You are on page 1of 21

2

Filipino
Ikaapat na Markahan – Module 2:
Mga Salita sa Paligid at Batayang
Talasalitaan

CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Filipino – Baitang 2
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Mga Salita sa Paligid at Batayang Talasalitaan

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang bahagi ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Bernadette G. Lising


Patnugot ng Wika: Remedios C. Gerente, Marieanne C. Ligsay
Tagasuri: Edquel M. Reyes, Alma T. Bautista, Remedios C. Gerente
Sonny N. De Guzman, Marieanne C. Ligsay
Tagaguhit: Isagani D. Tique, Norman B. Cruz
Tagalapat: Armando Deogines A. Garcia, Norman B. Cruz, Ria V. Omaña
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, Ronilo Al K. Firmo
Ma. Editha R. Caparas, Nestor P. Nuesca
Edgard C. Domingo, Leondro C. Canlas, Elizabeth O. Latorilla
Sonny N. De Guzman, Remedios C. Gerente

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Region III


Office Address: Matalino St.,Diosdado Macapagal Government Center,
Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
Mga Salita sa Paligid at Batayang
Talasalitaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy


na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na


ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Alamin

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang mababasa


mo ang mga salitang madalas makita sa paligid (F2PP-
IIe.2.2) at mababasa ang batayang talasalitaan (F2PP-
IIIe.2.1).

Subukin

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagsagot.

Panuto: Tignang mabuti ang sumusunod na babala. Piliin


sa loob ng kahon ang kahulugan na tumutukoy sa bawat
babala at isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.

A. bawal manigarilyo

B. bawal pumitas ng bulaklak

C. bawal magtapon ng basura

D. bawal umapak sa damuhan

E. bawal tumawid

1 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
1. 2.

3. 4.

5.

2 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Aralin
Mga Salita sa Paligid at
1 Batayang Talasalitaan
Ang pagbasa ay isa sa mahalagang kasanayan na
dapat mong matutuhan. Kapag natuto kang magbasa,
ang mga salitang makikita mo sa paligid ay kaagad
mong matutukoy katulad ng tanging ngalan ng tao,
bagay, hayop o lugar.

Balikan

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagsagot.

Panuto: Pantigin at isulat kung ilang pantig ang


sumusunod na salita. Isulat sa sagutang papel ang
tamang sagot.

Pagpapantig Bilang ng pantig


1. sapatos
2. bestida
3. aparador
4. pantalon
5. kamiseta

3 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Tuklasin

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagbabasa at pag-unawa ng aralin.
Naranasan mo na bang mamasyal sa iyong
pamayanan? Ano-ano ang mga bagay na iyong
napapansin sa isang pamayanan? Ano-ano ang mga
salitang iyong nakikita sa pamayanan? Kaya mo na bang
basahin ang mga ito?
Basahin mo ang kuwento at tuklasin ang mga salita
na makikita sa iyong paligid.

Sa Barangay Dapdap
ni Bernadette G. Lising

Kumusta? Ako si Aya. Ngayong araw ay


samahan mo akong mamasyal sa Barangay
Dapdap at subukan nating basahin ang mga
salitang ating makikita sa ating pamamasyal.

4 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Ito ang aming paaralan,
Paaralang Elementarya ng
Dapdap. Dito kami
natututong magbasa at
magsulat.

Ito naman ang parke.


Madalas kaming
maglaro ng mga
kaibigan ko rito.

5 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Ito naman ang aming
palengke. Dito kami namimili ng
aming pagkain. Makikita rin dito
ang tindahan ng nanay ko.

Ito naman ang aming


klinika. Dito kami
nagpapagamot kung
nagkakasakit.

6 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Ilan lamang iyan sa mga
lugar dito sa aming
pamayanan. Sa inyong
pamayanan, ano-ano ba
ang mga salitang nakikita
mo sa iyong paligid?

Sagutin mo ang tanong at isulat sa sagutang papel ang


iyong sagot.

Ano-ano ang mga salitang ipinakilala ni Aya sa kanyang


pamayanan?

