You are on page 1of 11

Araling Panlipunan 6

Quarter I, Week 3

Layunin:

Nasusuri ang mga mahahalagang kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino:


*Sigaw sa Pugad-Lawin
*Tejeros Convention
*Kasunduan sa Biak-na-Bato (AP6PMK-Id-6)

Aralin: Mga mahahalagang kaganapan sa Panahon ng Himagsikang Pilipino


*Sigaw sa Pugad-Lawin\
*Tejeros Convention
*Kasunduan sa Biak-na-Bato

II. Kompetensi:

1. Masusuri ang mga pangyayari sa paglaganap ng rebolusyon;


2. Matutukoy ang mga mahahalagang tao na may malaking kontribusyon sa
himagsikan;
3. Masusuri ang timeline ng Himagsikang 1896; at
4. Maipapaliwanag ang makasaysayang kaganapan sa Sigaw ng Pugad Lawin.

III. Introduksyon:

Ang mga sumusunod ay mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa


ng mga Katipunero laban sa mga Español upang makamit ang Kalayaan.

III. Pamamaraan

A. Alam mo ba ang mga kaganapan na nangyari na humantong sa pag-aalsa ng


mga katipunero? Ano ang unang pumapasok sa inyong isipan kapag naririnig ninyo ang
salitang Sigaw sa Pugad Lawin? Ang Tejeros Convention? Ang kasunduan sa Biak na Bato?

B. Pagtuturong Pamamahagi:

Ang Sigaw sa Pugad Lawin

Batayang Impormasyon

Ang mga katipunerong nakatakas ay nagtungo sa Balintawak, isang nayon sa


Kalookan, at nagtipon sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896. Dito ay nagpulong sila sa
bahay ng anak ni Melchora Aquino, kilala bilang “Tandang Sora” at “Ina ng Katipunan”.
Nagkasundo ang mga katipunero sa panahon na upang lantarang lumaban sa mga Kastila.
Pinangunahan ni Bonifacio ang pagpunit ng kanilang mga sedula, bilang tanda ng pagsuway
sa pamahalaang España. Kanilang itinaas ang mga sandata at sabaysabay na sumigaw ng
“Mabuhay ang Pilipinas”. Ito ang tinatawag na sigaw sa Pugadlawin na naging hudyat ng
pagsisimula ng unang himagsikang Pilipino. Bagamat pinagpayuhan ni Dr. Jose Rizal si
Andres Bonifacio na huwag munang mag-alsa dahil hindi pa sila handa, isinulong din niya
ang pag-aalsa ng Katipunan.

Ang Kumbensiyon Sa Tejeros

Ang kumbensiyon ay naglayon na muling pagkasunduin ang dalawang paksiyon


ng mga Katipunero sa Cavite sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Ang kumbensiyon ay
ginanap sa Casa Hacienda de Tejeros sa San Francisco de Malabon noong Marso 22, 1897,
kung saan ay nagkaroon ng isang halalan upang pormal na ideklara ang Katipunan. Sa
halalang ito ay pinangalanang pangulo si Emilio Aguinaldo at pangalawang pangulo si
Mariano Trias. Si Andres Bonifacio ay nahalal bilang Direktor ng Interyor na tinutulan ni
Daniel Tirona. Dahil hindi nagustuhan ni Bonifacio ang pagtutol ni Tirona, isang araw
matapos ang halalan ay idineklara ni Bonifacio na walang bisa ang naganap na halalan.
Sinundan ang deklarasyon na ito ng paglabas ng isang petisyon. Acta de Tejeros, na
nilagdaan ng 44 na kasapi ng Katipunan. Nakasaad sa petisyon na ito ang mga dahilan kung
bakit hindi katanggap-tanggap ang resulta ng naganap na halalan. Bagamat nagkaroon ng
petisyon, ipinagpatuloy pa din ng mga bagong halal na pinuno, maliban kay Bonifacio, ang
panunumpa sa Santa Cruz, Malabon, Cavite.

kumbensiyon - pulong o pormal na asemblea ng mga kinatawan o delegado para sa isang


talakayan hinggil sa isang pangkalahatang interes.

rebolusyon – himagsikan ganap at sapilitang paglupig o pagpapabagsak sa mamayaning


pamahalaan o sistemang pampolitika

paksiyon - bahagi ng malaking pangkat ngunit may naiibang paniniwala o paninindigan:


hidwaan sa loob ng samahan

Ang Kasunduan Sa Biak-Na-Bato

Kahit nanghina at nawalan ng sigla ang mga rebolusyonaryo sanhi ng


pagkamatay ni Andres Bonifacio, buong giting pa rin nilang hinarap ang mga Kastila.
Masigasig ding nakipaglaban ang mga Pilipino sa maraming probinsya dahil sa hiling ni
Aguinaldo na ipagpatuloy ang pakikipaglabang gerilya.

