You are on page 1of 11

6

Module 3

Filipino
Halina’t Gumawa ng Babala

31
A DepEd-BEAM Distance Learning Program supported by the Australian Agency for International Development
Sa Mag-aaral

Kumusta ka na? Maayos ba ang pakiramdam mo ngayon?


Handa ka na ba sa panibagong gawain ngayon? Sana’y masiyahan
ka sa pagsusulat ng malinaw na patalastas o kaya ay babala.

Mga Dapat Matutuhan

Matutuhan mo sa modyul na ito ang pagsulta ng babala o


patalastas.

Subukin Natin

Basahin mo nang maayos ang maikling usapan sa ibaba at


sagutin ang mga sumusunod na mga tanong:

32
Sa ating mga gawain araw-araw sa buhay ay may mga babala
tayong sinusunod.

Hindi, Ikaw
nabasa mo ba?
Liza, nabasa mo ba
ang patalastas para
“Nabibilang ba kayo sa mga Pilipinong may
sa mga Pilipinong
kapansanan? Kung gayon, magparehistro sa
may kapansanan?
Nobyembre 17 hanggang 21. Bukas lahat ng
Barangay Hall, Barangay Health Center at
Oo, eto o barangay school.”
basahin mo. Salamat sa balita mo. Sasabihin ko sa lolo
ko. Paralisado kasi ang kanang paa niya.

Mga Tanong:

1. Para kani-kanino ang patalastas na nabasa sa usapan?


2. Kailan dapat magparehistro ang mga tinatawagan?
3. Saan-saan dapat magparehistro ang mga tinatawagan?
4. Anong uri ng patalastas ang nabasa ng dalawang bata?
5. Saan nila nabasa ang patalastas?

33
Pag-aralan Natin

MAGTANIM NG MGA
PUNO. IWASAN ANG
BAHA SA PAMAYANAN.

Tatay, ano po ba ang Mga Patalastas


ibig sabihin niyong mga
nakikita natin habang Ang patalastas o babala ay
tayo ay naglalakbay? nagpapahayag ng bagay na nais
ipaalam upang maiwasan ang
aksidente o kaya naman ay
Ano naman po ang maisaayos ang mga bagay sa
patalastas? paligid. Katulad niyon. Nakikita
mo ba?

34
Mga Tanong:

1. Bakit pinapaalalahanan ang mga taong bayan tungkol sa


pagputol ng mga punongkahoy sa bundok at kagubatan?
2. Bakit mahalaga ang mga babala o patalastas?

Pagtatalakay:

Pinapaalalahanan ang mga mamamayan na iwasan ang


pagputol ng mga puno sa bundok at kagubatan dahil unti-unti
nang nakakalbo ang gubat. Kung iyong matatandaan, ito ang
dahilan sa panay na pagbaha na nagdudulot ng sakuna.
Nangyayari ito dahil ng kawalan na ng mga punong pipigil sa
tubig. Kaya kaunting ulan lang ay babaha kaagad. Naging dahilan
din ito sa labis na init tuwing tag-init. Ito’y dahil sa hindi na
balanseng kapaligiran.
Mahalagang-mahalaga na malaman ito ng taong bayan, kaya
nangangailangan ng paalala at babala.
Unawain mo na ang patalastas ay maikling mensahe na
nagpapahatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa:
gaganaping palatuntunan/iba pang gawain, panawagan sa madla,
kautusan ng bayan/paaralan, pangangailangan sa hanapbuhay at
nawawala.
Dapat tandaan na: kailangang tiyak ang paksa ng isang
babala o patalastas, kailangang maikli ang patalastas at
maliwanag ang mensaheng sumasagot sa mga tanong na Ano,
Sino, Saan at Kailan. Gamitin din nang wasto ang mga sangkap
sa pagsulat gaya ng malaking titik, bantas, pasok at palugit.

Gawin Natin

Sa isang malinis na papel, gumawa ng babala tungkol sa


mga sumusunod na paksa. Pagandahin ito upang
magmumukhang kaakit-akit sa mambabasa.

1. Bawal Manigarilyo
2. Mag-ingat sa Aso
3. Mag-ingat: Ginagawa ang Daan

35
Mga Dagdag na Gawain

Pag-aralan ang bawat larawan sa Hanay B. Sabihin ang ibig


ipahiwatig ng bawat larawan. Hanapin sa Hanay A ang angkop na
babala o patalastas para rito. Isulat sa kuwaderno ang titik ng
iyong sagot.

