You are on page 1of 25

Module Code: Pasay AP6-Q1-W2-D1

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______


Pangalan ng Guro: ____________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Unang Markahan/Ikalawang Linggo/Unang Araw

MELC: Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino

TIYAK NA LAYUNIN: Naiisa-isa ang mga ginawa ng mga makabayang Pilipino sa


pagkamit ng kalayaan

ALAMIN NATIN

A. Pag-aalsa ng mga Makabayang Pilipino– ang mga dahilan ng pag-aalsa ay pawang


tungkol sa buwis, pang-aabuso, pagtaas ng presyo ng produkto, diskriminasyon at pagtatanggol
sa relihiyon.
B. Pagkatatag ng Kilusang Sekularisasyon – ang pagkatatag nito ay nagtanggol sa
karapatan ng mga Pilipinong paring sekular sa mga parokya.
 Dalawang uri ng Paring Katoliko
 Paring regular – kinabibilangan ng mga paring ordeng relihiyoso na tungkuling
palaganapin ang Kristiyanismo.
 Paring sekular – hindi kabilang sa paring orden na sinanay sa pagpapatakbo ng
parokya.
 Ipinatupad ang sekularisasyon sa bisa ng isang dikri at ito’y tinutulan ng mga paring regular
dahil sa tingin nila ang mga Pilipino ay hindi karapat-dapat sa pagpapari. Ipinatigil uli ang
sekularisasyon at naibalik sa mga paring regular. Nagdulot ito ng isyung diskriminasyon
laban sa mga sekular na paring Pilipino
 Ang pagbuo ng Kilusang Sekularisasyon ay nangangahulugan ng paggigiit ng
kapangyarihan ng mga paring sekular kapantay ng mga paring regular
 Ang kilusan ang naging hudyat ng Pilipinasyon sa mga simbahang Katoliko.
 Itinuturing na ang sekularisayon ang gumising ng diwang makabayan ng mga Pilipino.
C. Pag-aalsa sa Cavite – noong Enero 20, 1872, ang mga manggagawang Pilipino at sundalo
sa arsenal ng Fort San Felipe ay nag-aklas laban sa mga Espanyol.
 Mga Dahilan
 Di makatarungang pamamalakad ni Gob. Hen. Rafael Izquierdo.
 Tinanggal ang prebilehiyong hindi magbabayad ng buwis at di-pagsali sa sapilitang
pagggawa.
 Ang pag-aalsa ang dahilan upang isangkot ang mga lider ng kilusang sekularisasyon na
sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora.
D. Paglitis at Pagbitay sa Tatlong Pari – Noong Peberero 17, 1872, sa isang kunwaring
paglilitis, isang bayarang saksi ang tumestigo na ang tatlong pari ang utak ng pag-aalsa sa
Cavite. Hinatulan ng parusang kamatayan ang tatlong paring sina Padre Mariano Gomez,
Jose Burgos at Jacinto Zamora sa pamamagitan ng garrote na ginanap sa Bagumbayan.
 Ang paggarote ay pagpatay sa pamamagitan ng paghigpit sa nakapalibot na metal na
nakapalibot sa leeg.
 Pinatugtog ang plegaria ng mga kampana sa simbahan sa Manila bilang simbolo ng
pagdadalamhati.
 Itinuring ng mga Pilipino na kabayanihan ang kamatayan ng tatlong pari na
pagtatanggol lamang sa karapatan sa mga gumising sa nasyonalismo ng mga Pilipino

Page 1 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: ____________________________

Handa Ka Na Ba?
. Kung mayroon kang hindi naiintindihan maaari mong balikan ang aralin at kung
naintindihan ipagpatuloy ang gawain. Subukan na natin ang iyong kaalaman.

C. MGA GAWAIN

Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat bilang.

_____________ 1. Ito ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga Pilipinong paring
sekular sa mga parokya.
_____________ 2. Sila ay hindi kabilang sa paring orden at sinanay sa pagpapatakbo ng
parokya.
_____________ 3. Sila ang mga paring ordeng relihiyoso na tungkuling palaganapin ang
Kristiyanismo.
_____________ 4. Ito ang isinagawa ng mga manggagawang Pilipino at sundalo sa arsenal ng
Fort San Felipe noong Enero 20, 1872.
_____________ 5. Paraan ng pagbitay sa tatlong pari.

Gawain 2
Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng maikling talata. Piliin ang sagot
mula sa kahon sa ibaba.

Mariano Gomez Jose Burgos garrote


Cavite Jacinto Zamora Sekularisasyon
Orden sekular manggagawa
Sundalo Pilipinasyon

Ang mga __________________ Pilipino ay nag-alsa laban sag a mananakop dahil sa


iba’t ibang dahilan. Samantalang ang kilusang Sekularisasyon ay humihiling ng pantay na
_______________ ng mga paring _____________ at mga paring __________________ .
Ang kilusang ito ay hudyat ng _________________ ng mga simbahang Katoliko. Sumiklab ang
isang pag-aalsa sa Cavite na pinangunahan ng mga __________________ at _____________
dahil sa mahigpit na pamamalakad ng gobernador heneral. Isinangkot ang Tatlong paring
kasama sa sekularisasyon na sina _______________, _______________, at
_________________. Sila ay hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng _______________.

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
..

Page 2 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: ____________________________

Gawain 3
Panuto: Ipaliwanag ang ginawa at dahilan ng mga nakasulat sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa kahong makikita sa tapat ng bawat isa.

Mga Makabayang Pilipino

Mga Paring Sekular

Mga Manggagawa at
Sundalo sa Arsenal

Tatlong Paring GOMBURZA

Page 3 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: ____________________________

– Pagtulungan Natin!

Bakit ang Sekularisasyon ang naging daan upang


magising ang damdaing makabayan ng nga Pilipino?

____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

Ano ang naidulot ng pag-aalsa sa Cavite sa damdaming


makabayan ng mga Pilipino?

