You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
Kidapawan City Division
J.P. Laurel Street, Poblacion

PAMPINID NA PAGSUSULIT
Panuto: Tukuyin ang mga tungkulin/ gamit ng wika na umiiral at ginagamit sa mga
sitwasyong naipapahayag sa bawat aytem. Isulat ang tamang sagot sa patlang.

_______________1. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya


naisipan na lamang niyang pumunta sa Silid-aklatan upang
magsaliksik.

_______________2. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa


pagkakaroon ng kasunduan upang malutas ang sigalot sa pinag-
aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.

_______________3. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa


pagdiriwang ng Dinagsa Festival sa Cadiz.

_______________4. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap


ang kinalabasan ng kanyang luto dahil matamang sinunod niya ang
pamaraan ng pagluto nito.

_______________5. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada
nabawasan ang mga aksidenteng dulot ng hindi pagtawid sa tamang
daanan.

KASUNDUAN: Saliksikin at panoorin ang isang dokumentaryong palabas na may pamagat


na “Eskinita 1: Leksyon sa Eleksyon” ng Pinoy Media Center. Matapos nito,
gumawa ng islogan na tumatalakay sa mensaheng binigyang-diin sa
napanood na dokumentaryo. Subuking ilapat ang mga natutuhang gamit
ng wika bilang konsiderasyon sa mabisang pagpili ng wika na gagamitin sa
islogan. Gawin ito sa isang kalahating cartolina.

You might also like