You are on page 1of 6

Learning Activity Sheets (LAS)

IKA-APAT NA MARKAHAN- IKALAWANG LINGGO


Mga Manunulat:
SHIELA G. MARIANO
Teacher-III,Tugdan ES
Quality Assurance/ Review Team Members:

ELEONOR G. CANDIDO MARICAR C. GACULA


Master Teacher-II,Calagonsao ES Head Teacher – III ,Camili ES

RIGA G. PANOGAN
Principal- 1, Calagonsao ES

JOSE O. GARCIA
Public Schools District Supervisor
Alcantara District Supervisor
t
1
MTB-MLE 3 ARALIN 4
UNANG Pagsulat ng Panuto
MARKAHAN
IKA -APAT NA
LINGGO

ALAMIN :
Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay
inaasahang:
 Natutukoy ang mga talatang naglalahad ng 3-5 hakbang sa
pagsagawa ng isang gawain.
 Nasusunod ng may kawilihan ang mga panuto
 Nagagamit mo ang mga pananda tulad ng una, ikalawa,
ikatlo, kasunod, pagkatapos, sa huli, sa wakas o katapusan.

Tuklasin at Suriin

Paano nga ba magsaing? Ano-ano ang tamang hakbang sa


pagsasaing?
Basahin ang pamamaraan ng pagsaing.
PAMAMARAAN NG PAGSASAING NG MASARAP NA KANIN

Mga Sangkap:
 3 takal/ tasa (cups) bigas

 4 1/2 takal/ tasa tubig

Pamamaraan:

2
Una, hugasan ang bigas nang dalawang beses at itapon
ang
tubig.
Ikalawa, lagyan ng 4 1/2 takal/ tasang tubig. Takpan ang
kaldero at lutuin sa katamtamang apoy. Hayaang kumulo sa loob
ng 15 – 20 minuto hanggang tuluyang matuyo o mawala ang
sabaw.
Ikatlo, patayin ang apoy at hayaan munang nakatakip sa
loob
ng 10 minuto.
Sa wakas ay maari nang ihain sa mesa at pagsaluhan ang
masarap na kanin.

1.Tungkol saan ang gawain?


___________________________________________________________________

2.Ano ang mga sangkap na kailangan sa pagsasaing?


________________________________________________________________

3.Ano ang unang hakbang sa pagsasaing?


_______________________________________________________________

4.Ano ang ikalawang hakbang sa pagsasaing?

_______________________________________________________________
5.Ano ang ikatlong hakbang sa pagsasaing?
_______________________________________________________________

6.Ano ang huling hakbang sa pagsasaing?


_________________________________________________________________

3
Isaisip
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bawat patlang kung ang
pangungusap ay gumamit ng salitang pananda at ekis (x) naman
kung hindi.
1. Una, pumili ng magandang pinya.
2. Iwasan ang pinyang walang amoy o amoy maasim na.
3. Ikalawa, magsimula sa tuktok ng pinya at gupitin ang panlabas
na shell hanggang sa maabot mo sa ilalim.
4. Panatilihin ang pinya patayo at pansinin kung paano
nakaayos ang mga mata sa mga linya ng dayagonal .
5. Pagkatapos, ilagay ang iyong kutsilyo sa kaliwang bahagi
ng isa sa mga linya ng dayagonal.

Isagawa
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paglalaba. Isulat
ang Una, Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat at Panghuli sa patlang.
1. Ihanda ang mga gamit panlaba tulad ng sabon, batya,
timba, at tubig.
2. Kusutin ang mga damit sa tubig na may sabon
hanggang matanggal ang dumi.
3. Ilagay ang mga damit sa batyang may tubig atsabon.
Unahin palagi ang puti bago ang may kulay.
4. Banlawan ang mga damit upang matanggal ang
sabon.
5. Isampay upang matuyo.

4
Tayahin
Panuto: Sumulat ng hakbang upang maipahayag ang tamang
paraan ng paliligo.

Hakbang sa Paliligo

Rubriks sa Pagsulat ng Panuto

KRAYTIRYA PUNTOS
Naibigay ang lahat ng hakbang sa pagsasagawa ng
piniling gawain. Tama ang lahat ng panandang sali- 5
tang ginamit.
May isang kulang na hakbang sa pagsasagawa ng
piniling gawain. May isang maling gamit na panan- 4
dang salita.
May dalawang kulang na hakbang sa pagsasagawa
ng piniling gawain. May dalawang maling gamit na 3
panandang salita.
May tatlong kulang na hakbang sa pagsasagawang
piniling gawain. May tatlong maling gamit na 2
panandang salita.
May apat na kulang na hakbang sa pagsasagawa
ng piniling gawain. May apat maling gamit na 1
panandang salita.
5
Susi sa Pagwawasto

Tuklasin at Suriin Isagawa

Iwawasto ng guro 1. Una

Isaisip 2. Ikatlo

1,⁄ 3. Ikalawa

2.× 4. Ikaapat

3. ,⁄ 5. Panghuli

4. .× Tayahin

5. . ,⁄ Iwawasto ng guro

Sanggunian Curriculum Guide sa MTB-MLE 3,


Most Essential Learning Competencies 2020 p.495
Bagong Filipino 3, Binagong Edisyon p.36-37,43-45,147-
148
http://lifeofahero.tumblr.com/post/1026720649/buod-
ngtalambuhay-ni-dr-jose-rizal

You might also like