ISAISIP MO!

Bago ipagpatuloy ang pagsagot sa pagtataya, dapat tandaan:

 Nagsagawa ng pag-aalsa ang mga makabayang Pilipino para sa pagkamit ng


kalayaan.
 Binuo ang Kilusang Sekularisasyon upang ipagtanggol ang karapatan ng mga
paring Pilipino.
 Naganap ang pag-aalsa sa Cavite upang ipaglaban aang karapatan ng mga
manggagawa at sundalo.
 Binitay ang tatlong paring artir dahil sila ay inakusahang namuno sa pag-aalsa sa
Cavite.

Page 4 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: ____________________________

PAGTATAYA

Panuto: Punan ang patalang ng ataang salita upang abuo ang diwa ng bawat isa.

1. Maraming makabayang Pilipino gaya nina Lapu-lapu, Sulayman, Dagohoy at iba pa ang
nagsagawa ng _________ upang ipaglaban ang naranasang pang-aabuso, diskriinasyon at
pagbubuwis.
a, pag-aalsa c. pag-aalay
b. pagdadasal d. pagmaakaawa
2. Ang mga paring Pilipino ay ipinaglaban ang karapatan at pagkapantay-pantay sa mga paring
regular sa pamamagitan ng pagbuo ng Kilusang ________.
a. Makadiyos c. Sekularisasyon
b. PangKatoliko d. Pangkalayaan
3. Ang mga sundalo at manggagawa sa arsenal sa Fort San Felipe ay tinutulan ang pagtanggal
sa kanilang prebilehiyo kaya sila ay nag-alsa na tinawag na _______.
A. Pag-aalsa sa Arsenal c. Pag-aalsa sa Fort san Felipe
b. Pag-aalsa sa Cavite d. Pag-aalsa sa Pilipinas
4. Isa sa mga nakigising sa damdaming Pilipino para sa pagkamit ng nkalayaan ay ang paglitis
at ________ sa tatlong paring martir.
a. pagkulong c. pagbitay
b. paghuli d. patapon
5. Sinasabing isang malaking pagkakamali ng mga Espanyol ang pagbitay sa GOMBURZA sa
pamamagitan ng _________ na nakagising sa makabayang damdamin ng mga Pilipino.
a. pagarrote c. pagsunog
b. pabaril d. pagsaksak
.
.

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Ikaw ay


handa na, para sagutan ng susunod na modyul.

Inihanda ni:

ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School

Reference for Further Enhancenment:

https://xiaochua.net
https:/philippineculturaleducation.com.ph
Lakbay ng Lahing Pilipino 6
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Pilipinas Isang Pagsulyap at Pagyakap

Page 5 of 25
Module Code: Pasay-AP6-Q1-W2-D2

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______


Pangalan ng Guro: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Unang Markahan/Ikalawang Linggo/Ikalawang Araw

MELC: Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at ng Kilusang Propaganda at katipunan sa paglinang ng
nasyonalismong Pilipino.
TIYAK NA LAYUNIN: Natutukoy ang ambag ng Kilusang Propaganda sa
pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino (hal. La Liga
Filipina Asociacion Hispano-Filipino)

ATING PAG-AARALAN

Sino ako?
.

Sila ang mga ilustrado na nanguna sa paghingi ng reporma.

KILUSANG PROPAGANDA
Matapos mabitay ang tatlong paring martir noong 1888, itinatag ang
Kilusang Pangreporma na lalong kilala sa tawag na Kilusang Propaganda. Gumamit sila ng
panulat upang maipaabot ang kanilang karaingan sa kinauukulan sa mapayapang paraan..
Ilan sa mga layunin ng Kilusang Propaganda:
1. pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas
2. pagiging bahagi ng Pilipinas ng bansang Espanya bilang lalawigan.
3. pagkakaroon ng kinatawan ng bansa sa Cortes ng Espanya.
4. pagtatalaga ng mga paring Pilipino sa parokya o sekularisasyon
5. pagkakaloob ng kalayaan sa pananalita, pamamahayag, pagpupulong at paghaharap ng
petisyon.
Bumuo ng opisyal na pahayagan ang samahan upang maipalaganap ang kanilang mga
layunin – ang La Solidaridad na nangangahulugang pagkakaisa.

MGA PROPAGANDISTA
1. Graciano Lopez-Jaena (Diego Laura) – ang unang patnugot ng La Solidaridad. Isinulat niya
ang kanyang mga akda na Fray Botod at La Hija de Fraile.
2. Marcelo H. del Pilar- (Plaridel). Pinalitan niya bilang patnugot ng La Solidaridad si Jaena.
Siya rin ang patnugot ng Diaryong Tagalog. Ang kanyang mga akda ay Caingat Cayo, Dasalan
at Tocsohan.
3. Dr. Jose Rizal –(Dimasalang at Laong-Laan).Isinulat niya ang dalawang nobelang Noli Me
Tangere at El Flibusterismo na naghahayag ng pagmamalabis at pagmamalupit ng mga prayle..
4 Mga iba pang propagandista – Antonio Luna (Taga-ilog), Jose Ma. Panganiban (Jomapa),
Mariano Ponce (Naning, Kalipulako, Tikbalang), Felix Hidalgo at marami pang iba.
LA LIGA FILIPINA - Palihim na itinatag ni Jose Rizal ang La Liga Filipina sa Ilaya, Tondo. Ito
ay isang kapisanang pansibiko para sa mga Pilipino. Ang mga layunin ng kapisanang ito ay
ilahok ang mga tao sa pagbabago, makamit ang pagkakaisa ng sambayanan, pag-aaral at
pagsasagawa ng reporma, magkaroon ng proteksiyon ng lahat at iba pa.

Page 6 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

ASOSACION HISPANO-FILIPINO - Itinatag ng mga propagandista at mga kaibigang nasa


Madrid, Espanya para sa reporma ng Pilipinas. Ang pahayagan ng samahan ay ang Revista del
Circulo Hispano-Filipino.

