You are on page 1of 17

Ang Aralin 3 ay inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga

paksa tulad na lamang ng editorial o pangulong tudling at mga uri nito. Sa pamamagitan
ng kagamitang pampagkatutong ito ay mapaunlad ang iba’t ibang kasanayan ng mga mag-
aaral gaya na lamang ang kakayahang makagawa ng isang editorial at maging sa pagbuo
ng isang maayos at makabuluhang editorial na gumagamit ng tamang salita at mga
pahayag.

Nahihinuha ang kahulugan ng pangulong-tudling o editorial, katangian at


layunin ng pangulong tudling;

Nababatid ang mga uri ng pangulong-tudling;

Nakikilala ang mga pahayag na ginagamit sa panghihikayat

Nakagagawa ng isang mabisang pangulong-tudling;


ARALIN 3 FILIPINO 7

 Bahagi ng pahayagan nagsasaad ng mapanuring pagpapakahulugan ng


kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng
kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mamababasa.

 Isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa tunay na pangyayari.

 Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa


kahalagahan ng isang bagay.

 Tinig ng pahayagan na kung saan mababasa ang paninindigan ng isang kasapi


ukol sa isang napapanahong isyu.

 Layunin nito na magbigay batid, magpakahulugan at pumuna o hindi naman


kaya ay magbigay-puri, magpaunawa, magturo o manuligsa.

 Iisang paksa lamang ang tinatalakay.

 Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon.

2|
ARALIN 3 FILIPINO 7

Balitang batayan (newspeg) o ipotesis


(hypothesis) at reaksiyon nito. Dito binabanggit ang isyu
o paksa.
Panim ula Halimbawa: Isang malaking karangalan para sa
paaralan na ang mga batang mamamahayag ay muling
nanalo sa paligsahan sa pagsusulat.

Naglalahad ng mga tala, ideya, o paninindigan laban o


sang-ayon sa paksa. Ipinapahayag ng bahaging ito ang
opinyon o kuro-kuro ng patnugot. Maaring maglahad ng
pro (pagpanig) o con (pagsalungat) sa isyung tinalakay. Kat awan

Maaaring isang pagpapatibay sa kuro-kuro, mga


tagubilin o mga mungkahi. Nagaganap sa bahaging ito
ang paglagom upang mabuo ang kaisipang nais ikintal sa
Wakas mambabasa.

3|
ARALIN 3 FILIPINO 7

 Ipinaliliwanag o nililinaw ang isyu.


 Ipinaaalam nito ang isang pangyayari sa layuning mabigyang-
diin ang kahalagahan niyon.
 Tanging layunin ay magbigay kabatiran.

 Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang


pangyayaring naibalita o kasalukuyang ideya sang-ayon sa
paningin o pananaw ng pahayagan.
 Binibigyang-diin ang katuturan ang mga isyu at ipinakikita ang
mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang
layunin.

 Nagbibigay din ito ng impormasyon at interpretasyon.


 Tanging layunin nito ang hikayatin ang mambabasa na
pumanig sa kaniyang ideya o paniniwala.

 Hayagang panunuri ngunit hindi pambabatikos sa isang mainit


na isyu.
 Inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng
isyu.
 Nagtatalakay ng magkabilang panig ng isyu sa kabila ng
4| katotohangang ipagtatanggol niya ang isa sa mga ito.
ARALIN 3 FILIPINO 7

 Hinihikayat ang mga mambabasa upang pumanig sa isyung


pinapanigan o pinaninindigan.
 Nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo, at namumuna.

 Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa kahit


na ito ay namayapa na.

 Ipinapaliwanag ang kahalagahan ng mga tanging oksayon tulad


Pasko, Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng
Wika, Linggo ng Pag-iiwas sa Sunog

 Hindi karaniwang sinusulat, at bihirang malathala sa pahinang


editoryal.
 Isinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsay’y
sentimental at karaniwang maikli lamang.

 Bihirang sinusulat.
5|  Kalimitang paksa ay tungkol sa kalikasan.
 Nagpapahayag ng pilosopiya, hindi nakikipagtalo o
nagpapaliwanag
ARALIN 3 FILIPINO 7

 Sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan at


sabay nilang inilathala sa kani-kanilang pahayagan.

