You are on page 1of 41

6

Modyul sa
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 1 – 4
6
Araling Panlipunan 6
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Ang Pilipinas sa Ilalim ng
Pamahalaang Amerikano
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Ang Pilipinas sa Ilalim ng Pamahalaang Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macaseib, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Francis-Chit E. Baldonado
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Lynn C. Demafeliz
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay


pag-aaralan mo ang uri ng pamahalaan at patakarang
ipinatupad ng mga Amerikano noong panahong sakop
nito ang Pilipinas. Ang modyul na ito ay tungkol sa
pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano at mga
patakaran na kanilang ipinatupad. Makikita sa
larawan ang mga Amerikanong sundalo dito sa
Pilipinas habang nakikipaglaban sa mga sundalong
Filipino. Kahit hindi pa tapos ang digmaan at natapos
na ang Kasunduan sa Paris ay nagtatag ng
pamahalaan ang mga Amerikano upang simulan ang
pangangasiwa sa bansa.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Pamahalaan sa Ilalim ng Pangangasiwa ng mga Amerikano
Aralin 2 – Patakarang Kooptasyon ng mga Amerikano
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang
sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential learning
competency- MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Nailalarawan ang pamahalaan at ekonomiya ng mga Filipino noong panahon ng
mga Amerikano;
2. Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatupad sa panahon ng
Amerikano (MELC); at
3. Naipahahayag ang saloobin sa mga patakarang ipinatupad ng mga Amerikano.

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ito ay uri ng pamahalaang itinatag ng mga Amerikano na naglalayon na magkaroon
ng kapayapaan at katiwasayan ang bansa at mapigilan ang mga pag-aalsang maaaring
sumiklab.
A. Pamahalaang Barangay C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Sultanato

2. Ito ay pamahalaang itinatag ng mga Amerikano noong 1901 at pinagtibay ng


Kongreso ng United States (US) noong Marso 2, 1901.
A. Pamahalaang Barangay C. Pamahalaang Sibil
B. Pamahalaang Militar D. Pamahalaang Sultanato

3. Ang batas na ito ay inilabas noong Nobyembre 4 1901 na nagpapataw ng parusang


kamatayan o matagalang pagkakakulong sa mga Filipinong nangangampanya ng
kalayaan ng Pilipinas mula sa pamamahala ng United States.
A. Sedition Law ng 1901 C. Reconcentration Act 1903
B. Brigandage Act ng 1902 D. Flag Law 1907

4. Ito ay nagtatakda na lahat ng produkto ng Pilipinas maliban sa bigas ay


makapapasok sa US ng walang buwis ngunit may itinakdang kota. Ang mga
produktong Amerikano naman ay malayang makapapasok sa pamilihan ng Pilipinas
nang walang buwis at wala ring kota.
A. Batas Simmons-Underwood C. Batas Homestead
B. Batas Payne-Aldrich D. Batas Payne-Underwood

1
5. Alin sa mga titik sa ibaba ang hindi nagpapahayag ng dahilan kung bakit
nananatiling mahirap ang mga Filipinong magsasaka sa pamamahala ng mga
Amerikano?
A. Ang mayayaman lamang ang nagmay-ari ng mga lupain.
B. Nabaon sa pagkakautang ang mga magsasaka sa may-ari ng lupa.
C. Ang mga lupain ay naipagbili sa mga ahente dahil sa kakulangan ng pondo.
D. Ang mga Filipinong magsasaka ay tinanggap ang makabagong teknolohiya ng
Pagsasaka

Modyul
Ang Pilipinas sa Ilalim ng
1 Pamahalaang Amerikano
Masayang tinanggap ng mga Filipino ang pagdating ng mga Amerikano sa pag-
aakalang maipagkakaloob nito ang Kalayaan ng bansa. Umasa ang mga Filipino sa
ipinahayag ng mga Amerikano tungkol sa kanilang mabuting layunin ng pakikipag-
unawaan, pag-iral ng katarungan at katwiran, at pagtakwil sa mapaniil na pananakop.
Sa modyul na ito ay pag-aaralan mo ang ginawang pamamahala ng mga
Amerikano sa Pilipinas at maging ang mga epektong idinulot sa kalagayang ekonomiya
sa bansa.

Balikan

Masdang maigi ang mga larawan. Kilala mo ba sila?

1. Sino-sino ang mga nasa larawan?


2. Ano ang kanilang naging
kontribusyon sa ating bansa?

Pinagkunan:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Antonio_luna_PG.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Apolinario_mabini_PG.jpg
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:General_Gregorio_del_Pilar_1.jpg

Tuklasin Pagmasdan mo ang larawan sa ibaba. Iyan ay editorial


cartoon na nagpapakita ng paraan ng mga Amerikano
upang maakit ang mga Filipino at tuluyang magpasakop.
Sa iyong kuwaderno ay isulat mo ang mensaheng nais
ipahiwatig ng editorial cartoon.

Pinagkunan:
https://www.niu.edu/clas/cseas/
_pdf/lesson-plans/fulbright-
hays/philippine-american-war-
mini.pdf

2
Suriin

Pamahalaan sa Ilalim ng Pangangasiwa ng mga Amerikano


Nagsimula ang pamamahala ng mga Amerikano nang itatag nila ang pamahalaang militar
sa Pilipinas noong 1898. Paglaon ay itinatag naman ang pamahalaang sibil sa bansa. Sa
kabila nito, nanatili ang kapangyarihan at pangangasiwa ng mga Amerikano sa Pilipinas.

Ang Pamahalaang Militar (1898-1901)


Ang digmaan ng Pilipinas at United States ay nagpatuloy sa pagpasok ng
taong 1900. Nang mailipat ng mga Espanyol sa mga Amerikano ang
pamamahala sa Pilipinas ay itinatag ng mga Amerikano noong Agosto
14, 1898 ang pamahalaang militar sa ating bansa at ang gobernador-
militar ay siyang kumatawan sa pangulo ng United States. Bilang isang
gobernador militar, malawak ang kaniyang kapangyarihan dahil taglay
nito ang kapangyarihang tagapagpaganap, kapangyarihang
tagapaghukom, at kapangyarihang tagapagbatas sa ilalim ng pangulo ng
United States.
Ang Pamahalaang Militar ay tumagal lamang ng
tatlong taon. Ang unang nanungkulan bilang Gobernador
Militar ay si Hen. Wesley Merritt noong 1898. Sinundan
siya ni Hen. Elwell Otis mula 1898 hanggang 1900. Pinalitan si Otis ni Hen.
Arthur MacArthur mula 1900 hanggang 1901.
Ang Pamahalaang Militar na mariing tinutulan ng mga Filipino ay
nagpatuloy kung kaya’t ang labanan sa pagitan ng mga Amerikano at
Filipino ay nagpatuloy hanggang sa mauwi sa pagpapadakip sa mga gerilya
at ilang tanyag na Filipino tulad nina Apolinario Mabini at Melchora Aquino.

Ang sumusunod ay ilan sa mga nagawa ng pamahalaang militar sa


Pilipinas:
➢ Katahimikan at kaayusan sa ilang bahagi ng bansa
➢ Pagkaroon ng pambayang halalan sa mapayapang pook
➢ Nagtatag ng mga hukuman na binubuo ng tatlong Filipino at tatlong
Amerikanong mambabatas
➢ Naihanda ang mga bansa para sa pamahalaang sibil

Mga Komisyong Ipinadala sa Pilipinas


Sa panahon ng pamahalaang militar ay nagpadala ang United States ng dalawang
komisyon o grupo ng mga Amerikano. Layunin ng mga komisyong ito na siyasatin ang
kalagayan ng Pilipinas upang matugunan ang mga hakbang na isasagawa para sa
pamamahala ng Amerika sa bansa.

2
Mga Patakarang Pasipikasyon
Hindi naging madali para sa mga Amerikano na masupil ang
Ano ang mga
damdaming makabayan ng mga Filipino kung kaya’t naglabas
pamamaraang ginamit
sila ng mga patakaran na may mabibigat na kaparusahan.
ng mga Amerikano
Tinawag ang mga patakarang ito bilang patakarang upang masupil ang
pasipikasyon. damdaming
➢ Sedition Law ng 1901 (Act No. 292) makabayan ng mga
Ang batas na ito ay nagpapataw ng parusang kamatayan o Filipino?
matagalang pagkabilanggo sa mahuhuling nagtataguyod ng
kalayaan ng Pilipinas laban sa United States. Ito ay ipinalabas
noong Nobyembre 4, 1901.
➢ Brigandage Act ng 1902
Ang batas na ito ay nagbabawal na bumuo ng mga samahan o kilusang makabayan na
naglalayong mag-aklas laban sa mga Amerikano. Ang parusang ipapataw sa mahuhuling
kasapi ng kilusan ay kamatayan o matagalang pagkabilanggo. Ito ay ipinalabas noong
Nobyembre 12, 1902.
➢ Reconcentration Act ng 1903
Ang batas na ito ay puwersahang pagpapatira sa mga Filipino sa kabayanan upang matigil
ang mga suportang tinatanggap ng mga gerilya na nakatira sa kanayunan. Hindi naging
mabuti ang resulta nito sa maraming Filipino dahil napilitan silang lisanin ang kanilang
mga lupaing sinasaka na pinagkukunan nila ng kanilang kabuhayan. Dahil dito, marami
ang nagutom at nagkasakit.
➢ Flag Law ng 1907
Ito ay batas na nagbabawal ng paglalabas o pagwawagayway ng lahat ng bandila,
banderitas, sagisag, o anumang ginamit ng kilusang laban sa Amerikano. Higit na
ipinagbawal ang watawat o simbolo na may kaugnayan sa Unang Republika.
Ang Pamahalaang Sibil
Noong Hulyo 4, 1901 ay itinatag ang pamahalaang sibil na
kapalit ng pamahalaang military. Ito ay sa bisa ng Spooner
Amendment. Ang batas na ito ay pinagtibay ng Kongreso ng Amerika.
Nasusulat sa batas na ito na ang Pangulo ng Amerika ay may
kapangyarihang magtatag ng pamahalaang sibil sa Pilipinas at isa
pang probisyon ay ilipat ang pamamahala ng kolonya sa ilalim ng
Kongreso ng United States. Si William Howard Taft ang kauna-
unahang gobernador-sibil.
Maraming Filipino ang humawak ng mga tungkulin bilang
pinuno ng pamahalaang lokal at ito ay nakabatay sa Kodigo Munisipal na ginawa ng
Komisyong Taft noong Marso 16, 1901. Sa batas na ito nakatadhana na ang pamahalaang
munisipal ay patatakbuhin ng tatlong halal na opisyal na binubuo ng pangulo ng
munisipalidad, pangalawang pangulo, at konseho. Sa panahong ito ay may mga Filipino
na ring humawak ng posisyon sa pamahalaang pambansa at isa na rito si Cayetano
Arellano na kauna-unahang punong mahistrado sa kataas-taasang hukuman.
Ang layunin ng pamahalaang sibil ay sanayin at makilahok ang mga Filipino sa
pamamahala ng bansa. Sa panahon ng pamahalaang sibil ay nabigyang halaga ang
kalusugan at sanitasyon. Naipamigay sa mga magsasaka ang mga lupain na dating
pagmamay-ari ng mga Epanyol. Itinuro din sa mga Filipino ang paggamit ng Wikang Ingles
at kaisipang demokratiko.
Mga Patakarang Kooptasyon ng mga Amerikano