Karagdagang Sanggunian:
https://www.bookwidgets.com/play/UZZUU5?teacher_id=5595664070213632
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

-
SUBUKIN ANG KAALAMAN
Kung mayroon kang hindi naiintindihan maaari mong balikan ang aralin at kung
naintindihan ipagpatuloy ang gawain. Simulan mo na!

C. MGA GAWAIN

Gawain 1 – Krosword!
Panuto: Punan ang krosword ng mga salitang hinihingi pahalang at pababa

Pahalang
5 3 1. Pahayagang binuo ni
1 2
Marcelo H. del Pilar
4. Samahang itinatag ng
mga Pilipino sa Madrid
6. Sumulat ng Noli Me
Tangere at El
Filibusteriso
7. Kilala bilang Taga-ilog
7
Pababa
1.Sumulat ng Caingat
6 Cayo at Dasalan at
Tocsohan
2.Samahang binuo ni
Dr. Jose Rizal
3.Pahayagan ng
Kilusang Propaganda
4. Unang patnugot ng La
4
Solidaridad

Gawain 2 – Pangkatin Mo!


Panuto: Itala ang mga layunin sa tamang hanay.
 ilahok ang mga tao sa pagbabago
 makamit ang pagkakaisa ng sambayanan
 pagtatatag ng paaralang sekundarya
 pagiging bahagi ng Pilipinas ng bansang Espanya bilang lalawigan.
 pagkakaroon ng kinatawan ng bansa sa Cortes ng Espanya.
 pagtatalaga ng mga paring Pilipino sa parokya
 pamamahayag, pagpupulong at paghaharap ng petisyon.

Page 7 of 25
 pag-aaral at pagsasagawa ng reporma
 magkaroon ng proteksiyon ang lahat
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

 pagpapaunlad ng edukasyon, agrikultura at pangangalakal.


 pagbabago sa hukuman at taripa
 pakakaloob ng kalayaan sa pananalita

Kilusang Propaganda La Liga Filipina Asociacion Hispano-Filipino

Gawain 3 – Malaking Ideya !


Panuto: Pag-aralang mabuti ang mga pangkat ng salita. Isulat ang pamagat ng bawat isa sa
linya.
__________________________ ___________________________

A. Antonio Luna A. Sa Aking Mga Kababata


B. Felix Hidalgo B. Noli Me Tangere
C. Graciano Lopez Jaena C. El Filibusterismo
D. Jose Rizal D. Ultimo Adios

___________________________ ___________________________

A. pagtatatag ng paaralang .A.pantay na pagtingin sa mga


sekundarya Pilipino at Espanyol sa harap ng
B. pagbabago sa hukuman, taripa batas
at pamahalaang-bayan B.. pagiging bahagi ng Pilipinas ng
C.pagpapaunlad ng bansang Espanya bilang lalawigan.
D. pagkakaroon ng talaang-sibil 3C pagkakaroon ng kinatawan ng
bansa sa Cortes ng Espanya.
4. pagtatalaga ng mga paring
Pilipino sa parokya o
_____________________________
sekularisasyon
.A.ilahok ang mga tao sa
pagbabago
B. makamit ang pagkakaisa ng
sambayanan
C.pag-aaral at pagsasagawa ng
reporma,
D. magkaroon ng proteksiyon ng
lahat, pagtatanggol laban sa
kaguluhan

Page 8 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 4 – Teksto Suri!


Panuto: Suriin ang kawastuhan ng pahayag. Isulat ang Tama sa linya kung wasto ang ginamit
na nakasalungguhit na salita at kung mali isulat ang tamang salita.

__________ 1. Ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda ay ang Diaryong Tagalog.


__________ 2. Isa sa layunin ng kilusan ay gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
__________ 3. Ang mga Repormista ay gumamit ng armas upang maipabot ang karaingan sa
mga kinauukulan sa mapayapang paraan.
__________ 4. Layunin ng La Liga Filipina na makamit ang pagkakaisa ng sambayanan.
__________ 5. Si Marcelo H. del Pilar ay nakilala dahil sa kanyang mga nobelang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo.

PAGLALAHAT

Bago ipagpatuloy ang pagsagot sa pagtataya, dapat tandaan:

 Ang Kilusang Propaganda ay itinatag ng mga Pilipinong naglalayong isulong ang


reporma o pagbabago sa mapayapang paraan.
 La Solidaridad- pahayagan ng Kilusang Propaganda
 La Liga Filipina –itinatag ni Dr. Jose Rizal sa Ilaya, Tondo (Hulyo 3, 1892) –isang
kapisanang pansibiko para sa mga Pilipino.
 Asosacion Hispano-Filipino – samahang binuo ng mga nagkakaisang Pilipino at Kastila
na humihingi ng reporma para sa Pilipinas.

PAGTATAYA

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Bakit mahalaga ang La Solisaridad bilang ambag ng mga propgandista?
A. Ito ay ginawa nilang kabuhayan.pagkakitaan
B. Ito ang nagbigkis sa mga Pilipino at Kastila..
C Nailathala ang nila ang nais na reporma para sa Pilipinas.
D. Nakatutulong ito upang mas maging mahusay silang manunulat.
2. Alin ang HINDI layunin ng Kilusang Propaganda?
A.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
B.Italaga ang mga Pilipinong pari sa mga parokya
C.Tuluyan ng bigyan ng kasarinlan ng mga Espanyol ang Pilipinas.
D. Maging pantay ang mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.
3. Ano ang layunin ng samahang Circulo Hispano-Filipino?
A Paalisin ang mga prayle sa Pilipinas

Page 9 of 25
B. Paghihiwalay ng Pilipinas at Espanya.
C Maisakatuparan ang layunin ng mga Pilipino.
D. Pagkakaisa ng lahat ng mga Espanyol at mga Pilipino.

