You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 5 Q4

SUBUKIN. Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. 6. Ang pagbibigay sa mga paring sekular ng
Isulat ang sagot sa sagutang papel. kapangyarihang pamunuan ang isang parokya ay
tinatawag na.
1. Napaiksi sa isang buwan ang paglalakbay mula A. la ilustracion B. parokyalisasyon
Europa patungongMaynila dahilan sa pagbubukas ng . C. sekularisasyon D.
A. Bashi Channel B. Kipot ni Magellan regularisasyon
C. Pearl Harbor D. Suez Canal 7. Ang mga paring Espanyol na kabilang sa mga
2. Ito ang tawag sa kabataang nakaranas ng liberal na samahang relihiyoso tulad ng Augustinian, Franciscan,
edukasyong nagmulat sa tunay na kalagayan ng Recollect, Jesuit, at Dominican ay tinatawag na
Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol. A. cardinal B. obispo
A. creole B. ilustrado C. paring regular D. paring sekular
C. pensionado D. principales 8. Sino sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa
3. Sino sa mga sumusunod na gobernador-heneral ang tinaguriang “Tatlong Paring Martir”?
may liberal na paraan ng pamumuno? A. Jacinto Zamora B. Jose Burgos
A. Carlos Maria dela Torre B. Jose Basco y Vargas C. Mariano Gomez D. Pedro Pelaez
C. Miguel Lopez de Legazpi D. Rafael de 9. Ang GomBurZa ay hinatulan ng kamatayan sa
Izquierdo pamamagitan ng .
4. Ang salitang liberal ay nangangahulugang . A. bitay B. firing squad
A. makabago B. makaluma C. garote D. silya electrica
C. makitid na kaisipan D. tradisyunal 10. Ang kaisipang ito ay nagmula sa Europa na
5. Ito ay antas sa lipunan na kinabibilangan ng may nakarating sa Pilipinas at nagpamulat sa kamalayang
ilang mangangalakal, magsasaka at propesyonal na makabansa ng mga Filipino.
umunlad ang pamumuhay. A. La Independencia B. La Ilustracion
A. creole B. insulares C. Democracia D. Sekularisasyon
C. panggitnang uri D. peninsulares
BALIKAN. Panuto: Isulat sa patlang kung ang TUKLASIN. Panuto: Isulat ang titik N sa patlang kung
isinasaad ay pag-aalsang panrelihiyon, pang- ang pahayag ay nagpapakita ng damdaming
ekonomiko o pampolitika. nasyonalismo at titik H naman kung hindi.
______1. Pag-aalsa ni Apolinario dela Cruz ______1. pagtangkilik sa produktong gawang Pinoy
______2. Pag-aalsa ng mga Itneg ______2. pagpapasakop sa mga dayuhan
______3. Pag-aalsang Basi ______3. pag-aalay ng buhay para sa kapakanan ng
______4. Pag-aalsa ni Maniago bayan
______5. Pag-aalsa ni Bancao ______4. pagbili ng mga pagkaing gawa sa ibang bansa
______6. Pag-aalsa ni Magalat ______5. pagkilala at paggalang sa pambansang
______7. Pag-aalsa ni Diego Silang watawat
______8. Pag-aalsa ni Lakandula ______6. pagpapalit ng pagkamamamayan
______9. Pag-aalsa ni Almazan ______7. pagtulong sa mga kababayang nasalanta ng
______10. Pag-aalsang mga Datu ng Tondo mga kalamidad
______8. pagsunod sa mga alituntunin at batas ng
sariling bansa
______9. pagmamahal sa kalikasan
______10. pakikiisa sa mga kampanya at gawaing
panlipunan

Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino


Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao na ikinakabit sa kaniyang pagmamahal o
pagpapahalaga sa lupang kaniyang sinilangan o lugar na kinabibilangan.
A. Mga Pandaigdigang Pangyayari
1. Ang La Ilustracion o Age of Enlightenment
Ang salitang “La Ilustracion” ay salitang Espanyol na nangangahulugang “ang kaliwanagan”. Ito ay isang
kilusang intelektuwal na lumaganap sa Europa noong ika-18 siglo kung saan naganap ang pagtatangkang
kumawala sa panahon ng pamamayani ng pamahiin, bulag na pananampalataya at kawalan ng rason. Malaki
ang naging epekto nito sa mga patakarang kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas gayon din sa mga pag-
aalsang isinagawa ng mga katutubo sa Sarrat, Ilocos Norte noong 1815. Kumalat ang pag-aalsa sa mga karatig
bayan ng Ilocos. Bigo man ang pag-aalsa, malinaw naman na pinukaw ng La Ilustracion ang kamalayan ng
mga Filipino sa pakikibaka.

