You are on page 1of 5

Department of Education

Division of Sorsogon
Hustinios Lastro Integrated High School
Bulan, Sorsogon

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino VIII


February, 17, 2026
6:30 -8:00 am @ Room 12

I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan ang
mga sumusunod:
a. Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di- makatotohanan ng
mga puntong binibigyang diin sa napakinggan
F8PN-Id-f-21
b. Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito
F8PB-Id-f-23
c. Naibibigay ang kahulugan ng mata-talinghangang pahayag sa alamat
F8PT-Id-f-20

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Alamat bilang Akdang Pampanitikan
b. Sanggunian:
1. OHSP Filipino. Alamat Aralin 1-2 & 4
2. EASE Filipino III/ Module 3.pp.26-28/ Module 4.pp.20,21

c. Kagamitan: Libro, Biswal na kagamitan Manila paper, Pentel Pen, Chalk


d. Pagpapahalaga:

PAGKAKAISA

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
-Lahat ay magsitayo para sa pananalangin. -Ang mga mag-aaral ay nagsitayo upang
manalangin.
2. Pagbati
- Magandang umaga mga bata. -Magandang umaga din po, Ginoong
Pelenia.
3. Pagtala ng lumiban sa klase:
- May lumiban ba sa araw na ito? -Wala po.

4. Pagpasa ng mga takdang-aralin:


-Pakipasa ng inyong mga takdang- -Ang takdang-aralin ng mga bata ay
aralin. pinasa sa unahan.
5. Pagbabalik-aral:
- Ano ang tula? - Ang tula po ay isang uri ng
panitikan na pinagyayaman sa
pamamagitan ng paggamit ng
tayutay, at malayang paggamit ng
mga salita sa iba’t-ibang estilo.

- Sa pamamagitan po ng tula ating


naipapahayag an ating mga
damdamin at saloobin sa isang
masining at malikhaing paggawa.
- Mahusay! Ang tula ay isang uri ng
panitikan na ginagamitan ng mga
matatalinghaga, malalalim,
magagandang salita sa ibat-ibang estilo,
kung saan sa pamamagitan nito tayo ay
nakakapagpahayag ng ating mga
damdamin sa isang masining na
pamamaraan.

B. Pagganyak

- Ngayong araw ako ay may inihandang


video o munting palabas. Ang inyong
gagawin lamang ay kumuha ng papel at - Opo.
ballpen at ilista ang mga bagay-bagay na
inyong mapapansin sa palabas. Maaari
ba ‘yun?

- Handa na ba kayo? - Opo.

- Anong anyo kaya ng panitikan ang - Ito po ay isang uri ng Alamat.


inyong napanood?

- Makatotohanan ba ang mga tauhan o - Hindi po. Ang kuwento o ang


hindi kaya ang mga lugar sa kwento? alamat ay nangyari sa kakaibang
lugar na abot lamang ng ating mga
imahinasyon.

- Ano-ano ang napansin ninyo sa inyong - Ang atin’ pong napanood ay


mga napanood? tungkol sa Alamat ng Bahaghari.
Sa aking wari po ay ito ay
tumatalakay sa pinagmulan ng
bahaghari.

- Ang palabas po at ang kwento ay


puno ng kulay.

- Ang mga pangyayari po ay hindi


makatotohanan, gayundin po ang
mga pangunahing tauhan.

- Tunay ngang napakahusay ninyo mga


bata! Tama ang inyong mga napansin at
napuna. Ang inyong napanood ay
tungkol sa “Ang Alamat ng Bahaghari”,
na isang uri ng panitikan. Upang lubusan
nating matutunan kung ano nga ba ang
isang Alamat, tayo na’t talakayin natin
ito.
C. Paglalahad

Ang inyong napanood ay tungkol sa “Ang


Alamat ng Bahaghari”, ngunit upang lalo
nating maunawaan ang alamat atin itong
babasahin.

- Ipapabasa ng guro ang alamat sa


kaniyang estudyante.
- Isa sa mga mag-aaral ay babasahin
- Magaling! Bigyan natin ng tatlong ang akda.
palakpak at tatlong padyak ang inyong
kaklase sa mahusay niyang pagbasa. - Ang mga mag-aaral ay papalakpak
at papadyak ng tatlong beses.
Ang alamat ay itinuturing rin na isang
kwentong bayan na nagpapaliwanag
kung saan nanggaling ang isang bagay.
Ito ay nagpasalin-salin sa mga
henerasyon kung kaya’t ito ay buhay na
buhay parin hanggang ngayon.

