You are on page 1of 37

Mga Pangkat ng mga Tao sa

Rehiyong
Kinabibilangan Ko
Balikan
LALAWIGAN KAUGALIAN PANINIWALA TRADISYON
Panuto: Isulat sa
Palawan
talahanayan ang kaugalian,
paniniwala at tradisyon ng Oriental
Mindoro
mga lalawigang bumubuo Occidental
Mindoro
sa Rehiyon MIMAROPA. Marinduque

Romblon
Tuklasin
Ano ang Pangkat-Etniko?

Sino-sino ang nakatira sa ating


lalawigan at sa kalapit na rehiyon?

Anong pagkakapareho ng kanilang kaugalian at


saan naman sila nagkakaiba?
Suriin
Ang ating bansa ay binubuo ng pangkat ng mga taong naninirahan
sa iba’t ibang panig nito. Nakikilala ang bawat pangkat sa kanilang
pagkakakilanlan. Ang grupo o pangkat ng mga taong sama-samang
naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kultura, tradisyon at
paraan ng pamumuhay ay tinatawag na pangkat-etniko. Mayroon
silang mga katangian na kakaiba sa ibang pangkat. Sila at ang kanilang
natatanging pagkakakilanlan ay itinuturing na mahalagang bahagi sa
kabuoan ng kulturang Pilipino.
ORIENTAL AT OCCIDENTAL MINDORO
Ang mga Tagalog ang isa sa pinakamalaking pangkat-etniko
sa Pilipinas. Sila ang pangunahing pangkat-etniko sa mga
lalawigan ng Batangas,Cavite, Laguna, Bataan, Quezon,
Camarines Norte, Marinduque at Rizal. Mayroon ding
mahalagang
bilang ng mga Tagalog sa mga lalawigan ng Palawan. Ang
pangalang Tagalog ay mula sa katawagang “taga-ilog” na ang ibig
sabihin ay nakatira sa baybaying ilog. Tagalog ang pangunahing
wika ng mga taga Rehiyon IV – CALABARZON at ng
MIMAROPA.
ORIENTAL AT OCCIDENTAL MINDORO
Ang mga Tagalog ay nabubuhay sa pamamagitan ng
pagsasaka, pangingisda, at pagtitinda. Ang mga Tagalog ay
kinagigiliwan sa pagiging masayahin, matapat, maawain,
mahusay sa pakikipagkaibigan, katalinuhan at kalinangan.
Ang mga Mangyan ay matatagpuan din sa Oriental at
Occidental Mindoro. May iba’t ibang pangkat ng Mangyan na
matatagpuan sa mga kabundukan ng Mindoro. Kabilang dito ang
mga Tao Buhid, Iraya, Hanunuo, Batangan, Alangan,
Tadyawan Ratagnon at Bangon.
ORIENTAL AT OCCIDENTAL MINDORO
Lubha silang kahanga-hanga dahil sa angkin nilang talino. May
sarili silang alpabeto na hanggang ngayon ay kanila pa ring
ginagamit. Ang kanilang mga akda ay nakaukit sa mga kawayan. Ang
kanilang tirahan ay yari sa kahoy, kawayan at damo. Pagsasaka at
pangangaso ang kanilang ikinabubuhay. Paminsan-minsan bumababa
sila ng kapatagan upang makipagpalitan ng kalakal.
Sa pagbubukas ng mga daungan sa Oriental Mindoro, ilang
pangkat mula sa rehiyon ng Visaya ang matatagpuan dito. Ito ay
kinabibilangan ng Bisaya, Aklanon, Ilonggo, Cebuano, at Ilokano.
MARINDUQUE
Ang mga Tagalog ang malaking pangkat ng tao na nakatira dito.
Kilala sila sa pagiging magiliw sa mga panauhin. Katunayan,
pinuputungan nila ng korona ang mga bisita na dumadayo sa kanilang
lugar bilang pagtanggap. Sila rin ang mga taong likas na masayahin.
Madalas silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan
at kapistahan. Tagalog din ang kanilang dayalekto ngunit mayroong
punto ang kanilang salita ang “Ngani” “Mandin” na sinasabing namana
ito sa mga Bisaya. Sa dahilang ito ay malapit sa mga probinsya ng mga
Bisaya, marami na ang mga Bisaya sa lugar na ito.
ROMBLON
Ang Romblomanon ay nakakalat sa mga isla ng Tablas at Sibuyan
sa Romblon. Karamihan sa kanila ay Kristiyano. Sila ay may
pagkakaisa, pagkamagiliw sa panauhin at mapagkawang gawa. Ang
kanilang wika ay kabilang sa mga Bisaya at 73% mauunawaan sa
Hiligaynon.
May mga sinaunang katutubo rin ang makikita rito. Sila ay ang
Sibuyan Mangyan Tagabukid na may malayong katangian at kultura
kumpara sa Mangyan ng Mindoro. Kayutang ang kanilang katutubong
pamamaraan ng komunikasyon bilang tanda ng gawain sa latian.
Marami rin silang mga paniniwala na kakaiba sa ibang pangkat ng tao
sa Romblon.
ROMBLON

