You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 8


QUARTER 3, WEEK 89-10

MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG SOCIAL


AWARENESS CAMPAIGN
(PANGWAKAS NA GAWAIN)

MELCs: 1. Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan


ayon sa binasang impormasyon. (F8PB-IIIi-j-33)
2. Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang
kampanyang panlipunan. (F8PT-IIIi-j-33)
3. Nakasusulat ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa
isang paksa na maisasagawa sa tulong ng isang multimedia. (F8PU-IIIi-j-34)
4. Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag sa pagbuo ng
isang social awareness campaign. (F8WG-IIIi-j-34)

Inihanda nina:

JUDELYN G. BUMANGLAG
Teacher III

KHRISTINE JOY S. DIZA


Teacher III

FELIBETH S. SALADINO
Teacher I
Pagtalakay Pangnilalaman
Ang Social Awareness Campaign

Ang Social Awareness Campaign ay ang pagpapahayag at pagbibigay ng


mahalagang impormasyon, kaalaman o babala para sa lahat. Ito ay mga current
issues na kailangang malaman ng mas nakararaming grupo at indibidwal.

Ang isang Social Awareness Campaign ay maaaring ilathala gamit ang iba’t
ibang midyum. Nariyan ang print media na gamit ng mga kontemporaryong uri ng
panitikan gaya ng komiks. Maaari rin naming bumuo ng isang dokumentaryo o
documentary clip sa anyong video na siya naming ginagamit na midyum sa
pagpapalabas ng mga dokumentaryo sa telebisyon at pelikula.

Sa kasalukuyan, ginagamit ang social media gaya ng facebook, twitter,


instagram at iba pa para mas mabilis na maipaalam ito sa publiko. Halimbawa nito
ay ang nangyaring problema noon sa DENGVAXIA vaccine na ibinigay sa mga
mag-aaral sa mga Public Elementary Schools. Isa pang halimbawa ay ang
pandemya na kinahaharap natin ngayon, ang CoViD-19.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Social Awareness Campaign

1. Alamin ang magiging sakop ng iyong paksa. Piliin lamang ang naaangkop sa
tema yamang dito magsisimula ang lahat ng iyong kaisipan at mga
panghihikayat.
2. Kilalanin ang iyong tagapakinig at ang kanilang mga pangangailangan upang
maitugma sa nilalaman.
3. Tiyakin na may alternatibong mga paraan kung sakaling may matibay na hadlang
o pampublikong banta upang hindi nila ito pakinggan/panoorin.
4. Kumuha ng mga reperensiya para sa isang propesyonal ngunit nakakaakit na
mga salita, larawan at mga impormasyon.

Balangkas ng Isang Campaign Material

Bago simulan ang Social Awareness Campaign, kinakailangang makalikha ka ng


isang balangkas para dito. Kabilang dito ang iyong mahahalagang plano para
maisakatuparan ang proyekto. Maisasagawa lamang ito kung makakalikha ka ng
sequence at dialogue script na siyang magiging batayan para sa pangkalahatang
produkto.
Narito ang ilang mahahalagang paalala at mga hakbang sa pagbuo at paglikha ng
iskrip para sa mga eksena sa sequence at dialouge script.

1. Tandaan na ang isasagawang iskrip ay dapat maging makatotohanan upang higit


itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay lamang ng mga konkretong halimbawa, ngunit huwag kalimutang
maging malikhain.
3. Maging diretso sa punto kapag isinasagawa ang mga diyalogo. Gamitin ang iba’t
ibang uri ng mga pahayag na pangkomunikatibo gamit ang wastong wika nito.
4. Maging espisipiko kung sino ang partikular na iyong pinatutungkulan sa pagsulat
ng mga diyalogo at eksena ng isang mabisang iskrip.
Pangalan: ____________________________ Petsa: ________
Baitang/Pangkat: ______________________ Iskor: ________

SAGUTIN MO

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong sariling pang-
unawa.

1. Ano ang social awareness campaign?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng isang social awareness campaign?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAG-IBAHIN MO

Panuto: Gamit ang Venn Diagram, Isulat ang pagkakaiba ng print at broadcast
media sa pagpapalaganap ng isang social awareness campaign.

Print Media Broadcast Media


PLANUHIN AT BUOIN MO!

Panuto: Bumuo ng isang kampanya sa kahalagahan ng pagpapatuloy ng


edukasyon sa gitna ng pandemyang CoViD-19. Maaaring pumili kung print media
(komiks) o video clip ang iyong isasagawa. Kung komiks ang napili ay ipapasa ang
ang printed output (maaari ring drawing), at kung video clip naman ay mangyaring
ipasa ito sa chat room ng klase.

Sundin ang sumusunod na rubric:


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 Marka
Masaklaw na paglalahad ng
napapanahong impormasyon
Masining at maingat na paggamit
ng wika
Mahusay na aspetong teknikal
Pagkapraktikal ng
rekomendasyon

5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay
1 – Nangangailangan ng gabay at karagdagang pagsasanay

ISLOGAN MO!

Panuto: Batay sa isinulat na Social Awareness Campaign, bumuo ng isang islogan


kaugnay ng kaisipang nais ipaabot nito sa mga tao. Ilagay io sa isang A4 na bond
paper o sa isang oslo paper.
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1. Sagutin Mo! - Iba-iba ang sagot

Gawain 2. Pag-ibahin Mo! - Iba-iba ang sagot

Gawain 3. Planuhin at Buuin Mo! - Iba-iba ang sagot

Gawain 4. I-islogan Mo! - Iba-iba ang sagot

TALASANGGUNIAN

Most Essential Learning Competencies (MELC)

https://lrms.csdbatac.com/imagebank

brainly. Ph/question/2049286

Villaverde, Sharon Ansay, MUOG Pundasyon ng Karunungan sa Filipino,


Pisara Publishing, Silang Cavite, 2013.

You might also like