 Kilala sa tawag na Editorial Liner.


 Ang layner ay isang pangungusap o talatang tumatalakay sa
isang pangyayari o balita at naisusulat sa isang masaya,
mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano ang hinihingi sa
paksa.
 Inilalagay sa huling bahagi.
 Minsan ito ay hindi mula sa manunulat kundi pangungusap ng
isang dakila o kilalang tao.

1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula na maikling lamang.

2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan nang maayos


at malinaw.

3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran. Sa halip ay:


a. gumamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayan ang
simulain;
b. gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba;
6| c. gumamit ng magkatulad na kalagayan; at
d. banggitin ang pinagmulan ng mga inilahad na kalagayan.

4. Tapusin ng naangkop.
ARALIN 3 FILIPINO 7

LAGING ISAISIP

Sa pangnanais na makumbinsi o mahikayat ang iyong mambabasa sa


iyong paninindigan, para sa isang manunulat, isa itong hamon. Kaya ang
kaalaman sa angkop na mga pahayag na gagamitin ay makatutulong sa isang
maayos na panghihikayat. Narito ang iilan sa mga pahayag;

 Totoo/tama
 Tunay  Siyempre
7|  Talaga  Naniniwala akong
 Tumpak  Kaya mong maging bahagi ng
 Pero/subalit  Sama na
 Kaya natin ito
ARALIN 3 FILIPINO 7

Para sa mga gawain, pakibuksan ang inyong aklat sa mga pahinang ibinigay.

GAWAIN 1: (pahina ____ ng inyong aklat)


Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon kung ang mga pahayag ay nagsasaad ng
tamang panuntunan sa pagsulat ng editoryal.

GAWAIN 2: (pahina ____ ng inyong aklat)


Panuto: Kilalanin at salungguhitan ang mga pahayag at salitang nanghihikayat
sa sumusunod na mga pangungusap.
8|
ARALIN 3 FILIPINO 7

GAWAIN 3: (pahina ____ ng inyong aklat)


Panuto: Punan ng angkop na pahayag o salitang naghihikayat ang linya upang
makabuo ng mga pangungusap na nanghihikayat. Piliin ang sagot sa kahon.

Ang Aralin 4 ay inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na mga
paksa tulad na lamang ng kuwento ng epiko ng mga Bisaya na pinamagatang Hinilawod.
Sa pamamagitan ng kagamitang pampagkatutong ito ay mapaunlad ang iba’t ibang
kasanayan ng mga mag-aaral gaya na lamang ng pagpapahalaga sa kultura at kakayahan

9| sa pagtukoy ng mga pangyayari sa akda. Matututunan din ng mga mag-aaral ang


pagsasalaysay at ang mga salitang dapat gamitin.
ARALIN 3 FILIPINO 7

Natutukoy ang mahahalagang detalye sa napakinggang teksto tungkol sa


epiko sa Kabisayan;

Naisusulat ang isang tekstong naglalahad tungkol sa pagpapahalaga ng mga


taga-Bisaya sa kanilang kultura.

Nagagamit ng wasto ang mga pang-ugnay sa paglalahad at pagsasalaysay

Saan ba ang epikong Hinilawod ng mga Bisaya?

Ang epikong Hinilawod na nangangahulugan din na “Mga Kuwento Mula


sa Bukana ng Ilog Halawod” ay epiko mula sa mga Sulod sa Panay.
Natuklasan noong 1955 ni F. Landa Jocano. Ito ay binubuo ng apat na
mahahalagang episodyo:
1. Pangayaw o paglalakbay
2. Tarangban o yungib
3. Bihag
4. Pagbawi
(Mababasa ang buong nilalaman sa inyong aklat sa pahina _____)

10 |
ARALIN 3 FILIPINO 7

Nagsilang – nanganak
Nakatindig – nakatayo
Sumangguni – humingi ng payo
Suyuin – ligawan
Palaso - pana

Kaptan- Hari ng mga Diyos at Diyosa.


