You are on page 1of 6

Unang Markahan – FILIPINO 8

Aralin
Karunungang-Bayan
1
Learner Activity Sheet

Pangalan at Baitang: ____________________________Petsa:___________Marka:_________

Kamusta kaibigan? Sa bahaging ito ng aralin ay ating muling sariwain


ang mga panitikan na ipinamana sa atin ng ating mga ninuno, ang
karunungang-bayan na yaman ng ating lahi tulad ng salawikain, bugtong,
sawikain o kawikaan at kasabihan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda:

1. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-bayan sa


mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. (F8PB-Ia-22)

Panuto:
Gamit ang graphic organizer magbigay ng mga salita na may kaugnayan sa salitang karunungang-bayan.

KARUNUNGANG-
BAYAN

Pamamaraan:
Sa tulong ng tableau, ilarawan ang karaniwang libangan ng mga bata noon na hindi pa ganun
kaunlad ang teknolohiya at iugnay ito sa karaniwang panitikan na mayroon sila noon.
Sagutan ang tanong:
1. Ano ang nakikita niyo sa larawan? Ikaw ba ay nakapaglaro na rin nito?
2. Masasabi mo bang naging masaya ang iyong naging karanasan noon?
2. Anong laro pa ang alam niyo maliban sa pisikal na laro tulad ng nasa itaas?

Tignan ang mga larawan sa ibaba.

Alam niyo ba noon ay isa sa mga libangan ng mga kabataan maliban sa paglalaro ay ang pakikipag-
kuwentuhan sa kanilang mga kalaro. Sila ay nakikipag-tagisan din ng kanilang talino at abilidad sa
pagsasalita sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga KARUNUNGANG - BAYAN.

Alam niyo ba kung anu-ano ang mga karunungang-bayan? Kung hindi


ay ating alamin sa araling ito lahat ng tungkol sa karunungang-bayan. Tara at
samahan niyo ako sa ating paglalakbay!
Karunungang-Bayan
Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng
panitikan na nagpapahayag ng mga damdamin at karanasan
tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo.
Bago paman ang Pilipinas sinakop ng mga kastila,
mayaman na tayo sa karunungang bayan kaya dapat itong
bigyan ng halaga. Dahil ito ay parte na ng ating kultura.
Ang Karunungang bayan ay parte ng panitikan kung
saan nagbibigay daan ito para maipahayag ang mga kaisipan
na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

Ito ay isang likhang pampanitikan na pamamaraan


para maipahayag ang mga kaisipan na napapabilang sa bawat
kultura ng isang lahi, tribo, o bayan.

KARUNUNGANG BAYAN (FOLK SPEECH) Ang karunungang bayan ay isang sangay ng pantikan kung
saan nagiging daan upang maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao.
Nakakatulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.
Uri ng karunungang bayan:
 Bugtong
Isa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay
mga palaisipan na ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng
palaisipan.

HALIMBAWA:

Munting palay, puno ang buong bahay.


Dala mo, dala ko, dala ka ng iyong dala.
Di hari, di pari, nagsusuot ng sari-sari.
 Salawikain
Ang salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at
tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o
karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga . Salawikain – Isang patalinghagang
pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon upang mangaral at akayin
ang mga kabataan sa mabuting asal.

HALIMBAWA:

Walang masamang kanya May tainga ang lupa


Walang mabuti sa iba. May pakpak ang balita.

Aanhin pa ang damo Anak na di paluhain


Kung patay na ang kabayo Ina ang patatangisin.

Kapag may isinuksok Ang taong walang kibo


May madudukot Nasa loob ang kulo.

 Kasabihan
Ang mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang
araw-araw natin na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.
HALIMBAWA:

Tulak ng bibig Kasama sa gayak


Kabig ng dibdib. ‘Di kasama sa lakad.

Utos na sa pusa Ubos-ubos biyaya


Utos pa sa daga Bukas nakatunganga

 Palaisipan
Ito ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan

HALIMBAWA:
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sumbrero.
Paano nakuha ang bola na di man lang nagalaw ang sombrero?

Sa isang kulungan ay may limang baboy na inaalagaan si Mang Juan.


Lumundag ang isa. Ilan ang natira?

 Sawikain
Ito ay mga patalinghagang pananalita. Ito ay isang paraan ng pagpukaw at paghasa sa
kaisipan ng tao.Nakalilibang bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.

HALIMBAWA:
 Hulog ng langit – biyaya o suwerte
 Maluwang ang turnilyo – luko-luko
 Makati ang dila – madaldal
 Bukambibig – laging sinasambit
 Anak pawis – dukha

 Bulong
Ang halimbawa nito’y ang sinasabi kapag may nadadaanang punso sa lalawigan na
pinaniniwalaang siyang tinitirhan ng mga duwende o nuno.

HALIMBAWA:

Huwag magalit kaibigan, aming pinuputol lamang, ang sa ami’y napag-utusan.


Tabi tabi po.
Makikiraan po.
Ang Karunungang bayan ay parte ng panitikan kung saan nagbibigay daan ito para maipahayag
ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo. Bago paman ang Pilipinas
sinakop ng mga kastila, mayaman na tayo sa karunungang bayan kaya dapat itong bigyan ng halaga.
Dahil ito ay parte na ng ating kultura.

GAWIN NATIN!
Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa paksang tinalakay.

1. Ano-ano ang mga itinuturing na karunungang-bayan sa panitikang Pilipino?


2. Bakit mahalaga ang mga karunungang-bayan sa pag-aaral ng kulturang Pilipino?
3. Marami ka bang alam tungkol sa mga nabanggit na karunungang-bayan?
Paano mo pa higit na mapalawak ang iyong kaalaman hinggil sa mga ito?
GAWIN NATIN!
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay salawikain, sawikain, o kasabihan
ayon sa pahayag bawat bilang. Isulat sa patlang ang sagot.

___________________1. Puri sa harap, sa likod palibak.


___________________ 2. Kaibigan kung meron, kung wala’y sitsaron.
___________________ 3. Matabang man ang paninda, matamis naman ang anyaya.
___________________4. Pag may hirap, may ginhawa.
___________________5. Ilaw ng tahanan.
___________________6. Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga.
___________________7. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
___________________8. Kumukulo ang dugo.
___________________9. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.
___________________ 10. Matalim ang gilagid.

GAWIN NATIN!
Magbigay ng tig-dalawang halimbawa ng mga uri ng karunungang-bayan
at pagkatapos ay ibigay ang kaugnayan ng mga kaisipang ito sa tunay na buhay
sa kasalukuyan. Gayahin ang pormat.

Mga Karunungang-Bayan

Salawikain/Sawikain Bugtong/Palaisipan Bugtong/Palaisipan

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:

Kaugnayan ng mga Kaisipan Kaugnayan ng mga Kaisipan Kaugnayan ng mga Kaisipan


nito sa tunay na Buhay sa nito sa tunay na Buhay sa nito sa tunay na Buhay sa
kasalukuyan: kasalukuyan: kasalukuyan:

_____________________ _____________________ _____________________


_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________
_____________________ _____________________ _____________________

Sanggunian:
https://www.slideshare.net/CharissaLongkiao/mga-karunungang-bayan-at-kantahing-bayan-87834924
https://www.coursehero.com/file/20878122/Mga-Halimbawa-ng-Bulong/ Gawain 2
1. Kasabihan 6. salawikain
2. Kasabihan 7. Salawikain
Inihanda ni: 3. Salawikain 8. Sawikain
4. Salawikain 9. salawikain
MARIA THEA L. FARINAS 5. Sawikain 10. Sawikain
Guro sa Filipino 8

You might also like