You are on page 1of 31

Katangian ng mga

Lalawigan sa
Rehiyon
Ang ating bansa ay biniyayaan ng
magandang lokasyon sa mundo. Isa itong
pulo ng mahigit sa 7, 100 na mga isla. Ang
Luzon sa hilagang bahagi ng bansa ang
pinakamalaking isla. Sa gitnang bahagi
naman ang maliliit na isla ng Visaya at sa
pinakatimog na bahagi naman ang isla ng
Mindanao.
Malaki ang pagkakaiba-iba ng katangiang pisikal ng mga isla sa bansa.
Ang bulubunduking bahagi ng bansa ay nasa hilagang kanluran papuntang
timog-silangan.
Ngunit sa mga kanluraning
mga isla ng Palawan, Sulu,
Negros at Panay ang
bulubunduking bahagi ay nasa
hilagang silangan papuntang
timog-kanluran.
Karaniwan sa mga isla ay may
bulubunduking bahagi ngunit
ang mga bahagi na malapit sa
tabing dagat at iba pang
anyong-tubig ay kapatagan.
Sa mga lugar na katapagan
naninirahan ang mga tao, kaya’t
ito ang mga nagiging bayan
bayanan.
Ang klima ng bansa ay isang
tropikal na bansa, kaya’t
katamtaman ang init at lamig sa
buong taon. Sa kabuuan, halos
pantay ang pag ulan sa buong
taon.
Malakas na pag-ulan ang
mararanasan sa bansa mula Hunyo
hangang Oktubre Ang mga nasa
silangang isla naman ay
nakakarananas ng mas malakas na
pag-ulan mula Nobyembre
hanggang Marso.
Sa mga huling buwan ng taon mas
marami ang nararanasang bagyo na
nagdudulot ng mga pagbaha sa
malawak na bahagi ng bansa.
• Ano ang masasabi mo sa unang larawan? Sa
ikalawang larawan?
• Ang mga nasa larawan ba ay naranasan mo na?
• Ano ang naramdaman mo?
Ang Rehiyon IV-B (MIMAROPA)
Suriin mo ang mapa ng Rehiyon IV-B.
Ano ang napapansin mo?
Ang mga pulo sa katimugang Luzon
ang bumubuo sa rehiyong ito. Kinuha
ang pangalang MIMAROPA sa unang
pantig ng mga lalawigang sakop ng
rehiyon IV-B (Mindoro, Marinduque,
Romblon, at Palawan).
Alamin ang sukat ng lawak ng lupa ng
bawatlalawigan sa kilometrong parisukat.
Sukat ng Lawak ng Lupa sa Kilometrong Parisukat
Lawak ng Lupa sa Kilometrong
Mga Lalawigan
Parisukat
Occidental Mindoro 5,879.8 km2
Oriental Mindoro 4,364.7 km2
Marinduque 959 km2
Romblon 1,355.9 km2
KABUUANG SUKAT 12,559.40 km2
Ang Rehiyong MIMAROPA ay
binubuo ng apat (4) na lalawigan.
Ang Occidental Mindoro, Oriental
Mindoro, Marinduque, at Romblon.
Ang Rehiyong ito ay may kabuuang
sukat na 12,559.40 kilometrong
parisukat (km2).
Iisa lamang ang masasabing lungsod
sa Rehiyong ito. Ito ang Calapan City
sa Oriental Mindoro. Ang lungsod ding
ito ang kabisera ng nasabing lalawigan.
Mamburao naman ang kabisera ng
Occidental Mindoro, Boac sa
Marinduque at Romblon sa Romblon.
Mabundok at maburol sa mga
lalawigang sakop ng rehiyong ito.
Hindi rin maitatanggi ang kagandahan,
kalinisan at kainaman ng mga baybayin
dito. Mayroon ding mga talon at bukal
sa Rehiyon ng MIMAROPA. Pag-
aralan ang talaan sa ibaba.
Magagandang Katatagpuang
Mga Lalawigan
Tanawin Lugar
Pulo ng Ambulong Sablayan
Pulo ng Lubang San Jose
Occidental Pulo ng Ambik San Jose
Pulo ng Ilin San Jose
Mindoro Pulo ng Pandan Grande Sablayan
Baybayin ng Tayamaan Mamburao
Bundok Halcon
Oriental Mga Baybayin
Baco
Puerto Galera
Talon ng Tamaraw at
Mindoro Hidden Paradise
Baco
Magagandang Katatagpuang
Mga Lalawigan
Tanawin Lugar
White Beach Torrijos
Bukal ng Malbog Buenavista
Marinduque Talon ng Norada
Bathala Caves
Mogpog
Sta. Cruz
Tres Reyes Islands
Elephant Island Gasan
Amoingon Coast Buenavista Boac
Talon ng Mainit at Talon ng Odiongan
Garing
Talon ng Dubduban-Bita
San Agustin
Romblon Talon ng Mablaran
Tinagong Dagat San Andres
Baybayin ng Aliwanyag Calatrava Sta. Fe
Magagandang Katatagpuang
Mga Lalawigan
Tanawin Lugar
Palawan Underground River Tubataha Reef Puerto Princesa

May pagkakaiba-iba sa klima ang mga lalawigan sa rehiyon.