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______


Pangalan ng Guro: __________________________

4. Anong paraan ang ginamit ng mga repormista upang mapukaw ang damdaming
makabayan ng Pilipno?

A. sa mapayapang paraan C sa pamamagitan ng pagbuo ng samahan


B. sa pagsusulat .ng nobela D. lahat na nabanggit ay tama
5. Ano ang naiambag ng La Liga Filipina ni Dr. Jose Rizal?
A. Pinag-isa ang mga Pilipino.
B. Isunulong ang pakikipaglaban gamit ang armas..
CTumulong sa mga Espanyol laban sa mga prayle.
D.Pinaunlad ang kabuhayan ng mga kaanib ng samahan.

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Ikaw ay handa na,
para sagutan ng susunod na modyul.

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sanggunian:
Lakbay ng Lahing Pilipino 6
6https://www.slideshare.net/lethmarco/kilusang-propaganda-50634496
Project LEAD Ap6 Worksheets

Page 10 of 25
Module Code: Pasay-AP6-Q1-W2-D3

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______


Pangalan ng Guro: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6


Unang Markahan/Ikalawang Linggo/Ikatlong Araw

MELC: Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng Nasyonalismong Pilipino

TIYAK NA LAYUNIN: Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng


Kilusang Propaganda .

. ALAMIN NATIN: Layunin at Resulta ng Pagkatatag ng Propaganda

Mga Layunin ng Kilusang Propaganda


Hindi hiniling ng Kilusang Propaganda ang lubos na kasarinlan ng Pilipinas kundi ang
pangunahing layunin nito ay bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa sistemang kolonyal ng
mga Kastila sa Pilipinas sa paraang panula at pamamahayag.
1. Pagkilala sa Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya –Kapag kinilala ng Espanya ang
Pilipinas bilang isang lalawigan nito, ang mga Pilipino ay magiging mamamayan.ng Espanya.
2. Pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Cortes – Ang Pilipinas ay magkakaroon ng boses,
gaano man kaliit, makakatulong ito sa paggawa ng batas ukol sa kalagayan ng bansa.
3. Sekularisasyon ng mga parokya sa Pilipinas –Layon ng sekularisasyon na alisin ang
diskriminasyon dahil sa lahi laban sa mga paring Pilipino. Isa pang dahilan ay ang di mabilang
na pang-aabuso na ginagawa ng ga prayle laban sa mga Pilipino.
4. Pagkilala sa karapatang pantao at mahahalagang kalayaan tulad ng pagsasalita at
pagtitipon, malayang pamamahayag at karapatan sa pantay na hustisya. – Ang umiiral na
batas sa Pilipinas ay kumikiling sa mga Espanyol kaya nais ng mga propagandista na iwasto
ang di pagkakapantay-pantay na ito.

Resulta ng Pagkatatag ng Kilusang Propaganda


Ginamit ang mga repormista ang kapangyarihan sa pananalita, pamamahayag at iba
pang paraan upang makamit ang pagbabagong hangad para sa bansa dahil dito unti-unting
namulat ang mga mata ng ilang opisyal na Espanyol sa kalagayan ng mga Pilipino. Naunawaan
ng ilang mga pinuno ang dahilan kung bakit lugmok ang ekonomiya ng bansa. Nagkaroon ng
simpatiya sa kalagayan ng mga Pilipino ang ilang pinunong Espanyol gaya nina Miguel Morayta
at Felipe de la Corte.

Pagkabigo ng mga Repormista


.1. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga miyembro gaya ng di pagkakaunawaan nina Rizal at del
Pilar na naging sanhi ng pagkahati ng pangkat sa dalawa.
2. Ang kakulangan ng pondo – kapos ang nalilikom na pera para suportahan ang mga proyekto
at programa ng kilusan.
3. Ang kalagayang pampolitika ng Espanya- nakatutok ang mga opisyal sa paglutas ng kanilang
problema kaya hindi napag-ukulan ng atensiyon ng pamahalaan ng Madrid ang kahilingan ng
mga propagandista.
4. Personal na problema ng repormista tulad ng pagkakasakit at kakulangan ng salapi para
matustusan ang pangangailangan.
5. Walang ibang lumitaw na malakas na pinuno sa pangkat maliban kay Jose Rizal.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Page 11 of 25
Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas
Lakbay ng Lahing Pilipino 6
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: ____________________________
-
SUBUKIN ANG KAALAMAN

Kung mayroon kang hindi naiintindihan maaari mong balikan ang aralin at kung
naintindihan ipagpatuloy ang gawain. Simulan mo na!

GAWAIN 1 – Buuin Mo!


Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1. Kapag naging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas, ang mga Pilipino ay magiging _________
ng Espanya.
2. Layunin ng pagtatalaga ng mga paring Pilipino sa mga parokya sa Pilipinas upang alisin ang
____________________ dahil sa lahi.
3. Ang pagkakaroon ng kinatawan ng Pilipinas sa Cortes sa Espanya ay makapagbibigay ng
_____________ kahit gaano man ito kaliit.
4. Hiniling ng mga Propagandista ang pagkakaloob ng kalayaan sa pagsasalita at pagtitipon,
pamamahayag at iba pa dahil nais nila na iwasto ang hindi __________________________.
5. Ang pinakamalaking resulta ng pagkatatag ng Kilusang Propaganda ay ang pag-igting ng
___________________ sa sariling bayan.

GAWAIN 2 – Suriin Mo!

Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Lagyan ng mukhang nakangiti kung
tama ang isinasaad nito at mukhang nakasimangot kung mali ito.