3
➢ Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon
Itinatag ng Komisyong Filipino noong 1901 ang
Kagawaran ng Paturuang Pambayan (Department of Public
Instruction). Nagpatayo ng mga paaralang pampubliko sa
bawat bayan at hinikayat ng mga Amerikano ang mga
mamamayan na mag-aral. Walang bayad ang pagpasok sa
mga pampublikong paaralan kung kaya’t marami ang
tumangkilik dito. Itinuro nila ang wikang Ingles at ang
alpabetong Ingles gamit ang mga nakikitang bagay at mga
pagkain. Malaking karangalan noon ang makapagsalita sa
wikang Ingles at maging ang pagbabasa at pagsusulat.
Hindi pinahintulutan ang pagtuturo ng relihiyon katulad noong panahon ng Espanyol.
Ang unang naging guro ng mga Filipinong mag-aaral ay mga kawal na militar ng mga
Amerikano. Paglaon ay dumating ang mga guro na itinalaga upang magturo. Tinawag na
mga “Thomasites” ang mga gurong galing sa US dahil sila ay sakay ng barkong USS
Thomas.
Upang mahikayat nang lubusan ang lahat ng mga mag-aaral
at mga magulang na ipasok ang kanilang mga anak sa
pampublikong paaralan ay nagbigay ng mga libreng kagamitan
tulad ng lapis, papel, aklat at iba pang gamit. Ang mga libreng
kagamitang ito ay hindi lamang limitado sa paaralang
elementarya kundi maging sa sekondarya at kolehiyo. Sa
paaralang elementarya ay pinag-aralan ang pagbasa, pagsulat,
pagbaybay, at aritmetika. Dinagdagan ng musika, sining,
edukasyong pangkalusugan, araling panlipunan at
kagandahang asal sa paglipas ng panahon. Nagkaroon din ng
apat na taong kurso kung saan ito ay gagastusan ng mga munisipalidad o pamahalaang
panlalawigan. Ang mga mag-aaral na nakitaan ng husay o angking galing at talino ay
ipinadala sa US upang doon mag-aral bilang mga iskolar. Ang mga iskolar ay tinawag na
mga pensionado. Ang mga nakapagtapos sa US ay babalik sa bansang Pilipnas upang
magturo naman ng kanilang kaalaman at natutuhan at maglilingkod sa mga ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan.
➢ Kalinisan at Kalusugan
Nagtatag ang mga Amerikano ng Lupon sa Kalusugan ng Bayan (Board of Public Health)
noong 1901. Nagtayo ng mga ospital at klinikang pampubliko sa bansa at nagkaroon ng
makabagong kagamitan at gamot. Isa mga ospital na pampubliko na naipatayo noon ay
ang Philippine General Hospital (PGH) na matatagpuan sa Taft Avenue sa Maynila.
Hindi naging madali ang pagtuturo ng kalinisan sa mga Filipino dahil sa iba’t ibang uri
ng ng kanilang pamumuhay. Ngunit maraming Filipino ang nagkaroon ng pagbabago sa
pag-uugaling pangkalusugan. Itinuro sa kanila ang wastong pamamaraan at pag-uugali
sa kalinisan ng sarili at sa pagkain. Madaling nasugpo ng mga makabagong gamot ang
pagkalat ng nakahahawang sakit.
➢ Pag-unlad ng Transportasyon at Komunikasyon
Ang mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ay may malaking kaugnayan sa kalagayan ng
transportasyon at komunikasyon. Kung gaano kabilis ang takbo ng transportasyon at
komunikasyon ay sumasabay ang ekonomiya sa mabilis na paglago. Nagpagawa ng mga
daan at tulay ang pamahalaan upang mapabuti ang transportasyon at komunikasyon sa
pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa.
Sa larangan ng komunikasyon ay ipinakilala ang mga kagamitang tulad ng telepono,
radyo, radio phone at telegrapo. Dahil sa pag-unlad na ito ng komunikasyon ay nagpatayo
ng mga tanggapang pang-koreo sa bawat lalawigan o munisipalidad. Napabilis ang
paghahatid ng mahahalagang impormasyon, sulat, telegrama, at maging ang salapi ay
maaaring ipadala.
Ang dating mga nakasanayang transportasyon tulad ng kalesa at kariton ay nagkaroon
ng karagdagan. Sa pag-unlad ng transportasyon ay nagkaroon ng malalaking sasakyan
na ginagamit sa pangkomersiyong paglalakbay. Halimbawa ng mga sasakyang ito ay
automobile, truck, bus, tren, barko, at eroplano. Dahil sa pagdami ng mga
pangkomersiyong sasakyan ay napabilis ang pagdadala ng mga produkto mula sa mga
rural patungong urban na pamayanan.
➢ Ekonomiya at Kalakalan
Ang pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas ay may malaking kaugnayan sa kalagayan ng
kalakalan nito. Ang maraming programa at patakaran na inilunsad ng mga Amerikano ay
nakabatay sa malayang pakikipagkalakalan ng United States sa Pilipinas.

4
Noong Agosto 5, 1909, pinagtibay ang Batas Payne-Aldrich sa Kongreso ng Amerika na
nagtatakda na ang lahat ng produkto maliban sa bigas na nagmumula sa Pilipinas ay
papayagang makapasok sa pamilihan ng United States nang walang buwis, subalit may
itinakdang kota o limitasyon. Ang mga produktong Amerikano naman ay malayang
makapapasok sa pamilihan ng Pilipinas nang walang buwis at walang kota o limitasyon.
Pinagtibay din ang Batas Simmons-Underwood noong Oktubre 3, 1913. Ang batas na ito
ang tuluyang naglunsad sa malayang kalakalan sa pagitan ng United States at Pilipinas.
Ang batas na ito ay nag-alis ng kota o limitasyon sa mga produktong iniluluwas ng
Pilipinas sa Amerika. Dahil sa batas na ito, malaya nang nakapapasok ang mga produkto
ng dalawang bansa sa isa’t isa. Ang mga kinikita sa kalakalan ay ginamit sa pagpapaunlad
ng transportasyon sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga kalsada at iba pang mga
industriya na makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya.
Hindi gaanong mainam o napakinabang ng mga Filipino ang malayang kalakalang
ipinatupad ng mga Amerikano. Ito ay dahil ang malalaking industriya ay naging
kontrolado ng mga Amerikano kung kaya’t ang ekonomiya ay nakasalalay sa
United States.
Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Ang Pilipinas sa Ilalim ng
Pamahalaang Amerikano”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na.

Isaisip

Gawain 1.1
Pagbuo ng Dayagram. Ilagay sa
loob ng dayagram ang uri ng
pamahalaan at mga patakarang
ipinatupad ng mga Amerikano.

Gawain 1.2
Pagkukumpara. Iguhit ang dayagram at
kompletuhin ito sa pamamagitan ng
paglalagay ng mga impormasyon tungkol sa
pagkakaiba ng pamahalaang militar at
pamahalaang sibil. Gawin ito sa isang papel

Pagyamanin

o kuwaderno.

Gawain 1.3
Tanong-Sagot. Ipinaliwanag sa modyul na ito ang uri ng pamahalaan at mga patakarang
ipinatupad sa panahon ng mga Amerikano. Unawain ang sumusunod na tanong at isulat ang
iyong mga sagot sa kuwaderno o hiwalay na papel.

5
Isagawa

Gawain 1.4
Scenario Noon. Unawain ang isinasaad sa dialogue box. Gawin ito sa hiwalay na papel.
Isaalang-alang ang mga pamantayan sa pagmamarka ng gawain.

Rubriks sa Pagmamarka ng Gawain:


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nilalaman Wasto ang ibinigay na impormasyon. 10
Paliwanag Mahusay at makatotohanan ang mga paliwanag. 10
Kabuuan 20

Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.
1. Uri ng pamahalaang ipinatupad ng mga Amerikano upang sanayin ang mga
Filipino sa pamamahala ng bansa.
A. Pamahalaang Militar
B. Pamahalaang Sibil
C. Pamahalaang Monarkiya
D. Pamahalaang Parlamentarya

2. Mga Filipinong mag-aaral na kinakitaan ng angking husay at talino kung kaya’t


ipinadala sa US upang mag-aral.
A. Pensionados
B. Gerilya
C. Gobernador
D. Thomasites

3. Tawag sa mga Amerikanong guro na dumating sa Pilipinas lulan ng barkong


USS Thomas
A. Pensiyonados
B. Gerilya
C. Gobernador
D. Thomasites

6
4. Siya ang namuno ng pangalawang komisyon na ipinadala sa bansa at naging
unang pangulo ng pamahalaang sibil na itinakda ng pangulo ng US.
A. Wesley Merritt
B. Elwell Otis
C. Jacob Gould Schurman
D. Willam Howard Taft

5. Ang patakarang ito ang ginamit ng mga Amerikano upang maakit ang mga
Filipino sa kultura at kaisipang kolonyal ng mga Amerikano.
A. Patakarang Pasipikasyon
B. Patakarang Kooptasyon
C. Patakarang Militar
D. Patakarang Sibil

Karagdagang Gawain

Gawain 1.5
Pagbibigay ng Opinyon. Basahin at unawain ang bawat tanong. Sa iyong papel o kuwaderno ay
isulat mo ang iyong kasagutan o opinyon hinggil sa mga katanungang nabanggit.
1. Makatarungan ba ang pagpapataw ng parusang kamatayan o matagalang pagkabilanggo sa
mga mahuhuling nangangampanya ng kalayaan ng bansa sa kamay ng mga Amerikano?
Bakit?
2. Ikaw ba ay sumasang-ayon na kailangang pairalin ang pamahalaang militar upang maging
matahimik ang bansa? Bakit?
3. Alin ang mas nakapagbigay ng pangangalaga sa karapatan ng mga mamamayan:
Pamahalaang Militar o Pamahalaang Sibil? Bakit?
4. Sa panahon ngayon, nakikita mo pa rin ba ang naging epekto ng patakarang kooptasyon? Sa
paanong paraan mo ito nakikita?
5. Sa lahat ng mga tinalakay na pagbabago noong panahon ng pamamahala ng mga Amerikano,
ano sa iyong palagay ang hindi masyadong napagtuunan nang pansin ngayong panahon?
Bakit mo nasabi?

