You are on page 1of 12

ARALI

N ANG AWITING BAYAN AT


BULONG MULA SA
2 BISAYA

MGA KASANAYAN:

 Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang


nais iparating ng napakinggang bulong at awiting-bayan.

 Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa


pagsulat ng awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin,
pormal).

 Nasusuri ang kulturang nakapaloob sa awiting -bayan.

PAUNANG SALITA
ARALIN 2 FILIPINO 7

Ang Aralin 2 ay inaasahang matutunan ng mga mag-


aaral ang mga sumusunod na mga paksa tulad na lamang
ng mga awiting-bayan at mga antas ng wika ayon sa
pormalidad. Sa pamamagitan ng kagamitang pagkatutong
ito ay mapaunlad ang iba’t ibang kasanayan ng mga mag-
aaral gaya na lamang ang kakayahang mahinuha ang
kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng mga awiting-bayan at mga bulong. Saklaw
rin sa araling ito ay ang mga iba’t ibang uri ng awiting-
bayan at antas ng wika batay sa pormalidad.

ARALIN 2:
Alam mo ba ang pasalindilang panitikan?
2| Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng
ating mga ninuno bago pa man ang pananakop ng mga Espanyol. Ito ang
panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagsasalin-salin ng pasalitang
tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon. Ilan sa mga uri ng panitikang
ARALIN 2 FILIPINO 7

Halina’t ating alamin ang nilalaman ng pangalawang aralin


tungkol sa iba’t-ibang awiting-bayan dito sa ating bansa.

Para sa kabuoang nilalaman ng awiting-bayan sa Kabisayaan, basahin


ang nasa pahina 147 – 151 ng aklat.

NILALAMAN:
TALASALITAAN:

 kalisud – hirap
 naglipay – nagsaya
 bayaan – iwan
 guihigugma – minamahal
 aslom - asim

 Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at


mayamang kultura’t tradisyon na lalo pang pinaningning
ng mga katutubong panitikan.

ATING ALAMIN

3|
ARALIN 2 FILIPINO 7
Ano nga ba ang awiting-bayan?
 Ang awiting-bayan na tinatawag ding kantahing–bayan ay isa sa
mga uri ng sinaunang panitikang Pilipino na naging popular bago pa
man dumating ang mga Espanyol.
 Ito ay nasa anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng
labindalawang (12) pantig sa bawat taludtod.
 Karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang bayan.
 Taglay rin ng mga ito ang iba’t ibang damdaming umiiral sa iba’t
ibang pagkakataon tulad ng kaligayahan sa panahon ng tagumpay,
pag-ibig, at mga kasayahan, kalungkutan sa panahon ng pagluluksa
at kabiguan, galit sa gitna ng digmaan, at maging ng kapanatagan ng
loob habang gumagawa ng pangkaraniwang gawain tulad ng
pagtatanim, pamamangka, at iba pa.

Basahin ang nasa pahina 157 para sa kabuoang nilalaman ng paksa.

IBA’T IBANG URI NG AWITING-BAYAN SA BANSA:


Narito ang iilan sa karaniwang uri ng awiting-bayang laganap sa iba’t ibang bahagi ng
ating bansa:
Balitaw – awit ng pag-ibig na ginagamit sa panghaharana ng mga Bisaya
Kundiman – bersiyon ng awit ng pag-ibig sa mga Tagalog. Ang isa pang uri nito
ay pananampatan o mga awiting inaawit kapag dumadalaw o nanghaharana ang
binate sa kaniyang nililigawan.
Dalit – awit na panrelihiyon o himno ng pagkadakila ng Maykapal
4| Diyona – awit sa panahon ng pamamanhikan o kasal
Dung-aw – awit sa patay ng mga Ilokano
Kumintang – awit ng pakikidigma o pakikipaglaban
Kutang-kutang – mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
ARALIN 2 FILIPINO 7

 Ang bulong o tinatawag din natin ngayon na orasyon naman ay maituturing na


isang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Ginagamit ito para
mabigyang babala ang mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan para
maiwasang matapakan o masaktan.

