You are on page 1of 43

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Tagasaling-Wika

Imposibleng maisalin nang ganap sa ibang wika ang diwa ng sinulat ng


awtor sa isang wika sapagkat naisin man o hindi ng tagapagsalinay tiyak na may
mawawala, mababago, o madaragdag sa orihinal na diwa ng kanyang isinalin.
Isang magandang halimbawa dito ang pagsasalin ng isang basong tubig sa ibang
baso. Maisasalin nga ang tubig sa isang baso subalit tiyak na may maiiwan sa
pinanggalingang baso at ang naisaling tubig ay nalangkapan na ng ibang
elementong nasa basong pinagsalinan.
Pero kahit napakahirap na gawain ang magsalin, hindi maiwawaglit ang
katotohanang ang tagapagsalin ay laging pangalawa lamang sa orihinal. Sa
makitid o simplistikong pagpapakahulugan ay isinalin LAMANG niya sa ibang
wika ang isang likhang-sining ng awtor. Ang totoo, kung maganda ang salin, ang
napagtutuunan ng pansin ng mambabasa ay ang nilalaman ng teksto at ang
tumatanggap ng papuri ay ang awtor; kung hindi maayos, apektado ang nilalaman
ngb teksto, kayat pinupuna ang tagapagsalin.
Sadyang napakselan ng papel na ginagampanan ng isang tagapagsalin.
Kung ang awtor ang tampulan ng papuri, ang tagapagsalin naman ang nagiging
tambakan ng pamimintas. Kaya naman, sina Nida (1964;150-2) at Savory
(1968:50) ay nagbigay ng mga katangiang dapat taglayin o angkinin ng isang
tagapagsaling-wika na sa pagkakataong ito ay lalagumin at bibihisan natin ng
ating sariling karanasan.
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.

Ayon kay Nida, ito ay ang “first and most obvious requirement of any
translator”. Tungkol sa wikang isasalin, hindi sapat na nakukuha ang “general
drift” ng kahulugan ng kaniyang isinasalin o kaya’y mahusay siyang komunsulta
sa diksyunaryo. Kailangan din niyang maunawaan ang maliliit na himaymay ng

1|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

kahulugan, ang halagang pandamdaming taglay ng mga salita, at ang ginamit na


estilo na siyang bumuo ng “flavor and feel of the message”. May ilang dalubhasa
na nagsasabing hanggat maaari, ang wikang pagsasalinan ay dapat siyang unang
wika ng tagapagsalin na hawak na hawak niya sa kanyang palad. Ayon kay Nida,
dapat angkinin niya ang complete control of the receptor language.
Ang kakarampot na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin ay mapanganib. Mahahati sa dalawa ang kaalamang ito:
a. Sapat na kaalaman sa gramtika ng dalwang wikang kasangkot sa
pagsasalin.
- Ang nasa una nabanggit na kakayahan ay nauukol sa kakayahan sa
paggamit, samantalang ito ngayon ay tungkol sa kaalaman sa mga
kakanyahan ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Dapat
intindihin ng tagapagsalin, halimbawa, na magkaiba ang balangkas
ng Ingles sa pagbuo ng pangungusap, Sistema ng paglalapi at
pagbuo ng parirala na hindi maaaring ilipat sa Filipino.
b. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
- “Capacity for literary expression” ayon kay Nida. Hindi sapat na
garantiya ng isang tagapagsalin na alam niya ang paksa, may sapat
na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot, gayon din ang sapat
na kaalaman sa gramatika, lalo na kung ang isasalin mo ay isang
malikhaing uri ng panitikan (creative literature). Ang dahilan ay
sapagkat magkaiba ang kakayahan sa wikang panitikan kaysa
karaniwang kakayahan sa paggamit ng wika.
2. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Nakalalamang na ang tagapagsalin na higit na may kaalaman sa paksa


sapagkat siya ang higit na nakasasapol sa paksa at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito. Halimbawa: Ang isang gurong hindi nagtuturo ng
biology ay hindi magiging kasinghusay na tagapagsalin ng akdang tungkol sa
Biology kaysa gurong nagtuturo nito. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit
na kaalaman sa paksa. Sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito

3. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa


pagsasalin.

