Professional Documents
Culture Documents
Ang Timeline
ng Kasaysayan
INIHANDA NI:
MARIE ALIE GRACE B. LUCENARA
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mag-aaral ay
inaasahang:
• Nakagagawa ng isang timeline batay sa
nabasang kasaysayan. (F5PB-Ie-18)
• Panalangin
• Pagbati sa guro
• Pagtatala ng Liban
BALIK ARAL
Nakaraang Paksa: SANHI AT BUNGA
Hulyo 5, 1896 Agosto 19, 1896 Agosto 22, 1896 Agosto 29, 1896
• Group 1 • Group 2
- Tatalakaying ang “Labanan - Tatalakayin ang “Isang
sa Mactan” at isusulat ang Trahedya ng Kasaysayan”
timeline sa Manila Paper. at isusulat sa Manila Paper
ang timeline.
Paglalahat:
Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si Ninoy ay pinaniniwalang malakas na
kandidato laban kay Marcos sa halalan ng pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang
ikatlong termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law si Marcos noong 21 Setyembre 1972 at binuwag ang Saligang
Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo. Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos
na ipinabilanggo ni Marcos at hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng
Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni Pangulong Jimmy Carter ng Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si
Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang
nasa bilangguan. Ang pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik sa Pilipinas
nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
Ang pagpaslang kay Ninoy Aquino noong 1983 ang kalaunang naging katalistana humantong sa pagpapatalsik kay Marcos. Ang
partidong oposisyon ay sumisi kay Marcos ngunit ang iba ay sumisi sa militar at kay Imelda. Noong 21 Agosto 1983 pagkatapos
ng isang tatlong taong pagkakatapon sa Estados Unidos, si Ninoy ay pinaslang habang bumababa sa isang pangkalakalan
(commercial) napaglipad sa Manila International Airport nakalaunang pinangalanang Ninoy
Aquino International Airport bilang pagpaparangal kay Ninoy. Ang kanyang asasinasyon ay nagpagulat at nagpagalit sa
maraming mga Pilipino na nawalan ng pagtitiwala sa administrasyon ni Marcos. Ang pangyayaring ito ay karagdagan pang
humantong sa mga pagsusupetsa sa pamahalaan na nagtulak sa hindi pakikipagtulungan ng mga Pilipino na kalaunang
humantong sa isang buong sibil na hindi pagsunod. Ito ay nagpauga sa pamahalaan ni Marcos na lumalala na sa panahong ito
dahil sa papalalang kalusugan ni Marcos. Ang asasinasyon ni Ninoy Aquino ay nagsanhi sa ekonomiya ng Pilipinas
nakaragdagang lumala at ang pamahalaan ng Pilipinas ay karagdagang lumubog sa pagkakautang.
Noong 1984, si Marcos ay humirang ng isang komisyon na pinangunahan ni Chief Justice Enrique Fernando upang maglunsad
ng isang imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy. Si Kardinal Sin ay inanyahan na sumali sa komisyon na itong unit tumanggi at
naghayag ng kanyang mga pagdududa sa bersiyon ng military na si Rolando Galman ang pumaslang at ang komisyong ito ay
gumuho. Ang pamahalaan ni Marcos ay lumikha ng isang reenactment video ng kanilang bersiyon ng pangyayari na ipinalabas
sa telebisyon na nagpapakitang si Galman ay nakatago sa ilalim ng hagdan at bumaril kay Ninoy sa tarmac at pagkatapos ay
binaril naman ng mga sundalo si Galman.
Noong 2 Disyembre 1985, ang lahat ng mga na sakdal kabilang si Ver ay napawalang sala sa pagpatay kay Ninoy.
Si Ninoy Aquino
Hanay AHanay B
1.Setyembre 21, 1972 a. Pinayagan ni Marcos si Ninoy
tumungo sa Estados Unidos para magpagamot sa kanyang
karamdaman sa puso.
2.Agosto 21, 1983 b. Humirang ng isang komisyon upang
maglunsad ng isang komisyon upang maglunsad ng
imbestigasyon sa pagpatay kay Ninoy.
3.1984 c. Nagdeklara ng Martial Law si
si Marcos.
4.1980 d. Si Ninoy ay pinaslang habang
bumaba ba sa paliparan.
5.Disyembre 2, 1985 e. Ang lahat ng mga nasakdal sa
pagpatay kay Ninoy ay napawalang sala.
Takdang Arallin
Panuto: Gumawa ng isang timeline batay sa kasunod na kasaysayan. Sundin ang rubriks upang makagawa ng timeline.
Ang Pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945, noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o
nasailalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Sinalakay ng mga puwersang Hapon noong Disyembre 8, 1941 ang Pearl Harbor, Hawaii. Kasunod ang base ng mga
Amerikano sa Davao, Cavite, Baguio at Zambales.
Narating ng mga puwersa ng mga Hapones ang Aparri, Cagayan at Vigan, Ilocos Sur noong Disyembre 10, 1941.
Dumaong sila sa
Lingayen, Pangasinan. Unti-unting sinakop ng mga Hapones ang
Pilipinas.
Noong Disyembre 26, 1941, idineklarani Hen. Mac Arthur upang iligtas sa trahedya ng digmaan ang Maynila. Iniutos din
nito na alisin ang mga kagamitang pandigma sa Maynila at ilipat sa Bataan.
Sa payo ni Pangulong Roosevelt, tumakas si Pangulong Quezon at ang kanyang mga pamilya at gabinete mula sa
Corregidor papunta sa Australia noong ika-20 ng Pebrero, 1942. Iniwan niya ang pamamahala ng Pilipinas kay Jose Abad
Santos. Mula sa Australia, dinala siya sa Washington D.C.
Nilisan ni Hen. Mac Arthur ang Pilipinas papuntang Australia kahit labag man sa kanyang kalooban noong Marso 11,
1942.
Pagdating sa Australia, pinahayag niya ang katagang “I Shall Return”.
Humalili sa kanya bilang pinuno si Jonathan Wainwright.
SALAMAT SA PAKIKINIG!!!
GOD BLESS
BYE BYE!!!