Alunsina- isang magandang diwata na umibig sa isang mortal. Kay Datu Paubari.
Datu Paubari- isang mortal na umibig sa isang diyosa na si Alunsina. Ang pinuno ng Halawod.
Mga manliligaw ni Alunsina- sila ang nagbalak na sirain ang Halawod sa pamamagitan ng
iang malaking baha.
Suklang Malayon- kapatid ni Alunsina siya ang nagsabi sa magkabiyak sa masamang plano ng
mga dating manliligaw ni Alunsina.
Bungot-Banwa- isang ginagalang na pari ang siyang magsasagawa ng ritwal sa tatlong
sanggol.
Labaw Donggon- isa sa mga anak nila Alunsina at Datu Paubari. Isang binata na mahilig sa
magagandang babae. Ito din ang naging dahilan ng kanyang kapahamakan.
Humadapnon- anak ni Alunsina at Datu Paubari. Nangako siya na ipaghihiganti niya ang
kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.
Dumalapdap- anak ni Alunsina at Datu Paubari. Ang nakipaglaban sa Balanakon at Uyutang.
Anggoy Ginbitinan- isa sa napangasawa ni Labaw Donggon, siya ay mula sa bayan ng
Handug.
Manalintad- isang halimaw na napatay ni Labaw Donggon.
Anggoy Doronon- siya ay nakatira sa Tarambang Burok, isa din sa napangasawa ni Labaw
Donggon.
11Nagmalitong
| Yawa Sinagmaling Diwata- siya ang asawa ni Buyong Saragnayan.
Buyong Saragnayan- ang Diyos ng Kadiliman.
Asu Mangga- ang naging anak ni Labaw Donggon kay Anggoy Ginbitinan.
Abyang Baranugon- ang naging anak ni Labaw Donggon kay Abyang Durunuun.
ARALIN 3 FILIPINO 7

Buksan ang pahina ________ ng inyong aklat para sa kabuuang nilalaman ng Epiko
ng Hinilawod

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siya sa tatlong mala-
bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at ni Buyung Paubari, isang mortal. Mga
kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa. Una niyang


nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy Doronoon.

Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na asawa


ni Saragnayan, tagapag-alaga ng araw.

Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal ng
maraming taon.

Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa silong ng bahay niya.

Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina Asu
Mangga at Buyung Baranugan.

Hinanap
12 | ng magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni
Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kaya napatay ang asawa ni Malitong
Yawa Sinagmaling.

Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang lambat.
ARALIN 3 FILIPINO 7

Buksan ang pahina ________ ng inyong aklat para sa kabuuang nilalaman ng Epiko
ng Hinilawod

Ang kultura ay nagpapakilala sa katangian ng isang bayan at ng kanyang mga


mamamayan. Masasalamin dito ang iba’t ibang kaugalian at pamamaraan. Dahil rin sa
pakikipag-unayan ng mga ninuno sa mga mananakop, nagkaroon din ng impluwensiya sa
ating kultura. Mahalagang malaman ang mapahalagahan ang ating kultura upang mas
lalong mapalawig at maisabuhay ng mga mamamayan ang mga kaugaliang ito. Mayroon
tayong iilang mga positibong kaugalian at katangiang bahagi ng ating kultura.

Mahigpit na Pagkakabuklod ng Pamilya


Pinapahalagahan ang paggalang sa mga nakakatandang miyembro ng pamilya, at
ang pagdadamayan sa oras ng pangangailangan.

Pagpapahalaga sa mga Kaugalian at Tradisyon


Ito ay ang pagpapahalaga at pagpapanatili sa mga makukulay na kaugalian at
tradisyon, kagaya na lamang ng mga pista, Santakruzan, ang mahabang pagdiriwang ng
kapaskuhan,
13 | at marami pang iba.

Pagpapahalaga sa Edukasyon
Kilala ang mga Pilipino sa pagpapahalaga sa edukasyon. Malaki ang sakripisyo
ng mga magulang upang matugunan ang edukasyon ng mga anak. Maraming probinsya
ARALIN 3 FILIPINO 7

Matibay na Pananalig o Pananampalataya sa Panginoon


Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng matibay na pananalig at
pananampalataya sa Panginoon kaya naman naging bahagi na ang panangalin sa pang-
araw-araw na buhay. Nagagawa pa rin nating ngumiti sa kabila ng mga problema dahil
sa pananalig at pananampalataya sa Panginoon.

