ipinahahayag at kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel. _____1. Nakiisa at sumang-ayon ang lahat ng katutubong Filipino sa mga pagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol. _____2. Si Francisco Dagohoy ang namuno sa pinakamahabang pag- aalsa naganap sa panahon ng kolonyalismong Espanyol. _____3. Nakipaglaban ang mga Igorot dahil sa labis na pagpataw ng buwis at pagkamkam ng kanilang lupain. _____4. Ang Pag-aalsa ng Agraryo ay lumaganap sa lalawigan ng Cavite, Laguna, at Batangas. _____5. Ang pakikipaglaban ni Diego Silang ay ipinagpatuloy ng kanyang asawang si Gabriela. _____6. Naganap ang pag-aalsa ni Hermano Pule dahil sa pangangamkam ng mga prayle sa lupa ng kanyang bayan. _____7. Nagsagawa ang pag-aalsa si Almazan ng Ilocos Norte bilang pagsuporta sa ipinaglalaban ni Malong ng Pangasinan. _____8. Nanguna si Lakanduka sa pagtutol ng pagpapadala ng mga polista sa Cavite. _____9. Pinamunuan ng dating babaylang si Tamblot ang pagtutol ng mga Tagalog sa Kristiyanismo. ____10. Nagkaroon ng pag-aalsa ang mga Ilokano dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol sa produksyon ng alak na “Basi”.