You are on page 1of 24

4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pambansang Sagisag:
Pilipinas ay Tanyag

CO_Q2_AP 4_ Module 5
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5:
Pambansang Sagisag:
Pilipinas ay Tanyag
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan-Modyul 5: “Pambansang Sagisag : Pilipinas ay Tanyag”
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Emma A. Jadie


Editor: Jerry P. Ramirez at Ma. Leilani R. Lorico
Tagasuri: Ana N. Calisura
Tagaguhit:
Tagalapat: Edsel D. Doctama, Leomel B. Ledda
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad, Francisco B. Bulalacao Jr., Grace U. Rabelas
Ma. Leilani R. Lorico, Imelda R. Caunca, Marites B. Tongco

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region V

Office Address: Regional Center Site, Rawis, Legazpi City

Telefax: 0917 178 1288


E-mail Address: region5@deped.gov.ph
Alamin

Sa modyul na ito ay malalaman mo ang iba pang mga sagisag na


nagpapakilala sa ating pagka-Pilipino at kumakatawan sa ating bansa.
Ang mga ito ay ang watawat at ang pambansang awit ng Pilipinas. (Gawin
sa loob ng 2 minuto)
Pamantayang Pangnilalaman:
Nasusuri ang mga iba’t ibang mga gawaing pangkabuhayan batay
sa heograpiya at mga oportunidad at hamong kaakibat nito tungo sa likas
kayang pag-unlad.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa iba’t
ibang hanapbuhay at gawaing pangkabuhayan na nakatutulong sa
pagkakakilanlang Pilipino at likas kayang pag-unlad ng bansa.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Gabay ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan at kaugnayan ng mga sagisag
at pagkakakilanlang Pilipino. (MELC Based Q2 Week- 5)
2. Natatalakay ang kahulugan ng pambansang awit at ng watawat
bilang mga sagisag ng bansa.
3. Naibibigay ang mga paraan ng wastong paggalang sa
pambansang sagisag ng Pilipinas.

Pansinin mo ang larawan ng isang


bata. Saan ito karaniwang nakikita?
Alam mo ba na isang alituntunin sa
lahat ng pampublikong paaralan ang pagsali
ng bawat mag-aaral sa pagtataas ng
watawat o flag ceremony araw araw?
Sumasali ka ba rito?
Ano ang nararamdaman mo tuwing
inaawit mo ang Lupang Hinirang?
Ano kaya ang kahalagahan
kaugnayan ng mga sagisag na ito sa
pagkakakilanlang Pilipino?
AP4 LM p. 216

1
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.


1. Ano ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas?
A. Lupang Hinirang C. Lupang Sinilangan
B. Lupang Tinibuan D. Lupang Minamahal
2. Ano kaya ang isinasalaysay sa awit?
A. Ang pakikipaglaban ng mga Pilipino para sa kalayaan ng
Pilipinas.
B. Ang pakikipaglaban ng mga Hapones para sa kalayaan ng
Pilipinas
C. Ang pakikipaglaban ng mga Espanyol para sa kalayaan ng
Pilipinas
D. Ang pakikipaglaban ng mga Amerikano para sa kalayaan ng
Plipinas
3. Sino ang gumawa ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas?
A. Juan Luna C. Julian Felipe
B. Jose Palma D. Antonio Luna
4. Ang orihinal na pamagat ng ating pambansang awit ay ____.
A. Filipinas
B. Marcha Filipina Magdalo
C. Marcha Nacional Filipina
D. Marcha Filipina Magdiwang

2
CO_Q2_AP 4_ Module 5
5. Kailan naganap ang pagtugtog ng komposisyon ni Felipe habang
inilaladlad sa unang pagkakataon ang bandila ng Pilipinas sa
balkonahe ng mansiyon ni Aguinaldo sa Cavite.
A. Hunyo 12, 1898 C. Hunyo 14, 1898
B. Hunyo 13, 1898 D. Hunyo 15, 1898
6. Sino ang may akda ng liriko ng ating pambansang awit na hango pa
sa isang tulang pinamagatang FILIPINAS
A. Juan Luna C. Julian Felipe
B. Jose Palma D. Antonio Luna
7. Isa sa mahahalagang simbolo ng bansa ang watawat ng Pilipinas.
Tatlo ang pangunahing kulay nito. Ano ang mga ito?
A. bughaw, pula, at puti C. bughaw, dilaw, at puti
B. bughaw, pula, at itim D. bughaw, pula, at berde
8. Ang tatlong bituin ay kumakatawan sa tatlong pangkat ng pulo ng
Pilipinas. Piliin kung alin ang mga ito.
A. Luzon, Mindanao, at Visayas. C. Luzon, Palawan at Mindanao
B. Manila, Visayas at Mindanao D.Luzon Visayas at Marinduque
9. Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Ito ay
unang tinahi sa loob ng limang araw sa Hongkong. Sino ang mga
babaing nagtahi ng ating watawat?
A. Teodora Alonzo, Maxima Bonifacio at Josefa L. Escoda
B. Gregoria Montoya, Teresa Magbanua at Trinidad Tecson
C. Melchora Aquino, Josephine Bracken at Gabriela Silang
D. Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa
Natividad
10. Ano ang kumakatawan sa walong sinag ng araw sa watawat ng
PIlipinas?
A. Ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa ilalim ng
Batas Mlilitar.
B. Ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan
C. Ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng
himagsikan
D. Ang walong lalawigan na hindi napasailalaim ng Batas Militar

