You are on page 1of 34

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Module 5a.1:


Heograpiyang Pisikal Ayon sa
Klima

i
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5a.1: Heograpiyang Pisikal Ayon sa Klima
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang
akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na
ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat:Joseph T. Dangtayan
Editor: Irlou V. Alado,Maria Leida M. Donque, Denah V. Andres, Nona Leah N. Escopalao
Tagasuri: Yusof A. Aliudin,Dennison J. Tangala, Agabai S. Kandalayang
Tagaguhit: Joseph T. Dangtayan
Tagalapat: Joseph R. Coyaye, Allan T. Basubas
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Feil Y. Almendra - Asst. Regional Director
Isagani S. Dela Cruz- Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Asst. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat - REPS, Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil – CID Chief
Juvy B. Nitura – EPSVR, LRM
Marcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Marilou P. Mangansakan - EPSVR,Subject Area Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

ii
4

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5a.1:
Heograpiyang Pisikal Ayon sa Klima

3
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Heograpiyang Pisikal Ayon sa Klima.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang panturo na katulad nito. Ito ay

inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamang kaalaman

upang mapalawak at malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Pagkakakilanlang

Heograpikal ng Pilipinas: Heograpiyang Pantao (Agrikultura). Ang inyong tamang paggabay ay

makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain at sagutin nila nang tama ang lahat ng

mga Gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para sa ating

mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pakatuto.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Ikaapat na Baitang ng Self-Learning


Module (SLM) ukol sa Heograpiyang Pisikal Ayon sa Klima.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin
mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
Tayahin
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Karagdagang Gawain
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Susi sa Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang alin mang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Mapayapang araw sa iyo! Naihanda mo na ba ang iyong puso


at isipan para sa iyong mga gagawin sa araw na ito? Kung hindi
pa, huminga ng malalim kasabay ng pagpikit ng iyong mga mata.

Ngayon, maaari ka ng magsimula sa paggalugad ng bawat


pahina ng modyul na ito. Tiyak na marami kang matutuklasan
hinggil sa bansang Pilipinas na iyong tinitirahan; ang kinalalagyan
nito sa globo at ang kaugnayan ng lokasyon nito sa klima ng
kapaligiran.

Most Essential Learning Competencies:

Nailalarawan ang Pagkakakilanlang heograpikal ng Pilipinas:

Heograpiyang Pisikal (klima, panahon, at anyong lupa at anyong


tubig), Heograpiyang Pantao (populasyon, agriklutura, at
industriya)

* Nailalarawan ang pagkakakilanlang heograpiyang pisikal ng


Pilipinas ayon sa klima. (AP4AAB-Ig-h-10)

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Anong heograpiyang pisikal ang tumutukoy sa kabuuang
kalagayan ng panahon ng isang bansa?

A. weather
B. climate
C. season
D. Cyclone
2. Ano ang mabuting naidulot na nakapaloob ang bansang
Pilipinas sa pagitan ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikornyo?
A. pagkakaron ng klimang yelo
B. pagkakaroon ng klimang polar
C. pagkakaroon ng klimang tropikal
D. pagkakaroon ng klimang temperate
3. Kung ang hanging Amihan ay hanging umiihip mula sa
hilagang-silangan ng bansa, saan naman nanggagaling ang
hanging Habagat?
A. hilagang- kanluran
B. hilagang -silangan
C. timog - kanluran
D. timog - silangan
4. Anong salik ng klima ang tumutukoy sa mga anyong lupa at
anyong tubig na pumapalibot sa isang lugar?

A. altitud
B. latitud
C. temperatura
D. katangiang pisikal

2
5. Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga lalawigan na
napapabilang sa timog at silangan ng Mindanao?

A. unang uri
B. ikalawang uri
C. ikatlong uri
D. ikaapat na uri
6. Alin sa mga sumusunod na deskripsyon ang tumutukoy sa
unang uri ng klima sa bansa?

A. dalawang magkaibang panahon; tuyo mula buwan ng


Nobyembre hanggang Abril, basa sa iba pang buwan
ng taon.
B. halos pantay-pantay na distribusyon ng pag-ulan sa
buong taon.
C. hindi gaanong nagkakaiba ang panahon, medyo tuyo
mula Nobyembre hanggang Abril, basa naman sa ilang
buwan ng taon.
D. walang panahong tuyo, maulan mula Nobyembre
hanggang Enero.
Panuto: Gamitin ang datos na nasa kahon sa pagsagot ng aytem
7-10.
Lugar Taas ng Lugar Katamtamang Dami ng
(above sea level) Temperatura Ulan/Taon
Baguio 1500 meters 22 digri 3100 mm
Celcius
Davao 6 meters 31 digri 1878 mm
City Celcius
Tagaytay 638 meters 27 digri 2546 mm
Celcius
Cagayan 9.7 meters 30 digri 2055 mm
de Oro Celcius

3
7. Ayon sa datos, anong temperatura ang pinakamainit?