Ayon kay Cuasay,(1973) ang Alamat ay


kwentong nagpapaliwanag ng
pinagmulan ng unang bayan, bulaklak,
halaman, bunga, hayop, at karaniwang
bagay.

Kagaya ng inyong napanood, binasa, at


napakinggan ang bahaghari raw ay
nagmula sa pitong kulay na sina Pula,
Kahel, Dilaw, Luntian, Bughaw, Indigo,
at Lila ngunit dahil sa kumpitensyang
naganap sa gitna ng pitong kulay sila ay
nagtalo, kung kaya’t sila ay pinarusahan
ni Bathala at pinagsama-sama sa
kalangitan upang malaman nila ang
kahalagahan ng pagkakaisa at ng
kanilang sarili. ‘Di kalaunan si Bathala
na kanilang hari ay nahabag, at dito
nanggaling ang salitang bahaghari.

Tulad lamang ng karamihang gawang


sining na pasulat, ang isang alamat ay
mayroong “Simula”, “Gitna”, at
“Wakas”.

Simula – ito ay binubuo ng tauhan,


tagpuan at suliranin. Narito ang ilang
bahagi nito sa alamat:

 Ang Tauhan – karakter sa


kuwento
 Tagpuan – lugar na
pinagganapan ng mga eksena sa
kwento.
 Suliranin – problemang
kinaharap ng mga karakter sa
kwentongunit biglang papawiin
ng isang masamang pangyayari.

Gitna – ito ang pinaka-inaabangang


tagpo ng mga kalagayn at tagpo. Narito
ang ilan sa mga bahagi nito.

 Saglit sa kasiglahan - kasiglahan


sa kwento
 Tunggalian – paghaharap o pag-
aaway ng mga karakter
 Kasukdulan – pinakamagandang
parte o bahagi ng istorya

Wakas – tinatapos nito at binubuo ang


isang kuwento. Narito ang ilang bahagi
nito sa alamat.
 Kakalasan – unti-unting pagbuti
ng kwento opapalapit sa
katapusan
 Katapusan – kung saan
nagtatapos ang isang kwento

Ang bawat bayan ay may natatanging


mga kwento ng pinagmulan ng mga
bagay. Sa pamamagitan ng pagsasalin
ng mga kwento sa mga henerasyon ating
napapanatili ang alamat at iba pang
akdang sining.

D. Paglalahat

- Ang alamat po ay maaari nating


- Ano ang inyong natutuhan sa ating ituring na kwentong bayan kung
tinalakay? saan kinukwento nito ang
pinagmulan ng isang bagay.

- Ang alamat po ay isang hindi


- Ang lahat ba ng alamat ay makatotohanan. Ito ay abot lamang
makatotohanan? ng ating mga imahinasyon.

- Napapanatili natin ito sa


- Papaano natin mapapanatili ang mga pamamagitan ng pagsusulat, at
akdang pampanitikang kagaya ng pagsasalita, o pagkukwento sa mga
alamat? bata o bagong henerasyon.

- Magaling! Ngayong nauunawaan na


ninyo kung ano ang alamat bilang isang
akdang pampanitikan, kayo ay humanda
na sa pagtataya.
- Ang mga bata ay kukuha ng isang
- Kayo ay kumuha ng isang buong papel buong papel at naghanda sa
at sagutan ang mga ibibigay kong mga pagatataya.
katanungan.
IV. Pagtataya
A. Isulat ang hinihinging sagot.
1. Ano ang alamat?
2.
3. Ano ang tatlong bahagi ng isang alamat?
4.
5. Ang alamat ay maaari nating ituring na __________?

B. Para sa 5 puntos, Ayon kay Cuasay,(1973) ang Alamat ay kwentong nagpapaliwanag ng


pinagmulan ng unang bayan, bulaklak, halaman, bunga, hayop, at karaniwang bagay. Ano ang
ibig sabihin niya dito?

C. Pumili sa kahon ng mga salita/bagay at ilagay sa puso ang mga salitang makatotohanan
habang ang mga salitang di-makatotohanan ay ilagay sa tatsulok.

Sirena Bumbero Telepono Pari

Guro Higante Karpintero Multo

Bulaklak Alien Unicorn Pusa

Bolpen Pokemon Paru-paro

MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN

V. Takdang Aralin

Magsaliksik ng mga Epiko sa Rehiyong V.

You might also like