You are on page 1of 23

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Yunit 2
Aralin 7
Bulong ng Pag-asa
Tema
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Bulong: Isang Anyo ng Katutubong Panitikan
     Gramatika: Antas ng Wika: Di-Pormal 

Mga Layunin
Nailalahad at napahahalagahan ang pag-aaral ng bulong ng mga katutubong Pilipino
Natutukoy ang mahahalagang detalye at mensahe mula sa napakinggan o nabasang akda
Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral tungkol sa bulong
Aktibong nakibabahagi sa mga talakayan at gawain sa klase
Natutukoy ang kahalagahan ng paggamit ng di-pormal na salita bilang antas ng wika
Nakabubuo ng pangungusap gamit ang di-pormal na antas ng wika

Mga Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 74–85
Mga bulong mula sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Ano ang bulong? Ano ang kahalagahan nito sa mga katutubong Pilipino?
Ano ang di-pormal na antas ng wika? Paano nabubuo ang mga salita sa antas na ito?

PAMAMARAAN
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang paksa ng aralin na tatalakayin ay tungkol sa bulong bilang akdang
pampanitikan ng mga katutubong Pilipino.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 79 ng batayang aklat.
2. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa gawain.

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 75 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga tanong na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Basahin Natin sa mga pahina 76 hanggang 78. Bigyan ang mga
estudyante ng sapat na oras para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
tanong sa Muling Pag-isipan sa pahina 79. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Ano ang bulong? Magbigay ng halimbawa ng bulong.
b.   Ano ang kahalagahan ng bulong sa mga katutubong Pilipino?
c.   Ano ang mga kaisipan na nais iparating ng isang bulong sa mga nakakarinig nito?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng sumusunod:
a.   Ang sinaunang panitikan ay binubuo ng mga bulong na pangmahiya (incantations), kuwentong-bayan
(folktale), at alamat (legend).
b.   Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang Pilipino. Ito rin ay isang uri ng
tula at labis na pinaniniwalaan ng mga sinaunang Pilipino.
c.   Ang mga bulong ay ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon gaya ng pangkukulam, pang-eengkanto, at
panggagamot.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 80 at 81 ng
batayang aklat.
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa gawain A. Ibigay naman bilang takdang-aralin ang mga
gawain B at D.
3. Ipabigkas sa klase ang mabubuong bulong sa gawain C.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin. 

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang di-pormal na antas ng wika; ipabasa ang nilalaman
ng Talakayin Natin sa mga pahina 82 at 83 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang mga tanong: Ano ang di-pormal na antas ng wika? Paano nabubuo ang mga salita sa antas na
ito?

INTEGRASYON SA GRAMATIKA
Pagbabalik-aral at Pagganyak
Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng tatlo o apat na estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Tumawag ng dalawang estudyante upang basahin ang diyalogo sa Alamin Natin sa pahina 82 ng batayang
aklat. Pagkatapos, ipasagot sa klase ang mga tanong na kasunod nito.
2. Talakayin ang di-pormal na antas ng wika batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 82 at 83.
3. Ipaisa-isa ang iba’t ibang kaantasan na di-pormal at ipaliwanag kung bakit mahalagang gamitin nang wasto
ang mga ito.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto kaugnay ng paksa tulad ng sumusunod:
a.   Ang mga salitang nasa antas na di-pormal ay mga salitang karaniwang ginagamit ng mga kabataan;
ginagamit ito sa lansangan na karaniwang maliliit na pangkat lamang ang nakauunawa.
b.   Ang mga salitang nasa antas na di-pormal ay binubuo ng balbal, kolokyal, at lalawiganin.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
c.   Ang salitang balbal ay itinuturing na pinakamababang antas ng wika; ang mga salitang ito ay maririnig
lamang sa lansangan.
d.   Ang salitang kolokyal ay mga salitang mas mataas lamang nang kaunti ang antas sa mga salitang balbal.
Kadalasan ito ay napagkasunduang pinaikling bersiyon ng mga salita.
e.   Ang salitang lalawiganin ay limitado lamang sa isang rehiyon at mga tagaroon lamang ang karaniwang
nakauunawa.
5. Tumawag ng mga estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap gamit ang
iba’t ibang di-pormal na antas ng wika.

Pagsasanay at Paglalahat
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 83 hanggang 85 ng
batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase at talakayin ang kasagutan ng mga estudyante sa bawat gawain.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 85 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang tekstong "Mga Awiting-Bayan: Katutubong Panitikan" sa mga pahina 88 hanggang
93 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Ano-ano ang karaniwang ipinapahayag ng mga awiting-bayan ng mga Pilipino?

Karagdagang Pagsasanay
A. Ibigay ang kahulugan ng pamagat gamit ang konotasyon at denotasyon ng salita.