Ang alinmang wika ay nakabuhol sa kultura ng mga taong likas na


gumagamit nito. Ang Ingles ay wikang kasangkapan ng mga Amerikano sa
2|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

pagpapahayag ng kanilang kultura; ang Filipino ay gayundin sa pagpapahayag ng


kulturang Pilipino. At dahil sa pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansang
kasangkot sa pagsasalin, hindi tayo dapat magtaka kung may mga pagkakataong
hindi maisalin nang maayos ang isang bahagi ng materyal na Ingles. Ang dahilan
ay ang pagkakaiba sa kultura at hindi dahil sa ang Filipino ay mahinang klase ng
wika. Anupat dahil sa pagkakaiba ng kultura ng dalawang bansang kasangkot sa
pagsasalin, hindi tayo dapat magtaka kung may pagkakataon na hindi maisasalin
nang maayos ang isang bahagi ng materyales na nasusulat sa Ingles.
Gamitin natin ang halimbawang salita na “rice” sa Ingles. Ito ay
nabibigyan natin ng iba’t ibang katawagan ayon sa tiyak na kahulugang gusto
nating sabihin, haya ng makikita sa sumusunod na pangungusap:

Filipino
“He plants some rice.” (palay)
“He cooks some rice.” (bigas)
“He eats some rice.” (kanin)

Bawat awtor ng rnga aklat sa pagsasaling-wika ay may kanya-kanyang


depinisyon tungkol sa kung ano ang pagsasaling. wika. Subalit kapag sinuri ang
kanilang mga depinisyon, iisa lamang ang pangkalahatang diwang ibinibigay.
Tingnan natin ang ilang depinisyon ng pagsasaling-wika, ayon sa mga kilalang
eksperto o praktisyuner sa larangang ito. Sipiin natin sa Ingles ang kani-kanilang
depinisyon:

3.1 "Translation is a process by which a spoken or written utterance


takes place in one language which is intended and presumed to
convey the same meaning as a previously existing utterence in
another language." (C. Rabin 1958)

3.2 "Translation consists in producing in the receptor language the


closest natural equivalent of the message of the source language,
first in meaning and secondly in style." (E. Nida)

3|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

3.3 "Translation may be defined as the replacement of textual material


in one language (source language) by equivalent textual material in
another language (target language)." (J. C. Catford)

3.4 "Translation is an exercise which consists in the attempt to replace


a written message in one language by the same message another
language." (P. Newmark 1977)
3.5 "Translation is reproducing in the receptor language which
communicates the same message as the source language but using
the natural grammatical and lexical choices of the receptor
language." (M. L. Larson 1984)

3.6 "Translation is made possible by an equivalence of thought that


lies behind its different verbal expressions. (T. Savory 1968)
Pansinin na lahat no depinisyon ay bumangqit sa salitang "meaning” o
"message” na ano ibig sabihin, ang isinasalin ay kahulugan o mensahe mula sa
isinasalin tungo sa pinagsasalinanq wika. Walang depinisyon ang nagsabing ang
isinasalin ay salita. Nangyayari, mangyari pa, na isinasalin ang mga salita upang
sa gayOng paraan ay mailipat sa pinagsasalinang wika ang diwa o mensahe. mula
sa isinasaling wika, Ngunit ang gayon ay bahagi lamang ng pinakalayunin ng
pagsasalin—ang maisalin ang diwa o mensahe sa teksto. Kung lalagumin natin
ang isinasaad ng mga depinisyon sa itaas, ang maibibigay nating depinisyon sa
Filipino ay ganito: Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang
'ka ng pinakalamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang
isinasalin.
Ulitin natin na ang isinasalin ay diwa at hindi salita. Kung halimbawa'y
nagsasalin ng isang talata. ang isinasalin ay ang diwa ng talata atnnindi ang bawat
salita na bumubuo rito. Alam natin na ang kahulugang leksikal ng isang salita ay
malirnit na nagbabago kapag ito'y naging bahagi ng pangungusap. lato na kapag
ito'y napasama sa isang ekspresyong idyomatiko.
Sa bahaging ito'y mababanggit na rin na ang anumang pagbabago sa
estilo, pagdaragdag, pagbabawas. pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng
isinasalin nang walang malaking dahilan ay maituturing na paglabag na Sa
tungkulin ng tagapagsalin. Kung buhay pa ang awdor at maaaring makonsulta o
mahingan ng permiso. isagawa ang gayon bago pasukan ng anumang pagbabago
sa diwa at estilo ang kanyang likha.
4|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

