You are on page 1of 9

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Araling Panlipunan 5, Ikaapat na Markahan, Linggo 2

MGA SALIK NA NAGBIGAY DAAN SA


PAG-USBONG NG NASYONALISMONG
PILIPINO

Layunin

Pagkatapos mong mapag-aralan ang LAS, ikaw ay inaasahang:

1. natatalakay ang mga lokal na mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka


ng bayan – Kilusang Agraryo ng 1745;
2. natatalakay ang mga lokal na mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka
ng bayan – Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose; at
3. natatalakay ang mga lokal na mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka
ng bayan – Okupasyon ng Ingles sa Maynila.

1
Aralin

Mga Salik na Nagbigay Daan sa


Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino

Kilusang Agraryo ng 1745

Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at


pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero (Heswita, Dominiko, Agustino, at
Recoletos) sa lupa ng mga katutubo. Hindi nagdalawang-isip ang libo-libong mga Pilipino na
humawak ng sandata upang ipakita ang kanilang marubdob na pagtutol dito. Nangyari ang
mga ganitong uri ng pag-aalsa sa Silang, Cavite noong Abril 1745 at mabilis na kumalat sa
mga nayon ng Taguig, Parañaque, Hagonoy, Bacoor, San Mateo, at Bulacan. Pinamunuan
ito nina Jose dela Vega, Francisco Gonzales. Ang Katagalugan ang naging sentro ng mga
ganitong uri ng pag-aalsa (agraryo) sapagkat sa mga lalawigang ito lamang matatagpuan ang
hacienda ng mga prayle.

Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose

Si Apolinario de la Cruz (1814-1841) na mas kilala bilang Hermano Pule ay


ipinanganak sa baryo Pandac, Lucban, Lungsod ng Tayabas (ngayon Quezon). Pinamunuan
niya ang isang pag-aalsa sa Pilipinas na may kinalaman sa pakikibaka para sa kalayaan sa
relihiyon.
Ang kanyang pagiging relihiyoso ay ipinamalas niya hindi lamang sa patuloy na pag-
aaral niya sa Bibliya kundi maging sa pagtatatag niya ng kapisanang tinawag na Cofradia de
San Jose. Wala man itong layuning politikal, ang samahan ay pinalagay ng mga Espanyol na
mapanganib sapagkat ito ay nakaakit ng maraming tao sa Tayabas (Quezon), Batangas at
Laguna. Ang kanyang layunin na kilalanin ng mga nasa kapangyarihan ang kanyang
kapisanang panrelihiyon ay nabigo. Sa halip, ito ay pinigil ng mga nanunungkulan sa
pamahalaan. Kaya naman, siya ay nagpatuloy sa pagpapalaganap at pagpapalawak ng
kanyang kapisanan na binatikos naman ng mga nasa kapangyarihan at itinuring na ang
kanyang kapisanan ay labag sa batas. Siya ay tinugis ng pamahalaan kaya tumakas siya
patungong Majayjay, Laguna at mula rito ay tumungo naman siya sa Maynila. Pagkatapos ay
nagbalik siya sa Tayabas at dito ay ginipit siya ng mga Espanyol nang tipunin ng pamahalaan
ang kanyang mga kaanib at ipinahayag ang kanyang pakikipaglaban sa mga prayle.
Dahil itinuring siyang mapanganib, ang gobernador ng Tayabas ay nagpadala ng mga
kawal upang hulihin si Hermano Pule. Noong ika-23 ng Oktubre, 1841, ang mga Espanyol ay
lumusob sa kinaroroonan niya at ng kanyang mga kasamahan. Sa labanan ay napatay ang
alkalde-mayor na si Joaquin Ortega na nagbunga ng pagkabahala sa pamahalaang sentral
sa Maynila. Agad na nagpadala ng hukbo sa Tayabas at sa labanan sa Alitaw ay nagapi nila

2
sina Hermano Pule. Nahuli siya at binitay ng mga Espanyol sa pamamagitan ng firing squad
noong Nobyembre 4, 1841.