B. Lagumin ang aralin gamit ang sumusunod na concept web.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 8
Himig ng Pag-asa
Tema
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Mga Awiting-Bayan: Katutubong Panitikan Bago Pumasok ang Impluwensiya ng Kanluran
     Gramatika: Antas ng Wika: Pormal

Mga Layunin
Naiuugnay ang konotatibong kahulugan ng salita sa mga pangyayaring nakaugalian sa isang lugar
Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng awiting-bayan
Naipaliliwanag ang kaisipang nais iparating ng napakinggang awiting-bayan
Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na sumasalamin sa
tradisyon ng mga taga-Visayas
Nasusuri ang mensahe sa napanood na pagtatanghal

Mga Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 86–102
Mga awiting-bayan mula sa iba't ibang rehiyon ng Pilipinas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Ano-ano ang karaniwang ipinahahayag ng mga awiting-bayan ng mga Pilipino?
Paano nakatutulong ang paggamit ng pormal na antas ng wika sa ating katangian at karangalang pambansa?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang paksa ng aralin na tatalakayin ay tungkol sa awiting-bayan bilang akdang
pampanitikan ng mga katutubong Pilipino.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 93 at 94 ng batayang aklat.
2. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa gawain.

Pagsusuri at Pagtalakay

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 87 ng batayang
aklat. Ipasagot din ang mga tanong na kasunod nito. Magkaroon ng malayang talakayan sa mga kasagutan ng mga
estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Basahin Natin sa mga pahina 88 hanggang 93 ng batayang aklat.
Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para sa pagbabasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 95. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Ano ang mga awiting-bayan na inaawit hanggang ngayon?
b.   Paano mo mapananatiling buhay ang mga awiting-bayan sa Pilipinas tulad ng Oyayi?
c.   Ano ang mga karaniwang ipinahahayag ng mga awiting-bayan ng Pilipinas?
4. Ipabasa ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 91 ng batayang aklat.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng sumusunod:
a.   Mahalagang pag-aralan ang mga awiting-bayan ng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas dahil ito ay
nagpapakita ng kultura at identidad ng mga Pilipino.
b.   Ang mga awiting-bayan ng Pilipinas ay karaniwang nagpapahayag ng mga saloobin, damdamin, at
pananaw na nagaganap sa pang-araw-araw na karanasan.
c.   Mababakas ang uri ng pamumuhay, pag-uugali, at gawi ng mga Pilipino, lalo na ng mga taga-Visayas at
Mindanao, sa kanilang awiting-bayan.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 95 hanggang 97
ng batayang aklat.
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa mga gawain A at D. Ibigay naman bilang takdang-aralin
ang mga gawain B at C. 

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin. 

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang pormal na antas ng wika; ipabasa ang nilalaman ng Talakayin
Natin sa mga pahina 98 at 99 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong ang paggamit ng pormal na antas ng wika sa ating katangian at
karangalang pambansa?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 98 ng batayang aklat at ipasagot ang mga kasunod na
tanong.
2. Talakayin ang pormal na antas ng wika batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 98 at 99 ng
batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga anyo ng pormal na antas ng wika at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin ito nang
wasto.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng sumusunod:
a.   Ang pormal na antas ng wika ay maituturing na pinakamahusay at pinakamatayog na pamantayan sa
paggamit ng wika ng isang bansa.  
b. Ang wikang pambansa ay isang anyo ng pormal na antas ng wika na karaniwang ginagamit sa mga aklat
ng wika o pambalarila sa mga paaralan at pamahalaan.                      
c.   Ang wikang pampanitikan ay itinuturing na pinakamataas na antas ng wika; ang mga salitang ito ay
karaniwang matayog, malalim, at masining ang paraan ng pagpapahayag.
5. Tumawag ng ilang estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap gamit ang
dalawang anyo ng pormal na antas ng wika.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 99 hanggang 101 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase at talakayin ang kasagutan ng mga estudyante sa bawat gawain.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 101 at 102 ng batayang
aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang "Ang Alamat ni Tungkung Langit" sa mga pahina 104 hanggang 108 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng mga alamat ng
Kabisayaan?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng sipi ng isang kuwento tungkol sa paglikha ng langit at lupa at
maghanda na ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
A. Hanapin sa hanay B ang kahulugan ng mga awiting-bayan sa hanay A. Isulat lamang ang titik sa patlang bago
ang bilang.
Hanay A                              Hanay B
_____ 1.     Oyayi A.   awiting-bayan mula sa Kabisayaan
_____ 2.     Si Felimon B.   awit pandigma
_____ 3.     Dandansoy C.   awit sa kasal
_____ 4.     Matud Nila D.   awit sa pagsama-samang gawain
_____ 5.     Pakitong-Kitong E.   awiting panghele ng bata
_____ 6.      Diyona F.   awit sa paghaharana
_____ 7.      Balitaw G.  awitin tungkol sa masaganang ani
_____ 8.      Maluway H.  inaawit ng mga mangingisda
_____ 9.      Kundiman I.    awit ng pamamaalam

