You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Division of Pampanga
REMEDIOS NATIONAL HIGH SCHOOL
Lubao, Pampanga
S.Y. 2021-2022
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 8 (COT 1)

I. Layunin
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pagkakaiba ng sanhi at bunga;
2. Nauuri ang mga pangyayaring may may sanhi at bunga mula sa napanood na
video clip ng isang balita. (F8PS-Ig-h-21);
3. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari
(dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, at iba pa) (F8WG-Ig-h-22)

II. Paksang- Aralin


Paksa: Sanhi at Bunga
Kagamitan: Video clip at powerpoint presentation
Sanggunian: Filipino - Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan-Modyul 6:
Wika at Gramatika:
Sanhi at Bunga
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagpapanatili ng Kalinisan

B. Pagganyak
Bigyang pansin ang mga larawan:

1 2

(http://katwirangpagmamalasakit-yamangtubig.blogspot.com/2014/08/huwag-na-maging- (https://siopaow.blogspot.com/2021/01/)
plastik-sa-plastik.html)

Gabay na tanong:
1. Ano ang napansin ninyo sa larawan?
2. Bakit kaya nangyayari ito?
3. Ano ang posibleng kalalabasan nito?
4. Paano maiiwasan ang mga ganitong pangyayari?
Maiuugnay ang parte ng araling ito sa asignaturang Agham na kung saan ang parehong larawa ay
nagpapakita ng hindi maayos na pangangalaga ng kalikasan na nagdudulot ng iba’t-ibang poblema
tulad ng polusyon, pagbaha, landslide at iba pa.

C. Presentasyon
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng teksto.

Pagdodroga
Ang pagdodroga, ay ang pag-iinom, paghihinga, o pagyoyosi ng mga iba’t ibang mapanganib na
bagay. Itong mga bagay ay naglalason sa inyong katawan at nagbibigay ng maraming problema sa
inyong buhay. Maraming iba’t ibang klaseng droga ang naroroon. Ang pinakakaraniwang droga na
yinoyosi ng mga tao rito sa Pilipinas ay ang marihuana. Ang marihuana ay nagpaparamdam sa iyo ng
malakas na damdamin. Pwedeng ito ay kalungkutan o kasiyahan. Pag-yosi mo nito, bibilis ang kibo ng
iyong puso. Magiging pula and iyong mata, at palagi kang kulang sa tulog at nagugutom. Pwede rin na
umiba ang tingin mo sa mundo. Ang inyong kapwa ay magiging inyong kaaway, ang kapatid mo
magiging demonyo, at iba pa. Ang pagyoyosi rin ng marihuana ay nagbibigay sa inyo ng problema sa
baga at puso. Isa pang halimbawa ng droga ay ang heroin. Ang heroin ay pumapasok sa inyong
katawan sa pamamagitan ng iniksyon o sa paninigarilyo. Ang pag-iniksyon nito sa inyong katawan ay
nagbibigay ng hilo, pahirap na huminga at antok. Sasakit ang inyong tiyan at masusuka ka. Para
sumarap ulit ang pakiramdam, nag-iiniksyon uli ng heroin ang tao para mawala ang sakit ng ilang
minuto. Marami pang iba’t ibang mga droga na iniinom o yinoyosi ng mga tao, ang ecstasy,
depressants, methamphetamine, nicotine, cocaine at alak. Iniisip siguro ninyo, “Bakit naman
nagdodroga sila kung ganoon lang pala ang mangyayari sa kanila?” May iba’t ibang sanhi ang mga
tao sa pagsisimula ng pagdodroga. Para sa iba, ito ang kanilang solusyon para maka-iwas ng mga
problema nila. Ang iba naman, para wala silang maramdam na sakit. Sa ibang mga bata na walang
kaibigan, ang kanilang ginagawa ay nagdodroga para maging sikat sila. Ang iba naman ay nag-
eeksperimento para maintindihan nila ang sarili nila.Dapat natin alamin na ang pagdodroga ay hindi
nakatatanggal ng mga problema natin bagkus nagbibigay ng maraming masamang epekto sa ating
mga katawan. Kung halimbawa, may problema ka sa bahay mo. Kung magsimula ka ng droga, siguro
hindi ka magiging masiyadong malungkot at magiging masarap na ang pakiramdam mo. Pero
pagkatapos ng ilang taon ibabalik din ito sa iyo. Magkakaroon ka ng kanser sa baga o sa puso. Hindi
ka magkakaroon ng mahaba at masayang buhay. Ang pagdodroga ay ang pagtatapon lang ng inyong
buhay. Binigyan tayo ng desisyon. Magpili tayo ng mabuti.
Source: www.health.nsw.gov.a

D. Pagtatalakay
Pag-aralan ang impormasyon sa ibaba na magiging gabay mo sa pagsasakatuparan ng gawain.

Sanhi at Bunga

Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita na kaya
naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating pag-
aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at matalinong
paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa natin.
Sanhi – ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
Bunga – ito ang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari.
Sa malayang likha ng pagtatahi ng kuwento, hindi kailangang laging nauuna ang sanhi sa bunga sa
paglalahad ng kwento, maaring mauna ang bunga sa pagsasalaysay. Ang manunulat ay nagbibigay ng isa o
higit pang sanhi at epekto ng pangyayari. Ang sanhi ay nagsassabi ng mga kadahilanan ng mga pangyayari at
ang epekto nito ang tinatawag na resulta o bunga. Sa simpleng salita may pinagsimulan ang isang pangyayari
at dahil dito ay nagkakaroon ng kasunod.