2. Ang Cadiz Constitution ng 1812


Ang kasulatang ito ay nagbigay-halaga sa mga ideyang liberal gaya ng
karapatan sa pagboto ng mga kalalakihan, pam- bansang soberanya,
monarkiyang konstitusyonal, kalayaan sa pamamahayag, reporma sa lupa,
at malayang kalakalan. Ito rin ang nagpatigil sa kalakalang galyon kung
saan tanging mga Es- panyol lamang ang nakinabang at yumaman at
nagdulot ng pang-aabuso sa mga katutubong Filipino dulot ng polo y
servicio na nakasentro sa mga gawaing may kinalaman sa paggawa ng
galyon.Nang dahil sa La Ilustracion at Cadiz Constitution, nagkaroon ng
kamalayan ang mga Filipino tungkol sa kanilang karapatang dapat na
tinatamasa sa buhay. Nakatulong din ang mga ito upang mapagtanto ng
mga Filipino na may pagkakataon sana silang mamuhay nang maginhawa
kung magwawakas ang pang-aabuso sa pama- magitan ng pagbibigay sa
kanila ng mga Karapatan
3. Ang Paglipas ng Merkantilismo
Ayon sa merkantilismo, ang tunay na sukatan ng kayamanan ng isang bansa ay ang dami ng pilak o ginto na
pagmamay-ari nito. Ito ang nagtulak sa mga maraming bansa sa Europa kabilang ang Espanya upang
magpalawak ng teritoryo. Sa loob ng 200 taon, ang merkantilismo ang nagdikta sa mga ekspedisyon ng mga
Europeo sa daigdig. Ngunit sa pagtuntong ng ika-19 na siglo, unit-unti itong humina hanggang sa tuluyang
magwakas. Ito ay napalitan ng higit na liberal na prinsipyong pang-ekonomiko – ang malayang kalakalan.
Dahil sa malayang kalakalan, nakapasok sa Pilipinas ang mga babasahing liberal mula sa iba’t ibang bansa
sa daigdig na nakaimpluwensiya sa ideolohiya ng mga Filipino
B. Mga Salik sa Pag-usbong ng Nasyonalismong Filipino

1. Ang Pagbubukas ng Suez Canal Ang Suez Canal ay matatagpuan sa Ehipto at nag-uugnay sa Mediterranean
Sea at Red Sea. Ito ay binuksan sa pandaigdigang kalakalan noong Nobyembre 17, 1896. Ito ay nagpaiksi sa
paglalakbay sa karagatan na isang buwan mula tatlong buwan mula sa Europa patungo sa Maynila. Bunga
nito, dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipi- nas dala ang sariling mga pananaw, kaisipan, at kultura.
Gayon din nakapaglakbay ang mga Filipino sa labas ng bansa. Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat,
pahayagan at iba pang uri ng babasa- hin mula sa Europa at Amerika. Kabilang dito ang tungkol sa French
Revolution ng 1789, kung saan may konsepto o ideolohiyang kalayaan, pagkakapantay-pantay, at kapatiran
(liberty, equality, at fraternity). Maging ang American Revolution ay nakarating din na tumutukoy kung paano
ipinaglaban ng mga Amerikano ang kanilang kasarinlan mula sa kamay ng mga Briton, at itinaguyod ang
kanilang karapatang konstitusyon
2. Ang Pag-usbong ng Panggitnang Uri (Middle Class)
Nang dahil sa pag-unlad ng agrikultura at paglahok ng Pilipinas sa kalakalang pandaigdig, may ilang mga
mangangalakal, magsasaka, at propesyonal na umunlad ang buhay. Sila ang bumuo sa panggitnang uri o
middle class na karaniwang kinabibilangan ng mga Chinese at Spanish mestizo. Bunga ng nakamit na
kasaganaan ay nakayanan nilang mapag-aral ang kanilang mga anak sa Maynila o sa Europa, partikular sa
Espanya kung saan nakamit ng mga kabataang ito ang “kaliwanagan”. Tinawag sila bilang mga ilustrados
dahil sa nakamit nilang edukasyong nagmulat sa kanila sa tunay na kalagayan noon ng Pilipinas. Kabilang sa
mga kilalang ilustrado ay sina Jose Rizal, Marcelo del Pilar at Mariano Ponce na may akda ng mga lathalain
na gumising sa damdaming makabayan ng mga Filipino
3. Ang Liberal na Pamumuno ni Gob. Hen. Carlos Maria dela Torre
Si Carlos Maria dela Torre ay isang pinunong nakakuha ng tiwala ng mga
Filipino sa pamamagitan ng kaniyang liberal na pamamahala. Nakinig siya sa
mga suliranin ng mga mamamayan at nakihalubilo sa mga ito. Napamahal
siya sa mga Filipino sapagkat makatao siyang nakitungo sa mga ito.
Ipinagbawal niya ang mga paghagupit bilang parusa, ipinatigil ang pag-
eespiya sa mga pahayagan at hinikayat pa niya ang pagkakaroon ng
malayang pamamahayag. Sa panahon ng kaniyang panunungkulan ay nalasap
ng mga Filipino ang kalayaan sa pagpapahayag ng sarili. Sa kasamaang
palad, hindi nagtagal at umabot lamang ng dalawang taon ang kaniyang
panunungkulan at pinalitan siya ng isa sa pinakamalulupit na pinuno sa
Pilipinas, si Rafael de Izquierdo. Bunga nito, lalong tumindi ang pagnanais
ng mga Filipino para sa pagbabago at kasarinlan.
4. Ang Usapin ng Sekularisasyon
Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay-kapangyarihan sa mga paring sekular
na pamunuan ang mga parokya. Ang mga paring sekular ay ang mga Filipinong pari na walang
kinabibilangang samahang relihiyoso. Ang sekularisasyon ay mariing tinutulan ng mga paring regular. Ang
mga paring regular ay mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad ng Augustinian,
Franciscan, Recollect, Jesuit at Dominican. Bunga ng diskriminasyong ito sa mga paring Filipino, nagsimula
ang isang kilusan sa pamumuno ni Padre Pedro Pelaez. Kabilang sa kilusang ito ang ang GomBurZa na
kinabibilangan nina Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora. Upang masugpo ang
kilusang ito, ay pinagbintangan ang GomBurza na pinuno ng pag- aalsa sa sumiklab sa Cavite na
kinabibilangan ng mga sundalong Filipino.
Pinagbintangan sila bilang pinuno
ng pag-aalsa upang mapatahimik
ang noon ay mainit na isyu ng
sekularisasyon. Sila ay dinakip at
hinatulan ng kamatayan sa pama-
magitan ng garote noong Pebrero
17, 1872. Sa pagkamatay ng
tatlong pari ay napaigting ang
damdaming makabansa ng mga
Filipino laban sa mananakop
Sa pangkalahatan, masasabing
nagkaroon ng epekto ang mga pangyayari sa labas at loob ng Pilipinas noong ika-18 siglo sa paglaganap ng
malayang kaisipan sa Pilipinas na siyang nagpakilos sa mga Filipino upang ipaglaban ang mga karapatan at
kalayaan.