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
_____ 10.      Tikam J.   awit ng dalamhati
K.  awit ng pag-ibig

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 9
Pag-asa ng Pag-ibig
Tema
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Ang Alamat ni Tungkung Langit
     Gramatika: Mga Salitang Ginagamit sa Paghahambing

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Mga Layunin
Natutukoy ang mahahalagang mensahe mula sa napakinggang alamat
Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan
Naibabahagi ang sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa akda
Naisasalaysay ang buod ng isang alamat sa anyong komiks
Nagagamit nang tama ang mga pahayag sa paghahambing 

Mga Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 103–115
Mga alamat mula sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit mahalagang malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng mga alamat sa Kabisayaan?
Paano magagamit ang mga pahayag sa paghahambing sa pagsasalaysay ng isang alamat?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang paksa ng aralin na tatalakayin ay tungkol sa alamat bilang akdang
pampanitikan ng mga katutubong Pilipino.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 108 at 109 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o
tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang mga kasagutan.
Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 104 ng batayang aklat. Ipasagot
din ang mga tanong na kasunod nito. Magkaroon ng malayang talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang "Ang Alamat ni Tungkung Langit" sa mga pahina 104 hanggang 108. Bigyan ang
mga estudyante ng sapat na oras para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 109. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Bakit mahalagang malaman ang kaligirang pangkasaysayan ng mga alamat ng Kabisayaan?
b.   Paano mo mapananatiling buhay ang mga alamat sa Pilipinas?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng sumusunod:
a.   Mahalagang pag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng mga alamat ng Kabisayaan dahil ito ay
nagpapakita ng kultura at identidad ng mga Pilipino.
b.   Ang pag-aaral ng mga alamat at patuloy na pagkukuwento nito ay nakatutulong upang mapanatiling
buhay ang panitikang Pilipino.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 109 hanggang 111
ng batayang aklat. Pumili ng isang alamat na babasahin para sa gawain B. Maaaring humanap nito sa Internet o mga
sanggunian sa silid-aklatan.
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa gawain A at B. Ibigay naman bilang takdang-aralin ang
gawain C.

Paglalahat

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin. 

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga salitang ginagamit sa paghahambing; ipabasa ang
nilalaman ng Talakayin Natin  sa mga pahina 112 at 113 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nagagamit ang mga pahayag sa paghahambing sa pagsasalaysay ng isang
alamat?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 112 ng batayang aklat at ipasagot ang mga kasunod na
tanong.
2. Talakayin ang mga salitang ginagamit sa paghahambing batay sa nakasaad sa mga pahina 112 at 113 ng
batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga salitang ginagamit sa paghahambing at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin ito
nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng sumusunod:
a.   Ang mga panlaping ka- at sing- at mga salitang tulad ng kapuwa at pareho ay ilan lamang sa mga salitang
ginagamit sa paghahambing.
b.   Hindi magkatulad ang hambingan kung ang mga pinaghahambing ay hindi magkapatas ng uri o katangian.
c.   Ang kaysa, di tulad, di gaya, at di gaano ay ilan lamang sa mga salitang ginagamit sa paghahambing na hindi
magkatulad.
5. Tumawag ng ilang estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap gamit ang
mga salitang panghambing.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 113 at 114 ng batayang
aklat.
2. Ipabahagi sa klase at talakayin ang kasagutan ng mga estudyante sa bawat gawain.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 115 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang dulang "Prinsipe Rodante" sa mga pahina 117 hanggang 128 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit karaniwang ipinagdiriwang ng mga tao ang mahahalaga at makabuluhang
pangyayari sa kanilang buhay?
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng sipi ng isang kuwento tungkol sa isang dulang kanilang
napanood mula sa ibang rehiyon ng Pilipinas at maghanda na ibahagi ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
Sumulat ng maikling talata na nagpapakita ng paghahambing ng katangian nina Tungkung Langit at ni Alunsina.
Isulat ito sa loob ng scroll.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 10
Pag-asa ng Kultura
Tema
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Prinsipe Rodante (Moro-Moro)
     Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat

Mga Layunin
Naibibigay ang sariling interpretasyon sa mga tradisyonal na pagdiriwang ng Kabisayaan
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang iba-iba ang digri o antas ng kahulugan (pagkiklimo)
Naisusulat ang isang nanghihikayat na editoryal kaugnay ng paksa
Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat
(totoo, talaga, pero, subalit, at iba pa)
Natutukoy ang mga tradisyong kinagisnan ng mga taga-Visayas batay sa napakinggang dula

Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 116–135
Mga larawan ng kapistahan sa rehiyon ng Visayas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Mahahalagang Tanong
Bakit karaniwang ipinagdiriwang ng mga tao ang mahahalaga at makabuluhang pangyayari sa kanilang
buhay?
Ano-anong pang-ugnay ang mabisang gamitin sa panghihikayat?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang magiging paksa ng aralin na tatalakayin ay tungkol sa dula bilang akdang
pampanitikan ng mga katutubong Pilipino.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipasagot ang gawain sa Talasik sa mga pahina 128 at 129 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o
tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa gawain.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Pagsusuring Pampanitikan sa mga pahina 116 at 117 ng batayang aklat at ipasagot
ang mga tanong na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang dulang "Prinsipe Rodante" sa Basahin Natin sa mga pahina 117 hanggang 128 ng
batayang aklat. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 130. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Ano-ano ang mga dula ng Kabisayaan?
b.   Paano mo mapananatiling buhay ang mga dula ng Kabisayaan?
4. Ipabasa ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 117 ng batayang aklat.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng sumusunod:
a.   Mahalagang pag-aralan ang mga dula ng Kabisayaan, tulad ng dulang "Prinsipe Rodante," dahil ito ay
nagpapakita ng kultura at identidad ng lahing Pilipino.
b.   Ang muling pagsasagawa at pag-aaral ng mga dula ng Kabisayaan ay makatutulong upang mapanatiling
buhay ang panitikan ng mga taga-Visayas.
c.   Mababakas ang uri ng pamumuhay, pag-uugali, at gawi ng mga mga taga-Visayas at Mindanao sa
kanilang mga dula.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 130 hanggang 132
ng batayang aklat.
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa mga gawain. 

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat; ipabasa ang
nilalaman ng Talakayin Natin sa mga pahina 133 hanggang 135 ng batayang aklat.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
2. Ipasagot ang tanong: Ano-anong pang-ugnay ang mabisang gamitin sa panghihikayat?

Integrasyon sa Gramatika
Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang apat na estudyante upang ibahagi sa klase ang kanilang
kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 132 ng batayang aklat at ipasagot ang mga kasunod na
tanong.
2. Talakayin ang mga pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa
mga pahina 133 at 134 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat at pag-usapan kung bakit mahalagang
gamitin ito nang wasto.
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 133 ng batayang aklat.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng sumusunod:
a.   Ang panghihikayat ay ang pagkukumbinsi sa tao o pangkat ng mga tao na pumanig sa iyong
paniniwala.
b.   Sa panghihikayat, kailangan na malinaw ang layunin at may mga patunay o ebidensiya para
mapaniwala ang iba sa layunin, ideya, o anumang dahilan ng panghihikayat.
c.   Sa panghihikayat, gumagamit ng mga pang-ugnay na karaniwang ginagamit sa pagsang-ayon sa
pahayag, pananaw, o opinyon na maaaring ilahad ng isang tao sa paraang pasulat o pasalita. 
6. Tumawag ng ilang estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na
nanghihikayat gamit ang mga pang-ugnay na tinalakay. 

Pagsasanay 
     Ipagawa ang mga pagsasanay sa Himayin Natin sa mga pahina 134 at 135 ng batayang aklat. Ipabahagi sa klase
ang kasagutan ng mga estudyante.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 135 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin
1. Ipabasa ang epikong Labaw Donggon sa mga pahina 137 hanggang140 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit may taglay na supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan ang mga
pangunahing tauhan sa epiko.
3. Sabihin sa mga estudyante na magdala ng isang sipi ng kuwento tungkol sa epiko ng Kabisayaan at
maghanda na ibahagi ito sa klase.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Karagdagang Pagsasanay
Basahin ang pahayag mula sa dulang binasa. Isulat sa mga biluhaba ang iyong nadama pagkatapos basahin ang
pahayag.

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2
FSSaladino2019
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 11
Pag-asa ng Pagbabago
Tema
Panitikang Bisaya: Repleksiyon ng Kabisayaan
Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan
Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan

Mga Paksang Aralin


     Panitikan: Labaw Donggon (Epiko ng Hiligaynon)
     Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Paglalahad

Mga Layunin
Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan
Nailalarawan ang mga natatanging aspektong kultural na nagbibigay-hugis sa panitikan ng Kabisayaan
(heograpiya, uri ng pamumuhay, at iba pa)
Naipaliliwanag ang pinagmulan ng salita (etimolohiya)
Naisasagawa ang isahan o pangkatang pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may
pagkakatulad sa mga pangyayari sa epiko
Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga taga-Bisaya sa kinagisnang
kultura
Nagagamit nang maayos ang mga pang-ugnay sa paglalahad (una, ikalawa, at iba pa

Mga Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 136–145
mga epiko mula sa rehiyon ng Visayas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong
Bakit may taglay na supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa
epiko?
Bakit mahalagang gamitin ang mga pang-ugnay sa paglalahad ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay
o gawain o ng mga maaaring gawin sa pagsasakatuparan ng isang layunin?