A. 22 digri Celcius
B. 27 digri Celcius
C. 30 digri Celcius
D. 31 digri Celcius

8. Ano ang WASTONG pagkakasunod-sunod ng mga lugar kung


isasaayos ito mula sa pinakamababa hanggang sa
pinakamataas na dami ng ulan?

A. Baguio – Tagaytay – Cagayan de Oro – Davao City


B. Davao City – Cagayan de Oro - Tagaytay – Baguio
C. Baguio – Cagayan de Oro – Davao City – Tagaytay
D. Tagaytay – Cagayan de Oro – Davao City – Baguio

4
9. Paano mapatunayan na ang taas ng isang lugar ay may
direktang relasyon sa dami ng ulan nito?

A. kapag mataas ang lebel ng lugar, mababa ang dami ng


ulan nito
B. kapag mataas ang lebel ng lugar, mataas ang dami ng
ulan nito
C. kapag mainit ang isang lugar, mataas ang dami ng ulan
nito
D. kapag mababa ang lebel ng lugar, mataas ang dami ng
ulan nito

10. Ano ang patunay na ang katangiang pisikal ng isang lugar ay


nakaaapekto sa temperatura nito?

A. malamig ang temperatura sa mababang lugar


B. mainit ang temperatura sa matataas na lugar
C. pantay ang temperatura sa mababa at matataas na
lugar
D. malamig ang temperatura sa matataas na lugar at
mainit naman sa mababang lugar

Balikan

Ang globo ay sumisimbolo ng mundong iyong ginagalawan.


Ito ay nilapatan ng mga haka-hakang linya na gagabay sa iyo sa
pagtukoy ng lokasyon ng bansa. Bilang karagdagan, ito ay
nakatutulong upang higit mong maunawaan ang mga
heograpiyang pisikal ng bansa tulad ng klima.

Bago ka magpatuloy, hasain mo muna ang iyong galing sa


pagtukoy ng iba’t ibang linya sa globo.

5
Gawain 1. “IBA’T IBANG LINYA AKING NAALALA!”

Panuto: Ibigay ang katawagan ng mga haka-hakang linya sa


globo. Isulat ito sa sagutang papel.

Tuklasin

Gawain 2. “PANAHON SA IBA’T IBANG PAGKAKATAON”

Panuto: Pag-aralan ang larawan. Bumuo ng salita mula sa mga


titik na nasa loob ng bawat kahon. Ang mga salitang
mabubuo ay may kaugnayan sa klima ng Pilipinas.
Sagutin din ang mga katanungan sa ibaba. Gawin ito sa
sagutang papel.

6
4. Ayon sa ipinapahiwatig ng larawan at nabuong salita, ano
ang klimang umiiral sa Pilipinas?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

7
5. Paano mo ilarawan ang klima ng bansa?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

8
Suriin

Narito ang isang bahagi ng globo na nagpapakita ng


eksaktong lokasyon ng Pilipinas.

Ipinapakita sa globo na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang


matatagpuan sa pagitan ng Tropiko ng Kanser (guhit sa 23.5 digri
hilaga ng Ekwador) at Tropiko ng Kaprikornyo (guhit sa 23.5 digri
timog ng Ekwador). Dahil dito, ang Pilipinas ay tinaguriang
tropikal na bansa.

9
Bilang tropikal na bansa, ito ay nakatatanggap ng tuwirang
sikat ng araw habang ang mundo ay pumapalibot sa araw. Dahil
dito ang Pilipinas ay nagkaroon ng dalawang uri ng panahon; ang
panahon ng tag-ulan na nararanasan sa mga buwan ng Hunyo
hanggang Nobyembre at panahon ng tag-init na nararanasan sa
mga buwan ng Disyembre hanggang Abril. Ito ang tinatawag na
klimang tropikal.

Kahit ang bansang Pilipinas ay nakararanas ng tag-ulan at


tag-araw, ang tindi ng init, ulan at lamig sa iba’t ibang probinsiya
nito ay magkakaiba. Ito ay dahil sa epekto o kontribusyong dulot
ng bawat salik o elemento ng klima.

