You are on page 1of 14

5

5
Learning Activity Sheet sa
Filipino Kuwarter 3 - MELC
10 & 11 Pagsusuri kung ang
Pahayag ay Opinyon o
Katotohanan

REHIYON VI-KANLURANG VISAYAS


Filipino 5
Learning Activity Sheet
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 6- Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Pambansa Bilang 8293, Seksiyon 176 na “Hindi


maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda
ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang


magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6-Kanlurang Visayas.

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Eduklasyon, Rehiyon 6- Kanlurang
Visayas.

Mga Bumuo ng Filipino 5 Learning Activity Sheet

Manunulat: Ella I. Arriola


Editor: Jerelyn P. Placer
Tagasuri: Aldrin G. Vingno
Tagalapat: Lorenzo C. Magsipoc

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Peter J. Galimba
Janalyn B. Navarro
Ellen G. Dela Cruz
Aldrin G. Vingno

Regional Management Team:


Dr. Ramir B. Uytico, CESO IV
Dr. Pedro T. Escobarte Jr., CESO V
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

ii
MABUHAY!

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheets na ito ay nabuo sa pamamagitan ng


sama-samang pagtutulungan ng Sangay ng Lungsod ng Bacolod at Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang Visayas at sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum
and Learning Management Division. Inihanda ito upang maging gabay ng learning
facilitator, na matulungan ang ating mga mag-aaral na makamtan ang mga
inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum ng K to 12.

Layunin ng LAS na ito na gabayan ang mga mag-aaral na mapagtagumpayan


nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang
kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap
na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang
kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matugunan


ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy
ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan
mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 5 Learning Activity Sheet na ito ay binuo upang matulungan


ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit wala ka ngayon sa iyong paaralan,
pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at
makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang
mga panuto nga bawat gawain.

iii
Kuwarter 3, Linggo 5

Learning Activity Sheet Blg. 10

Pangalan:___________________________________Grado at
Seksiyon:____________ Petsa:___________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 5


Pagsusuri kung ang Pahayag ay Opinyon o Katotohanan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri kung ang isang pahayag ay opinyon o
katotohanan F5PB-IIIf-h-19.

II. Panimula
Malugod kitang binabati sa pagtatapos mo ng mga naunang aralin
sa ikatlong kuwarter. Sa pagkakataong ito mapag-aaralan mo ang
tungkol sa pagsuri kung ang isang pahayag ay opinyon at
katotohanan. Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan
at matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang pagpapahayag ng isang idea tungkol sa naobserbahan sa


paligid ay bahagi ng ating pamumuhay. Nararapat lamang na suriin
natin kung ito ba ay opinyon o katotohanan. Ang pagsusuri kung
ang isang pahayag ay opinyon o katotohanan ay mahalagang
kasanayan ng isang mambabasa lalo na sa makabagong panahon
kung saan ay nagsulputan ang fake news.

Masasabi mong katotohanan ang isang pahayag kapag ito ay


nagsasaad ng idea o pangyayaring napatunayan na lalo na kung
ito ay basehan o ebidensiya tulad ng sanggunian kung saan kinuha
ang isang idea. Ang sumusunod ay pananda na ginagamit sa
paghahayag ng katotohanan: batay sa resulta, pinatutunayan ni,
mula kay, sang- ayon sa, tinutukoy ng, mababasa sa, atbp.

Maituturing na opinyon ang isang idea o pahayag kung ito ay


ngsasaad ng pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo
pero puwedeng pasubalian ng iba. Ito rin ay isang impresyon, mas
mahina sa positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at
eksperimento. May mga salita o pariralang ginagamit o ekspresyon
sa paghahayag ng opinyon. Ito ay ang sumusunod: sa aking
palagay, sa tingin ko, sa nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang
tatanungin, para sa akin, baka, maari, atbp.
1
III. Mga Sanggunian
Most Essential Learning Competencies (MELCs) 2020
Agarrado, Patricia Jo C., et al, Alab Filipino 5 Batayang Aklat,
Quezon City, Vibal Group, Inc., 2016.