Gawain 1.6
Paghahanay. Ihanay ang batas o pagbabago sa Kolum A sa deskripsiyon nito sa Kolum
B. Isulat ang letra sa patlang.
Kolum A Kolum B
______1. Flag Law a. Pagtatatag ng mga paaralang pambayan at pagbibigay
ng mga kagamitan sa pag-aaral.
______2. Transportasyon b. Pagbabawal na mangampanya para sa Kalayaan ng
______3. Sedition Law bansa
______4. Edukasyon
______5. Brigandage Act c. Pagbabawal sa pagwawagayway ng anumang banderitas
na may kinalaman sa sagisag o kilusan laban sa US.
d. Pagbabawal na magtatag o bumuo o sumapi sa mga
alyansa laban sa US
e. Pagbubukas ng mga komersiyong sasakyan upang
mapabilis ang pagdating mga produkto

Gawain 1.7
Sanhi at Bunga. Iguhit sa papel ang
dayagram. Punan ang bawat bahagi
ng larawan ng mga impormasyon na
may kaugnayan sa pagtatatag ng
mga uri ng pamahalaang ipinatupad
ng mga Amerikano.

7
6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Tungo sa Pagsasarili ng Pilipinas
Araling Panlipunan - Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Tungo sa Pagsasarili ng Pilipinas
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macaseib, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marites O. Tolentino
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Lynn C. Demafeliz
Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval
Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Isang mapagpalang araw sa iyo! Sa modyul na ito


ay pag-aaralan mo ang mga pagsusumikap ng mga
Filipino na makapagtatag ng pamahalaan na kanilang
pamumunuan. Tatalakayin sa modyul na ito ang tungkol
sa mga batas na kaugnay sa pagsasarili ng Pilipinas.
Gayundin ang mga misyong pangkalayaang inilunsad ng
mga tanyag na Filipino. Makikita sa larawan ang mga
pangunahing Filipinong nagtaguyod ng mga misyong
pangkalayaan na sina Sergio Osmeña at Manuel Quezon.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin.
Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Mga Batas Kaugnay sa Pagsasarili ng Pilipinas
Aralin 2 – Mga Misyong Pangkalayaan ng Pilipinas
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency- MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natutukoy ang mga batas na may kaugnayan tungo sa pagsasarili ng bansa;
2. Nasasalaysay ang mga pangyayari tungo sa pagsasarili ng bansa; at
3. Naipaliliwanag ang mga pagsusumikap ng mga Filipino tungo sa pagtatatag
ng nagsasariling pamahalaan (MELC).

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa iyong kuwaderno.

1. Alin sa sumusunod na probisyon sa Hare-Hawes-Cutting Act ang tinanggihan ni


Quezon kung kaya’t tumungo siya sa United States upang humiling ng
panibagong batas pangkalayaan?
A. Pagbibigay ng kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng sampung taon
B. Pananatili ng base militar kahit ang bansa ay malaya na
C. Pandarayuhan ng mga Filipino sa Amerika
D. Pagpapadala ng kinatawan ng Komonwelt o Komisyoner sa United States
2. Pinagtibay niya ang Batas Tydings-McDuffie noong Marso 24, 1934.
A. Franklin Roosevelt
B. Manuel L. Quezon
C. Henry Jones
D. Herbert Hoover
3. Sino ang namuno sa kauna-unahang misyon sa pagsasarili na ipinadala sa
United States noong Pebrero 23, 1919?
A. Sergio Osmeña
B. Manuel Roxas
C. Claro M. Rectos
D. Manuel Quezon
4. Anong misyong pangkalayaan ang naging daan para maisabatas ang Hare-
Hawes-Cutting Act?
A. Schurman Commission
B. OSROX Mission
C. Cooper Act
D. McKinley Commission
5. Ito ay nagkaloob ng kompletong probisyon para sa kalayaan ng Pilipinas at
probisyon para sa konstitusyon at uri ng ng pamahalaan para sa Pilipinas.
A. Batas Jones 1916
B. Batas Tydings-McDuffie 1934
C. Asamblea ng Pilipinas
D. Batas ng Pilipinas 1902

Modyul
Tungo sa Pagsasarili ng
2 Pilipinas
Nang napasakamay ng mga Amerikano ang Pilipinas ay ipinairal nila ang pamahalaang
militar mula 1898 hanggang 1901. Upang masiyasat ang kalagayan ng bansa, ipinadala
nila ang Komisyong Schurman at Komisyong Taft sa Pilipinas. Iminungkahi ng
Komisyong Taft ang pagpapalit ng pamahalaang sibil mula sa pamahalaang militar at
ito ay naisakatuparan nang pagtibayin ang Spooner Amendment. Pinasinayaan ang
pamahalaang sibil sa Pilipinas noong Hulyo 4, 1901 at si William Howard Taft ang
hinirang na unang gobernador-sibil. Sa panahong ito ay nagpatupad ang mga
Amerikano ng iba’t ibang patakaran sa Pilipinas.

Balikan

Tuklasin
Suriin

MGA BATAS KAUGNAY SA PAGSASARILI NG PILIPINAS


Sa panahon ng pangangasiwa ng mga Amerikano ay ipinamalas ng mga Filipino ang
matinding paghahangad sa kalayaan at magkaroon ng nagsasariling pamahalaan. Sa
kabila ng pangako ng mga dayuhan na palalayain ang Pilipinas, ipinagpatuloy pa rin
ng mga Filipino ang kanilang pagsisikap na magkaroon ng pamahalaang nagsasarili.
Pinag-ibayo nila ang pangangampanya sa pagsasarili na ipinangako ng mga Amerikano.
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga batas na magbibigay ng kasarinlan sa
bansa.
May mga batas na ipinatupad ang mga Amerikano na may kaugnayan tungo sa
pagsasarili ng Pilipinas.
Philippine Bill of 1902 (Batas Pilipinas ng 1902)
• Tinawag din ito bilang Philippine Organic Act at Cooper Act. Itinakda ang batas
na ito noong Hulyo 1, 1902
• Pinangunahan ang batas na ito ni Henry Allen Cooper na nagsumite sa Kongreso
ng Amerika ng ilan sa mga probisyon nito:
- Pagkakaroon ng talaan ng mga karapatan ng mamamayang Filipino
- Pagtatag ng mga kagawaran sa pamahalaan
- Pagtatag ng Philippine Commission
- Pagtatag ng Philippine Assembly (Asambleya ng Pilipinas)
• Binuo ang posisyon ng gobernador-sibil na kinatawan ng pangulo ng United
States sa Pilipinas.
Noong 1905, naghanda ang mga Filipino para sa halalang itinadhana ng Philippine
Organic Act of 1902. Nagtatag sila ng mga lapiang pulitikal. Ang layunin ng Partido
Nacionalista ay makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa lalong madaling panahon at ang
layunin naman ng Partido Progresista ay ang maghintay ang mga mamamamayan
hanggang sa ang Pilipinas ay magkaroon ng maunlad na kabuhayan at kultura bago
humingi ng kalayaan sa United States.
Nabuo ang Lehislatura ng Pilipinas dahil sa Philippine Bill of 1902. Binubuo ng
dalawang sangay ang lehislatura: ang Philippine Commission at Philippine Assembly.
Itinuring bilang Mataas na Kapulungan ang Philippine Commission. Binubuo ito ng
mga kinatawang Amerikano sa bansa.
Bahagi ng Philippine Bill of 1902 ang pagtatag ng Philippine Assembly. Sa
pamamagitan ng Asamblea ay nabigyan ng pagkakataon ang mga piling Filipino na
kumatawan sa pamahalaan ng Pilipinas bilang mga mambabatas. Idinaos ang
pambansang halalan noong Hulyo 30, 1907 para sa pagpili ng bubuo sa Philippine
Assembly. Opisyal na pinasinayaan ang Asamblea noong Oktubre 16, 1907 sa Grand
Opera House sa Maynila.
Sa pagtatag ng Philippine Assembly ay nagkaroon ang mga Filipino ng pagkakataong
makalahok sa pamamalakad sa pamahalaan. Nahirang si Sergio Osmeña bilang
tagapagsalita o ispiker at si Manuel L. Quezon naman ang lider ng mayora o majority
floor leader. Pinatunayan ng mga Filipino ang kanilang kakayahan sa pamahalaan at
paggawa ng batas para sa sariling bayan.
Ang ilan sa mga nagawa ng Asamblea ay ang sumusunod:
1. Pagtatag ng isang bangko para sa mga magsasaka;
2. Pagpapatibay ng batas para mapalaganap ang edukasyon sa buong bansa;
3. Pagpapaunlad ng Sistema ng komunikasyon at transportasyon sa pamamagitan
ng pagpapatayo ng mga daan, tulay, at pahatiran, tulad ng telepono at telegrapo;
4. Paggawa ng maraming poso at patubig;
5. Pagpapatibay ng batas na lumikha sa Kawanihan ng Paggawa at mga kaugnay
na sangay nito;
6. Pagtatakda ng unang araw ng Mayo bilang Araw ng Paggawa; at
7. Pagtatatag ng Pambansang Aklatan at mga gusali ng pamahalaan.
Umigting ang kaisipan ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas nang mahalal
sa pagkapangulo noong 1912 si Woodrow Wilson. Sinang-ayunan niya ang maagang
pagsasarili ng bansa. Ipinadala niya si Henry John Ford upang magsiyasat sa kalagayan
ng Pilipinas. Iniulat ni Ford na may kakayahan nang magsarili ang mga Filipino. Dahil
dito, hinirang ni Wilson si Francis Burton Harrison bilang gobernador-sibil ng Pilipinas.
Siya ang nagtiyak na magkakaroon ng mas maraming Filipinong opisyal at kawani sa
pamamahala ng bansa o Pilipinisasyon ng pamahalaan sa Pilipinas.
Nang maging gobernador-sibil ng Pilipinas si Harrison ay nagkaroon nang higit
na pagkakataon ang mga Filipinong makilahok sa iba’t ibang gawain ng pamahalaan.
Hinirang niya sina Jaime de Veyra, Vicente Singson Encarnacion, Victorino Mapa, at
Vicente Ilustre sa Mataas na Kapulungan ng Batasan.
Nagpalabas ng kautusan si Harrison na nagpapababa ng sahod ng matataas na
pinuno at nagbabawal sa kanila na magmay-ari ng anumang negosyo. Dahil sa pagliit
ng kanilang suweldo, maraming Amerikano ang nagbitiw sa kanilang tungkulin at pinili
na maging mangangalakal na lamang.
Nang pagtibayin ang Civil Retirement Act No. 2581 noong Pebrero 1916, higit na
napabilis ang Pilipinisasyon ng bansa. Ayon dito, ang sinumang kawani ng pamahalaan
na nakapaglingkod nang mula anim na taon pataas ay maaari nang magretiro. Bilang
kondisyon nito, kailangang magbitiw sila sa kanilang tungkulin bago sumapit ang
unang araw ng Hulyo 1916. Maraming Amerikano ang nagretiro at tumanggap ng
pensiyon. Ang ipinalit ni Harrison sa kanila ay mga Filipino.