Mga Salik ng Klima

Temperatura

Ito ang nagsasabi kung gaano kainit o kalamig ang isang


lugar. Ito ay tindi ng lamig na iyong nararanasan sa paglabas mo
sa iyong bahay. Maaapektuhan din ang temperatura ang layo o
lapit ng lugar sa katubugan.

Topograpiya o Katangiang Pisikal

Ang topograpiya ay tumutukoy sa anyong lupa at anyong


tubig na matatagpuan sa isang lugar. Ang taas ng lugar ang may
malaking kaugnayan sa klima nito.

10
Pag-aralan ang larawan sa ibaba.

Ang mga lugar na mabababa katulad ng kapatagan, ay


nakararanas ng mas mataas na temperatura o di kaya ay mas
mainit na panahon. Samantala, ang mga matataas na lugar
katulad ng mga bundok o burol ay nakararanas ng mas mababang
temperatura o mas malamig na panahon.

Bilang patunay dito, mas malamig ang mga bayan ng


Makilala at Kidapawan kung ikukumpara mo ito sa bayan ng
Kabacan at Matalam. Ito ay sa kadahilanang ang Makilala at
Kidapawan ay matatagpuan sa paanan ng Bundok Apo, ang
pinakamataas na bundok sa bansa. Sa kabilang banda naman,
ang Matalam at Kabacan ay napabilang sa kapatagan.

Ang Rehiyon XII (SOCCSKSARGEN) ay tinaguriang isa sa


mga lugar na nakararanas ng pinakamainit na klima sa Pilipinas.
Sa kabilang banda naman, tuwing buwan ng Enero ,Hulyo at
Disyembre ang bansa ang nakararanas ng pinakamalamig na
klima.

11
Uri ng Hangin

Ang hangin ng Pilipinas ay pabago-bago at nagmumula ito sa


iba’t ibang direksiyon. Ang ihip ng hangin ay nagdadala ng
pressure sa atmospera kaya naaapektuhan nito ang klima sa isang
lugar.

a. Hanging Amihan o Sabalas o North East Monsoon

Ito ang hanging umiihip mula sa hilagang- silangan ng


bansa. Ito ay nagmumula sa bansang China at Siberia at
nagdudulot ito ng malamig na klima. Dumarating ang hanging
Amihan sa pagitan ng buwan ng Nobyembre at lumalakas ang ihip
nito sa buwan ng Disyembre at aabot pa ito sa Pebrero hanggang
Marso.

12
b. Hanging Habagat (Southwest Monsoon)

Ang hanging Habagat naman ay ang hanging nagmumula sa


Timog-kanlurang bahagi ng Asya na nagdadala ng isang mainit na
temperatura ng panahon. Nararanasan ng Pilipinas ang mga
matitindi at mabibigat na ulan sa panahong ito. Kung ang isang
lugar ay nasa mababang lebel, ang lugar na ito ay maaaring
magkakaroon ng pagbaha. Ang habagat ay dumarating simula sa
buwan nang Hunyo hanggang sa Setyembre o Oktubre.

Ang uri ng hangin sa bansa ay may epekto sa temperatura,


distribusyon ng ulan at kahalumigmigan ng isang lugar.

13
Dami ng Ulan

May kinalaman din ang dami ng ulan sa klima ng isang lugar.


May apat na uri ng klima sa Pilipinas ayon sa dami ng ulan.

Uri ng Lugar na
Deskripsyon
Klima Nakararanas
❖ Dalawang magkaibang ❖ Kanlurang bahagi
panahon. Tuyo mula ng bansa
Nobyembre hanggang
Unang uri
Abril. Basa o tag-ulan
mula Mayo hanggang
Oktubre.
❖ Maulan sa buong taon. ❖ Gitnang bahagi ng
Ang malalakas na ulan bansa
Ikalawang Uri ay nararanasan sa mga
buwan ng Nobyembre
hanggang Enero.
❖ Medyo tuyo mula ❖ Kanluran at Hilaga
buwan ng Nobyembre ng Mindanao
Ikatlong uri hanggang Abril at basa
o tag-ulan sa iba pang
buwan ng taon.
❖ Pantay na pagkabahagi ❖ Timog at Silangan
Ikaapat na uri ng tag-ulan at tag-araw ng Mindanao
sa buong taon.

Pagyamanin

Gawain 3. “KAPARES KO HANAPIN MO!”

Panuto: Hanapin sa kahon ang salik na may kaugnayan sa klima


na nais ipahiwatig ng mga larawan. Gawin ito sa
sagutang papel.