3
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Aralin Kahalagahan at Kaugnayan

1 ng mga Sagisag
at Pagkakakilanlang Pilipino

Balikan

Kumusta ang iyong marka sa maikling


pagsubok? Ngayon ay magpatuloy ka sa
pamamagitan ng pagbabalik-aral ng iyong mga dati
ng natutunan. (Gawin sa loob ng 3 minuto)

Naalala mo pa ba ang kahulugan ng likas-


kayang pag-unlad? Sige nga isulat mong muli kung
ano ang ibig sabihin nito sa loob ng organizer

Likas Kayang Kahulugan


Pag-unlad

4
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Tuklasin

Buuin mo ang PICTURE PUZZLE. Ano kaya ang maaari mabuo


kapag pinagdugtung-dugtong ang mga pira-pirasong larawan? Ito ay isa
sa mga sagisag ng ating bansa. (Gawin sa loob ng 2 minuto)

Sagot _________________

HULAWIT – Hulaan mo kung sa anong awit palagi naririnig o


maririnig ang mga pariralang ito? Isulat ang pamagat ng awit.

Perlas ng Silanganan

Alab ng puso

Sa dagat at bundok

Sa langit mong bughaw

Lupa ng araw

Ang mamatay ng dahil sayo

Sagot _________________

5
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Suriin

Halina’t basahin at unawain mo ang mga


impormasyon na magbibigay sayo ng sapat na
kaalaman para mas lalo mong maipagmalaki at
mahalin ang mga sagisag ng Pilipinas,

(Gawin sa loob ng 10 minuto)

6
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Dahil sa mga kahalagahan hg mga sagisag na
watawat at pambansang awit nararapat lang na
malaman mo ang bawat detalye tungkol sa mga ito.
Halina’t iyong simulan

ANG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS

Mahalagang
Petsa Lugar Pilipino Ginampanan
Naganap
balkonahe
ng Ginawa ang
Tinugtog ang himig
Hunyo mansiyon Julian himig ng
ng pambansang
12, 1898 ni Felipe pambansang
awit ng Pilipinas
Aguinaldo awit ng Pilipinas
sa Cavite
Unang pamagat
Marcha Filipina
Magdalo
Pinalitan ng
Marcha Nacional
Filipina
isang batang
Ginawang opisyal Jose
sundalo na
na liriko ng Palma
1899 sumulat ng
pambansang awit
tulang
ang tulang Filipinas
FILIPINAS
Nagsimulang
lumabas ang
1940 bersyong
Tagalog ng
pambansang awit
Inaprobahan ng
1948 Kagawaran ng
Edukasyon ang “O

7
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Sintang Lupa”
bilang pambansang
awit sa Filipino
Kalihim ng
Edukasyon,
Nagawa ang bumuo ng
Gregorio
bagong bersyon na komite para
1954 Hernand
pinamagatang baguhin ang
ez, Jr
“Lupang Hinirang liriko ng
pambansang
awit
Nagkaroon lamang
1962 ng kaunting
pagbabago
Sa bisa ng isang
batas sa mga
Bagong
Pambansang
Sagisag ng
1998
Pilipinas,
nakumpirma ang
bersyong Filipino
ang gamitin na
pambansang awit.

8
CO_Q2_AP 4_ Module 5
May tatlong bituin ang ating watawat. Ano ang kahulugan ng mga ito?

Luzon na ang pangalan ay mula sa salitang


1 “lusong” na ginagamit sa pagtanggal ng ipa
at darak sa palay. Ito ay sumasagisag sa
kasipagan ng mga Pilipino

Ang ikalawang bituin ay para sa pulo ng


Visayas na ang pangalan ay mula sa
2 salitang “masaya.” Ito ay upang laging
kabakasan ng saya ang mga kilos at
kalooban ng mga Pilipino.