_____1. Ang epekto ng hinihinging pagbabago ng mga repormista ay ang pagkawatak-


watak ng mga pinuno
_____ 2. Hiniling ng kilusan na magkaroon ng representante sa Cortes upang may
makapagpaabot sa mga hinaing ng mga Pilipino.
_____3. Ang pagtatalaga ng mga paring Pilipino sa mga parokya sa Pilipinas ay hiniling upang
matanggal ang diskriminasyon.
_____4. Hindi ganap na matagumpay ang Kilusang Propaganda dahil sa mga hindi
pagkakaunawaan ang ilang kasapi dito.
_____5. Nais ng mga repormista ang pagkapantay-pantay ng Espanyol at Pilipino kaya hiniling
nila na mabigyan ng ibat ibang karapatan at kalayaan.
_____ 6. Sa pamamagitan ng panulat ay unti-unting nakita ng ilang opisyal na Espanyol ang
abang kalagayan ng mga Pilipino.
_____ 7. Ang kakulangan sa pondo ay isa sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga repormista.

Page 12 of 25
__________________________________________________________________________
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 3
Panuto: Isulat sa ilalim ng pamagat na kinabibilangan ng mga sumusunod pahayag..

E. Nagkaroon ng simpatya sa kalagayan ng


A. Tumindi ang pagmamahal sa bayan.
mga Pilipino ang ilang pinunong Espanyo
F. kakulangan ng Pagkakaisa ng mga
B. Kakulangan ng pondo.
Miyembro.
G. Nakakuha ng simpatya mula sa ilang
C. Maliit na pag-iiringan ng mga miyembro
pinunong Espanyol.
D. Namulat ang mga mata ng mga pinunong H.Naunawaan ng ilang pinuno kung bakit
Espanyol sa kalagayan ng bansa mahina ang ekonomiya ng Pilipinas.

Resulta ng Pagkatatag ng Kilusang


Pagkabigo ng mga Propagandista
Propaganda

Pagiging lalawigan ng Pagtalaga ng mga paring


Espanya ang Pilipinas Pilipino sa parokya

Layunin at Dahilan ng
Hinihinhing Pagbabago
Panuto: Itala sa Cluster Map ang mga paliwanag para
sa bawat layunin. .
Gawain 4 – Cluster Map!

Page 13 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 5 – Pagtulungan Natin!

Panuto: Pumili ng isang layunin ng kilusan at dahilan nito na nagustuhan mo. Isulat ang
iyong saloobin tungkol dito. Maaaring hingin ang opinyon ng iyong magulang.
___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________.
Rubrik sa Pagsulat ng Talata

5 4 3
Nilalaman/katotohanan Punong-puno ng ideya Maganda ang ideya Nabanggit ang
at makatotohanan mga ideya ngunit
di- makatotohanan
Organisasyon Napakaayos ang Maayos ang Medyo magulo
paglalahad pagkakalahad ang pagkakalahad
Kalinisan ng Gawa Malinis at maganda Malinis ngunit hindi Hindin malinis ang
ang pagkasulat masyadong maganda pagkasulat
ang pagkasulat
Kabuuang puntos 15

TANDAAN

Bago sagutan ang pagtataya, dapat tandaan:

Ang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda ay bigyan ng kalutasan ang mga kamalian sa
sistemang kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas sa paraang panulat.

Ang dahilan ng kanilang mga layunin ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang mga resulta ng pagkatatag ng Kilusang Propaganda ay


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Page 14 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

PAGTATAYA

Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.
1. Bakit layunin ng Kilusang Propaganda na maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas?
A. Nais nilang dumami ang lalaban sa Espanya.
B. Upang makilala ang mga talino at galling ng mga propagandista.
C Ayaw nang bumalik sa Pilipinas ang mga miyembro ng Kilusang Propaganda
D. Upang maging mamamayan ng Espanya ang mga Pilipino at maging kapantay nila

2. Ano ang dahilan ng hinihinging pagbabago sa karapatan at kalayaan sa pagsasalita ,


pagpupulong at pamamahayag?
A. Ang mga batas sa Pilipinas ay para sa mga mayayaman lamang.
B. Ang mga batas sa Pilipinas ay para sa mga nakapag-aral lamang.
C. Ang mga batas sa Pilipinas ay kumikiling lamang sa mga Espanyol.
D. Ang mga batas sa Pilipinas ay kumikiling lamang sa mga Pilipinong may
kapangyarihan.

3. Alin ang HINDI dahilan ng pagsulong ang Sekularisasyon ng mga paring Pilipino sa parokya
sa Pilipinas?
aA Labis ang pang-aabuso ng mga paring Espanyol.
B. Upang ang mga paring Pilipino ang mamuno sa mga parokya.
C.Nais tanggalin ang diskriminasyon sa mga paring Pilipino dahil sa lahi.
D. Hindi maintindihan ang isinasagawa ng mga paring Espanyol sa mga simbahan

4. Alin sa mga ito ang pinakamatinding epekto ng pagkakabuo ng kilusang propaganda?


A. Maraming nakilala na magaling sa pagsulat ng mga nobela.
B. Nabuo ang galit ng mga Pilipino sa pamahalaang Espanyol.
C Mas tumindi ang pagmamahal ng mag Pilipino sa Inang bayan.
D Nakabuo ng mga samahan ng mga Pilipino na lalaban gamit ang lakas at armas.

5. Ano ang mahalagang papel na gagampanan ng kinatawan ng Pilipino sa Cortes?


A. Siya ang magpaparating ng hinaing ng mga Pilipino.
B. Siya ang magpapasimula ng laban ng Pilipino sa mga pinuno.
C. Siya ang magiging taga-ulat sa mga ginagawa ng mga Espanyol sa mga Pilipno.
D. Siya ang magiging susunod na pinakamataas na pinuno ng mga mamamayan ng
bansa.
Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Ikaw ay handa na,
para sagutan ng susunod na modyul.

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sanggunian:
Lakbay ng Lahing Pilipino 6
Kayamanan 6
https://www.slideshare.net/lethmarco/kilusang-propaganda-50634496

Page 15 of 25
Module Code: Pasay-AP6-Q1-W2-D4

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______


Pangalan ng Guro: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY
MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6
Unang Markahan/Ikalawang Linggo/Ikaapat na Araw

MELC: Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino.