IV. Mga Gawain


1. Mga Panuto
Basahin at suriin ang maikling dayalogo. Sagutin ang
sumusunod na mga tanong.
May Pera sa Paghahalaman

Isang hapon, sa labas ng bahay abala si Danilyn sa kaniyang BUG


(Backyard Urban Gardening) project sa kanilang maiit na bakuran. Adel:
Ate, ano po ang ginagawa mo riyan?
Danilyn: Heto ate, inaalagaan ko po nang mabuti ang aking pananim na
proyekto ko po sa asignaturang Agrikultura kay Gng. Cruz.
Adel: Paano mo ba inaalagaan ang iyong halaman?
Danilyn: Ayon kay Gng. Cruz, kailangan diligan ng dalawang beses. Adel:
Kaya pala nakikita kita na nagdidilig tuwing umaga at sa hapon. Danilyn:
Ayon sa kaniya, kailangan din natin bungkalin ang paligid ng lupa nito
upang makahinga naman ang mga halaman ngunit dapat ingatang hindi
mahagip ang ugat nito.
Adel: Ganoon pala ate. Buti at tinuruan kayo ng inyong guro ng
paghahalaman.
Tinipon ni Danilyn ang mga tuyong dahon at pinausukan ang mga
halaman.
Adel: Maaaring isama mo rin ito ang mga basurang plastik.
Danilyn: Hindi po iyan puwede Adel, kasi ang kailangan lamang gamitin
sa pagpapausok sa mga halaman ay ang mga tuyong dahon lamang.
Adel: Para saan naman ang pagpapausok?
Danilyn: Batay sa panayam sa mga magsasaka na napanuod ko sa
telebisyon, ang pagpapausok sa halaman ay isang paraan para mapuksa
ang mga pesteng kumakain o sumisira sa halaman.
Adel: Sa tingin ko kailangan din lagyan ng pataba ang mga halaman.
Danilyn: Tama ka, pero sang-ayon kay Gng. Cruz, ang organikong pataba
ang mas mainam na pataba dahil ito ay ligtas at makakamura ka pa.
Adel: Sige ate tutulungan na kita sa iyong BUG project.

2
Adel: Ate ang dami na ng bunga ng iyong tinanim na okra. Baka puwede
na natin ito pitasin at ipagbili, hindi naman natin ito mauubos. Danlyn:
Tama ka Adel, pwede na natin ito maipagbili. Ayon sa nabasa kong
artikulo sa agrikultura, makakapera ka sa paghahalaman. Dahil kapag
bumunga na ay puwede nang ibenta ito.
Adel: Sige ate tutulungan na kita sa iyong BUG project nang sa ganoon
ay mas marami tayong maani.

Sariling akda ni Ella I. Arriola

Mga Tanong:
1. Ano ang proyekto ni Danilyn sa kaniyang asignaturang
Agrikultura?
___________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga salitang may salungguhit?


___________________________________________________________

3. Ang mga salitang may salugguhit ay ekspresyon ba na


nagpapahayag ng may basehan o ebidensiya?
___________________________________________________________

4. Ano ang tawag sa pahayag na nagsasaad ng ideya o


pangyayaring napatunayan na lalo na kung ito ay basehan o
ebidensiya siya tulad ng sanggunian kung saan kinuha ang
isang ideya?
K__TO__O__AN__N
___________________________________________________________

5. Ano-ano ang mga salitang may diin?

____________________________________________________________
6. Ang mga salitang may diin ba ay ekspresyon na
nagpapahayag ng katotohanan?

____________________________________________________________
7. Ano ang tawag sa pahayag na kung saan ang isang ideya ay
nagsasaad ng pananaw ng isang tao o pangkat na maaring
totoo pero puwedeng pasubalian ng iba?
O__I__Y__N
____________________________________________________________

3
2. Pagsasanay
A. Isulat ang K kung katotohanan at O naman kung ang pahayag
ay Opinyon. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Gumagawa ng BUG project si Danilyn.
2. Ayon sa kanyang guro, diligan ng dalawang beses ang mga
halaman araw-araw.
3. Maaring mamunga ng kaunti ang okra ni Danilyn kung hindi
ito inaalagaan nang mabuti.
4. Sa tingin ko walang bibili sa okra nina Danilyn at Adel. 5.
Ayon sa ekperto nakasisira sa halaman ang pagpapausok
gamit ang plastik.
6. Ayon sa guro ni Danilyn, ang organikong pataba ang mas
mabuting pataba.
7. Pakiwari ko ay mas makakamura at ligtas ang paggamit ng
organikong pataba.
8. Kung ako ang tatanungin, makatutulong talaga ang
pagkakaroon ng BUG sa ating bahay.
9. Batay sa panayam sa magsasaka, ang pagpapausok ay isang
paraan lamang sa pag-alis ng mga peste o insekto sa ating
halaman.
10. Maaaring tutubo ang halaman nina Adel at Danilyn dahil
inaalagaan nila ito.