Suriin

Gawain ng magulang/guro: Ipaliwanag at ipabasa ito sa


bata.
Ang mga salita sa ating paligid ay dapat mong
matutunang basahin dahil ang mga ito ay maaaring
tumutukoy sa tanging ngalan ng tao, bagay, hayop o
lugar. Ang mga salita na iyong mababasa sa
pamayanan ay ang paaralan, guro, mag-aaral, mesa,
pinto, aso.

7 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Pagyamanin

Gawain 1
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa
pagsagot.
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang ngalan ng
sumusunod na mga larawan. Isulat sa sagutang papel
ang tamang sagot.

1.

2.

3.

8 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
4.

5.

Gawain 2

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagsagot.
Panuto: Basahin ang mga salita sa bawat hanay. Piliin
ang salitang akma para sa larawan. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

1. aso pusa bibe

9 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
2. ibon kambing baboy

3. isda baka suso

4. palaka bibe manok

5. aso ibon pusa

10 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Gawain 3
Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa
pagsagot.
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap at
tukuyin ang miyembro ng pamilya na inilalarawan sa
bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang tamang
sagot.

tatay nanay kuya ate bunso

________________1. ilaw ng tahanan

________________2. haligi ng tahanan

________________3. nagbibigay saya sa pamilya

________________4. tumutulong kay nanay sa mga


gawain

________________5. tumutulong kay tatay sa mga Gawain

11 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Isaisip

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagsagot.

Ang mga salitang madalas kong nababasa mula sa


aking pamayanan ay _____________,________________,
________________, _________________, __________________.

Isagawa

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagsagot.
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin
sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.

botika yelo kidlat pisara ulam lata

1. Ang ________________ namin ay Adobo.


2. Bumili ng gamot sa __________________ si nanay.
3. May kasamang kulog at ______________ ang ulan.
4. Nakasulat sa _______________ ang pinapaggawa ng
guro.
5. Lagyan mo ng ____________ ang tubig para lumamig.

12 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Tayahin

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagbabasa ng mga salita.
Panuto: Basahin ang mga salita mula sa batayang
talasalitaan. (Ang iyong magulang o tagapag-alaga ang
tutulong sa iyo sa pagmamarka gamit ang rubrik.)

klase kamote braso aso raketa


ilog relo bato pula bahay
pusa keso susi luya araw

Rubrik:

Pamantayan Iskor

Nabasa lahat ng mga


5
salita

Nabasa ang 11-14 na salita 4

Nabasa ang 7-10 na salita 3

Nabasa ang 4-6 na salita 2

Nabasa ang 1-3 na salita 1

13 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Karagdagang Gawain

Gawain ng magulang/guro: Gabayan ang bata sa


pagsagot.
Panuto: Basahin at isulat mo ang limang salita na nakikita
mo sa iyong tahanan. (Ang iyong magulang o tagapag-
alaga ang tutulong sa iyo sa pagmamarka gamit ang
rubrik.)

1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
3. ____________________________________________________
4. ____________________________________________________
5. ____________________________________________________

Rubrik:

Pamantayan Iskor

Nabasa lahat ng mga


5
salita

Nabasa ang 4 na salita 4

Nabasa ang 3 na salita 3

Nabasa ang 2 na salita 2

Nabasa ang 1 na salita 1

14 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
CO_Q4_Filipino 2_ Module 2 15
Subukin Gawain 1
1.paaralan 1. bunso
2. ospital 2. tatay
3. parke 3. ate
4. palengke 4. nanay
5. simbahan 5. kuya
Gawain 2
1. manika
Balikan Isagawa 2. yoyo
1. 3 1. ulam 3. bola
2. 3 2. botika 4. regalo
3. 4 3. kidlat 5. trumpo
4. 3 4. bibe
5. 4 5. pusa Gawain 3
1. aso
2. ibon
3. suso
4. bibe
5. pusa
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
A. Mga Aklat

Most Essential Learning Competencies (MELC) KG – Arts-


Ikalawang Baitang. p.277

Patnubay ng Guro sa Music, Arts, Physical Education and


Health- Ikalawang Baitang.pp. 138-140

16 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

17 CO_Q4_Filipino 2_ Module 2

You might also like