You are on page 1of 7

Eupemistikong

Pahayag
Eupemismo ang
tawag sa mga
mahihinay na salita
o pahayag na
ipinapalit upang
maiwasang
makasakit ng
damdamin.
Ginagamit din ang mga
ekspresiyong ito
upang hindi tuwirang
banggitin ang mga
salitang hindi
magandang pakinggan,
nakabibigla, o
maaaring magdulot ng
kahihiyan.
Halimbawa :
1. Para hindi mabigla ang kausap
sa pagkamatay ng isang mahal sa
buhay, maaaring
sabihing:
a. Sumakabilang buhay na siya.
b. Kapiling na siya ng Panginoon.
c. Iniwan na niya tayo.
d. Tapos na ang kanyang
paghihirap.
e. Maligaya na siya sa kabilang
buhay.
2. Para maging mas malambot o
mas magaan ang dating ng
sasabihin:

Sa halip na sabihing “Gutom na


gutom na ako,” gamitin ang
sumusunod:

• Hindi ba kayo, nagugutom?


• Kumain ba kayo ng almusal?
• Maganda siguro, kumain
muna tayo.
b. Sa halip na sabihing bulag,
duling, bingi, pilay, maaaring
sabihin ang ganito:

• May kapansanan sa mata, sa


tenga, sa paa, at iba pa.
• Mahina ang pandinig, walang
paningin, nahihirapang
lumakad, at iba pa.
c. Sa halip na sabihing
mataba, pandak, pangit,
sinasabi ang ganito:

• Medyo malusog ka
ngayon.
• May kaliitan siya nang
konti.
• Hindi siya gaanong
maganda.

You might also like