You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF ORIENTAL MINDORO

Baco National High School


Poblacion, Baco, Oriental Mindoro

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

PANGALAN NG GURO: Haddjji Hilario D. Beron


ASIGNATURA: Filipino
PETSA: Disyembre 18, 2020
BAITANG/PANGKAT: G7-SSC Galileo Galieli
Oras: 10:35-11:35

A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Kabisayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisusulat ng mga mag-aaral ang sariling awiting-bayan gamit ang wika ng kabataan.
C. Mga Kasanaayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang mga mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng napakinggang
awiting-bayan, bulong, bahagi ng akda, teksto tungkol sa epiko ng Kabisayaan. F7PN-Ia-b-7
I. LAYUNIN
a.1 Nasusuri ang mahahalagang detalye sa akdang pampanitikan na binasa.
a.2 Napahahalagahan ang kaisipang natutuhan hinggil sa binasang akda.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Panitikan: Mga Awiting-bayan at Bulong
Gramatika: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
B. Kagamitan: Supplemental Lesson Plan/Libro, Modyul/ Internet
C. Sanggunian: Panitikang Rehiyonal 7
D. Pahina: 86-96
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtatala ng liban
B. Balik-aral
Panitikang Bisaya: Repleksyon ng Kabisayaan.
Bakit sinabing repleksyon ng Kabisayan?
C. Motibasyon
D. Talakayan
Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
 Halina’t basahin at alamin natin ang mga mahahahalagang kaisipan tungkol sa araling ito.
 Awiting-bayan ng Sugbuwanon;“Si Pilemon”
 Pagbibigay kahulugan ng awiting bayan at bulong alinsunod sa mga halimbawa at uri nito.
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1
Talasalitaan: Denotasyon at Konotasyon
Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2
Pangakatang Gawain; Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase.
Unang Pangkat: Awitin o i-rap ang awiting-bayan ng Kabisayaan na “ Ang Niyog”
Ikalawang Pangkat: Pagsasadula o iskit ng iba’t ibang halimbawa ng bulong.
Ikatlong Pangkat: Pag-awit na “ Leron Lerong Sinta” na may kasamang aksyon.
Paglalahad ng Pamantayan:
PAMANTAYAN SA PAGTATANGHAL PUNTOS
LAKAS NG BOSES 5
KAISAHAN NG PANGKAT 5
KAAYUSAN NG TONO O AWIT 10
KABUUAN

IV. PAGLALAPAT
Bilang kabataan, paano mo pahahalagahan ang mga awiting bayan at bulong na umusbong noong
panahon ng mga katutubo?
V. PAGLALAHAT
Sa iyong palagay, Ano kaya ang katangian ng awiting bayan at bulong batay sa mga halimbawa nito.
VI. PAGATATAYA
Suriin ang awiting-bayang “Ako ay may Lobo” at tukuyin ang mahahalagang kaisipan na nais ipabatid
nito.Sumulat ng isang talata o higit pa sa kalahating bahagi ng papel hinggil sa iyong pagsusuri.

VII. TAKDANG ARALIN


Alamin ang mga antas ng wika batay sa pormalidad at isulat ito sa kwaderno.

Inihanda ni:

Haddjji Hilario D. Beron


Guro III

Sinuri ni:
Maria Fe G. Magboo
Ulongguro III

Itinala ni:

Dante A. Castillo
Punongguro III

Pinagtibay ni:

Cleofe Z. Padrones
Superbisor sa Distrito ng Baco

You might also like