Halimbawa:
“Tabi – tabi …
Makikiraan lang kami
Kami’y patawarin
LAGING ISAISIP Kung kayo’y masasagi namin

ANTAS NG WIKA BATAY SA


PORMALIDAD
Buksan ang aklat sa pahina 160 para sa kabuoang nilalaman ng
paksa.

 DAPAT TANDAAN:

5| Mga salitang Impormal o Di Pormal


- mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa
mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa tatlo:
ARALIN 2 FILIPINO 7

1 Balbal (slang) – tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga


kalye kaya madalas na tinatawag na salitang kalye o salitang kanto. Ito
ay nabuo sa iba’t ibang paraan:

 Pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita


Halibawa: Amerikano – Kano
 Pagbaliktad sa mga titik ng isang salita
Halimbawa: tigas – astig
 Paggamit ng salitang Ingles at pagbibigay ng ibang kahulugan
Halimbawa: toxic – hindi maayos na kalagayan o hindi maayos na tao
 Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan

 Pagbibigay kahulugan mula sa katunog na pangalan


Halimbawa: Carmi Martin – karma
Iba pang halimbawa:
bagets – kabataan lespu – pulis
charing – biro nenok – nakaw
datung – pera sikyo – guwardiya
ermat – nanay utol – kapatid
erpat – tatay yosi – sigarilyo

2
6| Kolokyal (Colloquial) – uri ng salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-
araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas
ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang
dalawang salita.
pa'no mula sa paanokelan mula sa kailan
p’re mula sa paremeron mula sa mayroon
ARALIN 2 FILIPINO 7

 May iba na pinagsama ang dalawang wika tulad ng Tagalog at


Ingles o “Tag-lish” o Tagalog-Espanyol.
Halimbawa:
A-attend ka bas a birthday ni Arwin? (Tag-lish)

3Lalawiganin (Provincialism) – mga salitang karaniwang ginagamit sa mga


lalawigan o probinsiya o kaya’y partikular na pook kung saan kilala ang wika.
May kakaiba itong tono o bigkas na maaring magbigay ng ibang kahulugan.

Halimbawa:
 tanan mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “lahat”
 ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”
 manong at manang mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay
“kuya” at “ate”

Mga Salitang Pormal


- mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng
karamihan ng mga nakapag-aral ng wika.
Halimbawa:
- Maybahay sa halip na waswit
- Ama at ina sa halip na erpat at ermat
- Salapi o kayamanan sa halip na datung
7|
ARALIN 2 FILIPINO 7

 Kabilang din sa uring ito ang mga masisining na salita kagaya ng


tayutay, kasabihan, at kawikaang lalong nagpapaganda sa
pagkakagamit ng wika.
Halimbawa:
Aanhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo.

KAYA MO YAN!

G.1: PANUTO: Tukuyin kung ano ang tinutukoy ng bawat


pahayag. Isulat ang tamang sagot sa patlang na inilaan.

Kundiman Salitang Pormal Balbal


Lalawiganin Diyona Kumintang
Balitaw Dalit Kolokyal
orasyon Oyayi Dung-aw

______________________1. Ito ay ang awit sa patay ng mga Ilokano.


______________________2. Ito ay mga salitang ginagamit sa mga kalye kaya
madalas tawagin na salitang kanto.

8|
ARALIN 2 FILIPINO 7
______________________3. Ibang katawagan ng bulong na ginagamit natin sa
kasalukuyan.
______________________4. Salitang di pormal na ginagamitan ng pagpapaikli
o pagkakaltas ng titik sa salita.
______________________5. Ito ay ang awiting pang hele o pampatulog ng
bata.
______________________6. Ito ay himno o awit ng pagkadakila sa Maykapal.
______________________7. Ito ay isang awit ng pag-ibig ng mga Tagalog.
______________________8. Mga salitang ginagamit o kilala sa isang partikular
na pook.
______________________9. Mga awit ng pag-ibig na ginagamit sa
panghaharana ng mga Bisaya.
______________________10. Mga salitang istandard dahil ginagamit ng mga
nakakapag-aral ng wika.

