You are on page 1of 14

Pagbabahagi ng Isang

Pangyayaring Nasaksahin
Basahin: Ang Pabasa
 
Noong Mahal na Araw, sa lalawigan
ni lolo ako nagpunta. Napanood ko roon
ang Pabasa. Ayon kay Lolo Roger, isa raw
itong matandang kaugalian na ipinamana
sa atin ng mga Espanyol. Ang Pabasa ay
paawit na pagbasa ukol sa buhay ni Jesus
mula nang ipinaglihi siya hanggang sa
siya’y namatay sa Krus.
Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na
tinatawag na pasyon. Sinisimulan ang
pagbasa mula sa pagpasok ng Mahal na
Araw hanggang Biyernes Santo.Nag-
aanyaya ng mga babasa ang may pabasa
hanggang matapos ang buong pasyon.
Iba-iba rin ang estilo o punto ng
pagbasa. 
Tanong:
 
• Ano ang kadalasang makikita
natin kung Mahal na araw?

• Anong mga pangyayari ang


masasaksihan natin?
 
• Ang pagbabahagi ng pangyayaring
nasaksihan ito ay tumutukoy sa pag-uulat
kung kailan ang mga pangyayari ay
kailangang ibabahagi o ipahayag.May iba’t
ibang mga pangyayari na maaari nating
ibahagi sa iba o sa pangkalahatan.
 
• Ang mga balita o pagbabalita ay
makakatulong upang malaman ang
mga pangyayari sa lokal man o sa
internasyonal.Ang wastong
pagbabahagi ng mga pangyayari ay
napakahalagang salik sa
pagbabalita.
Sagutin:
Gawain I: Panuto: Punan ang bawat patlang
ng angkop na salita mula sa kahong inilahad
upang mabuo ang diwa ng talatang nasa ibaba.

masaya marami masarap aming larong


 
magandang matalik pinakagusto napagod
Sa Aking Kaarawan
 
Naging__________ ang aking nakaraang kaarawan. Naghanda ang
aking ina ng ______
na pagkain para sa aking mga kaibigan. Bumili naman ang aking
Ninang ng ______na cake.Pagkatapos ng ______ salu-salo, nagkaroon
ng palaro. Isang _______ pabitin ang ginawa ng aking tatay. Nagsabit
dito ang aking Ate ng _____ laruan. Ang _____ kong kaibigan ang
nakaabot ng bola sa pabitin. Lahat ng dumalo ay ______ pagkat may
uwi silang laruan. Naibigan ko ang mga regalong ibinigay sa akin
ngunit ang ______ ko ay ang walking doll. Ang buong mag-anak ay
_____ subali’t nasiyahan sila dahil naging masaya ang lahat.
 
Gawain 2: Ano-anong pangyayari ang
nakikita mo sa loob ng paaralan,
tahanano pamayanan na nagpapakita
ng magandang asal? Magtala ng lima
(5) 
Tanong:
•  Ano tumutukoy sa pagbabahagi ng
pangyayaring nasaksihan?

• Paano nakakatulong ang mga balita o


pagbabalita na ating
nababasa,napapakinggan o napapanood
sa ating buhay?
Panuto: Basahin ang sumusunod na balita.Itala ang mga
suliranin o mga pangyayari na
kinakaharap ng bansang Indonesia.Magtala ng lima(5).

• Dahil sa kapabayaan ng mga tao sa


kapaligiran,nagkaroon ng abnormal na
kalagayang panahon sa buong mundo. Nagkakaroon
ng pagbaha sa ibang lugar tulad ng Estados Unidos at
tagtuyot naman o El Nino sa mga bansang Asyano tulad
ng Pilipinas at Indonesia.
Bilang ng Namatayan sa Tagtuyot,Tumataas
Jakarta,Indonesia-May
  
493 katao na ang namatay dahil sa
gutom at pagkalat ng iba’t ibang sakit dulot ng tagtuyot na
sumalanta sa silangang bahagi ng lalawigan ng Irian Jaya.
Ayon sa mga ulat,tinatayang 90,000 katutubo sa
Jayawijaya ang nanganganib na mamatay sa gutom kung hindi
mabibigyan ng sapat na tulong ng pamahalaan.
Subalit mahirap ang pagbibigay ng relief goods sa
lalawigan dahil mabundok at magubat ito.Mapanganib sa
helicopter ang paglipad ng usok mula sa nasusunog na
kagubatan.
Takdang-Aralin:
Panuto: Sa panahon ng pandemyang
ito. Ano- anong mga pangyayari o
mga suliranin ang iyong naranasan ?
Magtala ng limang (5).

You might also like