Ang mga lalawigan ng Marinduque, Occidental Mindoro at
Oriental Mindoro ay nakararanas ng dalawang uri ng panahon.
Tag-init dito mula Disyembre hanggang Abril. Tag-ulan naman
mula Mayo hanggang Nobyembre. Sa Romblon naman ay may
tatlong buwang tag-init at maulan naman sa ibang mga buwan.
Agrikultura ang pangunahing industriya ng Rehiyon IV-B. Pag-aralan mo ang talahanayan sa ibaba. Ano-ano ang pangunahing industriya at produkto sa Rehiyon MIMAROPA?

ANG MGA INDUSTRIYA AT PRODUKTO SA REHIYONG MIMAROPA

Lalawigan Industriya Produkto


Occidental Agrikultura, bakahan palay, niyog, mani at
Mindoro at manukan abaka, itlog at karne
palay, tubo, niyog, mais,
Oriental Mindoro Agrikultura mga prutas na citrus at
ibang uri ng prutas
Lalawigan Industriya Produkto
3. Marinduque
Agrikultura, minahan niyog, palay at tanso

4. Romblon Agrikultura,
paghahayupan at
abaca, kopra, marmol
industriyang
pantahanan

5. Palawan
Agrikultura, turismo palay, niyog
Sagana sa likas na yaman ang Rehiyong MIMAROPA. May mga
produkto rito na hindi matatagpuan sa ibang rehiyon sa Pilipinas. Sa
Romblon lamang nagmumula ang marmol.
Marami ring mapagkakakitaan ng kabuhayan sa rehiyong
ito. Ang mga nakatira sa malapit sa baybayin ay pangingisda
ang ikinabubuhay. Marami ring magsasaka sa rehiyon.
Mayroon ring nag-aalaga ng mga baka at manok sa mga
bakahan at manukan.
May mga nagmimina rin sa mga minahan ng tanso.
Matatagpuan sa Marinduque ang malaking mina ng tanso.
Maraming magandang tanawin at anyong-tubig sa MIMAROPA.
Nariyan ang Puerto Galera at
Bundok Halcon ng Mindoro, ang
Underground River ng Palawan na
ideneklarang World Heritage site at
isa sa New Seven Wonders of Nature
sa buong mundo.
Basahing mabuti ang mga gabay na tanong sa
ibaba at sikaping masagot ang mga ito. Isulat sa
kuwadernong sagutan ang iyong mga sagot.

1. Ano ang isang katawagan para sa


Rehiyon IV-B?
2. Ano ang pangunahing industriya ng
Rehiyon IV-B?
3. Ano ang kilalang produkto ng
Romblon?
4. Ano ang tawag sa kilalang baybayin
sa Oriental Mindoro?
5. Ano ang kabisera ng Occidental
Mindoro?
6. Ano ang kabisera ng Marinduque?
7. Ano ang tawag sa bukal na
makikita sa Buenavista,
Marinduque?
8. Ano ang tawag sa kabisera ng
Oriental Mindoro?
9. Ano ang tawag sa ibong nakakain
ang pugad na makikita sa
Palawan?
10. Ano ang kabisera ng Palawan?
Isulat ang Tama sa patlang kung ang isinasaad
ng pangungusap ay wasto. Isulat naman ang
Mali kung ito ay di-wasto at iwasto ang
pangungusap.
1. Ang Rehiyon IV-B ay binubuo ng 5 lalawigan.
2. Ang mga lalawigang bumubuo sa Rehiyon 5 ay
dikit-dikit.
3. Pawang mga pulo ang bumubuo ng MIMAROPA.
4. Agrikultura ang pangunahing
industriya ng Rehiyon IV-B.
5. Ang Rehiyon IV-B ay mga
maiinam na baybayin.
6. Pinagkakakitaan din sa Rehiyon
IV- B ang pangingisda.
7. Makikita sa Romblon ang
pinakamalaking minahan ng
tanso.
8. Tanyag din ang Romblon sa mga
gawaing yari sa marmol
9. Ang Underground River ng Palawan ay
isa sa 7 Wonders of Nature sa buong
mundo.
10. Ang Tubataha Reef ay matatagpuan
sa Mindoro.

You might also like