You are on page 1of 8

Mala-masusing Banghay-Aralin

sa Filipino 9

Seksyon Seira Madre

(11:00 -12:00 p.m.)

I. Mga inaasahang bunga ng pagkatuto

Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay

inaasahang;

A. natutukoy ang mga sangkap, elemento at uri ng dula sa

pamamagitan ng quiz bee at

B. nabibigyang kahulugan ang dula.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Sangkap at Uri ng dula

B. Sanggunian: Retorika at Masining na Pagpapahayag:

Kasaysayan, Teorya, Antolohiya at praktika ni Pena et, al.

C. Kagamitan: Powerpoint presentation, marker, chalk at

illustration board.

III. Pamamaraan

A. Panimulang gawain

Guro: Magandang umaga!

Mag-aaral:

G: Tumayo ang lahat at tayo`y manalangin.

M:

G. Mangagsiupo ang lahat.


B. Paganyak

G: Mayroon akong inihandang mga nakarolyong maliliit na

papel dito. Naglalaman ito ng iba`t ibang uri ng emosyon. Ang

gagawin natin ay: Una, tatawag ako ng mag-aaral na unang

magbibigay ng maikling pagpapakahulugan ng dula dito sa

harapan pero bago iyan ay bubunot muna siya dito sa akin

ng papel. Pangalawa, ang napiling emosyon niya ay kanyang

ilalapat sa kahulugang kanyang ilalahad. Sa paglalahad ng

kahulugan dapat may buhay ay maaring may angkop na

kilos. Naintindihan ba?

M: Opo!

B. Paglalahad

G: Ngayong alam niyo na ang dula ay tatalakayin na natin ang

sangkap, elemento at mga uri nito. Sa ating talakayan ay

gagawin natin ito sa paraang pa quiz bee. Mayroon akong mga

maliliit na illustration board at chalk. Hahatiin ko kayo sa

sampung grupo. Ang gagawin niyo lamang ay sasagutin ang

mga tanong na inihanda ko. Kahit hindi niyo pa alam ang mga

sangkap at uri nito ay sagutin niyo lamang ang tanong, nasa

pisara ang pagpipilian para sa sangkap at uri nito. Bibigyan

ko kayo ng labinlimang segundo para sagutin ang mga

tanong. Maliwanag ba?

M: Opo.
G:Magsimula na tayo sa sangkap ng dula. Ito ang unang

tanong. Ano ang tawag sa mga kumikilos o nagpapagalaw sa

daloy ng kwento ng isang dula?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: (Ilalahad ang tamang sagot.) Ang tamang sagot ay

Tauhan. Pangalawa, Ano ang tawag sa panahon at pook

kung saan naganap ang pangyayaring isinaad sa dula?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: (Ilalahad ang tamang sagot.) Ang tamang sagot ay

tagpuan. Pangatlo, Ano ang tawag sa pagkasunod-sunod ,

istruktura o kabuuan ng mga pangyayari sa dula?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: (Ilalahad ang tamang sagot.) Ang tamang sagot ay

tunggalian. Pang-apat, Ano ang tawag sa pagkasunod-

sunod, istruktura o kabuuan ng mga pangyayari sa dula?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: (Ilalahad ang tamang sagot.) Ang tamang sagot ay

banghay. Ang banghay ay nahahati sa ilang bahagi?

M:
G: Tama, limang bahagi: Simula, papataas na aksyon,

kasukdulan, kakalasan at wakas.

G: Panlima, Ano ang tawag sa kaisipang ginagalawan ng

buong dula, maaring ang moral lesson, pagpapatotoo at

kagyat na pagkatanto?

M:(Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: (Ilalahad ang tamang sagot.) Ang tamang sagot ay tema.

Ngayon ay tutungo na tayo sa pangalawang yugto ng ating

tagisan ng talino. Dadako tayo sa uri ng dula. Unang

tanong. Ano ang tawag sa uri ng dula na naglalaman ng

masidhing pagkasawi, pagkabigo o pagkatalo ng

pangunahing tauhan?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: Ang sagot ay Trahedya! Ito ay kadalasang nagtatapos na

masaya at magaang dalhin ang tema. Ang tauhan ay

palaging nagtatagumpay sa wakas. Anong uri ng dula ito?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: Ang sagot ay Komedya. Pangatalo, Labis ang

kalungkutang nakabalot, Ang tauhan ay palagiang

nahaharap sa maraming mga problema. Ano ito?