Bukod sa mga nabanggit, mayroon pang binibigyang-diin ang mga


eksperto sa pagsasaling-wika sa hangaring maituwid ang kinaugalian nang paraan
ng pagsasalin, lalo na noong rnga dakong una. Ang mga sinaunang pagsasalin ay
masasabing napaalipin sa porma ng mensahe. Marami sa mga tagapagsalin noong
araw ano naniwala na wasto ang kanilang salin kapag nailipat nila sa wikano
pinaosasalinan ang sukat at tugma Kung tuia ang isinasalin o kaya'y ano
balanokas no mga pangungusap kung prosa naman ang isinasalin. Ano ganitono
uri o paraan ng pagsasalin ay kitang-kita sa mga unang salin no Biblya.
Subalit sa' makabagong kahulugan ng pagsasalin, pinagtutuunang-pansin
man ang porma ay pangalawa na lamanq sa mensahe ng tekstong isinasalin. Alam
natin na bawat ay may kani-kanyang kakanyahan, may kani -kanyang sistema ng
pagbubuo at pagsusunud-sunod ng mga salita upang magpahayag ng isang
kaisipan. Sa pagsasalin. samakatwid, ay hindi daoat pabilanggo ang tagapagsalin
sa kakanyahan ng wikangr ismasalin sapagkat may sariling kakanyahan ang
kanyahg wikang pinagsasalinar na siya niyang dapat isaalang-alang.
Hindi na rin nasisiyahan ang mga makabagong tagapagsa. lin na basta
ilipat sa Wkang pinagsasalinan ang diwa o mensaheng nasasaad sa wikang
isinasalin. Para sa kanila. ang mahalaga sa lahat ay ang magiging reaksyon ng
babasa ng salin na dapat sana, hangga't maaari, ay maging katulad halos ng
magiging reaksyon ng babasa ng orihinpl na teksto. Tingnan natin ang ilustrasyon
sa ibaba:
INGLES FILIPINO
(Wikang Isinasalin) (Wikang Pinagsasalinan)

Tagabasa A Tagabasa B

Ipinakikita sa ilustrasyon na kung babasahin ng Tgbsa A ang bersyong


Ingles (orihinal) at babasahin naman ng Tgbsa a ang bersyong Filipino (salin),
ang magiging reaksyon sana ng dalawang tagabasang ito ay halos magkatulad.
(Hindi natin masasabing magkatulad na magkatulad sapagkat walang pagsasaling
ganap o perpekto.)
Tinawag ito ni Nida (TST 1968:182) na "equivalence of response” na
kung saan ang "receptors of the translation text must respond to the translation

5|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

text equivalent to the manner in '"which the receptors of the source text respond to
the source text.”
Mababanggit na rin na kahit ang karaniwang tanong kung tama ang salin
ay nararapat lamang sagutin ng tanong din na "Para kanginoo- Ang ibig sabihin.
maaaring ang isang salin ay angkop sa isang pangkat ng mambabasa subaiit
rnaaaring hindi naman angkop sa ibang pangkat. Sa ganitong simulain, ano isang
pyesa ng literatura ay maaaring maqkaroon ng iba’t ibang tamang salin.
Linawin natin na hindi nangangahulugang hindi na isasaalangalang ng
tagapagsalin ang porma ng kanyang isinasalin. Ang pagsasaalang-alang sa diwa at
sa porma ng isinasaling teksto ay napakahalaga. Kaya lang, may mga
pagkakataong maaaring isakripisyo ang porma ngunit hindi kailanman ang diwa
ng isinasalin.
Mga Nagsasalungatang Paraan sa Pagsasaling-wika
Napakaraming iba't ibang simulain sa pagsasaling-wika na kalimitan ay
nagsasalungatan. Gaya ng nasabi na sa simula ng kabanatang ito, walang isang
prinsipyo o simulain sa pagsasalin ang tinatanggap nang walang pasubali, lalo na
ng mismong natuturingang mga dalubhasa o may mahaba nana karanasan sa
larangang ito. Ang nagsasalungatang paniniwala ng mga dalubhasa ay nilagom ni
Savory nang ganito:

- A translation must give the Words of the original.


A translation must give the ideas of the original.

- A translation should read like an original work.


A translation should read translation.

- A translation should reflect the style of the original.


A translation should possess the style of the translator.

- A translation should read as a contemporary of the original.


A translation should read as a contemporary of the translator.

- A translation may add to or omit from the original.


A translation may never add to or omit from the original.

- A translation Of verse should be in verse.


6|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

A translation of Verse should be In prose.

