. Tumakbo ng mabilis ang mga pulis upang tugisin ang magnanakaw.
95. Hilig na hilig ni Samantha ang magselpi gamit ang kaniyang telepono.
96. Unti-unting nalimutan ng mga katutubo ang baybayin ng ipakilala ng mga Espanyol ang Romanisadong alpabeto.
97. Ang kaniyang pamilya ay nagdarasal tuwing alas sais ng gabi.
98. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni Minerva habang naglalakad patungong altar sa araw ng kaniyang kasal.

... WALA NANG KASUNOD …

Page 5 of 5

You might also like