You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Document Code: SDO-QF-CID -00XX


Department of Education
Region III – Central Luzon Revision: 00
MEXICO WEST DISTRICT Effectivity Date: 08/07/2018
Mexico, Pampanga
SEMI-DETAILED LESSON PLAN IN Name of Office:
PANDACAQUI
ARALING PANLIPUNAN VI
RESETTLEMENT ES

Agosto 7, 2018

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa bahagi ng
Pilipinas sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng malayang kaisipan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagpapahalaga sa kontribosyon ng Pilipinas sa
isyung pandaigdig batay sa lokasyon nito sa mundo.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Nabibigyang halaga ang mga kontribosyon ng mga Natatanging Pilipinong
nakipaglaban para sa kalayaan. AP6PMK-Ih11
Halimbawa: Francisco Macabulos
Vicente Lukban
Mariano Llanera
Apolinario Mabini
Trinidad Tecson
Melchora Aquino

II. NILALAMAN
Mga Natatanging Pilipinong Nakipaglaban Para sa Kalayaan

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian
1. Pahina sa Gabay ng Guro
2. Pahina sa Kagamitan ng Mag-aaral
3. Pahina sa Batayang Aklat
Kayamanan 6, pahina 70 - 73
4. Karagdagang Kagamitan Mula sa Portal ng Learning Resource (LR)

B. Iba pang Kagamitang Panturo


a. Laptop
b. Projector
c. Mga Larawan
d. Activity Sheets
e. Maskara

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa Nakaraang Aralin at/o Pagsisimula ng Bagong Aralin
Maglaro ng “Your Face Looks Familiar”.
Ang mga mag-aaral ay magsusuot ng maskara ng mga natatanging Pilipino.
Sa bawat salaysay, kailangan tumayo ng mag-aaral na may suot ng maskara ng taong
tinutukoy.
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
Gamit ang kulay dilaw na Activity Sheet: Sino Sila?
Pagmasdan mabuti ang mga larawan at basahin ang mga pangalan na nakasulat
sa papel. Idikit ang wastong pangalan ng bawat larawan.
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Aralin
Itanong: Sinu-sino ang mga tao sa larawan?
Anu-ano ang mga kontribusyon nila sa ating pagka-Pilipino?

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1


Ipakilala sa klase ang mga tao sa larawan at pag-usapan ang mga kontribusyon nila sa
kasaysayan ng Pilipinas.
E. Pagtalakay sa Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2
Basahin ang mga salaysay.
Piliin ang angkop na sagot sa mga larawan.
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Pormatibong Pagtataya)
Pangkatang Gawain.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na Buhay


Itanong: Bilang mga estudyante o mag-aaral, maari karin bang maging isa
natatanging Pilipino sa panahon ngayon? Ipaliwanag ang iyong sagot.

H. Paglalahat ng Aralin
Itanong: Sinu-sino ang mga natatanging Pilipino na ating napag-aralan ngayon?
Magbigay ng kontribusyon niya.

Mahalaga ba sa ating mga Pilipino ang kanilang mga ginawa? Ipaliwanag


ang iyong sagot.
I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang-aralin at Remediation


Sa inyong kwaderno iguhit ang paborito mong bayani o katangitanging Pilipino at
isalaysay kung bakit siya ang iyong paborito at ano ang nai-ambag niya sa ating bansa.

Prepared by:

MARIS GRACE A. CARVAJAL


Teacher I
VI-Amethyst

Checked and Observed by:

JULIE D. LAYUG
Master Teacher I In-charge of Instructional Supervision
Grade VI

Noted by:

TERESITA D. PUNLA, Ed.D.


Principal IV

You might also like