Nilinaw ni Savory, kung sabagay, na ang kanyang ginawang


pagpapangkat-pangkat ng nagsasalunoatano moa simulaing ito ay maaaring
baguhin — bawasan, dagdagan, ayusin nang panibago — ayon sa obserbasyon o
paniniwala ng iba. Maaari, halimbawa, na ang isang pares ay ipangkat na Iarnang
sa ibang pares; maaari ring ang isa sa isang pares ay ilipat o isanib isa sa ibang
pares. at iba pa. Ang mahalaga ay matalakay ang iba-ibang simulain na karamihan
nga ay nagsasalungatan.

Talakayin natin nang hiwalay.ang bawat pares ng nagsasa. lungatang mga


simulain.

4.1 "Salita" laban sa "Diwa"

Dapat bang piliting ang mga salita sa isinasaling teksto ay matumbasan sa


salin ng singkahulugang mga salita o baka dapat na ang isalin o tumbasan ay ang
diwa at hindi mga salita?
Kung iisipin. ang salita at diwa ay iisa sapagkat ikinakarga lamang sa una
ang huli. Hindi ba't kaya nagkaroon ng mga salita ay upang kumatawan sa mga
butil ng kaisipang ibig nating ipahatid sa ating kapwa? Sarnakatwid ay walang
dapat pagtalunan. Subalit hindi sa ganitong napakababaw na bagay nagkakaiba ng
paniniwala ang mga iskolar sa pagsasaling-wika.
Pag-usapan natin ito. Ayon kay Savory, hindi naman ang ibig sabihin sa
literal na salin ay ang literal na literal o isa-isang pagtutumbas sa mga salita sa
orhinal na teksto. Kalimitan ay balangkas ng mga parirala o pangungusap sa
isinasaling teksto ang naililipat ng nagsasalin sa kanyang pinagsasalinang wika.
Kahit noong mga dakong una, ang tinatawag na literal na salin ay hindi naman
ang pagtatapat-tapat ng mga salita ng orihinal at ng salin. May diwa ring
nakukuha sa literal na salin. Kaya lang. hirap ang bumabasa sapagkat hindi
natural o idyomatiko ang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan. Ito ang tinùtutulan
ng ibang pangkat ng mga tagapagsalin. Sila'y naniniwaleng hindi dapat sa
pagtutumbas ng mga salita ng isinasaling teksto nakabuhos ang aiensyon ng
tagapagsalin kundi sa ideya o mensahe ng kanyang isinasalin. Kayat sa salita
laban sa ideya, ang angkop na tanong na dapat talakayin ay ito: "Dapat bang
maging literal o idyomatiko ang
May mga tagapagsalin na matibay ano paniniwala s a literal na paraan ng
pagsasalin sa paniniwalang ang gayon ay nangangahulugan ng pagiging 'matapat'
7|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

sa orihinal. Tungkulin, anila, ng moa tagapagsalin na maging matapat sa orihinal


sapagkat sila'y tagapaosalin lamang. Alam nilang hindi sila ang awtor at ang
tekstong kanilang isinasalin ay hindi maaaring maging kanila kailanman: na sila'y
interprete Iarnanq o kaya'y tulay na nag-uuqnay. sa awtor at sa mambabasa.
Subalit magkagayunman, salungat pa rin sa literal na salin angL ibang
tagapagsalin sapagkat kung katapatan din lamang ang pag-uusapan, hindi
magiging “matapat”, anila, sa orihinal ang tagapagsalin sa pamamagitan ng
pagiging literal. Hindi maitatalwa. anila. ang katotohanan na may mga salita sa
wikang isinasalin na hindi natutumbasan ng isa ring singkahulugang salita sa
wikang pinagsasalinan.
Bukod dito, may mga pagkakataon pa rin, gaya ng natalakay na sa dakong
una, na ang isang kaisipan o ideya sa isang wika ay hindi maipahayag nang
maayos sa ibang wika dahil sa magkalayong kultura rig mga taong gumagamit sa
dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. 'Isa pa, ang literal na salin ay hindi
nagiging mabisa, lalo na kung ang kasangkot na daiawang wika ay hindi
magkaangkan. Sapagkat kapag hindi magkaangkan ang dalawang magkalayung-
magkalayo ang mga ito sa mga kakanyahan at mangyari pa'y sa mga paraan ng
pagpapahayag.
Kaya nga't kahit ipagpilitan. anila, ng iba na ang saling literal ay higit na
matapat sa diwa ng orihinai. matibay pa rin ang kanilang paniniwala na ang
kabaligtaran nito ang nangyayarl. Sa ibang salita, sa paghahangad ng tagapagsalin
na maging matapat sa orihinal sa pamamagitan ng pagsasaling literal, sa
katotohanan, ay lalo lamang siyang nagiging di-matapat.
Kung sabagay. makatwiran ang Iiteral na salin kung ang dalawang wika—
ang isinasalin al ang pinagsasalinan—ay magkaangkan at ang kultura ng mga
taong gumagamit ng mga ito ay hindi gaanong nagkakaiba. Ang iba't ibang
katutubong wika sa Pilipinas ay malaki ang pagkakatulad-tulad sa maraming
bagay sapagkat ang mga ito, ayon sa kasaysayan, ay buhat sa iisang angkan—sa
angkang Malayo-Polinesyo,
Halimbawa, sapagkat mag kaangkin ang Fili pino at Cebuano, ang
pagsasalin sa Filipino ng isang literaturang Cebuano sa paraang literal ay
masasabing makatwiran sa maraming pagkakataon.

