You are on page 1of 30

Manalangin

tayo
PAGBABALIK-ARAL

Awiting-bayan Bulong
URI NG AWITING-BAYAN
1. BALITAW
- Ito’y mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana
ng mga Bisaya.
2. KUNDIMAN
- Bersiyon ng mga awit ng pag-ibig sa mga Tagalog
3. PANANAPATAN
- Mga awiting inaawit kapag dumadalaw o nanghaharana
ang binata sa kanyang nililiyag o nililigawan.
4. DALIT
- Ito’y awit Na panrelihiyon o himno ng pagkadakila sa
Maykapal.
5. Diyona
- Awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal
6. Dung-aw
- Awit sa patay ng mga Ilokano.
7. Kumintang
- Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.
8. KUTANG-KUTANG
- Mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan.
9. SOLIRANIN
- Awit sa paggagaod o pamamangka
10. MALUWAY
- Awit sa sama-samang paggawa
11. OYAYI O HELE
- Awiting panghele o pampatulog ng bata at tinatawag na
lullaby sa Ingles.
12. PANGANGALULUWA
- Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog

13. SAMBOTANI
- Awit ng pagtatagumpay

14. TALINDANAW
- Isa pang uri ng awit sa pamamangka
Sagutin ang Tanong:
1.Bakit naging madali ang paglaganap ng mga awiting-bayan
sa iba’t ibang panig ng bansa?

2. Maituturing bang yaman ng ating panitikan ang mga


awiting-bayan? Bakit?
Masasalamin sa mga awiting ito ang mayaman at
makulay na kulturang Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng
Pilipinas. Kaya naman, lumaganap ang awiting-bayan sa
iba’t ibang bahagi ng ating bansa. May kani-kanyang
awiting-bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at
maging sa bulubundukin ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw.
Pansinin ang pamagat ng dalawang awit na kapwa tumutukoy sa
babae ang mga salitang ito subalit masasabi mo ba kung paano
nagkaiba ang mga ito?
Sa iyong palagay, alin kaya sa
dalawang salita ang gagamitin
Ang sa pormal na pagkakataon o
pagtitipon tulad ng sa paaralan
Dalagang o sa mga panayam o seminar?
Pilipina
Alin naman kaya ang maaaring
gamitin ng magbabakarda habang

Bebot sila’y nagbibiruan at


nagkukuwentuhan sa may kanto?
Ang mga salitang ito ay bahagi ng antas
ng wika batay sa pormalidad.
Nagkakaroon ng pag-aantas ng wika
depende sa lugar, okasyon, panahon,
kung kailan ito ginagamit, gayundin
kung sino ang kaharap o kausap.
Guro o punong-guro Magandang
umaga rin sa
Magandang iyo Jelmar.
umaga po
Bb. Cruz.
Kumusta, Okay h i e , Eto
ll o B e s
Tol! He Beshie,
lang Tol. ust a ?
m still alive.

Kapatid o
kaibigan
ANTAS NG WIKA
Batay sa Pormalidad
Lubhang mahalaga ang wika sa anumang lahi, pangkat o
komunidad. Sa pamamagitan nito, nagkakaunawaan ang mga tao na
naibabahagi nila ang kanilang mga idinidiwa.
Ang wika rin ay nakapag-ambag sa kaayusan, kaunlaran, at marami
pang iba.

Ayon nga kay TAMUGAN (1986), ang wika ay mahalagang bahagi ng


lipunan sa dahilang, ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipag-usap
o pakikipagtalastasan.

Ang antas ng wika batay sa pormalidad ay nahahati sa dalawang


kaantasan.
DALAWANG URI NG ANTAS NG
WIKA

1.PORMAL
2. DI-PORMAL O IMPORMAL
SALITANG IMPORMAL

Masasabing impormal ang antas ng wika


kung ito ay karaniwan, palasak, pang-araw-
araw at madalas na gamitin sa pakikipag-
usap sa mga kakilala o kaibigan.
TATLONG URI NG IMPORMAL NA
ANTAS

1. Balbal (Slang)
2. Kolokyal (Colloquial)
3. Lalawiganin (Provincialism)
BALBAL
Ito ay tinatawag sa Ingles na slang o salitang kalye
Pinakamababang uri ng wika na ginagamit ng tao
Ito rin ay maaaring matawag na koda ng isang
pangkat o grupo
Paraan ng pagbuo ng balbal
na salita
Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng salitang
Amerikano na naging kano
Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging
astig, pulis naging lispu
Paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan
tulad ng toxic na binigyan ng kahulugang hindi maayos ang
kalagayan o hindi maayos na tao tulad ng toxic na schedule o toxic
na kasamahan.
Pagbibigay-kahulugan mula sa katunog na pangalan tulad ng
Carmi Martin na ang kahulugan ay karma.
Pagbibigay Akronim tulad ng
NBSB - No Boyfriend Since Birth
OTW - On The Way

 Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog


Buwaya – (Crocodile) - sakim
 Panghihiram sa wikang banyaga
Mestizo at Mestiza - tisoy at tisay
Thunder - matanda
HALIMBAWA NG BALBAL
bagets – kabataan lispu – pulis
charing – biro nanok – nakaw
datung – pera sikyo – gwardiya
ermat – nanay utol – kapatid
erpat – tatay yosi – sigarilyo
KOLOKYAL
Ito ay ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas
na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa
salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang
dalawang salita.

Halimbawa:
pa’no mula sa paano
pre mula sa pare
kelan mula sa kailan
meron mula sa mayroon
nasan mula sa nasaan
‘wag mula sa huwag

Bahagi pa rin ng nito ang pagsasama ng dalawang wika ang Tagalog


at Ingles o Tag-lish o Tag-Espanyol

Halimbawa:
1. A-attend ka ba sa birthday ni Lina? ( Tag-lish)
2. Hindi, may gagawin kami sa eskwelahan. (Tag-Espanyol)
LALAWIGANIN
 Mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o
probinsiya o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o
kilala ang wika.
 Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na
kakaibang tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang
kahulugan dito.
HALIMBAWA:
Cebu: Galupad ang langgam.
Lumipad ang ibon.

Bicol: maluway
mabagal

Cavite: Na kain ka na?


Kumain ka na?

Ilocano: Manong at Manang


Kuya at Ate
SALITANG PORMAL
Salitang istandard dahil ang mga ito ay
ginagamit ng karamihan ng mga nakapag-aral
sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa
paaralan, sa mga panayam, seminar, gayundin
sa mga aklat, ulat, at sa iba pang usapan o
sulating pang-intelektuwal.
HALIMBAWA:
 Maybahay sa halip na waswit
 Ama at ina sa halip na erpat at
ermat
 Salapi o yaman sa halip na datung
Kabilang din sa uring ito ang masisining na salita
tulad ng tayutay, kasabihan, at kawikaang lalong
nagpaparikit sa pagkakagamit ng wika.

HALIMBAWA:
1. “Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa
itaas,
minsan ay nasa ilalim.” (tayutay)
2. “Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.”
( kasabihan)
PAGSASANAY:
Tukuyin kung anong impormal na wika ang bawat salita.

1. Praning – baliw
2. Aywan – ewan
3. May sugat ka? – May sundo ka?
4. 143 – I love you
5. Kelan – kalian
6. Molakaw na ka? – Aalis ka na?
7. Lispu – pulis
8. Nasan – nasaan
9. Dyahi – hiya
10.Natakbo ka? – Tumakbo ka?
• POINTERS:
Pagislam
Elemento ng Maikling Kuwento
Uri ng Pang-ugnay
Awiting-bayan at Bulong
Mga Uri ng awiting-bayan

You might also like