Ang isa pang katutubong pangkat ay ang mga Ati na nagmula


sa Panay, tumawid sa mga isla ng Boracay at Carabao bago
tuluyang naglayag sa Isla ng Tablas. Karamihan sa mga Ati ay
mababa, kulot ang buhok, pango ang ilong at matingkad na itim
ang kulay ng balat. Hindi sila nakikihalubilo sa ibang lahi ng tao
at hindi rin sila pumipirmi sa isang lugar. Pangangaso, pamimitas
ng bungang kahoy sa gubat, pangingisda, at pagkakaingin ang
kanilang ikinabubuhay.
PALAWAN
Ang Batak ay isang pangkat ng mga katutubong Pilipino na
namamalagi sa hilagang-silangan ng Palawan.
Ang Kagayanen ay mula sa munisipalidad ng Cagayancillo,
Palawan.
Ang Molbog ay mula sa Balabat Island at matatagpuan din sa
iba pang mga isla ng baybayin ng Palawan na malayo sa hilagang
Panakan. Ang salitang Malubog ay nangangahulugan ng “madilim
o maputik na tubig”. Ang Molbog ay isang mandarayuhan na mga
tao mula sa kalapit na North Borneo.
PALAWAN
Ang Palawano ay mga tribu ng mga tao na natagpuan sa
Southern Palawan partikular Quezon, Palawan.
Ang Tagbanwa ay matatagpuan sa kanluranin at silangang
baybayin lugar ng Central Palawan. Ang kanilang pangalan ay
nangangahulugan na “mga tao ng daigdig”. Ang mga ito ay
makikita sa munisipyo ng Aborlan, Palawan, Quezon, at lungsod
ng Puerto Princesa. Sila ay mula sa lahi ng mga Indones. Sila ay
matatangkad at may matitipunong katawan. Mahahaba ang buhok
ng mga kababaihan.
PALAWAN
Palay ang pangunahin nilang produkto. Mula rito, gumagawa
sila ng alak. Marami silang gawaing panrelihiyon na
pinangungunahan ng tagapamagitan sa espiritu o babaylan.
Kabilang dito ang seremonya sa pagpapasalamat sa masaganang
ani.
Ang Taw’t Bato ay nangangahulugang “mga tao ng mga bato.”
Ang mga ito ay natagpuan sa Singnapan Basin, isang lambak sa
pagitan ng Mount Mantalingajan sa silangan at ang baybayin sa
kanluran ng Quezon Palawan.
PALAWAN
Ang mga Cuyunon ay naninirahan sa mga pulo ng Busuanga.
Agutaya at Cuyo sa gitna ng Dagat Sulu sa silangan ng Palawan at
timog-kanluran ng Panay. Ayon kay Padre Luis de Jesus, isa sa
mga Espanyol na nakarating sa Cuyo at Busuanga, ang mga
Cuyunon ay may dugong Tsino kaya masisipag sila at matatalino.
Pagkakaingin ang kanilang paraan ng pagsasaka. Nagtatanim sila
ng palay, mais, kamote, at ube. Pangalawang pinagkukunan ng
kanilang ikinabubuhay ang pangingisda.