8|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

9|
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

10 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

11 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

12 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

13 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

14 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

15 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

16 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

17 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

18 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

19 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

20 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

21 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

22 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

23 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

24 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

25 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

26 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

27 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

28 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

29 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

30 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

31 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

32 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

33 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

34 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

35 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

36 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

37 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

I. PAG-ALAM SA NILALAMAN

A. Isulat ang inaakalang tamang sagot sa patlang.

1-3. Ang tagapagsalin ay kailangang may sapat na sa kaalaman sa mga (1)


____________________________ ng Ingles at Filipino, gayunndin sa (2)
___________________ ng tekstong isasalin,at sa
(3)____________________________ ng mga bansang Amerika at Pilipinas.

4-9. Maraming nagsasalungatang paraan o simulain sa pagsasaling-wika, tulad


ng salita laban sa (4)________________ himig-orihinal laban sa
(5)_______________, estilo ng awtor laban sa (6)__________________,
panahon ng awtor laban sa (7)____________________, maaaring baguhin
laban sa (8)________________, at tuta-sa-tula laban sa (9) ______________.

38 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

10-11. Malaki ang pagkakaiba sa kakanyahan ng mga wikang hindi (10)


_________________at malaki naman ang pagkakatulad sa kakanyahan ng
mga wikang (11) __________________.

12-13. Sa pagsasaling-wika, dapat malaman ng tagapagsalin ang mga


kakanyahan o ang mga (12) _____________ at (13) ______________ ng
dalawang wikang kasangkot sa kanyang pagsasalin.

14-15. Sa Ingles, ang normal na balangkas ng pangungusap ay (14)


________________, samantalang sa Filipino, ang itinuturing namang
karaniwang ayos ay (15)________________

B. Basahin ang bawat pangungusap, Pagkatapos ay baguhin ito ayon sa


hinihinging pokus ng pandiwa.
Halimbawa:
Pokus sa Tagaganap: Nagpatay ng manok ang Nanay.
Pokus sa Layon: Pinatay ng Nanay ang manok. /
Ang manok ay pinatay ng Nanay.
(Paliwanag: Maaaring isagot ang alinman sa dalawang ayos o kayarian no
pangungusap.)

1. Pokus sa Layon: Iniwasto no guro ang pagkakamali ng mga mag-aaral.


Pokus sa Tagaganap: ______________________________________

2. Pokus sa Layon: Iniluto ng aking kapatid sa malaking kaldero ang karne.


Pokus sa Ganapan: ________________________________________

3. Pokus sa Tagaganap: Pumunta ako kahapon sa bagong bahay ng aking


kapatid.
Pokus sa Gamit: ____________________________________________
4. Pokus sa Tagaganap: Nagluto ng pagkain ang Lola para sa kanyang mga
apo.
Pokus sa Tagatanggap: ____________________________________

