You are on page 1of 3

Aralin 6.

3 Kasunduan sa Biak na Bato

I. Layunin: Nasusuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa


kolonyalismong Espanyol sa kasunduan sa Biak na Bato.

II. Nilalaman:
Paksa: Kasunduan sa Biak na Bato
Sanggunian: http://dlrciligan.weebly.com, AP6MK-Id-6
Kagamitan: Larawan, Graphic Organizer, powerpoint presentation
Pagpapahalaga:
Pagkamatapat

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan:
Tumawag ng isang mag aaral na mag uulat ng balita na may
kaugnayan sa mga kaganapan tungkol sa kasalukuyang pamahalaan.
2. Balik-aral
Gamit ang powerpoint presentation, pahulaan sa bata kung sino ang
tinutukoy ng mga sumusunod na pangungusap. Pumili lamang sa
dalawang larawan.

Andres Bonifacio Emilio Aguinaldo


Andres Bonifacio

1. Itinatag niya ang rebolusyunaryong pamahalaang ipinalit sa


Katipunan.
2. Siya ay isinakdal ni Aguinaldo ng pagtataksil at nahatulang
mamatay
3. Sa kanya sumusuporta ang mga magdalo.
4. Sa kanya sumusuporta ang mga magdiwang.
5. Napatay noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Buntis Maragondon,
Cavite.
3. Pagganyak:
Naranasan niyo na bang makipagkasunduan? Kanino at anong
kasunduan ito?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ilahad ang mga kasunduan sa Biak na Bato gamit ang powerpoint
presentation.
ANG KASUNDUAN SA BIAK-NA-BATO
1. Pagpapatapon kay Aguinaldo at sa
iba pang matatapang na lider ng rebolusyon
sa Hongkong
2. Pagbayad ng Espanya ng P800,000 sa mga 
rebolusyunaryo
3. Pagbayad ng Espanya ng P900,000 sa mga 
sibilyan na nagdusa sa himagsikan
4. Pagsuko ni Aguinaldo pati na ng mga armas 
ng hukbo
"Ang kasunduan sa Biak-na-Bato ay hindi nagtagumpay sapagkat hindi
sinunod ng magkabilang panig ang kanilang napagkasunduan."

2. Pagsusuri:
1. Ano-anong probisyon ang nakasaad sa
Kasunduan sa Biak-na-Bato?
2. Sang-ayon ka ba sa mga nakasaad sa 
Kasunduan sa Biak-na-Bato? Bakit?
3. Ano ang naging bunga ng Kasunduan sa Biak-na Bato?
4. Bakit dapat tuparin ang anumang napagkasunduan?
5. Paano mo maipakikita ang katapatan sa isang kasunduan o pangako?

6. Paghahalaw
Anu ano ang mga nangyari sa kasunduan sa Biak na Bato? Naging
matagumpay ba ito?

7. Paglalapat : Pangkatang Gawain


Pangkat 1: Gumuhit ng isang kaganapan tungkol sa naganap na 
Kasunduan sa Biak-na-Bato.
Pangkat 2: Magbigay ng reaksyon tungkol sa naganap na
kasunduan sa Biak na Bato: Naging maganda ba ang naganap na 
Kasunduan sa Biak-na-Bato?
Pangkat 3: Pag usapan ang naging bunga ng Kasunduan sa Biak-na-
Bato.ilahad ito sa klase.
Pangkat 4: Pumili ng makabagong lider sa ating lipunan at ikumpara
ito kay Emilio Aguinaldo.

IV. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sa iyong palagay mas naging matagumpay kaya kung si Andres
Bonifacio ang namuno sa rebolusyunaryong pamahalaan? Bakit? Bakit
hindi?
2. Sa palagay mo kaya ay magagawa ni Andres Bonifacio ang
makipagkasundo sa Kastila?

V. Takdang Aralin

Magsaliksik tungkol sa mga naging ambag ni Andres Bonifacio sa pagbuo


ng Pilipinas bilang isang bansa.

Inihanda ni:

MYLA M. LARA
Guro, Ikalimang Baitang

You might also like