IBANG PANGKAT NG MGA TAO SA REHIYON
Ayon sa Philippine Census 2010, may ilang pangkat ng mga
dayuhan ang naninirahan sa mga lalawigan sa ating rehiyon. May
ilang pangkat ng mga Chinese o Tsino. Halos lahat sa kanila ay
mga negosyante. Meron ding tinatawag na Indian na nanggaling
sa bansang India. Karaniwang tawag sa kanila ay mga Bombay.
Sila din ay mahilig magnegosyo. Ang ibang pangkat ng mga tao
na dumayo sa ating rehiyon at permanente nang naninirahan dito
ay mga Amerikano, Espanyol, Hapones, at iba pa.
Pagyamanin Panuto: Hanapin sa
Hanay B ang pangkat-
etnikong tinutukoy sa
Hanay A. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa
Gawain A
iyong Kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Pangkat-etniko na nakakalat sa mga isla ng Tablas at Sibuyan sa
Romblon.
2. Isang pangkat ng mga katutubong Pilipino na namamalagi sa
hilagang-silangan ng Palawan A. Batak
3. Isa sa pinakamalaking pangkat-etniko sa Pilipinas na nagmula sa
salitang “taga-ilog” na ang ibig sabihin ay nakatira sa baybayin ng ilog. B. Mangyan
4. Pangkat-etniko na matatagpuan sa Oriental at Occidental Mindoro.
Kabilang dito ang mga Tao Buhid, Iraya, Hanunuo, Batangan, Alangan,
Tadyawan, Ratagnon, at Bangon. C. Romblomanon
5. Ang kanilang pangkat ay nangangahulugang “mga tao ng mga bato.”
Ang mga ito ay natagpuan sa Singnapan Basin, isang lambak sa pagitan D. Taaw’t Bato
ng Mount Mantalingajan sa silangan at ang baybayin sa kanluran ng
Quezon, Palawan.
E. Tagalog
Pagyamanin Panuto: Tukuyin ang mga
pangkat-etnikong
inilalarawan. Ayusin ang
mga titik upang makuha
ang tamang sagot. Isulat ito
Gawain B sa loob ng kahon.
1. G A L T O G A
2. N U C Y O N U
Sila ay nabubuhay sa
pamamagitan ng pagsasaka,
pangingisda at pagtitinda. Ang mga ito ay may
Kinagigliwan sila dahil sa dugong Tsino kaya
pagiging masayahin, masisipag sila at
matapat at maawain. matatalino. Pagkakaingin
ang kanilang paraan ng
pagsasaka
3. G A W T B A N A
4. G A N Y M N A
Sila ay matatangkad at may
matitipunong katawan. Lubha silang kahanga-
Mahahaba ang buhok ng hanga dahil sa angkin
mga kababaihan. Palay ang nilang talino. May sarili
pangunahin nilang produkto. silang alpabeto na
Mula rito, gumagawa sila ng hanggang ngayon ay kanila
alak. Marami silang mga pa ring ginagamit. Ang
gawaing panrelihiyon.
kanilang mga akda ay
nakaukit sa mga kawayan.
5. S I T O N