14
A. Dami ng ulan C. latitud

B. topograpiya D. temperature

E. galaw o ihip ng hangin

A.

1. 2.

1. 4.

15
5.

B.

Panuto: Ibigay ang deskripsyon ng bawat elemento ng klima.


Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. dami ng ulan
2. galaw o ihip ng hangin
3. latitud
4. temperatura
5. topograpiya

A. Tumutukoy sa init o lamig ng isang lugar.

B. Ipinapakita nito ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas sag lobo.

C. Tumutukoy sa mga anyong lupa at anyong tubig na matatagpuan


sa isang lugar.

D. Tumutukoy ito sad alas at dami ng tubig na matatagpuan sa


isang lugar.

E. Nagdadala ito ng presyon sa atmospera kaya naaapektuhan nito


temperatura, dami ng ulan at kahalumigmigan ng lugar.

16
Gawain 4. “BANSANG TROPIKAL ATING GALUGARIN”

Panuto:Pag-aralan ang mapang pangklima ng Pilipinas. Magbigay


ng limang (5) lugar o probinsiya na nakararanas sa bawat
uri ng klima ayon sa dami ng ulan. Gamitin ang leyenda
na nasa ibabang bahagi ng mapa. Gawin ito sa sagutang
papel.

17
Leyenda:

Uri ng Klima Probinsiya Deskripsyon

1.

2.

3.

4.

Gawain 5. “PAG-ISIPAN AT DESISYUNAN!”

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga datos sa bawat


bilang. Tukuyin kung anong uri ng klima ang tinutukoy
nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

18
Isaisip

Gawain 6. “NATUTUNAN, AKING ISA-ISAHIN”

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mapang pangkonsepto upang


mailarawan ang klima ng ating bansa. Sagutin ang mga
gabay na katanungan upang mabuo ito sa sagutang papel.

1. Anong klima ang umiiral sa ating bansa?

2-3. Ano-anong panahon mayroon ang ating bansa?

4-8. Ilista ang ibat’ ibang elemento na nakapagpapabago


sa klima ng isang lugar.

19
Gawain 7. “Uri ng Hangin Tukuyin”

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng klima ang inilalarawan sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________A. Ang klimang ito ay nangyayari sa buwan ng


Disyembre hanggang Pebrero.
_________B. Ito ang klimang halos pantay-pantay ang distribusyon
ng ulan sa buong taon.
_________C. Nagkakaroon ng tag-ulan ang buwan ng Mayo na
magtatapos hanggang Oktubre.
_________D. Ang klimang ito ay nararanasan sa loob ng tatlong
buwan na kung saan makakaramdam ng tag-ulan at
panandaliang init ng araw.

20
Isagawa

Gawain 8. “PANANAW SA BUHAY”

Panuto: Unawain ang katanungan at ibahagi ang iyong sariling


pananaw.

1. Sa iyong palagay, nasusunod pa rin ba ang mga klima na


nararanasan nating tag-ulan at tag-init sa mga inaasahang
buwan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Kung ikaw ay papipiliin ng lugar na titirahan, saan ito at


bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

21
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan


mula sa pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

1. Ano-ano ang dalawang uri ng panahon ang nararanasan ng mga


bansang may klimang topikal?

A. tagyelo at tag-init
B. tag-init at tag-ulan
C. tagsibol at taglagas
D. taglamig at taghamog

2. Alin sa mga sumusunod ang WALANG kinalaman o epekto sa


uri ng klima na tinatamasa ng Pilipinas?

A. temperatura
B. dami ng ulan
C. uri ng hangin
D. lagay ng panahon

3. Ang hanging Amihan ay hanging nanggagaling sa Dagat


Pasipiko. Anong temperatura ang dulot nito?
A. malamig
B. mainit
C. katamtaman
D. maalinsangan

4. Sa iyong palagay, bakit tumataas ang temperatura ng isang


lugar kapag ito ay nasa mababang lebel o altitud?
A. dahil tumataas ang pressure ng atmospera
B. dahil bumababa ang pressure ng atmospera
C. dahil mahirap itong maabot ng sikat ng araw
D. dahil direkta itong nakatatanggap ng sikat ng araw
22
5. Anong buwan nararanasan ng bansa ang pinakamalamig na
temperatura?
A. Abril , Mayo, Hunyo
B. Enero, Hulyo, Disyembre
C. Hunyo, Hulyo, Agosto
D. Marso, Abril , Mayo

6. Anong lalawigan sa Mindanao ang nakararanas ng may


pinakamababang buhos ng ulan?
A. Hilaga ng Mindanao
B. Katimugang Mindanao
C. Sentral ng Mindano
D. Silangang Mindanao

7. Kung nais mong makaranas ng pantay na distribusyon ng ulan


sa buong taon, saan ka dapat titira?
A. Mindoro
B. Mountain Province
C. SOCCSKARGEN
D. Surigao del Sur

Gamitin ang datos na nasa kahon sa pagsagot ng aytem 8-10.

