You are on page 1of 21

4

Edukasyong
Pangkalusugan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ating Alamin at Unawain
Edukasyong Pangkalusugan– Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 1: Ating Alamin at Unawain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban samodyulna ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Brigitte L. Suanzon, Rhea B. Javier
Editors: Marella L. Ferrer, Renia D. Lena
Tagasuri: Evelyn C. Frusa PhD, Napoleon G.Comicho, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Tagaguhit: Brigitte L. Suanzon
Tagalapat: Arcadio G. De Jesus III
Pabalat na may Malikhaing Disenyo: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero EdD, CESE – Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Magdaleno C. Duhilag Jr. - REPS, MAPEH
Belen L. Fajemolin PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa PhD – Division EPS In Charge of LRMS
Bernadita M. Villano – ADM Coordinator
Napoleon G. Comicho – EPS, MAPEH Supervisor

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
4

Edukasyong
Pangkalusugan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ating Alamin at Unawain
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pangkalusugan 4 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Modyul 1: Ating Alamin at Unawain!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pangkalusugan-4 ng Self-Learning Module


(SLM) ukol sa Ating Alamin at Unawain!

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ibinabahagi sa modyul na ito ang kahalagahan pagbasa ng pakete/ food labels sa


mga produktong pagkain na binibili dahil naglalaman ito ng mga impormasyon
makatutulong sa ating kalusugan.
Ilan sa mga impormasyong nakalimbag dito ay ang mga sumusunod:

a. Malaman ang tatak, uri, at manufacturer ng pagkain (kung sakaling ito ay

may depekto o sira, malalaman ang pangalan ng kompanya at lugar kung

saan ito ginawa);

b. Mauunawaan ang nutrisyong nilalaman ng pagkain (para sa wasto at

tamang dyita/ balanced diet);

c. Makuha ang babala tungkol sa nilalaman ng pagkain (tulad ng mga

allergens na maaaring magdulot ng reaksyon sa katawan);

d. Malaman kung paano mapanatiling sariwa ang pagkain (at hindi agad

masira at mapanis); at

e. Makakuha ng impormasyong maaaring ihambing sa iba pang pakete/food

labels para sa mas wais na pamimili.

Batayang Pagkatuto/ Layunin


Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbasa ng mga pakete/food
label sa pagpili at pagbili ng mga pagkain.

1
Subukin

Panuto: Basahin ang mga tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang
titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Bakit mahalagang basahin ang mga impormasyon sa pakete/Food Labels?


A. upang malaman ang lasa
B. upang malaman natin ang petsa ng pagkakagawa nito.
C. upang malaman ang tamang oras sa pagkain.
D. upang malaman kung kailan masisira, ginawa at mga nutrisyong
makukuha rito.
2. Alin sa sumusunod ang mapanganib na dulot ng hindi pagbabasa
ng pakete/food labels?
A. pagsakit ng tiyan
B. pagiging malusog
C. pagkaroon ng maliksing pangangatawan
D. pagiging bibo
3. Bumili ng mga produktong pagkain ang iyong nanay sa palengke. Siya ay
nagmamadali kaya hindi niya nabasa ang pakete/food label ng mga nabili. Ilan
sa mga ito ay expire na pala. Ano ang maaring magiging epekto nito?
A. Pagkaroon ng savings.
B. Mas masarap ang mga pagkaing nabili.
C. Pagkaroon ng masustansiyang pagkain.
D. Pagkasayang ng pera.
4. Alin ang dapat mong gawin bago bibili ng mga produktong pagkain?
A. Tikman muna ito
B. Bayaran kaagad ito.
C. Basahin muna ang food label.
D. Basahin kung ano ang mga sangkap nito.