The Philippine Autonomy Act of 1916 (Batas Jones ng 1916)


Ang Philippine Autonomy Act of 1916 na kilala rin sa tawag na Batas Jones ng
1916 ay ipinanukala ni William Atkinson Jones ng United States at naisabatas noong
Agosto 29, 1916. Ito ang batas na nagbibigay sa mga Filipino ng kalayaang magsarili at
may pangako ng pagkakaloob ng kasarinlan sa Pilipinas sa lalong madaling panahon
at kapag nagkaroon na ang bansa ng isang matatag na pamahalaan.
Sa panahong ito, ang sangay Lehislatura ay tuluyang napasakamay ng mga
Filipino. Sa pambungad nito, isinaad na ang layunin ng Amerika sa pagsakop sa
Pilipinas ay hindi ang palakihin ang kanilang lupain kundi ang ipagkaloob ang
kasarinlan ng mga Filipino sa sandaling ito ay magkaroon ng matatag na pamahalaan.
Itinadhana ng Batas Jones ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan: ang
Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura.
Ang Ehekutibo
Nanatili sa kamay ng gobernador-sibil ang kapangyarihang tagapag-paganap. Siya ay hinirang
sa pagsang-ayon ng Pangulo ng United States.
Malawak ang kapangyarihan sa pagkontrol ng lahat ng mga sangay at tanggapang
tagapagpaganap ang gobernador-sibil. Siya ang humihirang sa mga kalihim ng iba’t ibang kagawaran
sa pagsang-ayon ng Senado. Ang mga kalihim na ito na bumubuo ng gabinete ang siyang nagsilbing
tagapayo at katuwang niya sa mga gawain. Itinatag noong Enero 1917 nag kauna-unahang Gabinete.
Ang unang Filipinong naging kalihim ng Kagawarang Panloob ay si Rafel Palma.

Ang Batasan o Lehislatura


May dalawang kapulungan ang sangay Lehislatura: Ang Mababang Kapulungan (House of
Representatives) at Mataas na Kapulungan (Senado). Sa kabila ng kapangyarihang gumawa ng batas,
maaaring i-veto o hindi pagtibayin ng gobernador-sibil na Amerikano ang naturang panukalang batas.
May limitasyon ang kapangyarihan ng Batasan. Nanatili sa kapangyarihan ng pamahalaang Amerikano
ang ibang bagay tulad ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansa, paggawa ng salapi, pandaigdig na
kalakalan, at imigrasyon.

Panghukuman o Hudikatura
Ang Korte Suprema at iba pang mabababang hukuman ay kabilang sa sangay Hudikatura. Ang
mahistrado ng Korte Suprema, maging siya man ay Amerikano o Filipino ay hinirang ng pangulo ng United
States sa pagsang-ayon ng Senado.
MGA MISYONG PANGKALAYAAN NG PILIPINAS
Nagpadala ng mga sunud-sunod na misyong pangkalayaan ang mga Filipino sa
United States upang hilinging ipagkaloob ang kasarinlan ng bansa. Naganap ang mga
misyong ito mula 1919 hanggang 1923. Noong 1924, muling nagpadala ng misyong
pangkalayaan sa United States. Pinamunuan ito ni Isauro Gabaldon, at ipinagpatuloy
naman nina Claro M. Recto at Manuel L. Quezon, ngunit hindi rin ito nagtagumpay.
Hindi rin ito sinang-ayunan ng sumunod na Pangulo ng United States na si Pangulong
Calvin Coolidge. Maraming misyon ang ipinadala mula 1925 hanggang 1931. Bigo ang
lahat ng misyon dahil nangamba ang mga Amerikano na mawala ang Pilipinas bilang
mamimili ng kanilang kalakal at hindi na nila magamit ang estratehikong lugar na ito
sa Asya na nagsilbing depensa para sa kanilang sariling kapakanan. Ngunit hindi ito
ang dahilan upang mawalan ng pag-asa ang mga Filipino. Patuloy ang pagpapadala ng
mga misyon sa pagsasarili sa United States.
Ang Misyong OSROX
Ito ang ika-siyam na misyong ipinadala sa
Amerika noong Disyembre 1931. Tinawag itong
Misyong OSROX buhat sa pangalan ng mga
namunong Filipino na sina Sergio Osmeña Sr at
Manuel A. Roxas.
Malaki ang pag-asa ng Misyong OSROX
sapagkat nagkaroon noon ng suliranin sa kawalan
ng hanapbuhay sa Amerika. Dahil dito, nais ng
Amerika na mabigyan ng kasarinlan ang Pilipinas
upang hindi na makipagpaligsahan pa sa kanila
ang produktong panluwas ng Pilipinas at pati na
rin ang mga manggagawang Filipino.
Sa mga panukalang-batas para sa kasarinlan na ibinigay sa Kongreso ng United
States, ang panukalang–batas nina Butler Hare, Harry Hawes, at Bronson Cutting, na
kilala bilang Hare-Hawes-Cutting Bill (H-H-C Bill), ang napili ng Misyong OSROX.
Itinakda ang panukalang-batas na ito ang sampung taong paghahanda bago igawad at
kilalanin ang kalayaan o pagsasarili ng Pilipinas. Ito ay ipinasa ng Kongreso ng United
States bilang batas noong Enero17, 1933.

Mga Piling Probisyon ng Hare-Hawes-Cutting Act


o Pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt na tatagal ng sampung taon.
o Pagkakaloob ng kasarinlan ng Pilipinas pagkaraan ng sampung taon na pangangasiwa ng
transisyonal na pamahalaan o komonwelt.
o Pagtakda ng batas ng quota limits sa mga produktong iniluluwas ng Pilipinas sa US, partikular ang
asukal, langis ng niyog, at abaka.
o Pagpapanatili ng US sa Pilipinas ng mga himpilang pangkomersiyo, pangmilitar, at pandagat.

Hindi sang-ayon si Manuel Quezon sa pagpapanatili


ng base militar kahit ang bansa ay malaya na. Para sa kaniya,
ito ay taliwas sa tunay na kahulugan ng kasarinlan. Dahil dito,
muli siyang tumungo sa United States upang humiling ng
panibagong batas at nagtagumpay siyang makuha ang
Tydings-McDuffie Act.
Ang Misyong Quezon
Nagkaroon ng pagtatalo ang mga Nacionalista hanggang sa sila ay nahati sa
dalawang pangkat. Ang panig sa pagtutol ni Quezon ay tinawag na mga anti o salungat
sa Batas H-H-C. Ang mga sang-ayon naman ay tinatawag na pro na nasa pamumuno
nina Osmeña at Roxas.
Upang malutas ang suliranin, muling tumungo sa United States si Quezon upang
makamit ang panibagong batas na higit na mabuti kaysa H-H-C law. Nagtagumpay
siyang makuha ang panukalang batas nina Millard Tydings at John McDuffie. Halos
katulad ito ng Hare-Hawes-Cutting Act maliban sa probisyon na inaalis ang pananatili
ng base militar ng United States sa Pilipinas pagkatapos maigawad ang kalayaan ng
bansa. Maaari namang makipagkasundo ang pangulo ng United States sa pamahalaan
ng Pilipinas tungkol sa usaping base militar sa loob ng dalawang taon pagkatapos
maibigay ang kalayaan.
Tydings-McDuffie Act (The Philippine Independence Act of 1934)
Ang batas na ito ay naglalayon sa pagsasarili ng bansa mula sa pananakop ng
mga Amerikano at ito ay inaprobahan ng dating pangulo ng Amerika na si Franklin
Roosevelt noong Marso 24, 1934. Bagama’t halos magkatulad lamang ang mga
probisyon nito sa H-H-C Act maliban sa probisyon sa pagpapanatili ng mga himpilan at
reserbasyon ng Amerika sa Pilipinas, ipinasa ang Tydings-McDuffie Act. Ang nasabing
batas ay nagkaloob ng kompletong probisyon para sa kalayaan ng Pilipinas at probisyon
para sa Konstitusyon at uri ng ng pamahalaan para sa Pilipinas.
Mga Piling Probisyon ng Tydings-McDuffie Act Pinagtibay ni Pangulong
o Sampung taon ng pagsasanay sa sariling pamamahala sa Franklin Roosevelt ang
ilalim ng Pamahalaang Komonwelt bago ipagkaloob ang
pagsasarili ng bansa sa Hulyo 4, 1946. Tydings-McDuffie Act noong
o Unti-unting pagpapataw ng buwis sa mga produktong Marso 24, 1934.
iniluluwas ng Pilipinas na sisimulan sa ikaanim na taon ng
Pamahalaang Komonwelt.
o Ang pagkontrol ng Amerika sa pananalapi,
pakikipagkalakalan, at pakikipag-ugnayan sa ibang bansa.
o Pagpapadala ng kinatawan ng Komonwelt o komisyoner sa
United States o Komisyoner ng Amerika.
o Pag-uusap ng dalawang bansa sa isyu ng pagpapanatili ng
mga himpilan at feserbasyon ng US matapos makamit ng
Pilipinas ang kasarinlan nito.

May mga kondisyon ang Tydings-McDuffie Act na kailangang gawin bago itatag ang
Pamahalaang Komonwelt. Ito ay ang sumusunod:
o Pagsulat ng Saligang Batas na kailangang sang-ayunan ng Pangulo ng United
States;
o Pagkakaroon ng plebisito o referendum upang malaman kung tatanggapin o
tatanggihan ng mga Filipino ang Saligang Batas na sinang-ayunan ng Pangulo
ng United States; at
o Pagdaraos ng Pambansang Halalan pagkatapos ng plebisito upang hirangin o
piliin ang mga manunungkulan sa Pamahalaang Komonwelt.

Itinadhana ng Philippine Independence Act of 1934 o Tydings-McDuffie Act.


Nagkaroon ng halalan sa pagkadelegado sa Kombensiyon sa Maynila para sa
paghahanda ng Saligang Batas noong Hulyo 10, 1934.