Halimbawa:

Sanhi Bunga

Hindi natulog ng maaga Nahuli sa klase

Hindi tinitignan ang dinaraanan Nahulog sa kanal

Nag-aral siya ng leksyon kagabi Nakakuha ng mataas na marka

Nanalanta ang malakas na bagyo Maraming puno at pananim ang nasira

Patuloy ang pagkalat ng sakit na Covid-19 sa buong Milyong tao na ang naapektuhan at namatay
mundo

Mula sa binasang teksto, tukuyin ang mga nakapaloob na sanhi at bunga rito.

Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan


kung bakit nagaganap ang isang pangyayari at kung ano ang naging epekto nito.
Hudyat na nagpapahayag ng sanhi o dahilan :
( sapagkat/pagkat, dahil/dahilan sa, palibhasa, at kasi, naging, atbp. )
Halimbawa:
1. Nag-aaral ako nang mabuti sapagkat kinakailangan kong ipasa ang lagumang pagsusulit sa
Biyernes.
2. Nakamtan ni Ana ang kaniyang pangarap na maging doctor dahil sa kanyang sikap at tiyaga sa
pag-aaral.
3. Masarap magluto si Anna, palibhasa’y laki sa pamilya ng mga chef.
4. Hindi na ako makapapasok next semester kasi mahina ang kita ni Tatay ngayon.
5. Pagkabaon sa utang ang naging dahilan ng pagsasara ng tindahan ni Aling Martha.
Hudyat na nagpapahayag ng bunga o resulta :
( kaya/kaya naman, kung kaya, bunga nito, tuloy, atbp. )
Halimbawa :
1. Naparami ang pagkain niya ng manggang hilaw kaya sumakit ang kaniyang tiyan.
2. Hindi ko alam kung paano sagutan ito, kung kaya magtatanong nalang ako sa aking guro.
3. Talamak ang pagputol ng mga puno sa kabundukan ng Sierra Madre, bunga nito ay biglaang
pagbaha sa kanayunan.

4. Hindi sinunod ni Miguel ang tagubilin ng kanyang ina na huwag ng lalabas ng bahay tuwing gabi
tuloy siya ay natamaan ng ligaw na bala.

E. Paglalahat
1. Ipaliwanag ang pinagkaiba ng sanhi at bunga.
2. Magbigay ng halimbawa ng hudyat nagpapahayag ng sanhi o dahilan.
3. Magbigay ng halimbawa ng hudyat nagpapahayag ng sanhi o dahilan bunga o resulta.

F. Pagpapahalaga
Panuto: Gamit ang iyong cellphone at internet, pakinggang mabuti ang balitang nakapaloob dito (
https:m.youtube.com/watch?v=nNjEdP3bPTg ). Pagkatapos, suriing mabuti ang mga nabanggit na
sanhi at bunga mula sa balitang napanood.

Sanhi

Bunga Bunga

Bunga Bunga

IV. Ebalwasyon
A. Isulat sa patlang ang titik S kung ang may nakasalungguhit ay tumutukoy ng sanhi at titik B kung
bunga.
___ 1. Pumutok ang gulong ng kotse ni Mang Kardo kaya napatigil siya sa daan.
___ 2. Dahil sa malakas na bagyo, nasira lahat ang aming mga pananim sa bukid.
___ 3. Naunawaan ni Izzy ang aralin kung kaya’t tama lahat ng mga sagot niya sa kanilang
pagsusulit.
___ 4. Nadulas at napilay si Aling Lota dahil basa pala ang kanilang sahig.
___ 5. Dulot ng epidemyang Covid19, maraming mga tao sa buong mundoang sobrang nahirapan sa
pamumuhay.
B. Salungguhitan ang sanhi sa bawat pangungusap.
1. Dahil sa labis na paninigarilyo ni Billy, nagkaroon siya ng sakit sa baga.
2. Nalunod si Mabel sa dagat sapagkat biglang tumaas ang tubig.
3. Kumonti na ang bilang ng mga kasong may Covid19 sa Korea bunsod ng pagsunod nila sa
ipinatutupad na batas.
4. Sira na ang aking ginagamit na bag kaya bumili ako ng bago.
5. Naubos na ang supply ng alcohol sa lahat ng grocery sapagkat maraming tao ang nagsibilihan
nito.
C. Salungguhitan ang bunga sa bawat pangunguusap.
1. Naghain na ng pagkain si nanay kaya nagsitungo na kami sa hapagkainan.
2. Uhaw na uhaw na si Mang Kulas kaya‘t uminom siya ng maraming tubig.
3. Itinakbo ng isang guard ng mall ang isang babae sa malapit na hospital sapagkat nahimatay siya.
4. Dahil sinunod niya ang mga babala sa kalsada, nakaiwas siya sa sakuna.
5. Nawalan ng preno ang dyip na aking sinasakyan kaya bumangga kami sa isang poste.

V. Takdang Aralin
Pumili ng isang napapanahong paksa sa ibaba at bumuo ng talata ukol dito na nagtataglay ng mga
hudyat sa pagpapahayag ng sanhi at bunga.
1. Epekto ng Covid 19 sa Bansa
2. DOh, Alisto sa Pandemic
3. Frontliers, Bagong Bayani

Kabuuan:100%
Inihanda ni:

Leslie A. Feliciano
(Teacher- I)
Inaprubahan ni:

Gng. Jeanie A. Lintag


(Principal- I)

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF PAMPANGA
REMEDIOS NATIONAL HIGH SCHOOL
REMEDIOS, LUBAO, PAMPANGA

MALA-MASUSING
BANGHAY-ARALIN SA
FILIPINO 8
(COT 1)
PAKSA: WIKA AT
GRAMATIKA (SANHI AT
BUNGA)

You might also like