M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: Ang sagot ay Melodrama. Pang-apat, Ang layunin ng

dulang ito ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-tawang

kilos o pananalita ng mga tauhan.

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: Ang sagot ay Parsa. Panlima, ano ang tawag sa katawa-

tawang dula dahil sa mismong ugali ng tauhan?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: Ang tamang sagot ay Saynete. Pang-anim, kilala ito bilang

dula na pagsasakatauhan ng isang kilalang personalidad.

Ginagaya ng actor ang kanyang pananalita, pananamit,

pagkilos at iba pa?

M: (Isusulat ang sagot at itataas nila ito pagkatapos ng 15

segundo.)

G: Ang tamang sagot ay parodya. Magaling at nasagot ninyo

ang ating mga tanong.

G: Kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa

bukambibig na salawikain, ang kwento ay pinaiikot dito

upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay. Ano

ito?
M:

G: Ang tamang sagot ay proberbyo. Ngayon dadapo tayo sa

pangatlong yugto: Ang Elemento ng dula. Unang tanong

para sa pangatlong yugto; Ano ang tawag sa mga bitaw na

linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at

maipadama ang mga emosyon?

M:

G: Tama! Dayalogo. Pangalawa; Sino ang mga nagsisilbing

tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip?

M:

G: Ang sagot ay Aktor o tagaganap. Pangatlo; Ano ang tawag

sa anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng

isang dula.

M:

G: Magaling! Panghuli; Sino ang umuunawa sa iskrip mula

sa pagpasya sa anyo ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan

hangggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga

tauhan?

M:

G: Magaling! Ngayon titingnan natin kung kaninong pangkat

ang may pinakamaraming tamang sagot.


D.Paglalapat

G: Tukuyin kung ang mga salitang nakadikit sa pisara ay sangkap

o elemento ng dula.

E. Paglalahat

G: Kung kayo ay gagawa ng dula anong uri ang gusto niyo?


IV. Pagtataya
Tukuyin at sagutin ang binibigyang turing ng bawat pahayag o mga
tanong.
Sangkap ng Dula
1. Ano ang tawag sa mga nagpapagalaw sa daloy ng kwento ng isang dula?

2. Ano ang tawag sa panahon at pook kung saan naganap ang


pangyayaring isinaad sa dula?

3. Ano ang tawag sa pagkasunod-sunod , istruktura o kabuuan ng mga


pangyayari sa dula?

4. Ano ang tawag sa kaisipang ginagalawan ng buong dula, maaring ang


moral lesson, pagpapatotoo at kagyat na pagkatanto?

Uri ng Dula

5. Ano ang tawag sa uri ng dula na naglalaman ng masidhing pagkasawi,


pagkabigo o pagkatalo ng pangunahing tauhan?

6. Ito ay kadalasang nagtatapos na masaya at magaang dalhin ang tema.


Ang tauhan ay palaging nagtatagumpay sa wakas. Anong uri ng dula ito?
7. Ang tauhan ay palagiang nahaharap sa maraming mga problema. Ano
ito?

8. Ang layunin ng dulang ito ay magpatawa sa pamamagitan ng katawa-


tawang kilos o pananalita ng mga tauhan.
10. Ano ang tawag sa katawa-tawang dula dahil sa mismong ugali ng
tauhan?
11.Kilala ito bilang dula na pagsasakatauhan ng isang kilalang
personalidad. Ginagaya ng aktor ang kanyang pananalita, pananamit,
pagkilos at iba pa?
Elemento ng Dula
12. Sino ang umuunawa sa iskrip mula sa pagpasya sa anyo ng tagpuan,
ng damit ng mga tauhan hangggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas
ng mga tauhan?
13. Sino ang mga nagsisilbing tauhan ng dula at nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip?
14. Ano ang tawag sa anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng
isang dula.
15. Ano ang tawag sa mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata
upang maipakita at maipadama ang mga emosyon?

You might also like