Habang pinaplano ni Hen. Aguinaldo na magtatag ng Republika ng Biak-na-


Bato, may mga lumutang na mungkahing pakikipag-usap sa pamahalaang Kastila para sa
kapayapaan. Nag- alok na ang Pamahalaang Kastila ng pagpapatawad. Nagkusang loob si
Pedro Paterno, isang mestiso na mamagitan sa dalawang panig upang isulong ang
pagkakasundo para sa kapayapaan. Dito nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato sa pagitan ni
Heneral Emilio Aguinaldo at Gobernador Heneral Primo de Rivera. Parehong may hiniling
na mga kondisyon ang mga Kastila at Pilipino. Mula sa mga Pilipino, humiling ang mga
Kastila na umalis sa bansa si Aguinaldo at ang mga lider na Pilipino. Kailangan ding isuko
ang mga armas at sumuko ang mga rebelde. Ang mga Kastla ay magbabayad ng P800,000 sa
liderato ng himagsikan. Ang P400,000 ay babaunin ni Emilio Aguinaldo at mga kasama sa
pagtungo sa Hong Kong. Ang P200,000 ay ibibigay kapag isinuko na ng mga rebelde ang
mga armas; at ang P200,000 ay ibibigay para sa mga naulila at nasira ng digmaan. Kahit
napatunayan ng masang Pilipino na kaya nilang makipaglaban ng walang lider, kahit hindi
ganap maunawaan ng masang Pilipino ang implikasyon ng pagsuko ng kanilang lider sa Biak
na Bato maluwag nilang tinanggap ang pamumuno ni Aguinaldo na walang pasubali at
nagpatuloy sa kanilang pakikibaka.

Sa dahilang walang tiwala ang mga Pilipino at Kastila sa isa’t isa, hindi natupad
ang Kasunduan. Nasa Hongkong na si Emilio Aguinaldo nang nabalitaan niyang nabigo ang
Kasunduan. Hindi ibinigay ng mga Kastila ang kapupunan ng halagang kanilang ipinangako.
Nagplano siyang bumalik upang magtatag ng sariling pamahalaan. Namili siya ng armas,
nagpagawa ng bandila kay Marcela Agoncillo, at nakipag-usap sa Amerikanong si Spencer
Pratt na noo’y Konsul sa Singapore. Hinimok siya ni Pratt na bumalik sa Pilipinas at
ipagpatuloy ang rebolusyon. Nahikayat si Aguinaldo sa pangako ng Amerikano na
tutulungan ang Pilipinas laban sa Espanya. Bumalik ng Pilipinas si Aguinaldo sakay ng
Amerikanong barkong McCulloch noong Mayo 19, 1898. Naratnan niya ang mga Pilipino na
patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga Kastila. Nakubkob na sana ng mga rebolusyonaryo
ang Intramuros at mapapasubo na ang mga Kastila nang magsidaong ang mga Amerikano sa
pampang ng Maynila.

rebolusyon – himagsikan; ganap at sapilitang paglupig o pagpapabagsak sa namamayanig


pamahalaan o sistemang pampolitika

C. Paunang Gawain:

Panuto: Suriin at unawain ng mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite,


Laguna, Maynila, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, at ________.
A. Romblon C. Batangas
B. Quezon D. Oriental Mindoro

2. Angkawalangpagkakaisangmgalidersahimagsikanaynagdulotng________.
A. katiwalian C. kapangyarihan
B. tagumpay D. kabiguan

3. Isa sa mga probisyon sa Kasunduan sa Biak-na-Bato ay_____________.


A. pagtigil ng mga rebolusyonaryo sa labanan
B. pilipino ang mamumuno sa bansa
C. maging malaya na ang Pilipino
D. pagtatapos ng pamamahala ng Español sa Pilipinas

4. Sa Kumbensiyon sa Tejeros naihalal si Andres Bonifacio bilang _________.


A. pangulo C. direktor ng interior
B. kapitan-heneral D. direktor ng digmaan
5. Nahatulang mamatay si Andres at Procopio Bonifacio sa kasalanang _________.
A. pagtataksil sa bayan
B. pagkampi sa Español
C. pandaraya sa eleksiyon
D. pagpapabaya sa tungkulin

