You are on page 1of 4

Aralin 6.

2: Pagsusuri ng mga pangyayari sa Kumbensiyon sa


Tejeros sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol

I. Layunin

Nasusuri ang mga pangyayari sa Kumbensiyon sa Tejeros sa


himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.

II. Paksang Aralin

Paksa: Pagsusuri ng mga pangyayari sa Kumbensiyon sa Tejeros sa


himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol
Sanggunian: AP6MK-Id-6, Youtube: Xiao Time,
https://tl.wikipedia.org./wiki/kumbensiyon_sa_tejeros
Kagamitan: Video clips, Larawan, metacards
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa ating kasaysayan

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Balitaan (Mock Patrol)
Pagtalakay sa mga isyung napapanahon sa loob at labas ng bansa.
2. Balik-aral
Tanong: Ano ang naging layunin ng Unang Sigaw sa Pugadlawin sa
Balintawak sa kasaysayan ng ating bansa?
3. Pagganyak

Anong saloobin ang ipinapahayag sa larawan?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain 1: Pagbasa ng Slides/Talata

Gawain 2: Puppet Show

Pagsasasalaysay ng guro sa mga pangyayaring kung paano


nagpulong ang pangkat Magdalo at Magdiwang noong Marso
22, 1897 sa Kumbensiyon sa Tejeros.

Gawain 3: Suring Video

Panonood ng Suring Video sa mga pangyayari sa Kumbensiyon


sa Tejeros.
Search: Xiao Time Tejeros Convention

Gawain 4: Graphic Organizer

2. Pagsusuri
a. Bakit nagkaroon ng pagpupulong ang hating pangkat ng
Magdalo at Magdiwang sa Kumbensiyon sa Tejeros?
b. Ano ang naging mahalagang papel ng Kumbensiyon sa
Tejeros sa ating kasaysayan?
c. Paano prosesong halalan ang naganap sa pangyayari ito
sa pagitan ni Andres Bonifacio at Emilio Aguinaldo?
d. Sa iyong palagay bakit may ilang tao sa pagpupulong sa
Kumbensiyon sa Tejeros ang tutol sa pagiging pangulo ni
Andres Bonifacio ng ating bansa?

3. Paghahalaw
Ano ang naging layunin ng Kumbensiyon sa Tejeros sa
kasaysayan ng ating bansa?

(Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng konseptong


natutunan)

4. Paglalapat
Pangkat 1-Paggawa ng Rap Jingle
Pangkat 2 Paggawa ng Poster
Pangkat 3- Pagdudula-dulaan
Pangkat 4-Paggawa ng tula

IV. Pagtataya
Pagsulat ng Essay
Ano ang salooobin mo tungkol sa mga pangyayaring naganap sa
Kumbensiyon sa Tejeros.

Iskor Verbal na Indikasyon


Interpretasyon
Mahusay na Mahusay Napahahayag ang
pinakamataas at
5 pinakamaayos na
pagsulat upang
maipaliwanag ang
kaisipan.
Mahusay Nakapagbibigay ng
4 sapat at maayos na
pagsulat upang
ipaliwanag ang kaisipan
Medyo Mahusay Nakapagbibigay ng
3 sapat na
pagpapaliwanag tungkol
sa kaalaman ng
kaisipan.
Nangangailangan ng Di- gaanong sapat ang
2 Pagsasanay pagpapaliwanag ng
isinulat
Hindi Mahusay Hindi sapat ang
1 pagpapaliwanag ng
isinulat
V. Takdang Aralin

Magsaliksik sa mga pangyayari tungkol sa Biak na bato. Isulat ang


impormasyon inyong nakalap sa kuwaderno.

Inihanda ni:

MARA CLAIRE M. VILLEGAS


Guro, Bagumbayan ES

You might also like