You are on page 1of 9

Masusing - Banghay Aralin sa Filipino V

I. Layunin:
Sa katapusan ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naibibigay ang paksa sa napakinggang kwento /usapan


2. Nasasagot ang mga tanong sa napakinggang kwento/usapan
3. Napapahalagahan ang mga kwentong napakinggan .

II. Paksang – Aralin


Paksa : Pagbibigay Paksa sa Napakinggang Kwento
Sanggunian : K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Hulyo 2015 p.68
( F5PN-Ic-g-7)
Kagamitan : Larawan, Tsart

III. Pamaaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag aaral

A. Panimula

1. Panalangin

Mga bata, tayo ay magsitayo at


sabay-sabay nating iyuko ang ating
mga ulo at damhin ang presensiya ng
Panginoong Hesus.

Sa Ngalan ng Ama, Ng Anak, at Ng


Espirito Santo. Amen

Amen.
Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga din po Ma’am.


2. Pagtatala ng Liban

Itaas ang inyong kamay pag tinawag


ko ang inyong pangalan para
malaman ko kung sino ang lumiban
sa araw na ito.

Opo Ma’am

3. Pagbabalik – Aral

Mga bata, ano ang ating napag-


aralan kahapon?
Ang napag-aralan po natin ay tungkol sa
paksa.

Magaling! Ano nga ulit ang paksa?


Ang paksa ay ang bahaging pinag-uusapan
sa isang pangungusap. Ito ay maaaring lugar,
pook, bagay, o pangyayari.

Magaling!

B. Panlinang na Gawain

Ngayon mga bata, may ipapakita ako sa


inyong larawan.
Sino ang mga nasa larawan? Ang mga nasa larawan po ay
magkakaibigan.

Ano ang masasabi mo sa kanila?


Ang magkakaibigan ay masayahin lalo na
pag sila ay magkakasama.

Magaling!

Eh kayo, masaya ba kayo pag mayroon


kayong kaibigan?
Opo Ma’am! Masayang-masaya po lalo na
pag magkakasama kami.

Kung bibigyan niyo ito ng paksa, ano


kaya ang magandang paksa sa larawan
Ang pagiging masaya ng magkakaibigan.
na ito?

Magaling!

2. Paglalahad ng Paksa

Kung kahapon ay napag-aralan natin ang


tungkol sa paksa. Ngayong araw naman
ang pag-aaralan natin ay tungkol sa
pagbibigay ng paksa sa napakinggang
kwento o usapan. Kayo mismo ang
magbibigay ng paksa sa kwentong
inyong mapapakinggan o mababasa.
Opo Ma’am.
Maliwanag ba?

3. Pagtatalakay

Ang paksa ang gumagawa ng aksyon sa


isang pangungusap o ang pinag-uusapan
sa pangungusap.

Hal.

Magandang Ugali
1 Kung nais mong lumigaya .
2 At maging laging masaya
3 Magandang ugali’y panatilihin
4 Mabait, magalng, masunurin
Ang ating magandang ugali.
Ano ang dapat panatilihin?

Mabait, magalang, masunurin.


Anu-ano ang ating magagandang ugali
ito?

Diba ang sabi niyo kanina ang paksa ang


siyang bahagi ng pinag-uusapan sa
pangungusap o ang pinag-uusapan sa
pangungusap, kung ganon ang paksa
natin sa maikling talata na ito ay ang
magandang ugali katulad ng pagiging
mabait, masipag, at masunurin ay ang
syang magdadala sa atin ng ligaya.
Kami po Ma’am.
Isa pang halimbawa, sino sa inyo ang
nakaranas nang makipag-usap sa
telepono?

Kung ganon, may babasahin akong isang


dayalogo. Ito ay pag-uusap ng dalawang
magkaibigan sa telepono.

Miles: “Hello”, magandang hapon. Sino


to?
Anne: “Hello”, magandang hapon din
sayo, Si Anne ito ang kaibigan mo.
Miles: Oh! Ikaw pala Anne, kumusta
kana?
Anne: Mabuti naman ang kalagayan ko
ngayon. Ikaw kumusta kana?
Miles: Mabuti din naman.
Anne: Napatawag pala ako sayo dahil
gusto sana kitang imbitahan sa isang
pagtitipon dito sa bahay. Magkakaroon
kasi kami ng isang salo-salo sa darating
kong kaarawan.
Miles: Naku! Salamat naman at naalala
mo akong imbitahan. Kalian ba ang
kaarwan mo?
Anne: Ngayong darating na sabado,
aasahan kitang makapunta.
Miles: O sige, maasahan mo akong
makakadalo sa iyong kaarawan.
Anne: Salamat sa iyo kaibigan ko.
Miles: Walang anuman, at salamat din
sayo kaibigan ko.
Anne: Hanggang ditto nalang. “Bye”.
Miles: “Bye”.

Ngayon, basahin niyo ito nang sabay- Opo Ma’am.


sabay. Ang mga lalaki ang siyang
magbabasa sa bahaging usapan ni Miles
at ang babae naman sa bahagi ni Anne.

Ngayon tatawag naman ako ng isang


babae at isang lalaki, basahin niyo ang
ulit ang usapan ng magkaibigan na may
wastong pagbabasa.

(tatawag ng isang babae at lalaking Wag kakalimutan ang isang kaibigan kahit
magbabasa sa harapan ng klase) ito ay nasa malayong lugar.

Wag kakalimutan imbitahan ang kaibigan


Ngayon, ano ang natutuhan niyo sa sa iyong kaarawan.
usapan ng magkaibigan?