Pamamaraan
Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa  takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang paksa ng aralin na tatalakayin ay tungkol sa epiko bilang akdang
pampanitikan ng mga katutubong Pilipino.

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 140 ng batayang aklat.
2. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa gawain.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipasuri ang mga larawan sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 137 ng batayang aklat. Ipasagot din ang
mga tanong na kasunod nito. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang epikong Labaw Donggon sa Basahin Natin sa mga pahina 137 hanggang 140.
Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 141. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Ano ang epiko?
b.   Bakit may taglay na supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan ang mga pangunahing tauhan sa
epiko?
c.   Bakit mahalagang pag-aralan ang mga epiko ng mga taga-Visayas tulad ng Labaw Donggon?
4. Ipabasa ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 138 ng batayang aklat.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng sumusunod:
a.   Mahalagang pag-aralan ang mga epiko ng mga taga-Visayas sa dahilang ito ay nagpapakita ng kultura at
identidad ng lahing Pilipino.
b.   Ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di-pangkaraniwang kapangyarihan dahil ang
mga kapangyarihang ito ay sumisimbolo sa kanilang kakaibang katangian at nagbibigay-diin sa positibong mensahe
na nais nilang ipaabot sa mga tao. Ang mga positibong mensahe na ito ay higit na nakatutulong sapagkat ito
ay ginagawang modelo ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 141 at 142 ng
batayang aklat. Basahin ang sumusunod para sa gawain B

Maragatas

      Ang ibig sabihin ng Maragtas ay “kasaysayan,” kaya’t ang epikong ito ay hango sa mga tala ng mga
pangyayari na naganap sa pulo ng Maadyas, Visayas na ngayon ay pulo ng Panay.
      Sampung datu buhat sa Bornay ang tumakas sa kalupitan at kasakiman ni Sultan Makatunaw. Inabuso ang
kanilang mga asawa at inagaw ang kanilang mga ari-arian. Pinamumunuan ito ni Datu Puti, kasama ang kaniyang
asawang si Pinangpangan. Kabilang din dito sina Datu Bankaya at asawang si Katurung, si Datu Sumakwel at
asawang si Kapinangan, si Datu Paliburon at asawang si Pabulanan, si Datu Paduhinug at asawang si Ribongsapaw,
at si Datu Dumangsol at asawang si Kabiling. Ang iba pang mga datu ay sina Lubay, Dumangsil, Dumalogdog, at
Balkasusa.
      Sa pamumuno ni Datu Puti, nilisan ng sampung datu, kasama ang kanilang mga asawa, mga anak, mga
madrigal, at mga alipin, ang Bornay. Lulan sila ng mga bangka at ginabayan ng isang taong nakapanggaling na sa
pulong kanilang paroroonan. Una nilang sinapit ang Arkipelago ng Sulu, subalit hindi na nila tinangkang dumaong
pa sapagkat mahigpit ang pagtutol ng mga tagaroon. Marami na pati ang naninirahan sa lugar na iyon.
      Nagtuloy sila sa Palawan. Kaakit-akit ang lugar na iyon! Mula sa karagatan ay natatanaw nila ang mga
luntiang kabundukan at mga tangway. Binaybay nila ang silangang bahagi hanggang sumapit sila sa Panay.
Dumaong sila sa bukana ng Ilog Sirwagan na malapit sa Sinugbuhan. Natagpuan nila sa ilog ang isang Ati na
nangingisda. Kinausap siya ng gabay ng mga datu na nakaaalam ng dayalekto ng mga Ati. Buhat sa Ati ay nalaman
nila na ang pinuno ng lugar ay si Marikudo. Inalam nila ang tirahan ng datu upang makipag-usap nang marangal
kaugnay ng kanilang pakay na bumili ng lupaing maaari nilang tirahan.
      Nang sila ay sumapit sa Sinugbuhan, ang mga mamamayan, liban kay Marikudo, ay lumabas ng mga
bahay at nagsipagkubli sa mga puno sa gubat. Buong giting na hinawakan ni Marikudo ang kaniyang pana at sibat.
Tinanong niya ang layunin ng mga datu sa pagdaong sa kaniyang nasasakupan. Ipinabatid naman ni Datu Puti na
malinis at payapa ang kanilang hangarin, ibig lamang nilang magkaroon ng lupang kanilang matitirahan. Hindi
kaagad pinaunlakan ni Marikudo ang mga datu. Kailangan niyang hingin ang opinyon ng kaniyang nasasakupan

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
hinggil sa bagay na iyon. Iyon ang magandang pamamalakad ni Marikudo, ang lahat ay kasangkot sa pagbuo ng
desisyon.

Pinagkunan:  www.scribd.com/doc/51288315/maragatas
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa gawain A at B. Ibigay naman bilang takdang-aralin ang mga
gawain C at D.