TIYAK NA LAYUNIN: Natatalakay ang pagkatatag at paglaganap ng Katipunan

ALAMIN NATIN Pagtatag at Paglaganap ng Katipunan

Si Andres Bonifacio ay kasapi ng La Liga Filipina na nawalan ng pag-asa na makamit


ang kalayaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan. Siya ay naniniwala na makakamit ang
kalayaan sa pamamagitan ng rebolusyon o himagsikan.

Ako si Andres Bonifacio, ang Ama o Supremo ng Katipunan. Itinatag ang


Kataas-taasan, Kagalang-galangang, Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK
noong Hulyo 7, 1892 sa kalye Azcarraga, Tondo, Maynila. Kasama ko sina
Ladislao Diwa, Deodato Arellano, Valentin Diaz, Teodoro Plata, at iba pa.
Isinulat ko ang Dekalogo ng Katipunan na nagsisilbing mga gabay na aral ng
Katipunan.Ginamit ko ang sagisag na “May Pagasa at Agapito Bagumbayan”
bilang manunulat.

Ako si Emilio Jacinto na kilala ring Pingkian at Dimas-ilaw. Ang Utak ng Katipunan
at nagsulat ng Kartilya ng Katipunan na naglalaman ng 13 aral ng kilusan. Ako
ang patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng Katipunan.

Alam Mo Ba?

Ang pangunahing layunin ng Katipunan ay pag-isahin ang mga Pilipino bilang isang malakas at
matatag na hukbo upang makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng himagsikan o rebolusyon.
 Ang mga sumapi sa samahan ay tinawag na Katipunero na nagmula sa ibat-ibang
sektor. Bilang simbolo ng katapatan, sila ay nagsasagawa ng sanduguan o blood
compact na ginagamit sa pagpirma ng pangalan sa mga dukomento ng samahan. Sila
ay dumadaan sa pagsubok upang upang maipakita ang tapang, katapatan at
pagmamahal sa bayan.
 Ang Katipunan ay gumagamit ng sistemang tatsulok sa paghahanap ng kasapi. Ang
bawat kasapi ay dapat maghanap ng dalawang kasapi na hindi magkakilala upang
masiguro na ang paglago ng samahan ay hindi lantaran.
 Nang dumami na ang kasapi, hinati ito sa tatlong pangkat.
1. Bayani-ang pinakamataas na antas na gumagamit ng pulang takip sa mukha na may
puting tatsulok na mga KKK. Sila ay may hudyat na “Rizal”.
2. Kawal – mga sundalo ng kilusan na ang suot na talukbong sa ulo ay kulay berde na
may tatsulok at KKK. Ang gamit na hudyat ay “Gomburza”.
3. Katipon- ang pinakamababang antas na ang suot ay itim na talukbong na ay puting
tatsulok, Sila ang mga kasaping gumagamit ng hudyat na “Anak ng Bayan”.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Karagdagang Sanggunian:
ANG KATIPUNAN
https://www.bookwidgets.com/play/LXCMLK?teacher_id=5595664070213632

Page 16 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

-
MAGSANAY TAYO

Kung mayroon kang hindi naiintindihan maaari mong balikan ang aralin at kung
naintindihan ipagpatuloy ang gawain. Simulan mo na!

MGA GAWAIN

Gawain 1 – Hanap Salita!

Panuto: Hanapin at guhitan ang mga salitang tinutukoy sa mga pahayag. Maaring ito ay
pahalang, pababa, pataas pahilis.

v p j l q v x m h f y q
k t e a e y f s g j w s
t i p z s o z i n d z n
k a t i p u n e r o t o
a a t r n u p x i f f m
l z r s l g u r o o e r
a y b t u v k q e d b t
y j o z i l a i f m l r
a b g v m l o i a a o g
a d a g d o y k w n l f
n i o t n i c a j f d i
e g y r y n k j g f n o

1. Tawag sa mga kasapi ng Katipunan. ___________________________


2.Taguri kay Emilio Jacinto ___________________________
3.Tawag sa mga sundalo ng kilusan ___________________________
4. Siya ang Utak ng Katipunan. ___________________________
5. Pahayagan ng Katipunan. ___________________________
6. Naglalaman ng 13 Aral ng Katipunan ___________________________
7. Turing kay Andres Bonifacio ng KKK ___________________________
8. Hudyat ng mga kasapi sa pangkat na bayani ___________________________
8. Sistema ng pangangalap ng bagong kasapi ng Katipunan __________________________

____________________________________________________________________________________

Page 17 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 2 Teksto Suri!

Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang Tama sa patlang kung ang salitang
may salungguhit ay nagsasaad ng tamang diwa at kung mali isulat ang tamang salita.
_________ 1. Si Andres Bonifacio ay naniniwala na makakamit ang kalayaan sa pamamagitan
ng rebolusyon.
_________ 2. Ang KKK o Katipunan ay itinatag noong Hulyo 7, 1890 sa Kalye Azcarraga,
Tondo Manila.
_________ 3. Ang mga kasapi ng KKK ay tinawag na Supremo.
_________ 4. Ang sistemang tatsulok ang ginamit sa pangangalap ng mga bagong kasapi sa
kilusan.
_________ 5. Ang mga kasapi ay nahati sa tatlong pangkat – ang bayani, kawal at
katipon.
_________ 6. Isinulat ni Emilio Jacinto ang Dekalogo ng Katipunan.
_________ 7. Ang opisyal na pahayagan ng Katipunan ay tinawag na Kalayaan.
_________ 8. Ang Utak ng Katipunan ay si Andres Bonifacio na siya ring tagapayo ng
kilusan.
_________ 9. Ang tawag sa pinakamataas na antas na kasapi sa Katipunan ay bayani na may
hudyat na Rizal.
________ 10. Si Emilio Jacinto ang patnugot ng Kalayaan na ginagamit sa pagpapalaganap
ng mga aral ng Katipunan.