Pagkakaroon ng Mayamang Panitikan at Sining


Mayaman ang Pilipinas sa panitikan, ito man ay naisulat o nagpasalindila.
Mayaman tayo sa mga panitikang sumasalamin sa atin bilang isang lahi. Sa sining
naman, ipinagmamalaki natin ang mga likha ng mga dakilang alagad ng sining tulad ng
sa pagpipinta, mural, eskultura, at iba pa. Maging sa musika, sayaw at mga
pagtatanghal, katutubo man o makabago ay hindi rin matatawaran ang kagandahan nito.

LAGING ISAISIP

Ang pagsasalaysay at paglalahad ay paraan ng tao para maipaliwanang,


mailarawan, at makapagbigay ng impormasyon tugkol sa kanyang karanasan, ideya o
paninindigan hinggil sa isang paksa. Karaniwan itong ginagawa nang pasalita subalit
14 |madalas din itong pasulat lalo na sa paaralan.
ARALIN 3 FILIPINO 7

 Sa paglalarawan (ang mga katangian ay, ang anyo ay, ang itsura ay, ang lasa ay,
ang kulay ay, at iba pa). Mahalaga din na pakilusan ang tauhan para mas lalong
magmarka.
 Sa paghahambing (pareho sa, magkaiba sa, higit na, mas, magkalayo ang
katangian sa, sa kabilang banda, at iba pa).
 Sa paglalahad ng sanhi o dahilan (dahil sa, sapagkat, palibhasa, at iba pa).
 Sa paglalahad ng suliranin at solusyon (ang problema ay, ang suliranin ay, ang
diperensiya ay, ang tanong ay, ang sagot diyan ay, ang solusyon ay, at iba pa).

PAALALA: Ihanda ang iyong aklat at doon mo isusulat ang iyong sagot sa
pahinang ibinigay.

GAWAIN 1: (PAYABUNGIN NATIN B pahina _______)


Panuto: Suriin at piliin mula sa kahon ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa maliit na kahon ang titik ng
tamang sagot.

15 |
ARALIN 3 FILIPINO 7

GAWAIN 2: (pahina ______ “Sagutan Natin B”)


Panuto: Piliin at bilugan ang mahalagang detalye ng epikong nabasa o
napakinggan.

GAWAIN 3: (pahina ______ “Sagutin Natin C”)


Panuto: Kilalanin kung alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
kababalaghan at kung alin ang nagpapakita ng karaniwang pangyayari na
maaring maganap kahit sa tunay na buhay. Isulat ang kababalaghan o
karaniwan sa linya.

GAWAIN 4: “ISULAT NATIN”


Panuto: Bumuo ka ngayon ng isang tekstong naglalahad sa pagpapahalaga ng
mga taga-Bisaya sa kanilang kinagisnang kultura. Sagutin ang mga tanong
upang maging gabay sa iyong bubuoin.
Paano pinapahalagahan ng mga Bisaya ang kanilang magulang?
Paano nila ipinapakikita ang pagmamahal at paggalang sa kapamilya, may
pagkukulang man o wala?
Ano-anong ritwal o paniniwala mayroon ang kanilang kulturang masasalamin
sa kanilang panitikan?
Ano-anong bahagi ng kanilang kultura ang nananatili at isinasagawa pa rin
hanggang ngayon?

16 |
ARALIN 3 FILIPINO 7

SANGGUNIAN
Baisa-Julian, A. G., Lontoc, N. S., & Del Rosario, M. G. (2018). Ikalawang
Edisyon: Pinagyamang Pluma. 927 Quezon Ave., Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

PETSA KAILAN NATAPOS:


_________________________________________
PANGALAN NG MAGULANG AT PIRMA: ____________________________

“Ang may malinis na kalooban ay walang kinatatakutan.”

17 |

You might also like