2
5. Ano ang mabuting epekto kapag binabasa ang mga impormasyon sa pakete/
food labels
A. pagkapanis ng pagkain
B. pagkaroon ng allergic reaction
C. pagkaroon ng sakit
D. pagkaroon ng tamang impormasyon
6. Oras ng tanghalian, kinuha ni Claire ang kanyang baon at kaagad itong kinain
ng hindi inamoy ang laman nito. Pagkalipas ng ilang oras ay sumakit ang
kanyang tiyan. Ano
kaya ang maaaring dahilan ng pagsakit nito?
A. malamig na ang kaniyang baon
B. panis na ang kanyang baon.
C. sariwa pa ang baon niya
D. hindi natakpan ng mabuti ang lalagyan ng kaniyang pagkain
7. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng wastong pagsuri sa mga
produktong pagkain?
A. agad itong titikman
B. suriin ang presyo nito
C. tingnan ng mabuti kung kaakit-akit ba ang kulay ng pakete
D. pagbasa ng mga nakasulat sa pakete/food label.
8. Kumakain kayo ng iyong mga kaibigan at bigla kang nakaramdamng
pangangati sa katawan at hirap sa paghinga. Ano ang maaaring dahilan nito?
A. maling nutrisyon
B. sariwang pagkain
C. pagkaroon ng allergic reaction
D. mamahalin ang pagkain
9. Ano ang maaring epekto ng hindi wastong pagbasang mga pakete/food labels?
A. makapagpalubha ng sakit
B. pagtaba
C. pagkaroon ng malusog na pangangatawan
D. pagkamainitin ang ulo

3
10. Sa anong paraan pinakamabisa mong malalaman ang mga mahalagang
impormasyon ng isang produktong pagkain?
A. sa pagtanong-tanong sa mga kaibigan
B. sa pagbasa ng mga nakalimbag sa pakete/ food labels
C. sa panonood sa telebisyon
D. sa pakikinig sa radyo

4
Aralin

1 Ating Alamin at Unawain

Ang mga produktong pagkain ay may mga nakalimbag na impormasyon sa pakete


nito.Mahalaga ang label ng mga pagkaing ating binibili hindi lang para madali
nating matandaan ang isang produkto, kundi para malaman natin kung ano ang
kabutihang dulot nito sa ating kalusugan.

Balikan

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang

papel.

1. Ano ang una mong ginagawa bago kainin o inumin ang isang produktong
pagkain?
2. Bakit mo ito ginagawa? (Ipaliwanag ang dahilan)

MgaT al a par a saGur o

Ang food label ay makikita sa mga pakete ng mga produktong


pagkain na naglalaman ng iba’t ibang impormasyon tungkol sa
laman nito.

5
Tuklasin

Tukuyin Natin…

Panuto: Suriin ang larawan at sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sagot sa

sagutang papel.

1. Ipaliwanag kung paano nagagamit ang mga sumusunod na bahagi ng


katawan para sa pag-unawa ng pakete/food labels.

mata Tainga tainga Ilong I ilong

Dila dila Kamay kamay

2. Ano-ano ang maaaring mangyari sa iyo kapag hindi binabasa ang


mga pakete/food labels?

6
Suriin

May mga panganib na dulot ang hindi wastong pagbasa ng mga pakete/food labels.
Maaari itong makapagpalubha ng sakit dahil sa maling paggamit nito at
makaaapekto sa ating pang araw-araw na Gawain.

Narito ang mga dapat nating tandaan upang maiwasan ang panganib nito.

Kapag nakakain ka ng sirang pagkain


a. Pagsakit ng tiyan/ pagsusuka/ (expired), maaaring sasakit ang iyong
pagkakasakit tiyan, pagsusuka at magiging dahilan ito
ng iyong pagkasakit.
May mga pagkaing naglalaman ng
b. Pagkaroon ng allergic reaction allergens na maaaring magdulot ng
allergies tulad ng pagbahing,
pangangati, hirap sa paghinga,
pagkahilo, at iba pa.
Ang sinomang hindi nagbasa ng
c. Pangangayayat o pagtaba dahil sa Nutrition Facts ay maaaring makakuha
maling nutrisyon ng maling nutrisyon. Mababasa rito ang
tamang sukat ng pagkain na maaari
mong kainin. Ang kulang o labis sa
pagkain ay makasama sa ating mga
katawan.
Ilagay sa loob ng refrigerator ang
d. Pagkapanis ng pagkain pagkain upang maiwasan itong
mapanis. Itabi ng wasto ang mga
pagkain upang mapanatili ang
sustansiya at pagkasariwa nito.
Kapag makabili ng pagkaing sira at
e. Pag-aksaya sa pera panis, hindi mo na maaaring kainin ito.
Naging sanhinng pag-aksaya ng pera.