Gawain 3
Panuto: Isulat ang mga salitang hinihingi sa bawat bilang.

1.____________
2. ___________ ____________
3. ____________ ____________ ___________
4. __________ ____________ ___________ ___________
5.__________ __________ ___________ ____________ ___________
6._________ __________ __________ __________ __________ __________
7._________ __________ _________ ___________ ___________ ___________ ___________

1. Paraan upang makamit ang kalayaan


2. Ama ng Katipunan
3. Mga antas ng kasapi ng Katipunan
4. Mga kasama ni Andres Bonifacio sa pagtatag ng KKK
5.Naglalarawan sa sistemang tatsulok
6. Gamit ng sanduguan o blood compact
7. Pangunahing layunin ng KKK

Page 18 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 4 – Iguhit Mo!


Panuto: Iguhit ang sistemang tatsulok sa pangangalap ng mga bagong kasapi ng Katipunan.
Magsimula ka sa isang tao lamang. Maaring hingin ang payo ng iyong magulang.

Panuto: Isulat ang mahahalagang detalye sa web.

ANDRES KATIPUNANK EMILIO


KATIPUNAN
KKA
BONIFACIO JACINTO

KATIPUNERO

Page 19 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

ISAISIP

Bago ipagpatuloy ang gawain, tandaan: :

Ang KKK ay itinatag nina Andres Bonifacio at iba pa noong Hulyo 7, 1892 sa Kalye Azcarraga,
Tondo Manila.
Siya ay tinawag na Ama ng Katipunan at Supremo.Isinulat niya ang Dekalogo ng
Katipunan.
Si Emilio Jacinto o Pingkian ang Utak ng Katipunan at sumulat ng Kartilya. Siya rin ang
patnugot ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan ng mga Katipunero.
Ang sistemang tatsulok ang ginamit sa pagkalap ng dalawang bagong kasapi.
Ang tatlong antas ng Katipunan ay bayani, kawal at katipon.

SUBUKAN MO

Panuto: Isulat ang sagot sa mga tanong.

1. Ano ang paniniwala ni Andres Bonifacio tungkol sa pagkamit ng kalayaan mula sa mga
Espanyol?
__________________________________________________________________________.
2. Kailan at saan itinatag ang Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipuan ng mga Anak ng
Bayan?
__________________________________________________________________________
3. Bakit dumadaan sa pagsubok ang mga bagong kasapi ng Katipunan?
______________________________________________________________________
4. Paano isinasagawa ang sistemang tatsulok sa pangangalap ng mga kasapi ng Katipunan?

__________________________________________________________________________________

5. Bakit kailangang hatiin sa tatlong pangkat ang mga Katipunero?


____________________________________________________________________________

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Ikaw ay handa na,
para sagutan ng susunod na modyul.

Inihanda ni:
ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=ahqrl1jHUss
https://prezi.com/gc9malo_wp8m/ang-pagkakatatag-at-paglalaganap-ng-katipunan/
https://www.slideshare.net/lethmarco/katipunan-78987281

Page 20 of 25
Module Code: Pasay-AP6-Q1-W2- D5
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION-NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN 6

MELC: Naipaliliwanag ang layunin at resulta ng pagkakatatag ng Kilusang


Propaganda at Katipunan sa paglinang ng Nasyonalismong Pilipino.

TIYAK NA LAYUNIN: Naibibigay ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa


himagsikan/kilusan at pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa

ALAMIN NATIN ang Implikasyon ng Kawalan ng Pagkakaisa sa


Himagsikan at Pagbuo ng Pilipinas bilang isang Bansa
____________________________________________________________________________
Pagmasdan ang larawan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

Sa isang samahang tulad ng Katipunan hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hidwaan o


salungatan sa pagitan ng mga pinuno o ng mga miyembro.
Sa panahon ng himagsikan si Emilio
Aguinaldo , ang alkalde ng Kawit ay nanguna sa pag-
aalsa sa ibat-ibang bahagi ng Cavite, Ang kanyang
popularidad ay umangat dahil sa kanyang mga
sunud-sunod na panalo. Samantalang si Andres
Bonifacio ay nagtamo ng sunud-sunod- na pagkatalo
sa pakikipaglaban na naging dahilan upang bumaba
ang kanyang popularidad https://alchetron.com/Magdiwang-(Katipunan-faction)
#magdiwang-katipunan
Dahil dito nagkaroon ng alinlangan, salungatan, at tunggalian sa pamumuno ng
Katipunan. Nagkaroon ng dalawang pamunuan at pangkat ang kilusan.
Pangkat Magdalo-Pinamunuan ni Baldomero Aguinaldo na pinsan ni Emilio Aguinaldo na
nagsasabing magtatag ng bagong gobyerno na papalit sa Katipunan.
(Kawit, Imus, Bakood , Perez, Dasmarinas, Karmona, Silang, Amadeo.)
Pangkat Magdiwang - Pinamunuan ni Mariano Alvarez na amain ng asawa ni Bonifacio na
si Gregoria de Jesus. Ang pangkat ay tutol sa pagpapalit ng samahang Katipunan.
(Nobeleta, San Francisco de Malabon, Indang, Mendez, Nunez, Alfonso, Bailen,
Marigundong, Ternate, Naic, Tansa, Salinas)
Upang tapusin ang hidwaan sa pamunuan, nagkaroon ng pagpupulong sa Imus, Cavite
ngunit hindi ito nagtagumpay. Ang Magdalo at Magdiwang ay muling nagpulong sa kumbensyon
ng Tejeros, Cavite, Nagkaroon ng eleksyon at sa posisyong pagkapangulo ay nanalo si Emilio
Aguinaldo at nahalal naman bilang direktor ng interior at lokal na pamahalaan si Andres
Bonifacio. Tinutulan ni Daniel Tirona ang pagbibigay ng posisyon kay Bonifacio sa dahilang
hindi ito isang abogado. Nagalit si Bonifacio, nagtatag din siya ng sariling pamahalaan. Bunga
nito, ipinadakip siya ni Emilio Aguinaldo at nilitis sa kasong pagtataksil sa bayan at sedisyon.
Nahatulan siya ng kamatayan, tinugis hanggang sa mapatay kasama ng kanyang kapatid na si
Ciriaco at Procopio.
Ang alitan ng dalawang pangkat ay nakaapekto sa layunin ng samahan. Sa halip na
mga Esapnyol ang kalabanin ay sila-sila ang nag-away. Naging sunud-sunod na pagkatalo ng
mga Katipunero sa maraming labanan.
Karagdagang Sanggunian:
Pilipinas 6 12th Edition
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-9-ang-rebolusyong-pilipino-tungo-sa-kalayaan