Sila ay mga dayuhang


nagmula sa Tsina.
Mahilig silang mag
negosyo at halos lahat sa
kanila ay negosyante
Pagyamanin Panuto: Tukuyin ang
salita/ mga salita na
ipinahihiwatig sa mga
pahayag sa bawat bilang sa
ibaba. Isulat ang tamang
Gawain C sagot sa patlang.
_____1. Ito ang karamihang pangkat ng tao sa Marinduque?
_____2. Ito ay pangkat ng tao mula sa munisipalidad ng Cagayancillo,
Palawan.
_____3. Ang pangalan ng kanilang pangkat ay nangangahulugang
mga tao ng daigdig.
_____4. Ito ang pangunahing wika na ginagamit ng mga naninirahan
sa buong Rehiyon ng MIMAROPA.
_____5. Ang lalawigan kung saan matatagpuan ang mga sinaunang
katutubo na Sibuyan Mangyan Tagabukid, at Ati.
_____6. Ito ang isa sa ikinabubuhay ng karamihan sa pangkat-etniko
sa lalawigan at sa mga kalapit na lalawigan sa rehiyon.
______7. Sila ay mga sinaunang katutubong pangkat ng Romblon.
Sila ay may malayong katangian at kultura kumpara sa Mangyan ng
Mindoro.
______8. Ito ay grupo o pangkat ng mga taong sama-samang
naninirahan sa isang lugar na may sariling wika, kultura, tradisyon at
paraan ng pamumuhay.
_____________9. Ang mga Tagalog ay kinagigiliwan sa pagiging
matapat, maawain, mahusay sa pakikipagkaibigan, katalinuhan,
kalinangan at _______________.
____________10. Sila ay mga katutubong pangkat ng Romblon na
nagmula sa Panay. Sila ay mababa, kulot ang buhok, pango ang ilong
at matingkad na itim ang kulay ng balat.
Isaisip
Ang pangkat etniko ay tumutukoy sa ________. Sila at ang
kanilang natatanging pagkakakilanlan ay itinuturing na mahalagang
bahagi sa kabuoan ng kulturang Pilipino.
Matatagpuan sa Oriental at Occidental Mindoro ang pangkat ng
mga ___________. Lubha silang kahanga-hanga dahil sa angkin
nilang talino at may sariling alpabeto na hanggang ngayon ay kanila
pa ring ginagamit. Kabilang dito ang mga _______, _______,
________, ________, ________, ________ at _______.
Isaisip
Samantala ang mga _______________ ay malaking pangkat ng
tao na matatagpuan sa Marinduque. Kilala sila sa pagiging magiliw
sa mga panauhin na pinatutunayan ng tradisyon nila na pagpuputong
ng korona sa mga bisita na dumarayo sa kanilang lugar bilang
pagtanggap.
Ang ______________ ay pangkat ng tao na nasa mga isla ng
Tablas at Sibuyan sa Romblon. Karamihan sa kanila ay Kristiyano.
Sila ay may pagkakaisa, pagkamagiliw sa panauhin at
mapagkawang gawa.
Isaisip
Ang ________________ ay mga sinaunang katutubo rin dito na
may malayong katangian at kultura kumpara sa Mangyan ng
Mindoro.
Ang kabuoang lalawigan ng Palawan ay pinaninirahan ng iba’t
ibang pangkat-etniko. Kabilang dito ang ___________,
___________, ___________, ___________, ____________,
____________at ___________. Ang mga ito ay mayroong
mayayamang kultura na lalong nagpakilala sa lalawigan ng
Palawan.
Isagawa
Gawain : Pangkat Etniko Ko, Pahahalagahan Ko!

Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano mo


mapapahalagahan ang bawat pangkat ng tao sa
lalawigang iyong kinabibilangan at sa mga kalapit
na lalawigan sa rehiyon?
Tayahin
Panuto: Unawain ang mga tanong/
pahayag sa bawat bilang. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay mga 2. Malaking porsiyento ang
pangkat-etniko na bumubuo sa pangkat-etniko
matatagpuan sa Palawan, ngMarinduque ay
MALIBAN sa ________________.
______________. A. Bisaya
A. Mangyan B. Hiligaynon
B. Molbog C. Mangyan
C. Palawano D. Tagalog
D. Tagbanwa
3. Ayon sa Philippine Census 2010, may ilang pangkat ng
dayuhan ang naninirahan din sa ating lalawigan na galing sa
India. Mahilig din silang magnegosyo. ___________ ang
karaniwang tawag sa kanila.
A. Amerikano C. Hapones
B. Bombay D. Tsino
4. May bagong lipat na mga pangkat ng Mangyan sa inyong
lugar. Lumapit sa iyo ang kanilang anak at gustong
makipaglaro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Layuan at katakutan siya
B. Awayin ang batang Mangyan.
C. Makipagkilala at isali sa iyong laro.
D. Huwag pansinin dahil kakaiba ang kanyang
hitsura.
5. Ano ang maaari mong magawa bilang mag-aaral upang
maipagmalaki ang ating sariling pangkat-etnito?
A. Mag-aral nang mabuti para sa sariling kinabukasan
B. Sabihin sa ibang pangkat-etniko na mas magaling ka
C. Pumunta sa ibang pangkat-etniko at doon manirahan
D. Makilahok sa mga gawaing nagpapaunlad ng pamayanan
A. A at D B. C at D C. A at C D. A at C
Karagdagang Gawain
Panuto: Tumukoy ng isang pangkat-etniko/
pangkat ng tao sa iyong lalawigan. Isulat ito sa
loob ng kahon sa ibaba. Ilarawan ang pangkat-
etniko/ pangkat ng tao na napili mo.
Salamat
Po!

You might also like