7
Pagyamanin

Panuto: Tukuyin ang masamang epekto na maaaring mangyari kapag isinawalang-

bahala ang mga impormasyon sa pakete/ food labels. Isulat sa loob ng

kahon.

1.

2.

3.

4.

5.

8
Isaisip

Kung hindi wasto ang lugar na pinaglalagyan ng


pagkain, maaari itong masira o mapanis at kung
makakain tayo ng sirang pagkain maaaring makakuha
tayo ng mikrobyo na magiging sanhi ng pagsusuka,
pagsakit ng tiyan, pagkalason, pagkasakit, pagkaroon ng
allergic reaction, pagpayat o pagtaba dahil sa maling
nutrisyon. Sa huli, tayo’y nagsasayang lang ng pera o mas
lalaki pa ang gastos sa pagpagamot at lubos na
maaapektuhan angating kalusugan.

Isagawa

Panuto. Gumawa ng isang slogan na naghihikayat pagbasa ng pakete/food


labels.Gawin ito sa ¼ kartolina, lagyan ng disenyo at kulay.

9
Tayahin

Panuto. Isulat sa inyong sagutang papel ang salitang TAMA kung ang

pangungusap ay nagsasaad ng wastong impormasyon at MALI kung hindi.

__________________1. Mahalagang basahin ang mga impormasyong nakalimbag sa


pakete ng mga produktong pagkain.
__________________2. Magkapareho ang mga impormasyong nakalimbag sa food
label ng mga pagkain/inumin.
__________________3. Malalaman na sira na ang pagkain sa pamamagitan ng pag
amoy nito.
__________________4. Maaari pang kainin o inumin ang isang produkto kapag ito
ang panis na.
__________________5. Isinasaad sa food label ang kompletong impormasyon tungkol
sa laman ng isang produktong pagkain / inumin.
__________________6. Maaring makakuha ng sakit mula sa pagkain ng sira o panis
na produkto.
__________________7. Masisira ang pagkain kung hindi ilalagay sa refrigerator.
__________________8. Hindi na maaaring inumin o kainin ang isang produkto kapag
masama na ang amoy nito.
__________________9. Ang pagbasa ng food labels ay paraan upang makatipid ng
pera.
__________________10. Maaaring maihambing ang sustansiyang ibinigay ng mga
produkto sa pamamagitan ng pagbasa ng food labels.

10
Karagdagang Gawain

Panatang Pangkalusugan
Panuto: Dugtungan ang mga salitang nasa loob ng biluhaba at isulat sa

scroll upang makabuo ng isang panata. Isulat ang sagot sa iyong

sagutang papel.

babasahin uunawain isaalang-


alang

pag-iingatan makapanghihikaya
t

Babasahin …

11
12
Pagyamanin Subukin Subukin
 Pagsusuka 1. TAMA 1. D
 Pagsakit ng 2. MALI 2. A
tiyan 3. TAMA 3. D
Pagkakaroon 4. MALI 4. C
ng sakit 5. TAMA 5. D
 Pagkakaroon 6. TAMA 6. B
ng allergic 7. TAMA 7. D
reaction 8. TAMA 8. C
 Pagpayat/ 9. TAMA 9. A
pagtaba dahil 10. TAMA 10. B
sa maling
nutrisyon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Taňo, M., et.al (2015). Ating Alamin at Unawain. Edukasyong Pangkatawan

at Pangkalusugan 4 Kagamitan ng Mga-aaral, 251-256.

Aguilar, M. T.,et.al (2015). Ating Alamin at Unawain. Edukasyong Pangkatawan at

Pangkalusugan 4 Patnubay ng Guro, 108-111.

13
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies
(MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na
gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII
simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit
naming hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

14

You might also like