B. Suriin kung ang pahayag ay Katotohanan o Opinyon. Isulat ito


sa sagutang papel.
1. Batay sa balita, nagpalabas na ang pamahalaan ng
sertipikadong bakuna para sa COVID-19.
2. Sa tingin ko uulan, kasi dumidilim na ang kalangitan. 3.
Nabasa ko sa diksyunaryo ang kahulugan ng salitang ito. 4.
Sa tingin ko, mas maganda kung idadag mo ito sa iyong
palamuti.
5. Batay sa resulta ng eksaminasyon, malala na ang sakit ng
iyong lolo.
6. Sa nakikita ko, matagal pa hintayin para mamunga ang
inyong tanim.
7. Sa aking palagay, tataas na naman ang presyo ng gasolina
sa susunod na linggo.
8. Ayon sa mga doktor, ang pagkain ng gulay at prutas at
samahan pa ng tamang ehersisyo ay makakabuti para
lumusog ang ating katawan.

4
9. Batay sa paalala ng mga pulisya, iwasan ang makikipag
usap sa internet lalong-lalo na sa taong hindi mo kilala. 10.
Tumaas na naman ang bilang ng biktima ng sakit na
COVID-19 sa Pilipinas ayon sa datos ng DOH.
3. Mga Batayang Tanong
1. Ano ang tawag sa pahayag na nagsasaad ng ideya o
pangyayaring napatunayan na lalo na kung ito ay basihan
o ebidensiya tulad ng sanggunian kung saan kinuha ang
isang ideya?
2. Ano ang tawag sa pahayag na kung saan ang isang ideya
ay nagsasaad ng pananaw ng isang tao o pangkat na
maaring totoo pero puwedeng pasubalian ng iba?

Tandaan:
Ang pagsusuri kung ang isang pahayag ay opinyon o katotohanan
ay mahalagang kasanayan ng isang mambabasa lalo na sa
makabagong panahon kung saan ay nagsulputan ang fake news.

Katotohanan ang isang pahayag kapag ito ay nagsasaad ng ideya o


pangyayaring napatunayan na lalo na kung ito ay basehan o
ebidensiya tulad ng sanggunian kung saan ito nakuha. May mga
salitang pananda na ginagamit sa paghahayag ng katotohanan. Ito
ay ang sumusunod:
1. batay sa resulta
2. pinatutunayan ni
3. mula kay
4. sang- ayon sa
5. tinutukoy ng,
6. mababasa sa, at iba pa.

Opinyon ang isang ideya o pahayag kung ito ay nagsasaad ng


pananaw ng isang tao o pangkat na maaring totoo pero puwedeng
pasubalian ng iba. Ito rin ay isang impresyon, mas mahina sa
positibong kaalaman na batay sa obserbasyon at eksperimento.
May mga salita o pariralang ginagamit o ekspresyon sa paghahayag
ng opinion. Ito ay ang sumusunod:
1. sa aking palagay
2. sa tingin ko
3. sa nakikita ko
4. sa pakiwari ko
5. kung ako ang tatanungin
6. para sa akin
7. baka,
8. maaari, at iba pa.

5
V. Repleksiyon
Ano ang pinakamahagang aral ang natutuhan mo sa araling
ito?

Ang aral na natutuhan ko sa araling ito


ay___________________________________________________
_
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

VI. Susi sa Pagwawasto

Opinyon 7.
Hindi 6.
tingin ko, baka Maaring, sa O 10. 10. Katotohanan 9.
5. K 9. Katotohanan
Katotohanan 4. Oo 3. O 8. Katotohanan 8.
kong O 7. 7. Opinyon
ayo sa nabasa ayon kay, - K 6. 6. Opinyon
sang K 5. 5. Katotohanan
batay sa , O 4. 4. Opinyon
O 3. 3. Katotohanan
sa kanya,
K 2. 2. Opinyon
Ayonkay, ayon 2.
K 1.
BUG project 1. Gawain 1. Katotohanan
B.
A.
Pagsasanay Pagsasanay

6
Kuwarter 3, Linggo 5

Learning Activity Sheet Blg. 11

Pangalan:_______________________________Baitang at
Seksiyon:____________ Petsa:___________________________
GAWAING PAMPAGKATUTO SA FILIPINO 5
Wastong Paggamit ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan

I. Kasanayang Pampagkauto at Koda


Nagagamit nang wasto ang pang-angkop sa
pakikipagtalastasan F5WG-IIIf-g-10.

II. Panimula
Malugod kitang binabati sa pagtatapos mo aralin sa Learning
Activity Sheet Bilang 10. Sa pagkakataong ito mapag-aaralan mo
ang tungkol sa paggamit nang wasto ang pang-angkop sa
pakikipagtalastasan. Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan at matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala
ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa ating pakikipagtalastasan magandang pakinggan ang sinasabi


kung tuloy-tuloy ang pagbigkas ng mga salita. May mga katagang
nagdudugtong sa magkakasunud-sunod na salita sa isang
pangungusap para magiging magaan o madulas ang pagbigkas
nito.
Ito ay ang Pang-angkop, isa sa walong mga bahagi ng pananalita na
ginagamit para pag-ugnayin ang mga panuring at mga salitang
binibigyan nito ng turing.