Taas ng Lugar Katamtamang Dami ng


Lugar
(above sea level) Temperatura Ulan/Taon

22 digri
Baguio 1500 meters 3100 mm
Celcius

Davao 31 digri
6 meters 1878 mm
City Celcius

Tagaytay 27 digri
638 meters 2546 mm
Celcius

Cagayan 30 digri
9.7 meters 2055 mm
de Oro Celcius

23
8. Ayon sa datos, anong lugar ang madalas inuulan?
A. Baguio
B. Cagayan de Oro
C. Davao City
D. Tagaytay

9. Ano ang WASTONG pagkakasunod-sunod ng mga lugar kung


isasaayos ito mula sa pinakamaiinit hanggang sa pinakamalamig
na temperatura?
A. Baguio – Cagayan de Oro – Davao City – Tagaytay
B. Baguio – Tagaytay – Davao City – Cagayan de Oro
C. Davao City - Cagayan de Oro – Tagaytay – Baguio
D. Tagaytay – Cagayan de Oro – Davao City – Baguio

10. Ayon sa ibinigay na datos, anong konklusyon ang maaaring


mabuo hinggil sa lebel ng isang lugar at dami ng ulan nito?

A. kung mababa ang lebel ng lugar, mas mataas ang dami ng


ulan nito
B. kung mababa ang lebel ng lugar, mas malamig ang
temperatura nito
C. kung mataas ang lebel ng lugar, mas mataas ang dami ng
ulan nito
D. kung mataas ang lebel ng lugar, mas mababa ang dami ng
ulan nito

24
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng obserbasyon tungkol sa kasalukuyang


nangyayari sa iyong paligid ( hangin,topograpiya, dami ng ulan).
Itala ang mga ito sa iyong kuwaderno kung bakit ito nangyayari.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

25
26
ISAGAWA PAGYAMANIN GAWAIN 4
GAWAIN 3 1. Mindoro, Palawan,
1. Maaring magkaiba ang sagot Negros, Leyte
2. Maaring magkaiba ang sagot A. 2. Albay, Camarines Norte
1. A at Sur, Catanduanes,
TAYAHIN 2. E Quezon
1. B 3. B 3. Romblon, Masbate,
2. D 4. D Mountain Prov. Panay,
3. A 5. C Cebu, hilagang Mindanao
4. A 4. Hilagang Luzon, timog-
5. B B. kanluran ng Camarines,
6. D 1. D Albay, Marinduque,
7. C 2. E Batanes, silangan at timog
8. A 3. B ng Mindanao
9. C 4. A
10. C 5. C
GAWAIN 5 GAWAIN 6 GAWAIN 7
1. Tag-ulan 1. Tropical 1. Ikatlong uri
2. Tag-araw 2. Tag-ulan 2. Ikaapat na uri
3. Tag-araw o tag-init 3. Unang uri
4. Temperatura 4. Ikalawang uri
5. Latitud
6. Uri ng hangin
7. Dami ng ulan
8. Topograpiya o
katangiang pisikal
TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN
1. tropical 1. latitude 1. B
2. Tag-araw 2. ekwador 2. C
3. Tag-ulan 3. Prime meridian 3. C
4. Tropical 4. longhitud 4. D
5. Nakararanas ng 5. D
tag-ulan at tag- 6. A
init 7. D
8. A
9. B
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Araling Panlipunan 4 Gabay ng Guro Pahina 16-18


Araling Panlipunan 5 pahina 20-15

References
Ma. Corazon V. Adriano, Marain A. Caampued, Charity A. Capunitan, Walter F. Galarosa, Noel P.
Miranda, Emily R. Quintos. 2015. Araling Panlipunan, Kagamitan ng Mag- aaral. Pasig, City:
Kagawaran ng Edukasyon.

27
PAHATID-LIHAM

Ang sariling pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng


Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan
sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa
Most Essential Learning Competencies ( MELCs) ng Kagawaran
ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng
bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula
sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay
tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like