You are on page 1of 4

2nd SUMMATIVE TEST

ARALING PANLIPUNAN
Quarter 4

Pangalan:__________________________________ Baitang/Seksiyon:____________________
Petsa:_______________________________ Iskor:_____________________________

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sa Saligang Batas ng 1987, _____________.
a. wala nang Kongreso ang bansa
b. bawal ang magdeklara ng batas militar
c. demokratiko ang pamahalaang itinatag
d. inalis ang Katipunan ng mga Karapatan
2. Sa demokratikong kaayusan, _________________.
a. ang pangulo ang gumagawa ng lahat ng batas
b. ibinoboto ng mga tao ang kanilang mga pinuno
c. malawak at kailangang sundin ang bawat utos ng pangulo
d. mas makapangyarihan ang militar kaysa sa mga sibilyang mamamayan
3. Upang maibangon ang ekonomiya, ginawa ng Pangulong Aquino ang sumusunod maliban sa
____________________.
a. hinikayat ang pagtatatag ng kooperatiba
b. pinaalis ang mga dayuhang kompanya
c. pinairal ang malayang pagnenegosyo
d. inilunsad ang Kilusang Kabisig
4. Sa usapang pangkapayapaan, __________________.
a. hinihikayat ang mga rebeldeng grupo na sumuko na
b. isa-isang tinutukoy ang mga miyembro ng mga rebeldeng grupo
c. pinakikinggan ang bawat panig at sinusuri kung paano magkakaisa
d. inuutusan ng pangulo ang mga kalaban ng pamahalaan ng dapat gawin
5. Sa paraan ng sustainable development, dapat ___________________.
a. pangalagaan at gamitin nang wasto ang likas na yaman
b. gamitin ang lahat ng likas na yaman na maaaring makapagpaunlad sa bansa
c. gumamit ng makabagong teknolohiya upang mas maparami ang produksiyon
d. galugarin ang lahat ng bahagi ng bansa upang makuha ang mga nakatagong likas na yaman.
6. Higit sa lahat, mahalaga ang sapat na kalsada, tulay, paliparan, piyer, at mga paraan ng transportasyon
dahil _________________.
a. kailangang makapamasyal ang mga tao
b. sa makabagong panahon, kailangang lumabas ng bahay ang mga tao
c. magandang tingnan ang maraming kalsada, paliparan, piyer, tren, at iba pa
d. gamit ang mga ito sa pagdadala ng mga tao at produkto sa mga lugar kung saan kailangan sila o
ang mga ito.
7. Sa isang export processing zone, _______________.
a. maraming lokal na industriya
b. ang yaring produkto ay para sa lokal na pamilihan
c. mga manggagawang Pilipino lamang ang puwedeng magtrabaho
d. may mga imprastruktura, kagaya ng kalsada, tirahan, restoran, supermarket, at bangko na
kailangan ng mga industriya.
8. Higit sa lahat, kailangan ang sapat na elektrisidad sa isang bansa dahil, _______.
a. babagal ang Internet kapag wala ito
b. kailangan sa kabahayan at mga industriya
c. kukulangin ng mga transportasyong panghimpapawid
d. hindi madadala ang mga kalakal sa mga mataong lugar
9. Sa bayanihan, lahat ng nasa ibaba ay makikita at madarama maliban sa ______.
a. pagtutulungan
b. pagmamahal sa bayan
c. pagmamalasakit sa kapwa
d. pag-uunahan at kompetisyon
10. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Ramos maraming programa at proyekto ang kanyang
nagawa maliban sa ___________________.
a. pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
b. kaayusan at katahimikan
c. pagtanggal sa mga base militar ng US sa Pilipinas
d. paglilingkod sa mamamayan
11. Kaninong administrasyon ang humarap sa suliraning pagbaba ng agrikultura sa bansa?
a. Corazon C. Aquino
b. Fidel V. Ramos
c. Joseph E. Estrada
d. Gloria Macapagal - Arroyo
12. Alin sa mga sumusunod na administrasyon ang dumanas ng pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar?
a. Joseph E. Estrada at Gloria Macapagal – Arroyo
b. Corazon C. Aquino at Fidel V. Ramos
c. Corazon C. Aquino at Benigno Simeon Aquino III
d. Benigno Simeon Aquino III at Rodrigo R. Duterte
13. Alin sa mga suliranin sa kasalukuyan ang pinakapinagtuunan ng pansin ng Pangulong Duterte?
a. Malaking bilang ng populasyon
b. Polusyon
c. Droga
d. Kalusugan
14. Ang mga sumusunod na suliranin ay nangyari sa Administrasyong Estrada. Alin ang HINDI?
a. Malaking pagkakautang ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa
b. Pagtaas ng buwis
c. Pagbagsak ng ekonomiya sa Asya na nagdulot ng pagbaba sa halaga ng piso
d. Pagtaas ng presyo ng gasolina;
15. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang kinaharap ng bansa sa pamumuno ni Benigno S. Aquino III?
a. Pagbaba ng halaga ng piso laban sa dolyar
b. Pagbaba ng agrikultura sa bansa
c. Lubhang kahirapan
d. Mabagal na tugon ng gobyerno sa mga Pilipinong nasalanta ng Bagyong Yolanda.
2ND
PERFORMANCE TASK-Q4
Panuto: Gumawa ng isang poster na may temang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao o
kaya’y pagtatanggol at pagpapanatili sa demokratikong pamamahala. Iguhit ito sa isang bond paper.

Pamantayan Indikador Puntos Natamong


Puntos
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang 5
maayos ang uganayan ng lahat ng
konsept sa paggawa ng poster
Maliwanag at angkop ang mensahe
Kaangkupan ng konsepto sa paglalarawan ng konsepto
5
Orihinal ang ideya sa paggawa ng
post
Pagkamapanlikha
(Originality)
Malinis at maayos ang kabuuang
Kabuuang Presentasyon presentasyon 5

Gumamit ng tamang kombinasyon 5


ng kulay upang maipahayag ang
Pagkamalikhain (Creativity) nilalaman, konsepto, at mensahe.

5
ANSWER KEY:
1. C
2. B
3. B
4. C
5. A
6. D
7. D
8. B
9. D
10. C
11. B
12. A
13. C
14. B
15. D

You might also like