Itinadhana din ng Tydings-McDuffie Act ang pagkakatatag ng


Kumbensiyong Konstitusyonal na babalangkas ng Saligang Batas
para sa Pamahalaang Komonwelt.
Noong Hulyo 10, 1934, inihalal ng mga Filipino ang 202 delegado
sa kombensiyon ng mga babalangkas sa Saligang Batas.
Pinasinayaan ang kombensiyon noong Hulyo 30. Nahalal na
pangulo sa kombensiyon si Claro M. Recto. Nabuo ang Saligang
Batas ng 1935 at pinagtibay ng mga Filipino sa isang plebesito.
Sinasabi sa Saligang Batas na ang mga tao ang pinagmumulan ng
lakas at kapangyarihan ng pamahalaan. Pagkatapos ng plebisito ay
magdaraos ng pambansang halalan upang piliin ang mga manunungkulan sa
pamahalaan.
Nahalal na Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt si Manuel L. Quezon at ang
Pangalawang Pangulo ay si Sergio Osmeña.
Ito ang simula ng sampung taon na pangangasiwa ng Pamahalaang Komonwelt at
magsisilbing transisyon patungo sa pagiging malaya ng mga Filipino.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Tungo sa Pagsasarili ng


Pilipinas”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na!
Gawain 2.1
Paunlarin ang Kaalaman. Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng iyong
sagot sa patlang o kuwaderno.
Hanay A Hanay B
_____ 1. Batas na nagsasaad na pagkakalooban ng A. Franklin D. Roosevelt
kasarinlan ang bansa kapag nagkaroon ito B. Manuel L. Quezon
ng matatag na pamahalaan C. Batas Jones
_____ 2. Nilagdaan niya ang Tydings-McDuffie Act D. Pilipinisasyon
noong Marso 24, 1934 E. Tydings McDuffie
_____ 3. Namuno sa misyong OSROX F. Sergio Osmeña Sr. at
_____ 4. Batas na nagtadhana ng pagtatatag ng Manuel Roxas
Pamahalaang Komonwelt na tatagal ng
sampung taon
_____ 5. Nahalal na Pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt
Gawain 2.2
Pagsasanay. Ayusin ang mahahalagang pangyayari na may kinalaman sa paghahanda
sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Amerikano. Lagyan ng bilang ang
mga patlang ayon sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
_____ Paghalal sa mga delegado sa Kombensyong Konstitusyonal
_____ Pagpapatibay ng Tydings-McDuffie Act
_____ Pagpapadala ng mga misyon para sa kalayaan ng Pilipinas
_____ Pagbabalangkas sa Saligang Batas
_____ Paghalal ng mga pinuno sa Pamahalaang Komonwelt

Isaisip
Gawain 2.3
Tanong-Sagot. Ipinaliwanag sa modyul na ito ang mga batas at misyong magbibigay-
daan sa pagkamit ng mga Filipino ng inaasam na kalayaan. Unawain ang sumusunod
na tanong at isulat ang iyong mga sagot sa kuwaderno o hiwalay na papel.
Isagawa

Gawain 2.4
Pagpapahalaga: Basahing mabuti ang mga tanong sa loob ng kahon. Sagutin ito sa
pamamagitan ng pagsulat ng isang talata. Gawin ito sa isang buong papel.

Paano nagsumikap ang mga Filipino para sa pagtatatag ng nagsasariling pamahalaan ang Pilipinas?
Ngayon na isa na tayong malaya at may sariling pamahalaan, paano mo mapahahalagahan ang
pagsusumikap ng mga Filipino noong panahon ng mga Amerikano upang makamit ang kalayaan?

Tayahin
Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa iyong
kwaderno.
1. Sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano, ano ang kauna-unahang batas na
nagtatag ng Asamblea ng Pilipinas na binubuo ng mga Filipino?
A. Philippine Oraganic Act of 1902 C. Batas Jones
B. The Philippine Autonomy Act of 1916 D. Tydings-McDuffie Law
2. Mahabang panahon na nakikibaka ang mga Filipino para makamit ang kalayaan ng
bansa. Dahil sa hangaring ito, sinanay muna ng mga Amerikano ang mga Filipino bilang
mga mambabatas ng bansa at pinuno ng mga lokal na pamahalaan. Ano ang tawag
dito?
A. Imperyalismo C. Pilipinisasyon
B. Kolonyalismo D. Malayang kalakalan
3. Nakasaad sa batas na ito na ang Pilipinas ay magkakaroon ng sariling pamahalaan
matapos ang sampung taon. Kabilang sa mga probisyon ng batas na ito ang pag-alis sa
kapangyarihan ng Komisyoner at ang malayang pagpasok ng mga Filipino sa Amerika.
A. Hare-Hawes-Cutting Act C. Tydings-McDuffie Act
B. Batas Jones D. Batas Pilipinas ng 1902
4. Alin sa sumusunod na probisyon sa Hare-Hawes-Cutting Act ang hindi nagustuhan
ni Quezon kung kaya’t tumungo siya sa United States upang humiling ng panibagong
batas?
A. Pagbibigay ng kalayaan sa Pilipinas pagkatapos ng sampung taon
B. Pananatili ng base militar kahit ang bansa ay malaya na
C. Pandarayuhan ng mga Filipino sa Amerika
D. Pagpapadala ng kinatawan ng Komonwelt o Komisyoner sa Amerika
5. Anong misyong pangkalayaan ang naging daan para maisabatas ang Hare-Hawes-
Cutting Act?
A. Schurman Commission C. Cooper Act
B. OSROX Mission D. McKinley Commission

Karagdagang Gawain

Gawain 2.5 pagkakaisa pagtitiyaga mahina ang loob


Pagsasanay. Bilugan ang mga katangiang katapangan pagkakaunawaan katalinuhan
ipinamalas ng mga Filipino para maitatag makasarili pagkamapamaraan katapatan
ang Pilipinas bilang nagsasariling matipid pagmamahal sa bayan mapagpunyagi
pamahalaan. tiwala sa sarili mainipin
Gawain 2.6
Pagyamanin ang Kaalaman at Kasanayan. Panoorin sa YouTube ang mahahalagang pangyayari na
may kinalaman sa pagbuo ng nasyonalismo ng mga Filipino na nag-udyok ng matinding pagnanasa
na magkaroon ng malasariling pamahalaan.
Manuel L. Quezon's Philippine Independence Act (Tydings-McDuffie Act)
https://www.youtube.com/watch?v=cRt5_8uQZaU
President Franklin D. Roosevelt signs Constitution of the Philippines
https://www.youtube.com/watch?v=DAVe_RvvQUI
6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3
Ang Pamahalaang Komonwelt
Araling Panlipunan– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 3 Ang Pamahalaang Komonwelt
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Johanna M. Escaño
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Jhoseplex M. Inocalla
Tagalapat: Lynn C. Demafeliz

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Mabuhay! Sa modyul na ito ay tatalakayin ang


pagbabagong inilunsad ng Pamahalaang Komonwelt. Ito
ang magiging daan upang makamit ang ganap na
kalayaan ng Pilipinas. Makikita sa larawan ang
panunumpa ni Manuel L. Quezon bilang pangulo ng
Pamahalaang Komonwelt.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang Pinagkunan:
https://www.silent-
aralin. Ito ay ang sumusunod: gardens.com/new_assets/images/History/history-16.jpg
https://www.silent-gardens.com/history2.php
Aralin 1 – Mga Paghahanda sa Pagtatag ng
Pamahalaang Komonwelt
Aralin 2 – Mga Nagawa ng Pamahalaang Komonwelt
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency- MELC3) at mga kaugnay na layunin:
1. Nasasalaysay ang mga paghahanda sa pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt;
2. Natatalakay ang mga mga nagawa ng Komonwelt;
3. Nasusuri ang Pamahalaang Komonwelt (MELC); at
4. Napahahalagahan ang mga nagawa ng Komonwelt

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.
1. Ang Pamahalaang Komonwelt ay tinawag na Malasariling pamahalaan
alinsunod sa itinadhana ng Batas Tydings-McDuffie. Sino ang naging pangulo ng
itinatag na pamahalaang ito?
A. Manuel Roxas
B. Sergio Osmeña
C. Manuel L. Quezon
D. Claro M. Recto
2. Ilang taon tatagal ang Pamahalaang Komonwelt?
A. Limang taon
B. Walong taon
C. Sampung taon
D. Dalawampung taon
3. Alin sa sumusunod na diyalekto ang naging batayan at napili bilang wikang
pambansa?
A. Tagalog
B. Kapampangan
C. Ilokano
D. Cebuano
4. Ano ang mahalagang nagawa ng Pamahalaang Komonwelt sa kalagayan ng
kababaihang Filipino?
A. Ipinadala sa Amerika ang kababaihan upang mag-aral.
B. Libreng pinag-aral ang kababaihan ng pamahalaan
C. Nagkaroon ng pagkakataon ang kababaihan na magtrabaho.
D. Nabigyan ng karapatan ang kababaihan na bumoto.
5. Ayon sa Batas Komonwelt Bilang 1o Batas sa Tanggulang Pambansa, ilang
taon kailangan maglingkod ang kalalakihang Filipino sa Sandatahang Lakas?
A. 18 taong gulang
B. 25 taong gulang
C. 30 taong gulang
D. 21 taong gulang

1
Modyul

3 Ang Pamahalaang Komonwelt


Isa sa mahalagang hakbang upang tuluyang makamit ng mga Filipino ang
kalayaan ng Pilipinas ay ang pagtatag ng isang malasariling pamahalaan. Ito ang
Pamahalaang Komonwelt.
Ang pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt ay bunga ng pagpupunyagi ng mga
kilalang Filipino sa pamamagitan ng mga misyong pangkalayaan na kanilang binuo.

Balikan

Tukuyin ang kanilang ginawa.


_________________ Sila ang nagdala ng Hare-Hawes-Cutting Act sa bansa
_________________ Siya ang nagdala ng Tydings-McDuffie Act na batas upang itatag ang
Pamahalaang Komonwelt
_________________ Siya ang naging tanyag na Filipino na tumakbo bilang pangulo
ng Pamahalaang Komonwelt

Tuklasin

2
Suriin

Mga Paghahanda sa Pagtatag ng Pamahalaang Komonwelt


Ang Pamahalaang Komonwelt o malasariling pamahalaan ay ang umiral na
pamahalaan sa Pilipinas mula 1935 hanggang 1946. Ang mga Filipino ang namuno sa
pamahalaan ngunit nasa ilalim ng patnubay at kapangyarihan ng Amerika. Ito lamang
ang paraan upang maging daan sa pagkamit ng mga Filipino ng kalayaan at sariling
pamunuan pagkatapos ng pag-iral ng Komonwelt.
Bilang paghahanda sa pagtatag
ng Pamahalaang Komonwelt,
kinakailangang itakda ang
Kumbensiyong Konstitusyonal upang
buoin ang saligang batas para sa
itatatag na pamahalaan. Noong Hulyo
30, 1934, ginanap ang inagurasyon ng
Kumbensiyong Konstitusyonal. Si
Claro M. Recto ang inihalal na pangulo ng kumbensiyon. Noong Pebrero 8, 1935,
nilagdaan ang Saligang Batas ng 1935. Sinang-ayunan ito ni Pangulong Franklin
Roosevelt ng Amerika. Isinagawa ang plebesito o halalan kung saan boboto ang mga
mamamayang Filipino kung tatanggapin o hindi ang saligang batas.
Naganap ang halalang pampanguluhan noong Setyembre 17, 1935. Tulad ng
inaasahan, nagwagi bilang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt si Manuel L. Quezon.
Samantalang si Sergio Osmeña Sr. ang pangalawang pangulo. Noong Nobyembre 15,
1935 ay isinagawa ang panunumpa bilang mga opisyal ng pamahalaan sina Quezon at
Osmeña sa harap ng Punong Mahistrado na si Ramon Avanceña. Dito nanawagan si
Pangulong Quezon sa kaniyang talumpati sa mga Filipino na magkaisa upang mabuo
ang isang matibay na pundasyon para sa kasarinlan ng bansa.
Mga Nagawa ng Pamahalaang Komonwelt
Nagsagawa agad si Pangulong Manuel L. Quezon ng reorganisasyon sa
pamahalaan batay sa probisyon ng bagong Saligang Batas ng 1935. Lumikha siya ng
Lupon ng Pamahalaang Tagasiyasat upang tumulong sa kaniya na mapag-aralan ang
lahat ng sangay at maisagawa ang pagbabagong nais niyang isagawa sa pamamahala
ng bansa. Maraming kagawaran at kawanihan ang binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng bansa. Ilan sa mga ito ay ang Kagawaran ng Pambansang
Tanggulan, Pananalapi, Katarungan, Paggawa, Pambansang Sangguniang
Pangkabuhayan, Pambansang Sanggunian sa Edukasyon at Surian ng Wikang
Pambansa.
Batas sa Tanggulang Pambansa
Pinagtibay at itinadhana ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Bilang
I o Batas Tanggulang Pambansa upang mapangalagaan ang bansa sa panloob at
panlabas na panganib. Ito ay naaayon din sa Saligang Batas na “ang pagtatanggol sa
Estado ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan at, sa pagtupad sa tungkuling ito,
lahat ng mga mamamayan ay kailangang magkaloob ng serbisyo military o sibil.”
Ang National Defense Act o Batas sa Tanggulang
Bansa ay ang pagtadhana ng sapilitang pagkakaloob ng
serbisyong militar ng kalalakihang Filipino sa Sandatahang
Lakas pagsapit nila sa edad na 21. Itinatag ang Hukbong
Filipino upang siyang magsanay, magsaayos, at magpanatili
ng hukbong magtatanggol sa bansa laban sa mga mananakop
na dayuhan at iba pang gawain na may kinalaman sa
pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan ng bansa. Hindi
naitatag ang hukbong propesyonal sa kadahilanang malaki
ang guguguling salapi ng pamahalaan sa pagtatag nito. Dahil
dito, Nagkaroon ng pagsasanay sa lahat ng mga mag-aaral na
lalaki sa mataas na paaralan. Sinanay sila sa pamamagitan ng Preparatory Military
Training (PMT) upang maging handa sa lahat ng uri ng kapahamakan. Napapaloob din
sa batas na ito na lahat ng mga mamamayan ay dapat na maglingkod sa militar o
pamahalaang sibil kung kinakailangan. Binuo ang Hukbong Panlupa, Hukbong
Pandagat at Hukbong Panghimpapawid bilang bahagi ng Sandatahang Lakas.
Hinirang ni Pangulong Quezon si Heneral Douglas MacArthur bilang tagapayong
pangmilitar ng Komonwelt.