Gawain 1

Panuto: Suriin ang mga pangyayaring nabasa at hanapin sa hanay B ang kasagutan para sa
Hanay A. Isulat ang titik ng iyong kasagutan sa patlang nakalagay sa unahan ng bawat
bilang.
Hanay A Hanay B
a. isa sa mga walong lalawigang nag-aklas
_______ 1. Pugadlawin b. tanda ng pagsuway sa Pamahalaang Espanya
_______ 2. Melchora Aquino c. mga kasapi ng Katipunan.
_______ 3. Andres Bonifacio d. naging simbulo ng walong sinag ng araw sa bandila
e. pinagpayuhan ni si Andres Bonifacio na huwag
_______ 4. Agosto 23, 1896 munang mag-alsa dahil hindi pa sila
_______ 5. “Mabuhay ang Pilipinas” handa ang Katipunan
_______ 6. Dr. Jose p. Rizal f. sigaw sa Pugadlawin na naging hudyat ng
_______ 7. Batangas, Bulacan , pagsisimula ng unang himagsikang Pilipino.
Cavite, Laguna, g. petsa ng pagtitipon ng mga katipunero sa
Nueva Ecija, Pampanga, Pugadlawin.
h. pinangunahan ang pagpunit ng sedula.
Maynila at Tarlac i. kilala bilang “Tandang Sora”
_______ 8. Katipunero j. lugar kung saan nagtipon ang mga katipunero.
_______ 9. Pagpunit ng sedula
_______10. Batangas
Gawain 2

Panuto: Suriin kung ang sumusunod na pangungusap ay mga pangyayari sa Tejeros


Convention laban sa kolonyalismong Espanyol. Isulat sa linya ang Naganap kung ito ay
nangyari at Hindi naganap kung hindi nangyari.

______1. Ang kumbensiyon ay ginanap sa Casa Hacienda de Tejeros sa San


Francisco de Malabon.
______2. Sunod-sunod na natalo ang mga Katipunero sa maraming labanan.
______3. Pinagtibay sa Saligang Batas sa Kumbensiyon sa Tejeros ang paghihiwalay ng
Pilipinas sa Espanya.

______4. Nagdamdam si Bonifacio at bilang Supremo ng Katipunan ay pinawalang –bisa


niya ang nangyaring kumbensiyon.
______5. Nanumpa si Aguinaldo kasama ang kanyang gabinete bilang pangulo ng
Rebolusyong Pilipino.

______6. Inakusahan agad si Bonifacio at ang kapatid na si Procopio ng salang rebelyon.


Nagkasundo ang dalawang pangkat sa layunin ng kanilang samahan.
______7. Hinatulan ng salang pagtataksil si Andres Bonifacio at ang kapatid na si Procopio.

______9. Sabay-sabay na pinunit ng mga katipunero ang kanilang sedula at Sumigaw ng


“Mabuhay ang Pilipinas.” 5

_____10. Naitatag ang Rebolusyonaryong Pamahalaan sa Kumbensiyon ng Tejeros noong


Marso 22, 1897.

Gawain 3

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang tunay na dahilan ng pagkabigo ng Kasunduan sa Biak-na-Bato:


a. pagkamatay ni Andres Bonifacio
b. pagkabulgar ng Katipunan
c. pagsikat ni Emilio Aguinaldo
d. pag-aalinlangan ng mga Kastila at Pilipino sa isa’t isa

2. Saang bansa ginawa ang bandilang Pilipino?


a. Japan
b. Hongkong
c. Indonesia
d. Singapore

3. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga rebeldeng Pilipino ay:


a. papatawan ng parusa
b. patatawarin sa kasalanan
c. papaalisin lahat sa Pilipinas
d. pagtrabahuhin sa tanggapan
4. Layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na:
a. itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
b. ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
c. itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
d. ituloy ang labanan kahit may Kasunduan

5. Ang ibig sabihin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ay?


a. Kastila pa rin ang mamumuno sa bansa.
b. Pilipino na ang mamumuno sa bansa.
c. Malaya na ang mga Pilipino.
d. Mananatili si Aguinaldo bilang pinuno ng bansa.