Page 21 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

MAGSANAY TAYO
Kung mayroon kang hindi naiintindihan maaari mong balikan ang aralin at kung
naintindihan ipagpatuloy ang gawain. Galingan mo!

MGA GAWAIN

Gawain 1

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa linya.

1. Bakit nagbago ang popularidad nina Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo?

Andres Bonifacio -
____________________________________________________________________________
Emilio Aguinaldo -
_________________________________________________________________________

2. Ano ang nabuo ng dahil sa mga pagbabagong ito?


____________________________________________________________________________
3. Anong pangyayari ang lalong nagpasiklab ng galit ni Andres Bonifacio?
____________________________________________________________________________
4. Sa iyong palagay. ang pagkamatay ba ni Andres Bonifacio at kapatid nito ang nagpatapos ng
kaguluhan sa samahan?
____________________________________________________________________________
5. Ano ang naging epekto ng mga hindi pagkaunawaan ng mga Katipunero?
____________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Isulat ang tsek sa puwang kung ito ay nagpapahayag ng epekto ng hidwaan sa
pangkat at ekis kung hindi.

Ang epekto ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan ay …

_____ 1. kamatayan ng mga tauhan


_____ 2. pagkapanalo laban sa katunggali
_____ 3. pag-aagawan ng mga tao
_____ 4. pag-aagawan ng teritoryo
_____ 5. pagkakauunawaan sa mga pangyayari
_____ 6. Pagkawatak-watak
_____ 7. Pag-kakaiba ng ipinaglalaban
_____ 8. Pagkakasalungat ng mga paniniwala
_____ 9. pagmamahalan
_____10. Katiwasayan sa mga kasapi at iba pang mamamayan
____________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________

Page 22 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 3

Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga konsepto ayon sa nalaman.

Ang Dalawang Pangkat ng Katipunan sa Cavite

Pangyayari 1:

Pangyayari 2:

EPEKTO:

Page 23 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

Gawain 4 – Isulat Mo!

Panuto: Sumulat ng isang bukas na liham batay sa sitwasyon. Hingiin ang tulong ng iyong
magulang.

Maiuugnay natin ang kasalukuyang nangyayari sa ating bansa dala ng COVID 19 sa


mga pangyayari sa nakaraan. Gumawa ka ng isang maikling bukas na liham para sa mga
Pilipino na nagpapaliwanag sa epekto ng kawalan ng pagkakaisa sa pakikipaglaban sa sakit at
sa pagbangon ng Pilipinas bilang isang bansa.

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
_______________________________________,

_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Panuto:
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
__________________________________

_______________________

Rubrik sa Pagmamarka ng Pagsagot sa Tanong


KRAYTERYA
5-4 3-2 1
Organisasyon Maayos ang pagkakasunud- Maayos ang organisasyon Hindi maayos ang
sunod ng mga ideya sa , pagkakabuo ng talata na organisasyon ng mga
kabuuan ng talata, mabisa may angkop na simula at ideya at walang
ang panimula at malakas ang konklusyon panimula at konklusyon.
konklusyon.
Presentasyon Malinis at maayos ang Malinis ngunit hindi lahat Mahirap basahin dahil
pagkakasulat ng ay maayos ang hindi maayos na
talata.kabuuan ng liham pagkakasulat ng liham pagkakasulat ng tliha

Page 24 of 25
Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat:_______
Pangalan ng Guro: __________________________

ISAISIP

Bago ipagpatuloy ang gawain, isaisip na:

Maraming epekto ang kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan/kilusan at pagbubuo ng


Pilipinas bilang isang bansa
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________

SUBUKAN MO

Panuto: Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot.

______1. Ang kawalan ng pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan ay nagdulot ng _________.


a. katiwalian b. kapangyarihan c. pagkatalo d tagumpay

______2. Ang hindi pagsang-ayon sa kagustuhan ng nakararami ay nagpapakita ng kawalan


ng ____________.
a. pag-asa c. respeto
b. pagmaahal d. talino

______3. Naipakita ang hindi pagkakaunawaan ng mga katipunero ng sila ay ____________.


a. bumuo ng sariling pangkat c. sumang-ayon sa mga plano.
b. nagplano ng laban d. nagwalang bahala sa tungkulin

______4. Ang mga sumusunod ay mga implikasyon ng pagsawalang bisa ni Andres Bonifacio
sa naganap na pagpupulong MALIBAN sa _________________.
a. pagpapahuli sa kanya c. pagkatalo sa labanan
b. pagpatay sa kanila d.mabilis na pagkamit ng kalayaan
______5. Ang pinakamatinding epekto ng kawalan ng pagkakaisa ay ang matagal na pagkamit
ng ___________.
a. kalayaan c. kaibigan
b. kasaganaan d. katanyagan

Binabati kita! Iyong napagtagumpayan ang modyul na ito. Ikaw ay handa


na, para sagutan ng susunod na modyul.

Inihanda ni:

ROWENA R. JUNIO
Jose Rizal Elementary School
Sanggunian:
https://www.slideshare.net/ssusercdfe4f/modyul-9-ang-rebolusyong-pilipino-tungo-sa-kalayaan
Lakbay ng Lahing Pilipino 5

Page 25 of 25

You might also like