3
Katarungang Panlipunan
Isa sa binigyang pansin ng pamahalaan ang tungkulin nitong mabigyan ng
kagalingan, kaligtasan, at katatagan ang kabuhayan ng mga mamamayan. Ang
Pamahalaang Komonwelt ay lubos na binibigyang-halaga ang mga manggagawa at
magsasaka. Isinulong at ipinatupad ng pamahalaan ang sumusunod para sa kanilang
kapakanan:
1. Pagtatakda ng minimum wage o kaukulang sahod at walong (8) oras na
pagtatrabaho ng mga manggagawa;
2. Pagpapatupad ng Batas na nangangalaga sa kababaihan at kabataan;
3. Nagtatag ng Court of Industrial Relations na susuri sa hindi pagkakaunawaan
ng mga manggagawa at may-ari ng negosyo;
4. Ipinasa ang Public Defender Act. Ito ay ang batas na nagtatadhana at paglalaan
ng libreng serbisyo ng mga abogadong magtatanggol sa mga mahihirap at
manggagawa laban sa mapang-abusong kapitalista;
5. Pagbili at pamamahagi ng mga lupang sakahan na may mababang halaga sa mga
magsasaka;
6. Pagpapatupad ng patakarang Homestead. Nagtayo ng mga pamayanan sa
pagsasaka sa Mindanao at naglikas ng mga manggagawa sa Luzon upang
manirahan sa mga pook na ito;
7. Pagpapatupad ng Tenancy Act na nagtatadhana na magkaroon ng kontrata sa
mga taong umuupa at sa nagpapaupa; at
8. Pagkakaroon ng isang Pambansang Census noong 1939.
Paano nalutas sa panahon ng Komonwelt ang
suliraning panlipunan at pangkabuhayan ng bansa
sa panahong iyon?

Programang Pangkabuhayan
Malaya ang naging kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong panahon
ng Komonwelt ayon sa Batas Tydings-McDuffie. Nabigyan nang pansin ang kalakalang
panlabas at pag-aangkat ng mga produkto. Nailuluwas patungong Amerika ang asukal
at mga pinagkukunang materyales tulad ng kopra, abaka, tabako at kahoy. Ang
Pilipinas ay umangkat din naman sa Amerika ng mga yaring produkto katulad ng tela,
pagkain at iba pang kagamitan. Ang sumusunod na lugar ay naging sentro ng kalakalan
ito ay ang Maynila, Aparri, Legaspi, Zamboanga at Jolo.
Dahil sa malaya at maunlad na kalakalang ito, naisantabi ng mga Filipino ang
pagpapaunlad ng iba pang produktong pansakahan tuald ng mais at bigas. Sa
panahong ito ay itinatag ng pamalahalaan ang National Rice and Corn Corporation
(NARIC) at ang National Coconut Corporation. Layunin ng pamahalaan na may
mamahala sa pamimili ng mga produktong ito mula sa mga magsasaka. Upang lalong
mapagyaman ang mga produktong Filipino, ipinalabas ni Pangulong Quezon ang
Proklamasyon Bilang 76. Itinatakda at layunin ng batas na ito na hikayatin at bigyan
nang pansin ang pagpapaunlad ng mga produktong Filipino. At ang pagdiriwang ng
Linggo ng mga Produktong Yari sa Pilipinas.
Wikang Pambansa
Alinsunod sa mga itinadhana ng Saligang Batas ng 1935 ay itinatag ang Surian
ng Wikang Pambansa. Ito ay nilikha noong Nobyembre 13, 1936. Hangad nito na
magkaroon ng isang pambansang wika. Pinamunuan ito ni Jaime C. de Veyra. Binubuo
ang suriang ito ng mga kagawad na kumatawan sa mga pangunahing diyalekto sa
bansa. Walo (8) ang mga pinagpiliang diyalekto. Ito ay ang Tagalog, Bicolano,
Kapampangan, Pangasinense, Ilocano, Cebuano, at Waray. Isinabatas ni Pangulong
Quezon ang Kautusan Bilang 134, na Tagalog ang napili nilang gawing saligan ng
wikang pambansa. Ipinatupad ang batas na ito upang magbigay-daan sa pagkakaisa
ng mga Filipino. Ipinasa din ni Pangulong Quezon ang Commonwealth Act 570 na
nagtatadhana sa Tagalog bilang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas. Tinagurian
ding Ama ng Wikang Pambansa si Pangulong Quezon.
Kaunlaran sa Edukasyon
Pinagsumikapang mapahusay ng Pamahalaang Komonwelt ang sistema ng
edukasyon sa bansa. Ipinatupad ang libreng edukasyon sa mababang paaralan sa
buong bansa ayon sa Saligang Batas at binigyang-diin sa edukasyon ang paglinang sa
damdaming makabansa kung kaya’t itinuro sa paaralan ang kabayanihan at nagawa

4
ng mga dakila at bayaning Filipino na tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Melchora
Aquino at iba pang mga bayani.
Pinag-ukulan din nang pansin ang paglinang sa kabutihang asal, sibika,
disiplina, kahusayan sa gawaing kamay tulad ng pagbuburda, pananahi, pagluluto,
pagsasaka at pagtatanim at karunungang bokasyonal. Ang mga araling ito ay
ipinatupad sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ipinatupad din ang Education
Act of 1940 na nagbigay-daan sa mga pagbabago ng sistemang pang-edukasyon. Ilan
dito ay ang sumusunod:
a. Pagtanggap sa unang taon sa mababang paaralan sa gulang na pito (7) sa halip
na anim (6) na taong gulang.
b. Ginawang anim (6) na taon na lamang ang pagpasok sa elementarya sa halip na
pito (7).
c. Pagtakda at pagsisimula ng taong pampaaralan mula Hunyo hanggang Marso.
d. Pagbibigay-diin ng edukasyon sa paglinang ng damdaming makabayan sa mga
mamamayan.
Maliban sa mga pagpapatupad ng batas ukol sa edukasyon, may mga itinatag
ding mga tanggapan at sangay ng pamahalaan. Ito ay ang sumusunod:
1. Tanggapan ng Pampribadong Edukasyon upang higit na mapabuti ang
pangangasiwa sa mga pribadong paaralan.
2. Tanggapan ng Edukasyong Pangmatanda (Adult Education Office) upang
makapag-aral sa paaralan at makatapos ng iba’t ibang kurso at kasanayan ang
mga Filipinong may edad at matanda na sa karaniwang mag-aaral.
Karapatan ng Kababaihan
Ang pagkakaroon ng partisipasyon at pagkaloob ng karapatan sa pagboto ang
isa sa mahalagang nagawa ng Pamahalaang Komonwelt. Noong Abril 30, 1937 ay
nagdaos ng isang plebisito na nagkakaloob sa kababaihan ng karapatang lumahok sa
halalan. Hindi lamang ang karapatang ito ang ipinagkaloob. Maaari na rin silang
kumandidato sa anumang puwesto sa tanggapan ng pamahalaan. Nang maganap ang
halalan noong Disyembre 14, 1937, dalawampu’t pito (27) sa mga kumandidatong
babae ay nahalal at namuno sa iba’t ibang panig ng bansa. Isa na rito ay si Carmen
Planas, siya ang kauna-unahang babaeng konsehal ng Maynila. Ang unang babaeng
naihalal naman bilang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Pilipinas
noong halalan ng Nobyembre 11, 1941 ay si Gng. Elisa Ochoa.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Ang Pamahalaang


Komonwlet”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na!
Gawain 1
Isulat sa papel kung sino at ano ang tinutukoy sa bawat tanong o pangungusap.
1. Ano ang uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Pangulong Quezon?
2. Sino ang mahistradong nangasiwa sa panunumpa nina Quezon at Osmeña?
3. Sino ang hinirang ni Pangulong Quezon bilang tagapayong pangmilitar ng
Pamahalaang Komonwelt?
4. Ano ang institusyong itinatag upang pag-aralan ang mga diyalektong ginagamit
sa Pilipinas at piliin ang nararapat na pambansang wika?
5. Anong batas ang pinagtibay ng Asamblea na tumutukoy sa pangangalaga sa
panloob at panlabas na panganib ng bansa?
6. Sino ang naging pangalawang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
7. Ano ang tinaguriang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas?
8. Ano ang ahensiyang tagapangasiwa ng seguridad at kapayapaan ng bansa na
binubuo ng Hukbong Panlupa, Pandagat, at Panghimpapawid?
9. Anong tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang itinatag upang mapalaganap
ang edukasyon para sa matatanda?
10. Ano ang batas na itinakda para sa kaukulang sahod at walong oras na trabaho
para sa mga manggagawa?

