You are on page 1of 1

R. G.

De Castro Colleges

Bulan, Sorsogon

Aktibiti 5

Major 7

Finals

Mark Justine Pelenia/ 2nd year/ Bsed Filipino (208)

1. Ang pangkat etniko sa Luzon ay binubuo ng iba't-ibang mga tribo katulad ng Mangyan, Ifugao, Itawis,
Kalinga, Kankanaey, Ilongot, Ibaloy, Isneg, at Ivatan. Ang mga Mangyan ay nakatira sa mga liblib na pook
ng Mindoro. Sila ay mahiyain, kulay kayumanggi, itim ang buhok, maamong mata, at may katamtaman
ang tangkad. Ang pangkat etniko naman ng Ifugao ay naninirahan sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon.
Ang salitang Ifugao ay galing sa salitang ipugo na ibig sabihi ay “mula sa mga burol”. Ang mga Kalinga ay
naninirahan sa pinakahilagang bahagi ng Luzon. Sila ay mahilig sa makukulay na pananamit at
pampaganda. Samantala, ang Itawis ay matatagpuan sa timog kanlurang bahagi ng Cagayan. Galing sa
salitang I at Tawid ang pangalan nila na ibig sabihin ay “mga tao sa kabila ng ilog”. Habang ang Kankana-
ey Sila ay pangatlo sa pinakamalaking pangkat na naninirahan sa Mountain Province ng hilagang Luzon.
Ang ibig sabihin naman ng Ilongot ay “mula sa gubat” dahil sila ay matatagpuan sila sa mga kagubatan
ng Isabela at Nueva Vizcaya. Matatagpuan Ibaloy sa mga bayan ng Kabayan, Bokod, Sablan, Tublay, La
Trinidad, Itogon, Benguet at Tuba na nasa timog silangang bahagi ng Benguet. Kilala naman ang mga
Isneg bilang Apayao o Ina-gang, matatagpuan sila sa Kalinga at Apayao. Sila ay karaniwang nasa
matatarik na dalisdis at mabababang burol na malapit sa mga ilog. At Ang pangkat etniko nama na
Ivatan, ay mga mamamayan ng Batanes. Sila ay relihiyoso, masisipag, matitiyaga, magagalang at
mapagkakatiwalaan.

Ang mga katutubong etniko na ito ay kapwa umaasa sa biyaya ng kalikasan. Ang kanilang kultura,
tradisyon, at mga paniniwala ay saliw sa kanilang pinagmulan at sa kanilag kapaligiran.

2. Ang kanilang mga bahay ay simple lamang. Ito ay naayon din sa kanilang kapaligiran. Halimbawa, ang
mga Ivatan na karaniwang naninirahan malapit sa dagat, ang kanilang tirahan ay yari sa bato at mga
shell. Ang mga Kalinga na naninirahan sa bundok, ang kanilang tirahan naman ay gawa sa mga pawid o
mga kahoy. Gayundin naman ang kanilang mga sasakyan. Ginagamit nila karaniwan ang mga hayop sa
pagbubuhat at pakikipagkalakalan at uri ng sasakyan

You might also like