Ma’am ang tunay na pagkakaibigan ni


Anne at Miles.
Magaling!
Ma’am ang pag-iimbita ni Anne sa
Ngayon, sa tingin niyo ano kaya ang kanyang kaibigan na si Miles.
magandang paksa tungkol sa usapan?

Magaling!

Ang paksa sa usapan na ito ay ang pag-


iimbita ni Anne sa kanyang kaibigan na
si Miles.
4. Paglalahat Ma’am malalaman ang paksa sa isang
kwento o usapan sa pamamagitan ng
Ngayon mga bata, paano niyo pagbabasa o pakikinig ng mabuti at pag-
malalaman ang paksa sa kwento o intindi sa mga nilalaman nito.
usapan?

Tama! Basahin, intindihin, at higit sa


lahat unawain ng mabuti ang mga
kwentong inyong nabasa o napakinggan
nang sa gayon ay madaling malalaman
ang paksang pinag-uusan sa kwento o
usapan.

5. Paglalapat

Basahin at ibigay ang paksa.

Isang OFW ang nagpadala ng litrato sa


kanyang magulang.

Ama: Asensado na talaga ang anak


natin ano? Tingnan mo ito may kotse
na siya.

Nanay: Oo nga ano? Teka may


nakasulat sa likod,

Dear tatay at nanay,


Salamat po sa kotseng
sinasandalan kong ito, kung wala ito Ma’am letter A. Ang umaasang ama at ina.
natumba na ako sa pagod at gutom.

Ano ang akmang paksa sa binasa niyong


usapan?

a. Ang umaasang ama at ina


b. Masayahing anak
c. Paghihirap ng anak
Tama. Kasi ang akala nila ay asensado na
ang kanilang anak dahil ito ay nakasandal sa
isang kotse.

IV. Pagsubok o Pagtataya

Ibigay ang wastong paksa sa mga sumusunod na usapan sa pamamagitan ng


pagpili ng titik sa bawat bilang.

1. “Malapit na tayong makarating. Mauna kayo at magmasid. Tingnan ninyo


kung paano tayo makakapasok sa lungsod,” bilin ni Joshua.” O sige, tugon ni
Marko”.

a. palautos sa mga kasama


b. paghahanap ng paraan upang makapasok sa lungsod
c. pagmamayabang sa mga kasama
2. “Susundin kong lahat ang sinabi mo. Nagtitiwala akong maliligtas ang aking
sambahayan,” sabi ni Leo. “Mabuti naman kung ganu”, tugon ni Markos.

a. matulungin sa pagliligtas
b. mapagpasalamat sa pagiging masunurin
c. may pananalig sa kasamahan

3. “Maris, salamin mo yata ito. Nakita ko sa ibabaw ng mesang kinainan ninyo ni


Eunice. Naiwan mo siguro,” sabi ni Hannah. “Salamat sa iyo Hannah”, sagot
ni Maris.

a. ang mesang pinagkainan ni Eunice at Maris


b. pagpapasalamat ni Maris kay Hannah
c. naiwan na salamin ni Maris

4. “Nabasa ko ang balita kanina. Natutuwa ako sa kababayan nating sina Raul at
Berna. Napakauliran nila.” Wika ni Arnold. “Tularan natin sila”, tugon ni
Karol

a. ang ulirang kababayan


b. pagtutulad sa isang kababayan
c. pagbabasa ng balita

5. “Napakatalino mo Danny. Sige, susuportahan kita sa kampanya mo para sa


Student Council Presidency,” “ Aasahan ko iyan kaibigan kong Edu” tugon ni
Danny.

a. ang pagsuporta sa matalinong kaibigan


b. umaasang kaibigan sa suporta
c. kampanya para sa Student Council Presidency

V. Takdang Aralin

Basahin at unawain ang kwento. Ibigay ang angkop na paksa. Isulat ang inyong
sagot sa isang kapat na papel.

“Hoy Inday! Ikuha mo nga ako ng tinapay!”


“Ibili mo nga ako ng kendi!”
“Linisin mo nga itong sapatos ko!”
“Ikuha mo nga ako ng tubig!”
“Bilis!”
Sunud-sunod ang utos ko kay Inday. Siguradong mapapagod siya. Buti nga sa
kanya, kasi nakakinis siya! Lagi nalang siyang nakikialam sa akin. Tuwing
umaga, di ako makapaglaro agad sa labas kasi, pinipilit pa niya akong uminom ng
gatas, tapos pipilitin ring pakainin ng tinapay. Hindi lang iyon, kailangan pang
maligo muna at kailangan pa raw magsipilyo. “kailangan mong magsipilyo para di
masira ang mga ngipin mo.” Ang laging sinasabi pa ni Inday. Sa loob-loob ko, e
bakit naman kaya masisira, e buong-buo nga at ang titigas ng mga ngipin ko dahil
mana ako sa daddy! Nakakainis talaga! Puro daldal si Inday, daig pa ang mommy
ko! Kapag nakikipaglaro naman ako ng habulan sa mga kapit-bahay namin, lagi
nalang ako tinatawag ni Inday, para lagyan niya ng pulbos ang katawan ko. Tapos
sasapinan pa niya ng bimpo ang likod ko na lagi naming nahuhulog kapag
nagtatakbuhan na kami ng mga kalaro ko. Haay naku, istorbo talaga! At lalo pa
akong naiinis dahil kung kailan kasarapan ng laro, saka pa ako pauuwiin para
pakainin na naman. Pipilitin niya akong kumain ng niluto niyang ulam na laging
may mga gulay na nakakasuka naman ang lasa. Sasabihin pa ni Inday,
“Masustansya ang gulay kaya kumain ka nang marami para lumakas ka at di
magkasakit.”

Inihanda ni:

Rhovie Jean D. Ibanez

You might also like