You are on page 1of 7

Filipino 3 Kuwarter 1_5

Pangalan ng Mag-aaral ______________________Baitang: ______


Guro:_________________________________________Petsa :________

Dapat Tandaan sa Pagsunod ng Panuto


1.Unawaing mabuti ang nakasulat na panuto. Kung ito ay
pasalita, pakinggang mabuti ang nagbibigay ng panuto.
Kung ito naman ay pasulat o binabasa, mas mainam na
basahin ito ng dalawang beses.
2.Kung mahaba ang panuto, isulat at intindihin ang
mahahalagang detalye.
3.Kung hindi malinaw, maaaring ipaulit ang panutong hindi
naintindihan.

Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan na:


Nakasusunod sa nakasulat na panuto na may 2-4 hakbang
F3PB-Ic-2 F3PB-IIc-2 F3PB-IVb- 2

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5


Gawain 1: Iayos ang mga panuto na nakasulat sa ibaba.
Lagyan ng numero 1-4 ang patlang upang maisunod-
sunod ang tamang hakbang. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
Hakbang sa Paglilinis ng Ngipin:
_____Panghuli, magsipilyo sa umaga at gabi.
_____Pangalawa, sipilyuhin ang ngipin nang paitaas at
paibaba.
_____Una, maglagay ng tamang dami ng toothpaste sa
sipilyo.
_____Pangatlo, idura ang toothpaste at magmumog
gamit ang malinis na tubig.

Gawain 2
Panuto: Gamit ang inyong sagutang papel, gawin ang
sumusunod, basahing mabuti ang panuto para sa
wastong pasunod-sunod.
1. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito isulat ang
pangalan mo.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5


2. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang puso, kulayan
ito ng pula.
3. Sa itaas ng bilog, gumuhit ng isang ulap. Isulat dito
ang isang utos na sinunod mo sa bahay.
4. Sa kaliwa ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat
dito ang isang bagay na ayaw mong gawin.
5. Sa ibaba ng bilog, gumuhit ng isang parihaba. Isulat
dito “Ako ay masunurin”

Gawain 3
Panuto: Sundin ang bawat panuto para makabuo ng
makabuluhang gawain.
1. Gumuhit ng kahon sa loob nito isulat ang gagawin
mo para hindi ka mahuli sa klase.
2. Gumuhit ng tatsulok sa loob nito sumulat ng isang
pangngusap kung ano ang gagawin mo kapag
itinataas na ang ang watawat ng Pilipinas.
3. Gumuhit ng bilog at sa loob nito isulat kung ano
ang gagawin mo kapag alam mong may
pagsusulit kayo sa paaralan.
4. Gumuhit ng bilog at sa loob nito isulat mo kung ano
ang gagawin mo kapag nakasalubong mo ang
guro mo sa umaga.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5


5. Gumuhit ng parihaba sa loob nito isulat kung ano
ang gagawin mo para mapanatiling malinis ang
inyong paaralan.
6. Gumuhit ng puso at sa loob nito sumulat ng
dalawang hakbang kung papaano magiging
isang responsableng mag-aaral.

Lagi nating isabuhay na mahalaga ang


______________ sa alituntunin ng ating paaralan.
Nagkakaroon ng kaayusan at katiwasayan kung ang
lahat ay may disiplina sa sarili.

Ang ____________ ay ang mga tagubilin, gabay o


direksiyon sa pagsasagawa ng mga gawain.

Kailangan itong sundin sapagkat ______________


_______________________________________________________
__________________________________________.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5


1. Rubillos, C,. (2020). Filipino 3 Kwarter 1 Modyul 6: Pagsunod sa Nakasulat
na Panuto na may 2-4 na hakbang.
2. Gavino, T,. (2020). Filipino 3 Kuwarter 1 Modyul 6: Ang Panuto, SDO,
Camarines Sur.
3. K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department of
Education 2016, 45-66 K to
4. 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade 3.
Department of Education Curriculum and Instruction Strand 2020, 150-
153

Gawain 1

4 Panghuli, magsipilyo sa umaga at gabi.


2 Pangalawa, sipilyuhin ang ngipin nang paitaas at
paibaba.
1 Una, maglagay ng tamang dami ng toothpaste sa
sipilyo.
3 Pangatlo, idura ang toothpaste at magmumog
gamit ang malinis na tubig.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5


Gawain 2

Maglaba
ng mga Nena
damit

Ako ay masunurin

Gawain 3
1.
Gigising ako nang maaga
para hindi ako mahuli sa
klase

2.

Tatayo ng tuwid at
ilalagay ang kanang
kamay sa dibdib sabay
aawitin ang
pambansang awit ang
LUPANG HINIRANG.

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5


3.

Mag-rereview
bago ang
pagsusulit

4. Babatiin ko
siya ng
magandang
umaga po!

5. Maglilinis ako araw- araw

6.
1. Sumunod sa mga
iniuutos ng Guro
2. Sundin ang
Alituntunin ng
Paaralan

Inihanda Ni:
EVAN LEE P. LEONEM
Guro III
Milaor Central School

DO_Filipino Baitang 3 _K1_LP5

You might also like