Panuto. Maglaro ng Loop a Word. Bilugan sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat bilang at isulat sa
sagutang ang tamang sagot.
_______1. nagtaguyod ng konsepto ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran (liberty, equality, at fraternity)
_______2. sumiklab upang ipaglaban ang kasarinlan at itaguyod ang karapatang konstitusyonal, popular na soberanya
at batas ng mga Amerikano
_______3. unang konstitusyon ng Espanya
_______4. tawag sa Enlightenment o Kaliwanagan sa Espanya
_______5. pagkakakilanlan ng isang tao na kaniyang idinikit o ibinahagi sa kani- yang nasyon o lugar na pinagmulan
o kinabibilangan
_______6. sistemang ekonomiko kung saan ang batayan ng kayamanan ng isang bansa o estado ay ang dami ng ginto
o pilak na pagmamay-ari nito
_______7. mga Filipino o mestizong mula sa mataas na uring panlipunan at kadalasang galing sa hanay ng mga dating
pinuno sa Pilipinas
_______8. pagbibigay sa mga paring sekular ng kapangyarihang pamunuan ang mga parokya
_______9. kabataang naliwanagan o nakamit ang liberal na edukasyon na nag- mulat sa tunay na kalagayan noon ng
Pilipinas.
_______10. mga paring Espanyol na kabilang sa mga samahang relihiyoso tulad ng Augustinian, Franciscan at iba pa
Panuto. Isulat ang salitang TAMA kung ang bawat pahayag ay nagsasaad ng katotohan at MALI naman kung hindi
nagsasaad ng katotohanan .
1. Ang kilusang La Ilustracion ay nagmula sa Europa.
2. Isang salik sa paghina at pagtatapos ng kalakalang galyon ay ang deklarasyon ng Cadiz Constitution.
3. Napayaman ng kalakalang galyon ang Espanya mula sa kita rito.
4. Walang naging epekto ang La Ilustracion sa Pilipinas dahil malayo ang Europa sa Pilipinas.
5. Sa merkantilismo nakasalalay sa dami ng ginto at pilak ang yaman ng isang bansa.
6. Ang panggitnang uri ay binubuo ng mga mayayaman at makapangyarihang Espanyol na nanirahan sa Pilipinas.
7. Ang mga paring sekular ang may hawak ng mga parokya.
8. Ang mga paring Espanyol lamang ang may kinabibilangang samahang relihiyoso.
9. Si Carlos Maria dela Torre ay nagtagal ng sampung taon sa pamumuno bilang gobernador-heneral dahil sa
pagkakaroon niya ng liberal o makabagong paraan ng pamamahala.
10. Ang pagbubukas ng Suez Canal ang nagpaiksi ng isang buwan sa paglalakbay mula sa Europa patungo sa Maynila

You might also like