5
Gawain 2
Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa papel ang O kung ang pangungusap ay Opinyon at
K kung ito ay katotohanan.
_____ 1. Ang Saligang Batas ng 1935 ang batayan ng Pamahalaang Komonwelt.
_____ 2. Mas magaling at mahusay mamuno ang mga Amerikano kaysa sa mga
Filipinong pinuno ng bansa.
_____ 3. Binubuo ng tatlong sangay ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong panahon
ng Pamahalaang Komonwelt.
_____ 4. Mas matibay at mas magaganda ang mga produktong mula sa Amerika kaysa
sa produkto ng Pilipinas.
_____ 5. Napahusay at naayos ang sistema ng edukasyon sa bansa sa paglikha ng
Pambansang Sanggunian sa Edukasyon.
_____ 6. Tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Pangulong Manuel L. Quezon.
_____ 7. Ang Proklamasyon Bilang 76 ay nagtatakda ng pagdiriwang ng Linggo ng mga
Produktong yari sa Pilipinas.
_____ 8. Malaya ang naging kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika noong panahon
ng Komonwelt.
_____ 9. Isang plebisito ang naganap noong Abril 30, 1937 na kung saan ay ipinagkaloob
ang karapatan ng mga kababaihan na lumahok sa halalan.
_____ 10. Ang Batas Tanggulang Pambansa ang kauna-unahang batas na pinagtibay ng
Pambansang Asamblea.

Isaisip

Gawain 3
Tanong Ko, Sagot Mo. Natutuhan mo sa modyul na ito ang mga kontribusyon at
programa ng Pamahalaang Komonwelt. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot
sa kwaderno o hiwalay na sagutang papel.

6
Isagawa

Gawain 4
KONEKSYON NOON AT NGAYON. Tukuyin ang koneksyon, kaugnayan, o epekto ng
sumusunod na mga nagawa ng Pamahalaang Komonwelt sa kasalukuyang panahon.
Isulat ang sagot sa hiwalay na papel

Rubric ng Gawain
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Nilalaman Malinaw na nailahad ang mensahe 5
Angkop na angkop ang mga pananalitang
Paggamit ng mga Salita 5
ginamit
Kabuuan 10

Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.
1. Ang Malasariling Pamahalaan ay kilala rin bilang pamahalaang ______________.
A. Demokrasya C. Puppet
B. Komonwelt D. Republika

2. Kailan pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt?


A. Abril 30, 1937 C. Nobyembre 15, 1935
B. Disyembre 14, 1937 D. Hulyo 10, 1934

3. Alin sa sumusunod na ipinatupad na batas ang may kinalaman sa


pagtatalaga ng kaukulang sahod at walong oras na paggawa?
A. Homestead Law C. Batas Komonwelt Bilang I
B. Commonwealth Act 570 D. Minimum Wage Law

4. Ang Commonwealth Act 570 ay ipinasa ni Pangulong Quezon na may kinalaman


sa programa ng pamahalaan ukol sa ______________.
A. Wikang Pambansa C. Tanggulang Pambansa
B. Programang Pangkabuhayan D. Programang Pang-edukasyin

5. Ito ay ahensiya na sumuri sa mga suliranin at hindi pagkakaunawaan ng


mga manggagawa at kapitalista.
A. Homestead Act C. Court of Industrial Relations
B. Adult Education D. National Rice and Corn Corporation

7
Karagdagang Gawain

Gawain 5
Pagsulat ng Sanaysay. Sagutin ang tanong at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

• Dapat bang maglingkod nang sapilitan ang kalalakihang Filipino sa


Sandatahang Lakas pagsapit nila ng dalawampu’t isang taong gulang? Bakit o
Bakit hindi?

• Dapat bang ituro ang wikang Ingles sa mga paaralan sa elementarya at


sekundarya? Bakit o Bakit hindi?

8
6
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Resulta ng Pananakop ng
mga Amerikano
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 4: Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla, CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marie Grace A. Cobico
Editor: Michael V. Lorenzana
Tagasuri: Michael M. Mercado
Tagaguhit: Chelsy Jeanne A. Cobico
Jhoseplex Inocalla
Tagalapat: Lynn C. Demafeliz

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Michael M. Mercado
Pandibisyong Tagamasid, Araling Panlipunan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng Pamahalaang Lokal ng Makati
(Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office- Makati City


Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo,
City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 888-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Magandang araw sa iyo. Sa modyul na ito ay pag-


aaralan mo ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
sa ating bansa. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga
impluwensiyang Amerikano sa kultura at lipunan ng mga
Filipino. Tulad ng mga Espanyol, maraming pagbabago
ang naidulot sa halos limang dekadang pananakop at
pamamahala ng mga Amerikano sa Pilipinas. Hanggang
sa kasalukuyan ay bakas pa rin ang impluwensiya ng
mga Amerikano sa ating pamumuhay tulad ng ipinakikita
sa larawan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa anim na aralin. Ito ay ang sumusunod:
Aralin 1 – Pamayanan at Panahanan
Aralin 2 – Edukasyon
Aralin 3 – Transportasyon at Komunikasyon
Aralin 4 – Relihiyon
Aralin 5 – Libangan, Musika at Sayaw
Aralin 6 – Pagkain at Pananamit
Sa pagtatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang makakamit mo
ang sumusunod na pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto (most essential
learning competency- MELC) at mga kaugnay na layunin:
1. Natutukoy ang mga impluwensiya ng mga Amerikano sa kultura at lipunan ng
mga Filipino;
2. Naipaliliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano (MELC 4); at
3. Natataya ang mga naging resulta ng pananakop ng mga Amerikano .

Subukin

Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na papel.

1. Noong Agosto 1901, dumating ang 540 guro lulan ng barkong USS Thomas. Ano ang
tawag sa mga unang gurong Amerikano ng mga mag-aaral na Filipino?
A. Franciscans C. Aglipayans
B. Thomasites D. Prayle

2. Ano ang relihiyon ang ipinakilala ng mga Amerikano sa panahon ng kanilang


pangangasiwa sa bansa?
A. Protestantismo C. Buddhismo
B. Katolisismo D. Islam

3. Naging mabilis ang pag-unlad ng tranportasyon at komunikasyon, dahil dito ang


_____ ay naging sentro ng negosyo ng kultura at politika.
A. Baguio C. Davao
B. Cebu D. Maynila

4. Maraming nagbago sa panlipunang pamumuhay ng mga Filipino dulot ng


impluwensiya ng mga Amerikano. Alin sa mga ito ang ipinagawa upang madaling
makarating ang mga tao mula sa isang lugar papunta sa iba pang lugar?
A. daan at tulay C. riles ng tren
B. daungan ng barko D. terminal ng mga bus at trak

5. Binigyan ang lahat ng mga batang Filipino ng pagkakataong mag-aral ng libre dahil
sa sistemang ito.
A. Paaralang pagbokasyonal C. Paaralang pambayan
B. Paaralang pambabae D. Paaralang pampribado

1
Modyul
Resulta ng Pananakop
4 ng mga Amerikano
Hindi maitatanggi na sa loob ng mahabang panahon, malaking bahagi ng lipunan
at pamumuhay ng mga Filipino ang binago ng mga Espanyol. Tulad ng mga dating
mananakop, ito rin ang naganap sa panahon ng pangangasiwa ng mga Amerikano sa
bansa. Maraming pagbabago ang naranasan ng mga Filipino sa ilalim ng mga
Amerikano. Ilan dito ay sa aspekto ng edukasyon, transportasyon at komunikasyon.
Gayundin sa kalagayan ng panahanan, relihiyon, libangan, musika, sayaw, pananamit
at maging sa pagkain. Dahil dito ay naipalaganap ang kultura at paniniwalang
Amerikano bunga ng pag-unlad ng mga itinatag na pamayanan.

Balikan

Naalala mo pa ba ang mga kaisipang iyong natutuhan sa nakalipas na aralin.


Basahing mabuti at sagutan sa iyong sagutang papel ang sumusunod na bilang. Isulat
ang O kung opinyon o K kung katotohanan ang isinasaad ng bawat pangungusap.
1. Ayon sa Saligang Batas ng 1935, may tatlong sangay ang pamahalaang
Komonwelt: Ehekutibo, Lehislatura, at Hudikatura.
2. Hindi nabigyan ng pagkakataong bumoto ang kababaihan at lumahok sa politika
sa panahon ng Komonwelt.
3. Sa panahon ng Komonwelt, naging maka-Filipino ang pananaw at layunin sa
pampublikong edukasyon at maging ang mga kagamitan sa pagtuturo.
4. Nagkaroon ng karapatan ang bawat mamamayan na pumili ng sariling relihiyon
na kaniyang ibig lahukan.
5. Ipinag-utos ni Pangulong Quezon na gamitin ang Wikang Ingles bilang batayan
ng Pambansang Wika ng Pilipinas.

Tuklasin
Suriin

Nagkaroon ng maraming pagbabago sa lipunang Filipino sa panahon ng


Amerikano. Malaki ang naging impluwensiya ng mga ito sa pamumuhay at kulturang
Filipino.
Pamayanan at Panahanan
Sa pamamahala
ng mga Amerikano sa
ating bansa, isa sa
binigyang pansin ang
pagsasaayos ng mga
pamayanan. Ginawang
mga lungsod ang
mauunlad na bayan at
munisipalidad. Ang
mga ito ang naging
sentro ng kaunlaran. Itinayo rin sa mga lungsod ang mga paaralan, pagawaan, at
tanggapan. Nagkaroon din ng pagamutan, pamilihan at simbahan.
Tiniyak na maayos ang pagkakahati-hati ng pagpapatayo ng mga paaralang
pambayan. Isinaayos din ang ang mga pangunahing daanan at nilagyan ng sistema ang
pagtatapon ng basura. Gayundin ang paglalagay ng mga tubo para sa daluyan ng tubig.
Naging pangunahing sentro ng edukasyon, kabuhayan, lipunan at politika ang
mga lungsod. Biglaan ang naging paglaki ng populasyon sa mga lugar na ito dahil
maraming tao ang nagtungo at nanirahan sa mga lungsod.
Nagkaroon din ng pagbabago sa anyo ang
mga tirahang Filipino dulot ng impluwensiyang
Amerikano. Nauso ang apartment, bungalow,
chalet, at konkretong bahay na may dalawang
palapag. Ang mga gusaling itinayo ng mga
Amerikano sa Pilipinas ay karaniwang may
matataas na haligi at malalaking hagdanan, may
mga bakal na ginamit upang tumibay ang
pagkakayari nito.