G.2 PANUTO: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang balbal na ginamit


sa usapan ni Maria at Juana. Piliin sa hanay B ang titik ng tamang sagot.
(Maaring sagutan ang pahina 163 ng inyong aklat para sa
karagdagang gawain.)

______ Maria: Halika ka dito Juana, may


nagyoyosi diyan. A. idolo/hinahangaan
______ Juana: Oo nga Maria eh. Baka mategi
B. sigarilyo
pa ako nito.
______ Maria: Alam mo, nadaan ko yung C. nanay
shop ng lodi ko kanina.
______ Juana: Talaga? Alam mo ba, mga orig D. pera
lahat ng bibenta nila diyan.
______ Maria: At ito pa, lakas maka noypi ng E. orihinal
mga benta niya.
F. mamatay
______ Juana: Talaga ba, sige, tatawagin ko na
ermat at erpat ko. G. tatay
______ Maria: Sama na ako sa inyo, kuha lang
Ako ng datung.
9|
ARALIN 2 FILIPINO 7

G.3 PANUTO: (Gawing batayan ang pahina 163 ng inyong aklat)


Suriin ang antas ng wikang ginamit ng bawat tauhan sa usapang
nangyari sa isang family reunion. Kilalanin at isulat sa linya kung
ang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, o pormal.

PARA SA JOURNAL NOTEBOOK:


Ibigay ang inyong ideya sa katanungan sa kahon. Ang inyong magiging sagot ay
dapat hindi bababa sa 5 pangungusap.

PAMAGAT: PAGISLAM
JOURNA
L
Paano
1 mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga tradisyon, paniniwala, o kultura ng
Paano mo maipapakita
inyong ang pagpapahalaga
lugar na kinalakihan sa mga tradisyon, paniniwala, o kultura ng
o kinabibilangan?
inyong lugar na kinalakihan o kinabibilangan?

PAMAGAT: AWITING-BAYAN
JOURNA
L kailangang panatilihin at palaganapin ang ating mga awiting-bayan maging sa
Bakit
Bakit 2kailangang henerasyon?
kasalukuyang panatilihin at palaganapin ang ating mga awiting-bayan maging sa
kasalukuyang henerasyon?

INSTRUCTIONS FOR THE JOURNAL NOTEBOOK:


1. Isulat ang Journal Bilang 1 sa ikalawang pahina ng inyong notebook.
(Leave one page. Start your Journal No. 1 on the second page.)

10 |
ARALIN 2 FILIPINO 7
2. Ang kasunod naman na journal na isusulat ay ilagay sa kasunod na pahina,
hindi sa likod ng naunang journal. (Write the next journal in the next
page. Not at the back of previous journal.)
3. Ang dahilan kung bakit bakante ang unang pahina ng notebook ay
susulatan ninyo iyang ng table of contents. Ang format ay nasa kasunod na
pahina. (The reason why the first page is blank it is because you will make
a table of contents for the journal. Format is in the next page.)

FORMAT NG COVER PAGE FORMAT NG PAGSULAT NG


NG INYONG NOTEBOOK: INYONG JOURNAL:

PETSA: ________
FILIPINO 7
JOURNAL JOURNAL BILANG ___
NOTEBOOK -PAMAGAT-

Isulat ang katanungan dito…


__________(dito ang inyong
kasagagutan)_______________
PANGALAN: __________________ __________________________
ANTAS AT SEKSYON: ___________ __________________________
__________________________
STEWARD D. YAP, LPT __________________________
Guro __________________________
__________________________
___

FORMAT NG TABLE OF
CONTENTS (PAGE 1):

TALAAN NG
NILALAMAN
Journal sa Filipino 7
JOURNAL PAMAGAT PETSA ISKOR
BILANG

11 |
ARALIN 2 FILIPINO 7

SANGGUNIAN
Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., & Del Rosario, M. G. (2018). Ikalawang
Edisyon: Pinagyamang Pluma. 927 Quezon Ave., Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

PETSA KAILAN NATAPOS:


_________________________
PANGALAN NG MAGULANG AT PIRMA:
_________________________________________________

“Ang tunay na sekreto ng tagumpay ay pagsisikap at


patuloy na pagbangon sa bawat pagkakamali.”

12 |

You might also like