6. Saang bansa nagtungo si Emilio Aguinaldo bilang pagsunod sa Kasunduan sa Biak-na-


Bato?
a. Hongkong
b. Guam
c. Paris
d. Amerika

7. Sino ang nanghimok kay Aguinaldo na bumalik sa Pilipinas at ipagpatuloy ang


Pamahalaang Rebolusyon?

a. Spencer Pratt b. Daniel Tirona c. Mariano Trias d. Pedro Paterno

8. Namagitan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato si:

a. Gobernador Heneral Primo de Rivera


b. Emilio Aguinaldo
c. Cayetano Arellano
d. Pedro Paterno

9. Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming


kakulangan
nila nang:
a. mabulgar ang samahang ito
b. matantong wala silang magagawa
c. matuklasang mananalo sila sa laban
d. magbigay ng suporta ang ibang lalawigan

10. Bakit naisip ni Emilio Aguinaldo na bumalik sa Pilipinas upang ituloy ang himagsikan?

a. Tinawagan siya ng mga rebolusyunaryo rito.


b. Pinangakuan siyang tutulungan ng pinunong Amerikano.
c. Sinunod lamang niya ang Kasunduan na bumalik siya.
d. Magiging pangulo siya kung babalik dito.

Gawain 4
Panuto: Suriin natin ang nabasang kasaysayan ng himagsikan at ayusin ang mga pangyayari
ayon sa pagsunud-sunod.

________ 1. Hindi natupad ang Kasunduan kaya sa panghihikayat ng isang opisyal ng


Amerika na nangakong tutulungan si Aguinaldo sa pakikipaglaban sa mga Kastila ay
bumalik si Aguinaldo at mga kasamahan nito sa Pilipinas upang ituloy ang rebolusyon.

________2. Walong lalawigan ang unang sumali sa pag-aalsa. Dumami ang sumapi sa
samahan at sumama sa paghihimagsik, hanggang ang rebolusyon at kumalat sa buong
kapuluan.

________3. Nagtatag din ng pamahalaan si Bonifacio subalit siya ay isinakdal ni Aguinaldo


ng pagtataksil at nahatulang mamatay.

________4. Nang mabunyag ang Katipunan marami sa mga kasapi nito ang inaresto.

________5. Nagbayad ang pamahalaang Kastila sa mga rebolusyunaryo bahagi ng halagang


ipinangako at nangako ng maraming pagbabago.

________6. Pinangunahan ni Bonifacio ang pagpunit ng kanilang mga sedula, bilang tanda
ng pagsuway sa pamahalaang España.

________7. Sa pamamagitan ni Pedro Paterno, nagkaroon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato


para sa kapayapaan.

________8. Sumuko ang mga lider ng rebolusyon, ibinaba ang mga armas at nagtungo si
Emilio Aguinaldo at mga kasama sa Hongkong.

________ 9. Nang mapatay si Bonifacio sa utos ni Aguinaldo, nanghina ang mga


rebolusyunaryo subalit hindi sila nawalan ng pag-asa.

________10. Nahati rin sa dalawang pangkat ang rebolusyon: ang mga Magdalo na
sumuporta kay Aguinaldo, at ang Magdiwang na sumuporta naman kay Bonifacio.

Gawain 5
Panuto: Suriin ang nabasang pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol.
Punan
ng tamang impormasyon ang talahanayan sa ibaba.

Kumbensiyon sa
Tanong Sigaw ng Pugad Tejeros Kasunduan sa Biak-
Lawin na-Bato
Pangalan ng Lider:
Ginawa sa kanyang
pamumuno
Sang-ayon ka ba
sa kanyang ginawa?
Bakit?

Rubriks sa Pagsagot ng Gawain

3 2 1
Wasto ang
Wasto ang ilang
impormasyong isinulat Hindi nakuha ang
Kawastuhan impormasyon na akma
at akma sa nabasang impormasyon
sa nabasang pangyayari
pangyayari.
Naunawaan ng husto Naunawaan ng husto Naunawaan ng husto
ang binasa ayon sa ang binasa ayon sa ang binasa ayon sa
kahusayan ng kahusayan ng kahusayan ng
Komprehensiyon/
pagbibigay ng pagbibigay ng pagbibigay ng
Pang-unawa
impormasyon sa impormasyon sa impormasyon sa
hinihiling na hinihiling na hinihiling na
tanong/gawain tanong/Gawain tanong/gawain
Repleksiyon/Pagninilay

Ang natutunan ko sa araling ito ay


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ang gustong gusto kong gawain ay


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ang nais ko pang pag-aralan at gawin ay


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Sanggunian
 Gabay Pangkurikulum sa Araling Panlipunan 6, Gabay ng Guro 6
 Project EASE Modyul 9 Ang Rebolusyong Pilipino Tungo sa Kalayaan
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4

Gawain 5

You might also like