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga pang-ugnay sa paglalahad; ipabasa ang nilalaman
ng Talakayin Natin sa pahina 143 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang gamitin ang mga pang-ugnay sa paglalahad ng mga hakbang sa
paggawa ng isang bagay o gawain o ng mga maaaring gawin sa pagsasakatuparan ng isang layunin?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak
     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo o apat na estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang ulat sa Alamin Natin sa mga pahina 142 at 143 ng batayang aklat at ipasagot ang mga kasunod
na tanong.
2. Talakayin ang mga pang-ugnay sa paglalahad batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa pahina 143 ng
batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga pang-ugnay na ginagamit sa paglalahad at pag-usapan kung bakit mahalagang gamitin
ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng sumusunod:
a.   Ang mga pang-ugnay sa paglalahad ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o
pangungusap na pinagsusunod-sunod.
b.   Ginagamit ang pang-ugnay sa paglalahad sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng
isang bagay o gawain at ng pagsasakatuparan ng isang gawain.
c.   Ang una, ikalawa, halimbawa, at sumusunod ay ilan lamang sa halimbawa ng pang-ugnay sa
paglalahad.
5. Tumawag ng ilang estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na ginagamitan
ng mga salitang pang-ugnay na pagpapaliwanag ng pamamaraan.

Pagsasanay 
1. Ipagawa ang mga gawain sa Himayin Natin sa pahina 143 at 144 ng batayang aklat.
2. Ipabahagi sa klase at talakayin ang mga kasagutan ng mga estudyante sa mga gawain A. Ibigay naman
bilang takdang-aralin ang mga gawain B at C. 

Pagbubuod
1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa pahina 145 ng batayang aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Takdang-aralin
1. Ipabasa ang kuwentong "Paalam sa Pagkabata" sa mga pahina 148 hanggang 152 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Bakit mahalagang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento?
3. Sabihin sa mga estudyante na magsulat ng isang kuwento tungkol sa kanilang ama at maghanda na ibahagi
ito sa klase.

Karagdagang Pagsasanay
          Ibuod ang nangyaring labanan sa pagitan ni Labaw Donggon at Buyong Saragnayan. Isulat sa kahon ang mga
bilang 1 hanggang 7 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. 

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Norte
PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC.
(formerly: Pasuquin Academy)

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7


Aralin 12
Pag-asa ng Pagtanggap
Mga Paksang Aralin
     Panitikan: "Paalam sa Pagkabata" (Maikling Kuwento)
     Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay at Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Mga Layunin
Nasusuri ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa napakinggang maikling kuwento
Nailalahad ang mga elemento ng maikling kuwento
Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa kuwento batay sa kontekstuwal na pahiwatig
Naisusulat ang isang orihinal na akdang nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng isang maikling kuwento
Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

Mga Kagamitan
batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 146–158
mga kuwento mula sa rehiyon ng Visayas

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Mahahalagang Tanong

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Bakit mahalagang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento?
Paano nakatutulong sa pagsulat ng isang akda ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay at
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Itsek ang takdang-aralin. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan
sa takdang-aralin.
2. Sabihin sa mga estudyante na ang magiging paksa ng araling tatalakayin ay tungkol sa maikling
kuwento bilang akdang pampanitikan ng mga katutubong Pilipino.
Pagpapayaman ng Talasalitaan
     Ipagawa ang gawain sa Talasik sa pahina 153 ng batayang aklat. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante
upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa gawain.

Pagsusuri at Pagtalakay

1. Ipagawa ang panimulang gawain sa Pagsusuring Pampanitikan sa pahina 146 ng batayang aklat.


Ipasagot din ang mga kasunod na tanong. Magkaroon ng talakayan tungkol sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang maikling kuwentong "Paalam sa Pagkabata" sa Basahin Natin sa mga pahina 148
hanggang 152. Bigyan ang mga estudyante ng sapat na oras para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan tungkol sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga
katanungan sa Muling Pag-isipan sa pahina 153. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Bakit mahalagang malaman ang mga elemento ng maikling kuwento?
b.   Paano nakatutulong ang maikling kuwento sa paglalarawan ng kalagayang panlipunan ng mga taga-
Visayas?
4. Ipabasa at talakayin ang nakasaad sa Tandaan sa pahina 152 ng batayang aklat.
5. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
6. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng sumusunod:
a.   Mahalagang pag-aralan ang mga elemento ng maikling kuwento dahil ang mga salik o elementong ito ay
nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa mga mensaheng nais ipaabot ng may-akda. Ang mga elementong ito rin ay
makapagbibigay ng konteksto sa tunay na kalagayan sa panahon na isinulat ang akda.
b.   Ang tema, tauhan, banghay, at iba pang elemento sa maikling kuwento ay makatutulong upang ilawaran at
ipaliwanag ang kinalalagyan ng lipunan sa pangkalahatan.