Ang mga pang-angkop ay na, ng at g. Ang na ay ginagamit kapag


ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig maliban sa katinig n.
Inihihiwalay ito sa unang salita. Halimbawa: maayos na lipunan
tunay na dakila.

Samantala, ang pang-angkop na ng ay ginagamit kapag ang


naunang salita ay nagtatapos sa patinig at idinudugtong ito sa
naunang salita. Halimbawa: totoong tao, babaeng maganda,
masayang bata, biniling pagkain.

Ang pang-angkop na g naman ay ikinakabit kapag ang naunang


salita ay nagtatapos sa n. Halimbawa: mahinhing dilag, pagkaing
mainit, ngiping matibay.

III. Mga Sanggunian


Most Essential Learning Competencies (MELCs) 2020
Agarrado, Patricia Jo C., et al, Alab Filipino 5 Batayang Aklat,
Quezon City, Vibal Group, Inc., 2016.

7
IV. Mga Gawain
1. Mga Panuto
Basahin at suriin ang dalawang hanay. Sagutin ang sumusunod
na mga tanong.
Hanay A Hanay B
matalik kaibigan matalik na kaibigan

masaya bumalik masayang bumalik

hangin malamig hanging malamig

Mga Tanong:
1. Maganda bang pakingan ang pagbasa mo sa hanay A?
_________________________________________________________ 2.
Tuloy-tuloy ba o madulas ang pagkakabasa mo sa hanay A?
_________________________________________________________ 3.
Maganda ba pakingan ang pagbasa mo sa hanay B?
_________________________________________________________ 4.
Tuloy- tuloy at madulas ba ang pagkakabasa mo sahanay B?
_________________________________________________________ 5.
Ano-anong kataga o letra ang inikabit o iniugnay sa dalawang
salita na nasa hanay B?
________________________________________________________

2. Pagsasanay
A. Gamitin ang angkop na pang-angkop sa sumusunod na
pares ng mga salita. Isulat ito sa sagutang papel.
1. makisig ____ lalaki 6. mayaman___ pamilya 2. buhay
__ pangarap 7. damit ___ pantulog
3. dakila___ layunin 8. gusali___ matataas
4. kuko__ madumi 9. Katangi-tangi___ ugali 5.
tahanan___ tahimik 10. bayan___ sinilangan

8
B. Gamitin ang pang-angkop sa pakikipagtalastasan. Isulat ito
sa sagutang papel.

Maganda___(1) hapon Belen! Magtatanong sana ako kung kailan


isusumite ang proyekto natin sa Filipino?
Naiwala ko kasi ang akin___(3) listahan.
Maraming salamat Belen. isusumite natin ang proyekto sa susunod
Maganda___(2) hapon din Joseph! Bakit ____(4) Lunes.
napatawag ka?

Wala___(5) anuman Joseph.


Ganoon ba. Ayon kay Gng. Diaz,

C. Mga Batayang Tanong


1. Ano ang tawag sa kataga na ginagamit sa pag-uugnay
ng dalawang salita?

Tandaan:

Ang pang-angkop ay mga salita o kataga na ginagamit


natin sa pag-uugnay ng dalawang salita. Iniuugnay nito
ang mga salita at mga salitang panuring o naglalarawan
tulad ng pang-uri at pang-abay. Ito ang mga katagang ng,
na at letrang g.

9
Pang-angkop

na- ginagamit ito kapag Halimbawa:


ang naunang salita ay maayos na tahanan
nagtataps sakatinig tunay na mapagmahal
maliban sa katinig na n.
inihihiwalay ito sa unang
salita.

ng- ginagamit ito kapag Halimbawa:


ang nauunang salita ay totoong tao
nagtatapos sa mga masayang bata
patinig at idinurugtong babaeng maganda
ito sa nasabing unang
salita.

g- ginagamit ito kapag Halimbawa:


ang nauunang salita ay bayang magiliw
nagtatapo sa katinig na n mayamang pamilya
at idinurugtong ito sa mamamayang tapat
unang salita.

V. Repleksiyon
Bilang mag-aaral, ano ang iyong natutunan sa araling ito?

Ang aral na natutunan ko sa araling ito


ay___________________________________________________
_
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

10
VI. Susi sa Pagwawasto Gawain

na, ng, g 5.
Oo 4. 5. ng
Hindi 3. 4. na
Oo 2. 3. g
Hindi 1. 2. ng
1. ng B.
10. g 4. ng
9. ng 3. ng
8. ng 2. na
7. na 1. na A.
6. g Pagsasanay
5. g

11

You might also like