Ang ikatlong bituin ay para sa Mindanao na


ang pangalan ay mula sa “danaw” o lawa.
3 Ito ay sumasagisag sa tungkulin ng mga
Pilipino na pangalagaan at ingatan ang
kalikasan gaya ng yamang-tubig ng
Pilipinas.

Ang walong sinag naman ng araw ay kumakatawan


sa walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa
ilalim ng Batas Militar

Cavite
Pampanga Bulacan

Maynila kaliwanagan Batangas

Nueva Ecija Laguna


Bataan

9
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Sinong mga babae naman kaya ang nagtahi ng ating bandila? Saan
kaya ito tinahi? Pagmasdan ang mga larawan?

Mga nagtahi ng watawat ng Pilipinas sa Hongkong

Marcela Lorenza Delfina


Herbosa
Agoncillo 1 Agoncillo 2 Natividad 3
https://en.wikipedia https://www.revolv https://www.mancrushes
.org/wiki/Marcela_ y.com/page/Lorenz .com/hot-
Agoncillo a-Agoncillo women/delfina-herbosa

Bilang karagdagang impormasyon, narito ang mga batas na


nauukol sa paggamit ng watawat ng Pilipinas.

10
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Pagyamanin

GAWAIN A - Pagsunud-sunurin ang mga liriko ng Lupang Hinirang ayon


sa wastong ayos nito gamit ang bilang 1-4. Isulat ang sagot sa notbuk.
(Gawin sa loob ng 5 minuto)

Alab ng Puso
Perlas ng Silanganan
1.
Sa dibdib mo’y buhay
Bayang magiliw

Duyan ka ng magiting

2. Di ka pasisiil
Lupang Hinirang
Sa manlulupig

Ang kislap ng watawat mo’y

3. May dilag ang tula


Tagumpay na nagniningning
At awit sa paglayang minamahal

Kailan pa ma’y ‘di magdidilim.

4. Buhay ay langit sa piling mo


Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta
Ang bituin at araw niya

Sa manlulupig,
Di ka pasisiil.
5.
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw
11
CO_Q2_AP 4_ Module 5
GAWAIN B
Analohiya. Isulat ang kapareha ng salita batay sa naunang grupo ng
salita. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat ang sagot sa notbuk.

Emilio Aguinaldo Kagitingan 3 kaliwanagan ng isipan


Julian Felipe lusong
watawat masaya Luzon, Visayas at Mindanao
balkonahe ni Hen. Emilio Aguinaldo

1. bughaw – kapayapaan; pula – ___________


2. Mindanao – danao; Luzon – ___________
3. 8 sinag ng araw – 8 lalawigang naghimagsik; 3 bituin –___________
4. disenyo – ___________; tumahi – Delfina Herbosa-Natividad,
Marcela Agoncillo at Lorenza Agoncillo
5. ___________ – kulay; 3 – bituin
6. ___________ – sagisag ng bansa; Lupang Hinirang –
pambansang awit
7. pagtahi – Hongkong; pagwagayway – ___________
8. Jose Palma – sumulat ng titik; ___________ – naglapat ng
tugtog o musika
9. Luzon – kasipagan; Visayas – ___________
10. sinag ng araw – naghimagsik; Araw sa gitna ng
tatsulok______________

GAWAIN C
Lagyan ng tsek (√) kung ang mga kaisipan ay nagpapahayag ng
kahalagahan at kaugnayan ng watawat at pambansang awit sa
pagkakakilanlang Pilipino.
1. Ang mga sagisag na watawat at pambansang awit ay
parehong sumisimbolo sa kalayaan ng Pilipinas.
2. Walang kaugnayan ang mga sagisag na watawat at
pambansang awit ng Pilipinas sa pagkakakilanlang Pilipino.
3. Ang watawat ay pinakamahalagang sagisag ng ating bansa.
4. Ipinapahayag ng pambansang awit ng Pilipinas ang
pagmamahal sa ating bayan.
5. Sa mga sagisag na ito ay nakikilala ang ating pagiging Pilipino.

12
CO_Q2_AP 4_ Module 5
GAWAIN D
Punan ng mga nawawalang liriko ang pambansang awit ng Pilipinas.

Lupang Hinirang

Bayang magiliw
Perlas ng ______________,
Alab ng puso Sa dibdib mo’y buhay.

Lupang hinirang,
Duyan ka ng ___________,
Sa manlulupig, Di ka pasisiil.

Sa __________ at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang _____________.