Pagsasanay 
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 154 at 155 ng
batayang aklat. Para sa gawain D, maaaring makuha ang sipi ng kuwentong “Si Pingkaw” ni Isabelo Sobrevega sa
Internet, gaya sa rosiefilipino10.weebly.com/maikling kwento.html o ibang sanggunian.
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa mga gawain A, B, at D. Ibigay naman bilang takdang-aralin
ang gawain C. 

Paglalahat
1. Matapos ang talakayan at mga gawain sa Pagsusuring Pampanitikan, tanungin ang mga estudyante kung
anong mahahalagang aral ang napulot nila mula rito.
2. Lagumin ang aralin batay sa sagot ng mga estudyante at ayon sa layuning pampanitikan ng aralin.

Takdang-aralin

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay at
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari; ipabasa ang nilalaman ng Talakayin Natin sa mga pahina 156 at 157 ng
batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano nakatutulong sa pagsulat ng isang akda ang mga pang-ugnay na ginagamit sa
pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?

Integrasyon sa Gramatika

Pagbabalik-aral at Pagganyak

     Itsek ang takdang-aralin. Pumili ng tatlo hanggang apat na estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan.

Pagsusuri at Pagtalakay

1. Ipabasa ang artikulo sa Alamin Natin sa pahina 156 ng batayang aklat at ipasagot ang mga kasunod na
tanong.
2. Talakayin ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
batay sa nakasaad sa Talakayin Natin sa mga pahina 156 at 157 ng batayang aklat.
3. Ipaisa-isa ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari at pag-usapan
kung bakit mahalagang gamitin ito nang wasto.
4. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa talakayan tulad ng sumusunod:
a.    Ang pagsasalaysay ang pinakamadalas gamitin at pinakapopular na paraan ng pagpapahayag.  
b.   Ginagamit ang wastong pang-ugnay sa pagsasalaysay tulad ng dahil dito, samantala, di naglaon, una,
ikalawa, at iba pang pang-ugnay ng mga pangyayari upang magbigay ng kalinawan at maging maayos
ang paglalatag ng mahahalagang pangyayari at konsepto. Ito ay makatutulong upang mas mabilis na maunawaan
ang akdang binabasa.
5. Tumawag ng ilang estudyante upang magbigay ng sariling halimbawa ng mga pangungusap na may
mga pang-ugnay na ginagamit sa pagsasalaysay.

Pagsasanay 

1. Ipagawa ang mga gawain sa Himayin Natin sa pahina 157 ng batayang aklat.


2. Ipabahagi sa klase at talakayin ang mga kasagutan ng mga estudyante sa gawain A. Ibigay naman bilang
takdang-aralin ang mga gawain B at C.

Pagbubuod

1. Ipagawa ang mga gawain sa Pagtibayin Natin at Lagumin Natin sa mga pahina 157 at 158 ng batayang
aklat.
2. Ipabuod ang mga kasagutan ng mga estudyante ayon sa layunin ng buong aralin.

Takdang-aralin

1. Ipabasa ang Panapos na Gawain sa mga pahina 158 hanggang 168 ng batayang aklat.
2. Ipasagot ang tanong: Paano ka makatutulong sa pagpapaunlad ng mga awitin o musika ng Pilipinas upang
lalong tangkilikin ito?

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
Karagdagang Pagsasanay
Sumulat ng maikling talata na nagpapakita ng iyong karanasan sa iyong ama habang ikaw ay lumalaki. Isulat ito sa
loob ng scroll.

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
PANAPOS NA GAWAIN PARA SA YUNIT 2
Paksang Aralin
     Pagtatanghal ng Awiting-Bayan

Mga Layunin
Naisasagawa ang malikhaing pagtatanghal ng ilang awiting-bayan na naglalarawan ng mga
pagpapahalagang Pilipino
Naibibigay ang puna o mungkahi sa nasaliksik na awiting-bayan ng sinaunang Pilipino
Nakadarama ng pagmamalaki sa nagawang pagtatanghal
Aktibong nakilalahok sa pangkatang gawain
Nakasusulat ng sariling awiting-bayan na gamit ang mga kumbensiyon sa wika

Mga Kagamitan
Batayang aklat na Bulwagan 7 Kamalayan sa Gramatika at Panitikan, mga pahina 158–168
Mga halimbawa ng mga awiting-bayan na nilikha ng sinaunang Pilipino

Bilang ng Sesyon: 4 (isang oras sa bawat sesyon)

Pamamaraan

Panimula at Pagganyak
1. Magkaroon ng pagbabalik-aral sa mga natutuhan sa Yunit 2 sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
estudyante ng isa o dalawang parirala o pangungusap na maglalagom ng kanilang pagkatuto.
2. Tumawag ng tatlo hanggang pitong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan sa klase.