5. Pokus sa Tagaganap: Nagdiditig ng mga halaman ang hardinero.


Pokus sa Layon: ____________________________________________

6. Pokus sa Gamit: Ipinambalot ng tindera ang papel sa tinapay,


39 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

Pokus sa Layon: ____________________________________________

7. Pokus sa Ganapan: Pinaglalabahan ng mga taganayon ang malinis na


batis.
Pokus sa Tagaganap: ______________________________________

8. Pokus sa Tagaganap: Namili ako ng maraming pasalubong para ay


Minnie.
Pokus sa Tagatanggap: ____________________________________

9. Pokus sa Layon: Hinuli ng pulis ang magnanakaw.


Pokus Tagaganap: _________________________________________

10. Pokus sa Layon: Iniinit ko sa lata ng kape ang kape.


Pokus sa Ganapan: ________________________________________

11. Pokus sa Layon: Pinunasan ni Mr. Reyes ng basahan ang kanyang mesa.
Pokus sa Gamit: ____________________________________________

12. Pokus sa Tagaganap: Dumalaw ang kaibigan ko sa aking nilipatang


paaralan.
Pokus sa Direksyon: ________________________________________

13. Pokus sa Tagaganap: Ipinaghanda namin siya ng masarap na pagkain.


Pokus sa Layon: ____________________________________________

14. Pokus sa Ganapan: Pinagtapunan niya ng papel ang basurahan.


Pokus sa Tagaganap: ______________________________________

15. Pokus sa Layon: Tinalian ko ng lubid ang malaking kahon.


Pokus sa Gamit: ____________________________________________

II. PAGTALAKAY SA NILALAMAN

1. Ayon kay Wilamowitz, "ang pagsasaling-wika ay tulad ng paglilipat ng


kaluluwa ng isang nilalamang sa katawan ng isang patay" Sang-ayon ka ba
sa pahayag na ito? Baklt?

40 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

2. May mga nagsasabi na kung ang likha ng awtor ay itlnuturing na likhang-


sining, ang salin ng tagapagsalln ay hindi sapagkat Isinalin lamang nlya
ang Iikhang-sining ng awtor, Sang-ayon ka ba rito? Bakit?

3. Sabihin kung sang-ayon ka o hindi sa sumusunod na pahayag at kung


bakit: "Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at kakayahan bilang
kasangkapan sa pagpapahayag ng sariling kulturang kinabubuhulan nito."

4. Ipaliwanag ang sumusunod na depinisyon, lalo na ang bahaging may


salungguhit: "Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasaling
wika ng pinakamalapit na katumbas na diwq at esti'ong nasa wikanq
isinasalin."

5. Magbigay ng ilang dahilan kung bakit ginagamit pa rin hanggang sa


ngayon ang mga Pasyon na sinulat maraming taon ne ang nakakaraan.

6. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag at magbigay ng kinakailangang


mga halimbawa: "Ang Filipino ay mayaman sa paglalapi, samantalang ang
Ingles naman ay higit na mayaman sa mga ekspresyong idyomatiko."

7. Ilarawan ang uri ng Filipinong iyong gagamitin kung ikaw ay magsasalin


ng isang pormal na sanaysay mula sa Ingles.

8. Sang-ayon ka ba na ang mga daglat at akronim. gayundin ang mga


pormula, na establisado o unibersal na ang gamit ay hindi na kailangang
baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino?
(Halimbawa: UNO sa halip na SBN (Samahan ng mga Bansang
Nagkakaisa), USA sa halip na ELIA (Estados Unidos ng Amerika), DECS
sa halip na KEKI (Kagavvaran ng Edukasyon, Kultura at Isports). GSIS sa
halip na PNP (Paseguruhan ng mga Naglilingkod sa Pamahalaan), cm. sa
halip na sm (sentimetro). H20 sa halip na Tu (Tubig). atb.) Bakit?

III. MALIKHAING PAGKAKAPIT (PERFORMANCE TASK)

Panuto: Bumuo ng isang minutong bidyu kung alin ang pipiliin mo sa


dalawang nagsasalungatang paraan sa pagsasalin. Pumili lamang ng isa sa
mga nakalista.
41 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

a. Literal laban sa Idyomatikong Salin


b. Hlmig-Orlhlnal laban sa Himig-Salin
c. Tula-sa-Tula laban sa Tula-sa-Prosa

Santiago, A. O. (2003). Sining ng Pagsasaling-wika sa Filipino Mula sa Ingles


Ikalawang Edisyon. Manila, Philippines: REX Book Store.

___________________________ __________________________
Date accomplished Pre-service
Teacher’s Signature Over
Printed Name

______________________________
Date Received

42 |
INTRODUKSIYON SA PAGSASALIN Language 4 - PRELIM/2021-2022

“Ngunit maraming nauuna ang nahuhuli, at maraming nahuhuli na mauuna.”


Mateo 19:30

43 |

You might also like