You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

I. LAYUNIN
 Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga pangyayari
 Nagagamit ang dayagrama sa pagtukoy ng ugnayang sanhi at bunga
 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng
paglalarawan
 Napapahalagahan ang mga tekstong pampanitikan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok
sa usapan at gawaing pampanitikan

II. NILALAMAN
Sanhi at Bunga
Integrasyon: Science V – Protect and Conserve estuaries and intertidal zones

KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro:
Curriculum Guide in Filipino pahina 100
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
B. Iba pang Kagamitang Panturo
Tsart, Organizer, Powerpoint presentation
C. Istratehiya: Differentiated Instruction, Positive Interdependence, group work, group reporting, Computer
Aided Materials (CAI)
Integrasyon: Science V
III. PAMAMARAAN
A. 1. Balik-aral sa nakaraang aralin
Basahin ang mga pangungusap at sabihin kung ang
pangunguasap ay pasalaysay, patanong, pautos o padamdam.

1. Maaari bang tulungan mo ako dito sa dala ko.


2. Huwag mong sayangin ang iyong panahon sa barkada.
3. Mabuhay! Nanalo kami sa laro.
4. Ang Bulkang Taal ang pinakamaliit na bulkan sa mundo,
ngunit ito ay isa sa pinakamapanganib.
5. Dalhan ninyo ng pagkain ang Itay.

2. Pagsisimula ng bagong aralin

Pagganyak
Ang bawat pangkat ay bibigyan ko ng hinahati- hating
larawan. Pagdidikit-dikitin ninyo ito upang mabuo ninyo ang
larawan. Ang grupo na mauna makabuo ay siyang panalo.

Handa na ba kayo mga bata? Opo, mam

Ano ang nabuo ninyong larawan. Ilog po


Anong ilog kaya iyan? Ilog Pasig po

Tingnan ang larawan ng Ilog Pasig,


ano ang masasabi nyo sa larawan? Madami pong basura.

Ano ang gusto ninyong itanong tungkol sa larawan? Anu-ano ang dahilan ng pagkasira ng
Ilog Pasig.

Anu-ano po ang epekto ng pagkasira


ng Ilog Pasig?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Punan ang nawawalang letra sa loob
ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan
sa bawat bilang. Gumawa ng sariling pangungusap
upang ilarawan ang mga salitang nabuo
1. Walang dumi o mantsa
M L N I

2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar


P M A M S A L
3. Pag-awas ng tubig sa isang lagayan
U M A P W
4. Natatakot sa anumang mangyari
N N G G A M B
5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay
K M L S

B. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Pakikinig sa teksto

Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog- Pasig
kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng
basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang
tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila
bago mahuli ang lahat.

C. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


(Sagutan muna ang hanging question na ginawa
ng mga bata)

Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig? Itatala ng mga bata ang kasagutan sa
tamang hanay.

Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig ? Sanhi/ Bunga/


dahilan Epekto

Integrasyon:
Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling Tutulong po ako sa paglilinis nito.
maibalik ito sa dati?
Magaling!
Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis
ang tabing ilog o dagat? Hindi po ako magtatapon ng mga
basura sa mga ito.
Maglalagay po ng karatula na
bawal
magtapon ng basura.
Magaling!
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Pangkatang Gawain
Mga bata bago natin isagawa ang pangkatang gawain.
Anu-ano ang mga panuntunang dapat tandaan sa pagsasagawa
ng pangkatang gawain? Tumulong sa pagsasagawa ng gawain
Magkaroon ng disiplina
Tapusin ng tama sa oras.

Pangkat I – Hindi susunod sa nanay at tatay mo.


Pangkat II- Umulan nang malakas buong magdamag.
Pangkat III–Nakalimutan mong isara ang bahay nyo
Pangkat IV- Hindi ka nag-aral nang mabuti
Gamitin ang mga dayagram para sa ugnayang sanhi at bunga

Pangkat I
Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas

Sanhi Bunga

Pangkat II
Ipakita sa pamamagitan ng isang dula-dulaan ang nabuong dayagram

Sanhi

Bunga
Pangkat III
Ipakita sa pamamagitan ng pagbabalita ang nabuong dayagram

bunga

bunga Sanhi bunga

bunga

Pangkat IV
Ilahad ang kasagutan sa pamamagitan ng pag-awit

F. Paglinang sa Kabihasan
Ngayon naman mga bata ay mayroon akong inilagay
na mga parirala/pangungusap sa inyong upuan hanapin
ang kapares mo upang makabuo kayo ng pangungusap
na may sanhi at bunga, basahin ito sa harap ng klase,
sabihin kung alin ang sanhi at bunga sa nabuong pangungusap
at ikapit ito sa dayagram na nasa pisara.

Handa na ba kayo?

D. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ilahad ang maaring maging bunga nito:
1. Pagsunod sa payo ng magulang
2. Maling pagsasalansan ng mga basurang nabubulok at di nabubulok
3. Pag-aaral nang mabuti
4. Hindi pagsasabi ng tapat sa magulang
5. Paglilinis ng paligid

E. Paglalahat ng Arallin
Ano ang natutunan mo ngayon sa ating aralin?
Ano ang Sanhi?
Ano ang Bunga?

F. Pagtataya ng Aralin
Gamitin ang dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga

SANHI BUNGA

1.

2.

3.

4.

5.

1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid


2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop
f. Pagkakalbo ng kagubatan

G. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation


Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga

Prepared by:

MYLEEN P. GONZALES
Teacher III

Observed by:

RUSTICA M. ROBLES
Master Teacher I

You might also like