Okupasyon ng mga Ingles sa Maynila

Panandaliang nasakop ng mga Ingles ang Maynila noong 1762 hanggang 1764.
Kasalukuyang nangyayari noon ang Pitong Taong Digmaan sa pagitan ng Pransiya at
Britanya sa Europa. Nagpahayag ng pakikidigma ang Britanya sa Espanya nang kumampi sa
huli ang kalabang bansa nito.
Sa pangunguna ni Sir William Draper ay nilusob ng Britanya ang Look ng Maynila.
Dahil sa kawalan ng paghahanda ay madali nilang nasakop ang Maynila na siyang itinuturing
na kabisera noon sa Espanya. Si Arsobispo Rojo ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng
Espanya sa mga Ingles noong Oktubre, 1762. Nasakop din nila maging ang mga daungan sa
Cavite.
Tinangka pang masakop ng mga Ingles maging ang iba pang lalawigan sa Luzon. Sa
katunayan ay kanila ring nasakop ang mga lugar ng Cainta at Taytay. Ngunit hindi nagtagal
ang pananakop na ito dahil ibinalik ng mga Ingles ang pamahahala sa bansa sa kamay ng
mga Espanyol nang magwakas ang Pitong Taong Digmaan. Bunga ito ng Kasunduang
Pangkapayapaan sa Paris noong Pebrero 10, 1763
Ang pangyayaring ito ay nagbigay-daan upang makita ng maraming Pilipino ang
kahinaan ng mga Espanyol. Nakita nilang ang malakas na puwersang Espanyol ay maaari rin
palang matalo sa labanan o digmaan.
May ilang sundalong Indian na kilala bilang mga Sepoy ang kasama ng mga Ingles
noon. Tumiwalag sila at namalagi sa Cainta, Rizal. Dahil dito, nagkaroon ng mga Indian sa
Cainta at dito nanirahan hanggang sa mga sumunod na henerasyon.

3
Mga Gawaing Pampagkatuto

Gawain 1
Panuto: Suriin ang isinasaad ng mga pahayag. Isulat sa patlang ang Tama kung ang
pahayag ay may katotohanan at Mali kung ang pahayag ay hindi totoo. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

____________ 1. Ang Kabisayaan ang naging sentro ng pag-aalsang agraryo.

____________ 2. Si Apolinario de la Cruz ay nanguna sa pag-aalsang panrelihiyon


sa Tayabas.

_____________3. Tinanggap ng kumbento si Hermano Pule na pumasok sa


pagpapari.

____________ 4. Matagal na panahong sinakop ng mga Ingles ang Maynila na


nagdulot ng matinding paghihirap ng bansa.

____________ 5. Ang pag-aalsang agraryo ay bunsod ng hindi makatarungang pang-


aagaw at pangangamkam ng mga prayle o paring misyonero.

____________ 6. Nangyari ang kilusang agraryo noong Abril, 1744 at mabilis na


kumalat sa Katagalugan.

____________ 7. Ang mga patakaran at pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol


sa Pilipinas ay umani ng iba’t ibang pagtuligsa mula sa mga
katutubo.

___________ 8. Pinangunahan nina Rear-Admiral Samuel Cornish at Brigadier


General William Draper ang kampanya patungong Pilipinas noong
1762.

___________ 9. Kinilala ng mga Espanyol ang itinatag na Kapisanan ni Apolinario de


la Cruz.

__________ 10. Si Arsobispo Rojo ang nagpahayag ng pormal na pagsuko ng


Espanya sa mga Ingles noong Oktubre, 1762.

4
Gawain 2

Panuto: Sa pamamagitan ng pagkompleto sa talahanayan, talakayin ang mga lokal na


pangyayaring naging dahilan ng pag-usbong ng pakikibaka ng bayan.

Lokal na Pangyayari Namuno Lugar Kung Saan Layunin ng


Naganap Pagsasagawa Nito

Pagsasagawa ng
Kilusang Agraryo ng
1745

Pag-aalsa ng Cofradia
de San Jose

Pananakop ng Ingles
sa Maynila

Gawain 3

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Ipiliwanag ang iyong sagot.