Edukasyon
Naging mahalagang aspekto ng
pamumuhay sa mga Filipino ang edukasyon.
Binigyan ito ng mataas na pagpapahalaga ng mga
Amerikano ang edukasyon ng mga Filipino. Isang
pampublikong sistema ng edukasyon ang ipinairal
ng mga Amerikano sa Pilipinas na alinsunod sa
Act No. 74 na ipinalabas ng Philippine
Commission noong Enero 21, 1901. Nais ng
pamahalaang Amerikano na magkaroon ang lahat
ng mamamayan ng pagkakataong makapag-aral
kung kaya’t itinatag nila ang paaralang
pambayan. Libre ang pag-aaral sa primarya kung kaya’t nahikayat ang maraming
kabataan na mag-aral.
Ang mga boluntaryong sundalong
Filipino ang unang guro ng mga Filipino.
Ang misyon nila ay magtayo ng silid-aralan
saan man sila madestino. Ngunit hindi
nagtagal, pinalitan sila ng halos 500 mga
boluntaryong gurong Amerikano na
dumating noong Agosto 23, 1901 sakay ng
barkong USS Thomas. Dahil dito, tinawag
ang mga guro na Thomasites. Itinalaga sila
sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa
bansa upang magturo ng pagbasa,
pagsulat, at aritmetika sa wikang Ingles.
Pinagkunan:
https://en.wikipedia.org/wiki/Thomasites#List_of_some_Thomasite_teachers
https://en.wikipedia.org/wiki/USAT_Thomas#/media/File:USS_Thomas_(1894)_in_drydock_1916.JPG
Maraming paaralan sa elementarya at
sekundarya ang binuksan sa mga lungsod at
lalawigan. Itinatag din ang Philippine Normal
School noong Enero 21, 1901 na kilala na ngayon
bilang Philippine Normal University, ang
unibersidad para sa nais maging guro at papalit sa
mga gurong Amerikano. Makikita sa larawan ang
nasabing paaralan.
Sumunod na itinatag ng mga Amerikano ang
sistema ng mataas na paaralan at mga espesyal na
paaralan para sa kursong pangbokasyonal,
pansakahan, at pangangalakal. May mga kolehiyo at pamantasan din na binuksan
noong panahon ng mga Amerikano para sa pag-aaral ng iba’t ibang kurso sa kolehiyo.
Ilan sa mga ito ay Colegio Filipino na ngayon ay National University (1900), Siliman
University (1901), Centro Escolar University (1907), University of the Philippines (1908),
De Lasalle (1911), University of Manila (1913), Philippine Women’s University (1919),
Far Eastern University (1928), Adamson University (1932) at marami pang iba.
Sa mga paaralang pambayan, hindi naging bahagi ng kurikulum ang
asignaturang relihiyon. Dala ng mga Amerikano sa Pilipinas ang demokrasya at
kalayaan sa pananampalataya. Malinaw na umunlad ang kaalaman ng mga Filipino sa
pagbasa at pagsulat noong panahon ng mga Amerikano.
Transportasyon at Komunikasyon
Nagbago ang pamumuhay ng mga Filipino sa pag-unlad ng sistema ng
transportasyon at komunikasyon noong panahon ng mga Amerikano. Napaglapit ang
mga magkakahiwalay na lalawigan dahil sa sistema ng transportasyon at
komunikasyon.
Transportasyon. Nagpagawa ang pamahalaan ng mga bagong daan at tulay. Nagkaroon
ng mga transportasyong panlupa tulad ng bus, kotse, motorsiklo, trak at trambiyang
de kuryente. Umunlad din ang paglalakbay na pantubig dahil sa mga bapor at lantsa.
Maraming daungan ang binuksan. Naging mabilis din ang paglalakbay sa himpapawid.
Ang pag-unlad ng transportasyon ay nagpabago rin sa katayuan ng maraming
lugar sa Pilipinas. Nagbunga ito ng
maraming trabaho at pagbabago ng
kabuhayan. Ang mabilis na pagtaas
ng kabuhayan ang naging salik
upang mabago ang antas ng
pamumuhay sa maraming lugar.
Komunikasyon. Bukod sa
transportasyon, nabago rin ang
sistema ng komunikasyon sa
bansa. Naranasan ng mga Filipino
na magkaroon ng mga makabagong radyo, linya ng
telepono, wireless telegraph, at serbisyo ng
radiophone na nag-uugnay sa Pilipinas sa ibang
lungsod sa daigdig. Naitatag din sa bansa ang
Kawanihan ng Koreo na may sangay sa mga
kabayanan. Dahil dito, bumilis ang sistema ng
money order, telegrama, at paghahatid ng sulat sa
bansa.

Relihiyon
Noong pagdating ng mga Amerikano, pumasok sa
bansa ang relihiyong Protestanismo na itinaguyod ng
iba’t ibang sekta. Ilan sa mga ito ang Seventh Day
Adventist, Presbyterian, Episcopalian, Lutherian,
Methodist at United Brethren.
Hindi naging malaking usapin ang relihiyon para sa
mga Amerikano. Umiral ang kalayaan sa pagpili ng
relihiyon para sa mga mamamayan. Mahigpit nilang
ipinatupad ang patakaran sa paghihiwalay ng
simbahan at estado.

Ang Protestantismo ang relihiyong dala


ng mga Amerikano sa Pilipinas.
Pagkain at Pananamit
Sa panahon ng mga Amerikano ay nagkaroon din
ng pagbabago sa uri ng pagkain ng mga Filipino. Natuto
silang kumain ng mga pagkaing Amerikano tulad ng
bacon, hamburger, hotdog, oatmeal, at sandwich.
Gayundin ng ice cream, beefsteak, hamon, at keso. Pati
na rin ang paggamit ng mayonnaise at tomato catsup
bilang panghalo sa pagkain ay natutuhan din ng mga
Filipino.
Sa pananamit ay natutuhan ng kalalakihan na
magsuot ng mga pantalong may sinturon at suspender,
kurbata, at polo shirt. Ang kababaihan naman ay
natutong magsuot ng maikling damit, palda, at blusa.
Gayundin ng sapatos na may takong at stockings.
Gumamit din sila ng mga pampaganda tulad ng make-
up.
Libangan, Musika, at Sayaw
Maraming uri ng laro ang dinala ng mga
Amerikano sa bansa. Natutuhan itong laruin ng mga
Filipino. Kabilang dito ang basketball, baseball, football,
softball, at volleyball. Pati na rin ang tennis,
boxing, bowling, billiard, at poker. Naging
libangan din ng mga Filipino ang sumusunod:
• Pakikinig sa mga programa sa radyo
• Pagbabasa ng mga klasikong aklat sa
wikang Ingles
• Pagtungo sa mga karnabal
• Panonood ng mga pelikula sa sinehan
• Panonood ng bodabil na tinatampukan
ng mga komedyante at mang-aawit na
Filipino
Dahil sa likas na husay, natutuhan at nakagiliwan ng mga Filipino ang mga
tugtuging jazz, swing at pati na rin ang mga sayaw na boogie-woogie, fox-trot, charleston
at rhumba.

Pagyamanin

Pagkatapos mong maunawaan ang aralin tungkol sa “Resulta ng Pananakop ng


mga Amerikano”, masasagot mo ba ang mga gawain? Simulan mo na!
Gawain 4.1
Pagkompleto ng Graphic Organizer. Gamit ang iyong papel o kuwaderno, iguhit ang
dayagram sa ibaba at punan ang mga hinihinging impormasyon tungkol sa mga
pagbabago at impluwensiya ng mga Amerikano sa kultura at lipunang Filipino.
Gawain 4.2
Pagtapat-tapat. Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang titik ng tamang
sagot sa papel.
1. Mga unang gurong Amerikano na
dumating sa Pilipinas lulan ng USS A. Ingles
Thomas
2. Relihiyong ipinakilala ng mga B. Hamburger
Amerikano sa bansa
3. Wikang ginamit ng mga Thomasite sa C. Thomasites
kanilang pagtuturo sa mga Filipino D. Kawanihan ng Koreo
4. Pagkaing natutuhang kainin ng mga
Filipino E. Protestantismo
5. Kawanihang nagpabilis sa paghahatid
ng liham, telegrama, at money order

Isaisip

Gawain 4.3
Tanong-Sagot. Natutuhan mo sa modyul na ito ang mga resulta ng pamamahala ng
mga Amerikano sa mga Filipino. Unawain ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong
sagot sa kuwaderno o hiwalay na papel.
Isagawa

Gawain 4.4
Ebidensiya ng Impluwensiya. Inatasan ka ng iyong guro na gumawa ng poster na
nagpapakita ng mga ebidensiya ng mga bagay-bagay na nagmula sa impluwensiyang
Amerikano. Iguhit ang poster sa cartolina, bond paper, o kompyuter. Kulayan ang gawa.
Pagkatapos ay sumulat ng maikling reaksyon sa ginawang poster.

Rubriks sa pagmamarka ng gawain:

Pamantayan Deskripsiyon Puntos


Wasto ang nilalaman, detalyado ang gawang
Nilalaman 10
poster, at mahusay ang isinulat na reaksiyon.
Presentasyon Malikhain, maayos at malinis ang gawang poster. 10
Kabuuan 20

Tayahin

Maramihang Pagpili. Piliin ang titik ng wastong sagot. Isulat ang mga sagot sa hiwalay
na papel.
1. Ito ay ang naging pangunahing sentro ng edukasyon, kabuhayan, lipunan, at politika
dahil maraming tao ang nagtungo at nanirahan dito. Ano ito?
A. baryo C. lungsod
B. nayon D. dalampasigan
2. Itinatag ng mga Amerikano ang sistemang ito upang mabigyan ang lahat ng mga
batang Filipino ng pagkakataong makapag-aral ng libre. Ano ito?
A. paaralang pambayan C. paaaralang bokasyonal
B. paaralang pampribado D. paaralang pangguro
3. Bakit mahalaga ang Kawanihan ng Koreo sa sangay ng bayan?
A. Sapagkat ito ay magandang panooran ng pelikula
B. Sapagkat ito ay madaling magamit sa pakikipag-usap
C. Sapagkat ito ay mabilis na magpagaling ng maysakit
D. Sapagkat napabilis ang paghahatid ng sulat at telegrama
4. Ang sumusunod ay mga pagkaing Amerikano na natutuhang kainin ng mga Filipino
maliban sa isa. Alin ito?
A. sandwich C. bacon
B. oatmeal D. pancit
5. Maraming pagbabago at impluwensiya sa pananakop ng mga Amerikano sa kultura
at lipunan. Nakatulong nang malaki ang mga pagbabagong ito sa pamumuhay ng mga
Filipino maliban sa isa. Alin ito?
A. Nangibang-bansa ang mga Filipino upang maghanapbuhay.
B. Lumawak ang kaalaman at kakayahan ng mga Filipino sa pagsulat at
pagbasa.
C. Nabigyan ng kalayaan ang mga Filipino sa pagpili ng relihiyon.
D. Nailapit ang magkakahiwalay na lalawigan dahil sa Sistema ng
komunikasyon at transportasyon.

Karagdagang Gawain

Gawain 4.5
MAKABAGONG IMPLUWENSIYANG AMERIKANO. Gumawa ng panayam sa iyong
kamag-anak o kakilala na may kaalaman tungkol sa mga impluwensiya ng mga
Amerikano sa Pilipinas na nabalitaan sa kasalukuyan. Itala ang sumusunod.

Pangalan:____________________________________________________

Kaarawan: ___________________________________________________

Edad:________________________________________________________

Propesyon/Hanapbuhay:________________________________________

1. Ano ang iyong nalamang balita tungkol sa mga Amerikano na may


kaugnayan sa ating bansa?
2. May epekto ba ito sa mga Filipino o ating bansa? Bakit?
3. Para sa iyo, kailangan pa ba ng mga Filipino ang mga impluwensiyang
Amerikano sa kasalukuyan? Bakit mo nasabi?

You might also like