You are on page 1of 16

Antas ng Wika

1. Pabalbal /Balbal
May katumbas itong slang sa Ingles at
itinuturing na pinakamababang antas ng wika.
Mga salitang Pangkalye o Panlansangan.
Tinatawag din itong singaw ng panahon sapagkat
bawat panahon ay may nabubuong mga salita.
Pinakamababang antas ng wika na karaniwang
ginagamit sa lansangan.
Karaniwang ito ay nabubuo ng isang grupo tulad
ng mga bakla na nagsisilbing koda nila sa kanilang
pakikipag-usap.
Mga Halimbawa
PARAK pulis
ESKAPO takas sa bilangguan
ISTOKWA Naglayas
JUDING bakla
TIBOLI Tomboy
BALBONIK taong maraming
balahibo sa katawan
BROKEBACK lalaki sa lalaking
relasyon
2. Kolokyal
Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na
hinalaw sa pormal na mga salita.
Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang
ito subalit maaari rin namang maging
repinado batay sa kung sino ang nagsasalita
gayon din sa kanyang kinakausap.
Ginagamit sa okasyong impormal at isaalang-
alang dito ang salitang madaling
maintindihan.
Mga Halimbawa
alala
lika
naron
kanya-kanya
antay
lugal
3. Lalawiganin/Panlalawigan
Karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo
sa lalawigan gaya ng mga Cebuano, Batangeno,
Bicolano, at iba pa na may tatak-lalawiganin sa
kanilang pagsasalita.
Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang
punto o accent.
Salitang ginagamit ng mga tao sa isang partikular
na pook.
Mga salitang ginagamit sa isang lalawigan at hindi
pamilyar na gamitin sa ibang lugar.
Mga Halimbawa
KAIBIGAN HALIK

Kaibigan-Tagalog Halik-Tagalog
Gayyem-Ilokano Ungngo-Ilokano
Higala-Cebuano Halok-Cebuano
Amiga-Bikolano Hadok-Bikolano
4. Pambansa/Lingua Franca
Ginagamit sa mga aklat, babasahin,
at sirkulasyong pangmadla.
Wikang ginagamit sa mga paaralan
at sa pamahalaan
Salitang higit na kilala o ginagamit sa
pook na sentro ng sibilasyon at
kalakalan.
Mga Halimbawa

aklat
ina
ama
dalaga
masaya
5. Pampanitikan
Pinakamayamang uri
Kadalasay ginagamit ang salita sa ibang kahulugan
Gumagamit ng idyoma, tayutay, at ibat ibang tono,
tema, at punto
Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang panitikan ay
ang kapatid na babae ng kasaysayan, ito ay dahil sa
ang wikang pampanitikan ay makasaysayan dahil sa
kanyang kakayahang lumikha ng piksyunal o kathang
isip.
Ito ay nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan
ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha,
palabas, at iba pang likhang pampanitikan.
Mga Halimbawa
Mabulaklak ang dila
Di-maliparang uwak
Kaututang dila
Balat sibuyas
Taingang kawali
Nagbukas ng dibdib
MGA KARAGDAGANG HALIMBAWA
1. PABALBAL/BALBAL

Salitang Pabalbal Kahulugan

gurang Matanda

sikyo Security guard

Tipar Party

Isputing Nakaputi

Yosi Sigarilyo

waswas Asawa
2. KOLOKYAL/PAMBANSA
Salitang Kolokyal Kahulugan

Sanaron Saan naroon

Kamo Wika mo

Ewan Aywan

Teyka/teke Hintay ka

Tena Tara na

Kako Wika ko
3. LALAWIGANIN/PANLALAWIGAN
Tagalog Ilokano Cebuano Bikolano

Aalis Pumanaw Molakaw Mahali

Kanin Inapoy Kan-on Maluto

Alikabok Tapok Abug Alpog

Paa Saka Tiil Bitis


4.PAMBANSA/LINGUA FRANCA
Salitang Pambansa (Filipino)

Kapatid

Baliw

Malaki

Katulong (kasambahay)
5. PAMPANITIKAN

Salitang Pampanitikan kahulugan

Mababaw ang luha Madaling umiyak

Magbanat ng buto Magtrabaho

Bukas palad Handang tumulong

Magmamahabang dulang Mag-aasawa

kapit-tuko Mahigpit ang kapit

You might also like