1. Paano nakatulong ang mga lokal na pangyayaring tinalakay sa araling ito sa


pagsulong ng damdaming makabayan ng mga Pilipino?

2. Sa iyong palagay, makatwiran bang lumaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino
bunga ng mga nabanggit na pangyayari?

3. Sa kasalukuyan, ano sa palagay mo ang pangyayaring magbibigay-daan upang


mag-alab ang damdaming makabayan ng mga Pilipino?

5
Repleksyon

Panuto: Punan ang 3-2-1 tsart ng iyong mga natutunan hinggil sa Pagtatanggol ng
mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol .Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

6
7
Lokal na Pangyayari Namuno Lugar Kung Saan Layunin ng
Naganap Pagsasagawa Nito
Pagsasagawa ng *Jose dela Vega *Silang, Cavite Ang sagot ay
kilusang agraryo ng *Francisco Santos *Taguig maaring magkaiba
1745 de Medina *Paranaque
*Ignacio Marcelo *Hagonoy
*Julio Lopez de *Bacoor
Montaya *San Mateo at
*Andres Pulido Bulacan
*Francisco
Gonzales
Pag-aalsa ng Cofradia Apolinario de la *Tayabas(Quezon) Ang sagot ay
de San Jose Cruz o Hermano *Batangas maaring magkaiba
Pule *Laguna
Pananakop ng Ingles *Rear-Admiral Maynila Ang sagot ay
sa Maynila Samuel Cornish maaring magkaiba
*Brigadier General
William Draper
Gawain
Gawain 1
Gawain 3
Ang sagot ay maaring 1. Mali
magkaiba 2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Mali
10. Tama
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

https://www.slideshare.net/eLLacanlog/pagtugon-sa-hamon-sa-kasarinlan
https://www.coursehero.com/file/57001063/Pag-aalsa-laban-sa-kolonyalismong-espanyoldocx/
https://www.google.com/search?q=sketch+faces+of+a+man&tbm=isch&ved=2ahUKEwj82t7kx4HuAh
VdzIsBHV2MA5EQ2cCegQIABAA&oq=sketch+faces+of+a+man&gs_lcp=CgNpbWcQAzoGCAAQCBAeOgI
IAFDE7ANY-
Ailene G. Baisa-Julian, Nestor S. Lontoc
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5
Eleanor D. Antonio, Emilia L. Banlaygas, Evangeline M. Dalla 2015.
RBS Serye sa Araling Panlipunan KAYAMANAN 6 Binagong Edisyon 2015 ISBN -978-971-23-7074-8
Klasipikasyon, Batayan at sanayang Aklat. Inilimbag Pebrero 2016 Inilathala ng may karapatang ari
2015 at ipinamahagi ng REX Book Store, Inc. (RBS) na may punong tanggapan sa 856 Nicanor Reyes
Sr.St., Sampaloc Manila /Tel Blg. 735-1364,735-0567.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon ng Caraga


Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Surigao
Tagapamanihalang Pansangay: Karen L. Galanida
Kawaksing Tagapamanihalang Pansanay: Laila F. Danaque

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheets (LAS)

Manunulat : Evelyn M. Cuerbo


Editor : Nikhol Jhon S. Bernal, Stelamarie C. Toraja,
Jerlyn G. Jumalon
Mga Tagasuri : Marino L. Pamogas, Claire Eloise V. Ortega
Stelamarie C. Toraja, Jerlyn G. Jumalon
Tagaguhit :
Mga Nangasiwa : Karen L. Galanida
Laila F. Danaque
Carlo P. Tantoy
Elizabeth S. Larase
Venus M. Alboruto
Marino L. Pamogas
Claire Eloise V. Ortega

Inilimbag sa Pilipinas ng Dibisyong Pansangay ng mga Paaralan ng Lungsod Surigao


Office Address : M. Ortiz Street, Barangay Washington
: Surigao City, Surigao del Norte, Philippines
Telefax : (086) 826-1268; (086) 826-3075; (086) 826-8931
E-mail Address : surigao.city@deped.gov.ph

8
9

You might also like