You are on page 1of 6

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

Quarter IV
Week 4

Date: February 03, 2020


Monday

I. LAYUNIN
Natutukoy ang sanhi at bunga sa binasang teksto.
Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong napakinggan.
Nagiging aktibo sa pangangalaga ng kalikasan.

II. NILALAMAN
Paksa: Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga
Code: F5PN-Iva-d-22
Sanggunian: Curriculum Guide in Filipino pahina 100,
Kagamitan: Tsart, Organizer, Powerpoint presentation , larawan
Integrasyon: Science V – Protect and Conserve estuaries and intertidal
zones – S5LT-Ii-j-10
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Pag-ugnayin ang mga larawan

Ano ang napansin mo sa larawan?


Bakit kaya umiiyak ang bata?
Bakit ganito ang kasuotan ng batang babae?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan sa bawat bilang.
Gumawa ng sariling pangungusap upang ilarawan ang mga salitang nabuo.

1. Walang dumi o mantsa

M l n i

2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar

p m a m s a l
3. Pag-awas ng tubig sa isang lagayan

U m a p W

4. Natatakot sa anumang mangyari

N n g g A m b

5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay

k m l s

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Tingnan ang larawan ng ilog pasig, ano ang masasabi nyo sa larawan?
Gumawa kayo ng katanungan tungkol sa larawan.

Pakikinig sa teksto

Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog-
Pasig kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang
nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa
marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya
kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig?


Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig ?

Integrasyon:
Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa dati?
Paano mo paproprotektahan ang mga wawa o ilog sa iyong paraan?
Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis ang tabing ilog o
dagat?

Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay.

Sanhi/dahilan Bunga/Epekto

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain

Sa paggawa ng gawain dapat magtutulungan at may disiplina ang bawat miyembro ng bawat pangkat .

Pangkat I – Ano kaya ang manyayari kung ikaw ay hindi susunod sa nanay at tatay mo.
Pangkat II- Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga
estero at kanal
Pangkat III – Nakalimutan mong isara ang bahay ninyo at pumasok ka na sa paaralan.

Gamitin ang mga dayagram para sa ugnayang sanhi at bunga.


Bubuo ng rubric na mapapagkasunduan ng lahat.

Pangkat 1 Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas

Sanhi Bunga

Pangkat II- Ipakita sa pamamagitan ng drama ang nabuong dayagram

Sanhi

Bunga

Pangkat III- Ipakita sa pamamagitan ng pagbabalita ang nabuong dayagram


bunga

bunga Sanhi bunga

bunga

F. Paglinang sa Kabihasan

Itambal ang Hanay A sa Hanay B


G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ilahad ang maaring maging bunga nito:

1. Pagsunod sa payo ng magulang


2. Maling pagsasalansan ng mga basurang nabubulok at si nabubulok
3. Pag-aaral ng mabuti
4. Hindi pagsasabi ng tapat sa magulang
5. Paglilinis ng paligid

H. Paglalahat ng Arallin

Ano ang natutunan mo ngayon sa ating aralin?


Ano ang Sanhi?
Ano ang Bunga?

IV. PAGTATAYA

Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga.

SANHI BUNGA
1.

2.

3.
1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid
2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop
f. Pagkakalbo ng kagubatan
V. TAKDANG ARALIN

Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga.

Inihanda ni:

FEMIA NADINE O. TIZON


GURO I

You might also like