A B

1. Pook-Paaralan a.

2. Lahat ng upuan ay b.
puno na

3. Bawal ang likong U c.

4. Madulas ang daan d.


kapag basa

5. Pook-Pagamutan e.

36
Tandaan Natin

Ang babala ay maikling pagbabalita tungkol sa isang


mahahalagang pangyayaring maaaring magbunga ng sakuna
kung hindi agad maipaalam sa mga tao.

Halimbawa: May asong nangangagat!

Ang patalastas ay nagpapahayag ng isang bagay na nais


ipaalam agad sa maraming tao.

Mga Kasapi ng Samahang Filipino

Halimbawa: Ano: Pulong


Kailan: Biyernes, 4:00 n.h.
Saan: Oditoryum

Sariling Pagsusulit

A. Sumulat ng isang patalastas tungkol sa sitwasyon sa ibaba:

Boy Scout Camping na gaganapin sa Lake Agco, Illumavis,


Kidapawan City ngayong ika-25 ng Oktubre 2008. Ang sinumang
nagnanais sumali ay magpatala lamang sa tanggapan ng punong-
guro.

37
Sa lahat na interesadong Boy Scout:

Ano: _______________________________________________
Sino: _______________________________________________
Kailan: _______________________________________________
Saan: _______________________________________________
Paano: _______________________________________________

B. Piliin sa kahon ang mga babalang angkop sa mga


nasasabing lugar sa ibaba:

1. paaralan  Barya lang po sa umaga.


2. pader  Bawal magtapon ng basura!
3. daan  No U-Turn
4. parke  Speak English
5. sasakyang pampubliko  Bawal Umihi Dito!

Mga Batayan:

 Tingnan sa “Gabay sa Pagwawasto” ang tamang sagot at


iwasto ang sariling pagtataya.

 Kung ang iyong iskor ay 8-10 tumuloy na sa susunod na


leksyon.

 Kapag ang iyong iskor ay 5-7 gawin ang susunod na


gawain.

 Kapag ang iyong iskor ay 4, 3, 2, 1 o kaya ay 0 balikan uli


ang buong modyul. Sikaping mapaghusayan ang pagbasa
at pag-unawa sa iyong binasa, at sagutin nang may pag-
iingat ang bawat tanong.

38
Pagyamanin Natin

Isulat sa kwaderno ang isang talata tungkol sa sumusunod


na anunsyo:

Sa lahat ng Girl Scout sa Ika-6 na Baitang:

Ano: Tree Planting


Sino: Girl Scout sa Ika-6 na Baitang
Kailan: Ika- 15 ng Nobyembre, 2008
Saan: Brgy. Little Baguio, Malita, Davao del Sur
Paano: Magdala ng tig-1 punlang puno

___________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________.

39
Gabay sa Pagwawasto

Subukin Natin

1. Ang patalastas ay para sa mga Pilipinong may kapansanan.


2. Kailangang magparehistro sa Nobyembre 17 hanggang 21.
3. Maaaring magparehistro sa Barangay Hall, Barangay Helath
Center at paaralan.
4. Ito ay isang panawagan o isang anunsyo.
5. Nabasa nila ang patalastas sa pahayagan.

Gawin Natin

Ang sagot sa “Gawin Natin” ay maaaring kagaya ng nasa


ibaba, ngunit maaari ring iba ang pagkagawa.

NO-SMOKING ZONE BEWARE OF DOGS

SLIPPERY WHEN
WET

Mga Dagdag na Gawain

1. d 2. c 3. a 4. e 5. b

40
Sariling Pagsusulit

A.

Sa lahat na interesadong Boy Scout:

Ano: Boy Scout Camping


Sino: Interesadong Boy Scout
Kailan: Ika 25 ng Oktubre, 2008
Saan: Lake Agco, Illumavis, Kidapawan City
Paano: Magpatala sa tangapan ng punong-guro

B.
1. Speak English
2. Bawal Umihi Dito
3. No U-Turn
4. Bawal Magtapon ng Basura!
5. Barya ng po sa umaga.

Pagyamanin Natin

Magkakaroon ng gawaing Tree Planting ang Girl Scout sa


Ika-6 na Baitang ngayong Ika-15 ng Nobyembre, 2008 sa Brgy.
Little Baguio, Malita, Davao del Sur. Ang lahat na lalahok ay
inaasahang magdala ng tig-isang punlang puno.

41

You might also like