Ang kislap ng watawat mo’y


____________ na nagniningning,
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di _____________.

Lupa ng ________, ng luwalhati’t pagsinta,


Buhay ay langit sa _________ mo;

Aming _________ , na ‘pag may mang-aapi


Ang __________ nang dahil sa ‘yo

13
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Isaisip

FILL ME
Punan ng wastong mga salita ang bawat patlang. Isaisip lagi ang
mabubuong konsepto tungkol sa paksang napag-aralan sa modyul na ito.
(Gawin sa loob ng 3 minuto)
 Ang ___________ ____________at ______________ay mga
sagisag (1) (2)
ng ating bansa.
 Ang mga ________________ sagisag ay dapat nating ipagmalaki.
(3)
 Nakikilala ang ating bayan dahil sa kaniyang mga
_______________.
(4)

Isagawa

Alin sa mga sumusunod na kalagayan ang nararapat mong gawin


upang maipakita ang pagapapahalaga sa pambansang awit at watawat
ng Pilipinas bilang mga sagisag ng ating bansa. Lagyan ng BOOM ang
bilang kung wastong gawin at PANIS kung hindi. Isulat ang sagot sa
sagutang papel. (Gawin sa loob ng 3 minuto)

______1. Magpapatuloy ako sa paglalakad habang inaawit ang


pambansang awit.
______2. Ilalagay ko ang aking kanang kamay sa may dibdib habang
inaawit nang madamdamin ang Lupang Hinirang.
______3. Hindi ko tatanggalin ang suot kong sombrero kahit may flag
ceremony sa aming paaralan.

14
CO_Q2_AP 4_ Module 5
______4. Itutuloy namin magakakaibigan ang kuwentuhan habang
itinataas ang watawat ng Pilipinas sa aming paaralan.
______ 5. Tatayo ako nang tuwid habang sinasambit nang mataimtim ang
Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas.
______ 6. Tiklupin ko nang maayos ang watawat pag uwian na ng hapon
at iatatago ko sa tamang taguan.
______ 7. Aawitin ko nang wasto at may damdamin ang Lupang Hinirang.
______ 8. Ira-rap ko ang pag-awit ng Lupang Hinirang.
______ 9. Iingatan ko na huwag sumayad o bumagsak sa lupa ang
watawat.
_____10. Laging kong pahalagahan ang paghihirap ng mga ninuno upang
makamit ang kalayaan.

Tayahin

A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


(Gawin sa loob ng 5 minuto)

_____1. Ang may-akda ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas


A. Juan Luna B
B. Jose Palma
C. Julian Felipe
D. Apolinario Mabini

_____2. Ang pinakaunang pamagat ng ating pambansang awit


A. Marcha Filipina Magdalo
B. Marcha Nacional Filipina
C. Filipinas
D. Lupang Hinirang

15
CO_Q2_AP 4_ Module 5
_____3. Unang araw ng pagpatugtog ng pambansang awit ng Pilipinas
A. Hulyo 4. 1946
B. Hunyo 12, 1898
C. Nobyembre 30, 1898
D. December 30, 1896

_____4. Isang batang sundalo na sumulat ng liriko ng Lupang Hinirang


A. Juan Luna
B. Jose Palma
C. Julian Felipe
D. Apolinario Mabini

_____5. Isang tula na ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit


A. Filipino
B. Ang Bayan Ko
C. Ang Pilipinas
D. Filipinas

_____6. Ang watawat ng Pilipinas ay isang mahalagang simbolo ng ating


bansa. Ano ano ang pangunahing kulay nito?
A. bughaw, pula, at puti C. bughaw, dilaw, at puti
B. bughaw, pula, at itim D. bughaw, pula, at berde

_____7. Alin sa mga sumusunod na lugar ang kinakatawan ng tatlong


bituin na nakalagay sa watawat ng Pilipinas?
A. Luzon, Mindanao, at Visayas. C. Luzon, Palawan at Mindanao
B. Manila, Visayas at Mindanao D.Luzon Visayas at Marinduque

_____8. Tatlo ang mga babaeng nagtahi ng watawat ng Pilipinas na


dinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Sino sino sila?
A. Teodora Alonzo, Maxima Bonifacio at Josefa L. Escoda
B. Gregoria Montoya, Teresa Magbanua at Trinidad Tecson
C. Melchora Aquino, Josephine Bracken at Gabriela Silang
D. Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa
Natividad

16
CO_Q2_AP 4_ Module 5
_____9. Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay may
mahalagang sinisimbolo. Hindi ito palamuti lamang sa watawat
natin. Ano ang sinisimbolo ng walong sinag na ito?
A. Ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa ilalim ng
Batas Mlilitar.
B. Ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan
C. Ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng
himagsikan
D. Ang walong lalawigan na hindi napasailalaim ng Batas Militar