Pagpapayaman ng Talasalitaan
1. Ipagawa ang gawain sa Talasik sa mga pahina 163 at 164 ng batayang aklat.
2. Magkaroon ng malayang talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang teksto sa Panimulang Gawain sa mga pahina 158 at 159 ng batayang aklat at ipasagot ang mga
tanong na kasunod ito. Tumawag ng dalawa o tatlong estudyante upang ibahagi ang kanilang kasagutan. Magkaroon
ng malayang talakayan sa kasagutan ng mga estudyante.
2. Ipabasa nang tahimik ang teksto sa Pagtalakay sa mga pahina 159 hanggang 162 tungkol sa pagsulat ng
awiting-bayan gamit ang mga kumbensiyong tulad ng sukat, tugma, tayutay, at talinghaga. Bigyan ang mga
estudyante ng sapat na oras para sa pagbasa.
3. Magkaroon ng malayang talakayan sa binasang teksto. Gawing gabay sa talakayan ang mga katanungan
sa Muling Pag-isipan sa pahina 164. Idagdag ang sumusunod na mga katanungan:
a.   Bakit mahalaga ang pagsulat ng sariling awiting-bayan?
b.   Paano nakatutulong ang tugma, sukat, tayutay, at talinghaga sa awiting-bayan na nakatutulong naman sa
pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa mga turismo?
4. Ipasulat sa pisara sa mga estudyante ang mahahalagang konsepto na natutuhan nila mula sa tekstong
binasa. Hayaan silang ipaliwanag ang kanilang isinulat na mga konsepto. Lagumin ang mga konseptong nabuo ng
mga estudyante.
5. Ipaliwanag ang mahahalagang konsepto tungkol sa binasang teksto tulad ng mga sumusunod:
a.   Mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan dahil ang mga akdang ito ay
naglalarawan ng mga gawi at kulturang Pilipino.
b.   Ang mga kaalaman sa iba’t ibang elemento ng musika ay nakatutulong sa pagbuo ng awiting-bayan.

Pagsasanay at Paglalahat

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019
1. Ipagawa sa mga estudyante ang mga pagsasanay sa Masusing Gampanan sa mga pahina 165 at 166 ng
batayang aklat. 
2. Talakayin ang mga sagot ng mga estudyante sa gawain A, B at C. Ibigay naman bilang takdang-aralin ang
gawain D.

Integrasyon sa Pagsasagawa ng Proyekto

Pagbabalik-aral at Pagganyak
1. Tumawag ng ilang estudyante para magpahayag ng kanilang natutuhan sa buong aralin.
2. Hayaan ding magbigay ng komento o magdagdag ng ideya ang ibang estudyante tungkol sa inilahad ng
kanilang mga kamag-aaral.

Pagsusuri at Pagtalakay
1. Ipabasa ang nakasaad sa Proyekto sa pahina 167 ng batayang aklat bilang paghahanda sa paggawa ng
proyekto na magsisilbing integrasyon ng mga natutuhan sa yunit 2. Bigyan ng sapat na oras ang mga estudyante para
sa pagbasa.
2. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Tiyakin na ang bawat kasapi ng bawat pangkat ay may kani-kaniyang
gawain.
3. Ipaliwanag sa mga estudyante ang rubrik sa pahina 168 na gagamiting pamantayan sa pagtatasa sa kanilang
mabubuong proyekto, gayundin sa kanilang pagtatanghal.
4. Ipagawa ang proyekto. Linawin sa mga estudyante ang inaasahan sa bawat kasapi ng pangkat.
5. Bigyan ng sapat na panahon ang mga estudyante sa paggawa ng kanilang proyektong awiting-bayan at sa
paghahanda para sa pagtatanghal nito.
6. Ipatanghal ang nabuong proyekto ng bawat pangkat. Hikayatin ang mga estudyante na magbigay ng
komento sa nabuong proyekto ng bawat isa.

Pagbubuod
1. Ipagawa ang gawain A sa Pagtatapos ng Yunit sa pahina 169 kung saan ibibigay nila ang kanilang mga
sagot sa mahahalagang tanong sa buong yunit.
2. Magkaroon ng pangwakas ng pagsusulit para sa yunit. Idikta sa mga estudyante ang mga katanungan
sa Panimulang Pagtataya para sa Yunit 2 sa mga pahina 70 hanggang 73. Maaari ding bumuo ng panibagong
pagsusulit para sa yunit. Sabihin sa mga estudyante na ang kanilang iskor sa pagsusulit na ito ay itatala na.
3. Ipagawa ang gawain C sa pahina 170. Lagumin ang yunit batay sa kanilang sagot sa 3-2-1 tsart at sa mga
layunin ng yunit. 

Isang Banghay-Aralin sa Filipino 7 Yunit 2


FSSaladino2019

You might also like