____10. Narinig mo na pinapatugtog ang Lupang Hinirang at nakita mo


na itinataas ang watawat habang ikaw ay naglalakad sa labas ng
inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Huminto, tumayo nang matuwid, ilagay ang kanang kamay sa
dibdib at sumabay sa pag-aawit ng Lupang Hinirang.
B. Huminto, tumayo nang matuwid at tumingin lamang sa mga tao
sa paaralan.
C. Dahan-dahang maglakad para hindi makalikha ng ingay na
ikagagambala ng mga umaawit ng Lupang Hinirang.
D. Tumayo lamang ng tuwid at kunan ng litrato ang mga taong
umaawit ng Lupang Hinirang.

17
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Karagdagang Gawain

Kumusta ang iyong marka? Sana ay nagustuhan mo ang lahat ng mga


gawain na nakapaloob sa modyul na ito. Ngayon ay may mga
karagadagang gawain kang dapat gawin sa mga oras na libre ka.

Isulat sa iyong notbuk ang mga sumusunod


(Gawin sa loob ng 4 minuto)

1. Panatang Makabayan

2. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas

18
CO_Q2_AP 4_ Module 5
CO_Q2_AP 4_ Module 5
19
PAYAMANIN PAYAMANIN: SUBUKIN
GAWAIN C
1. √ GAWAIN A 1. A
2. X 2. A
1) 2 4) 1
3. C
3. √ 3 2
4. B
4. √ 4 4
5. A
5. √ 1 3
6. B
2) 2 5) 1 7. A
4 2 8. A
ISAGAWA
1 3 9. D
1. PANIS 6. BOOM 3 4 10. A
2. BOOM 7. BOOM BALIKAN
3. PANIS 8. PANIS 3) 1
4. PANIS 9. BOOM 3 Ang likas kayang
5. BOOM 10.BOOM 2 pag-unlad o sustainable
4 development ay ang
pagtugon sa
PAGTATAYA PAYAMANIN pangangailangan at
mithiin ng mga tao nang
A. 1. C GAWAIN B may pagsaalangalang
2. A Analohiya sa kakayahan ng
3. B 1. kagitingan susunod na henerasyon
4. B 2. lusong na makamit din ang
5. D 3. Luzon, Visayas at kanilang mga
6. A Mindanao pangangailangan
7. A 4. Emilio Aguinaldo
8. D 5. 3
9. A TUKLASIN
6. watawat
10. A
7. balkonahe ni Hen. 1. Watawat
Emilio Aguinaldo 2. Lupang Hinirang
8. Julian Felipe
9. masaya
ISAISIP
10. kaliwanagan ng
isipan 1. pambansang awit
2. watawat
3. pambansang
sagisag
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
AP 4 LM pp. 215-221
AP 4 TG pp. 98-101
Source: Jackeline, Unknown author, An image of Marcela de Agoncillo (1860 - 1946).,
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Marcela_de_Agoncillo.png, Unknown date,

Minute Beger, Cropped from a group photo where Teodora Alonzo, with her daughters and
granddaughters, a few days after the burial of Francisco Mercado,
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Delfina_Herbosa_de_Natividad.jpg, 2 August 2019

Picture of Lorenza Agoncillo


https://www.revolvy.com/page/Lorenza-Agoncillo

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.officialgazette.gov.ph%2F19
98%2F02%2F12%2Frepublic-act-no-
8491%2F%3Ffbclid%3DIwAR1JUVsrs3eElA_PktjXC-cjS51xBqPzjIg49uO1aKAFvv-
B3RNQktbJODA&h=AT1vf8tm8rZkxCtUwT15hNRjQDMvpJQgZ8kQWR8nW-
zmNn4UIN1pwh8cgH7LYL0xEbyi_KLBPCO5yt7KYeg4fFh8klqpzvXl3pGlCe3nagAm
hlV9rJNbmBwvtCZB7KBoy3EQ
https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.officialgazette.gov.ph%2F19
94%2F05%2F24%2Fexecutive-order-no-179-s-
1994%2F%3Ffbclid%3DIwAR1EUKNmpODhD98fZ1wLG7FBjZchtRaSUNKypXsrCB
9fPB5rxY6QNmH4JQs&h=AT1vf8tm8rZkxCtUwT15hNRjQDMvpJQgZ8kQWR8nW-
zmNn4UIN1pwh8cgH7LYL0xEbyi_KLBPCO5yt7KYeg4fFh8klqpzvXl3pGlCe3nagAm
hlV9rJNbmBwvtCZB7KBoy3EQ

20
CO_Q2_AP 4_ Module 5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like